Chereads / Until The Last / Chapter 5 - CHAPTER 2

Chapter 5 - CHAPTER 2

"Magandang araw class, na-announce ko na sa inyo kung sino ang sasali sa quizbee, si Kyler and Xylyn good luck sa inyo and practice pa kayo."

"Naku Xy good luck na lang sa 'yo, practice pa kayo ni Kyler galingan niyo," payo ni Myelin.

"Oo naman gagalingan namin pangako 'yan," sagot ko naman.

Mamaya na lang siguro kami mag pa-practice, mahaba pa ang oras na gugugulin namin para dito at saka ang pagkakaalam ko madali lang naman daw ang mga tanong kaya kayang-kaya raw namin iyon.

"Xylynn," pagtawag sa 'kin ni Kiel.

"Oh bakit?" tugon ko sa kaniya.

"May gagawin ka ba ngayon? samahan na kita wala naman kaming gagawin," sabay ngiti nito.

"Okay sige," pabalik ko ring ngiti.

Naglakad-lakad kami sa labas habang nag-uusap, hindi siya madaldal katulad nila Jerome, iba siya sa mga lalaki na nakilala ko.

"Ano ba gagawin mo?" tanong niya.

"Mag pa-practice kami sa quizbee, sinama kasi ako ni ma'am sa laban." Medyo nainis ako ng bahagya, sino ba naman kasi ang maiinis at magugulat, kung ano pa ang hate na subject doon ako sinali.

"Ah, good luck na lang sa 'yo," masaya niyang tugon.

Naalala ko tuloy si Kai gano'n din kasi siya ka supportive sa 'kin, hindi siya 'yung taong puro negative ang sinasabi.

"May gagawin ka ba? baka nakakaistorbo ako," ani ko.

"Wala, baka nga ako nakakaistorbo kasi may laban kayo, sure ako na mag pa-practice ka pa, bye muna bukas na lang," sagot niya.

"Sige babye."

Hanggang kailan ko kaya malalaman kung siya ba talaga kababata ko o baka naman imahinasyon ko lang iyon, umaasa na naman ako sa wala. Pero kahit na, I will do everything mahanap ko lang siya, hangga't buhay pa ako may pagkakataon na magkita kaming muli.

"Kasama mo na naman childhood mo na hindi ka naman sigurado."

Nalipat ang atensyon ko sa isang lalaki na bigla na lamang sumabat, tumingin naman ako kaagad at doon ko nakita ang tsismoso kong kaklase.

"Ikaw na naman sinusundan mo ba ako, stalker ka noh, o kaya naman may masama kang balak sa 'kin, sige subukan mo lang."

" Don't be fool and don't assumed that I follow you tara na mag-rereview pa tayo," pagsagot niya.

"Eh kung ayaw ko?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Pipilitin ka, pwede ba 'wag kang mag bata-bataan hindi sa 'yo bagay tara na mag pa-practice na tayo."

***

Nandito na kami sa library, dito na lang kami mag-rereview, para tahimik, walang istorbo, at hindi kami mababagabag, suggest niya rin kasi na dito na lang since, maraming libro na puwede naming gamitin as a guide.

"By the way, sure ka na ba na si Kiel talaga kababata mo?" tanong niya habang nilalaro ang ballpen.

" 'Di ba mag-rereview tayo ba't ka nagtatanong tungkol sa childhood ko?"

"Tsk, ayaw mong mag-review 'di ba sabi mo kagabi ikaw na lang mag-isa so hiramin mo na lang notes ko, sagutin mo muna tanong ko."

"Ayoko nga."

Tumayo siya,"Ayaw mo ako na lang magtatanong."

"Saglit sasagutin ko na tanong mo hindi pa'ko sigurado kung siya, oh 'yan okay na?"

"Good eto notes ko mag review ka, bukas na labanan Good luck!"

Nakakainis siya pakilamero ano naman ngayon kung hindi ko alam na siya yung childhood ko, tsismosong palaka.

"Nga pala, siguraduhin mo muna kung siya ba talaga childhood mo baka mamaya nasa tabi-tabi lang!" pagbabanta niya.

Inirapan ko siya. Nasa tabi-tabi raw nasa'n bakit 'di ko makita. Hay naku, kumukulo dugo ko sa kaniya. Kinuha ko na ang notes niya at nilagay sa loob ng bag. Bumalik na rin ako sa room dahil wala naman na akong gagawin pa.

***

"Xylyn miss kita," ani ni Myelin.

"Na-miss? saglit lang naman ako."

"Na-miss ko yung sabay tayo kumain at nag-uusap puro si Kyler and Kiel kasama mo."

"Tara punta tayo cafeteria hindi pa 'ko kumakain babawi ako ngayon" masaya kong tugon.

***

"Kumusta pag-papractice niyo ni Kyler?" tanong niya bago isubo kinakain niya.

"Okay naman kinuha ko notes niya para maintindihan ko."

"Ahh si Kiel kumusta? siya na ba talaga childhood mo?" pagdududa niya.

"Hindi pa ako sigurado eh pero feeling ko siya na 'yon yung matagal kong hinahanap" sagot ko.

"Ehh ikaw kumusta kayo ni Jerome ayiee kinikilig" ani ko.

"Wala akong pake sa lalaking 'yun,"sagot niya.

"Hoy anong walang pake sino 'yon?" panghihimasok ni Jerome.

Myelin:

Inirapan niya,"Lagi kang sumasabat sa usapan namin ni Xy."

Jerome:

"Pake mo ikagagalit ba ni ma'am kung lagi akong sumasabat?"

"Alam niyo tumigil na kayo para kayong aso't pusa laging nagbabangayan."

Kailan kaya sila hihinto kakaaway hindi ba sila napapagod parang ini-enjoy pa nila.

Myelin:

"Tara na Xy busog na 'ko hindi na ako nagugutom dumating lang yung isa diyan pumangit na mood ko."

"Eh ka-"

"Oh tumahimik ka na Jerome tikum mo na bibig mo 'wag kang magsasalita hangga't hindi kami umaalis."

***

Pagkatapos namin kumain ay umalis na kaagad kami roon.

"Xy, sabay tayo umuwi."

"Sige sige."

"Good luck pala sa inyo bukas."

"Salamat."

"Eto na pala bahay mo bye review ka ha baka makalimutan mo good night."

Bago ako nag-review tiningnan ko muna kung may nag-announce sa gc namin.

Scroll

Scroll

Scroll

Ahh wala, nagulat akong may biglang nag-friend request.

Kiel sent you a friend request

Si kiel in-accept ko naman siya at bigla naman itong nag-message sa akin.

Kiel:

Best of luck sa inyo bukas payong kaibigan

Xylyn Sanchez Salcedo:

Salamat Kiel

Max Kyler Villavicencio have 1 message

Hayst! si Kyler na naman ano magtatanong na naman siya. Tiningnan ko na lamang ito baka may mahalaga siyang sasabihin.

Max Kyler Villavicencio:

Don't forget mag-review ka, bukas na labanan 'wag mo muna isipin si Kiel

Xylyn Sanchez Salcedo:

Opo noted

Kailangan pa ba niyang ulit-ulitin sabihin, alam ko naman na mag-rereview pa 'ko masyado siyang nagmamadali hindi naman ako kagaya niya na matalino.Kinuha ko na lang ang notes niya at books ko. Magpupuyat ako para sa quizbee gagawin ko ang lahat ng aking makakaya.

Habang hinahalungkat ko ang notes niya mayroon akong napansin na santan flower naka-drawing ito sa likod ng notebook niya.

Parang pamilyar sa akin ang bulaklak na 'to hmm... oo ito yung ginawa ni Kai na bracelet sa 'kin paano nalaman ni Kyler ang santan flower hindi naman ito masyadong kilala.

Nagtaka ako kasi kaming dalawa lang naman ng childhood ko ang may alam tungkol sa santan.Hindi ko na lamang inisip baka kasi alam din niya 'yon hindi lang naman siguro kami ni Kai ang may alam tungkol dito.

-Flashback-

"Csy may ibibigay ako sa 'yo."

"Ano 'yan Kai patingin ako."

"Mamaya kapag natapos ko na siya."

"Sige na ipakita mo na sa 'kin."

"Oh eto oh ginawa ko para sa 'yo."

"Wow ang ganda nito Kai santan flower ginawa mong pa-bracelet salamat Kai."

"Walang anuman ipangako mo sa 'kin Csy na lagi mo akong matatandaan tuwing makikita mo ang santan huwag mo akong kakalimutan at sana 'pag laki natin magkasama pa rin tayo."

"Oo naman bakit mo sinasabi 'yan aalis ka ba? hindi na ba tayo magkikita?"

"Magkikita pa tayo doon na daw kasi ako mag-aaral sa ibang bansa sabi nila mama, binigay ko sa 'yo ang santan na 'yan para hindi ka malungkot at lagi mo akong maaalala."

"Hinding-hindi kita makakalimutan pangako ko 'yan sa iyo."

Unti-unting tumutulo luha ko sa sinabi niya.

-End of Flashback-