Chereads / The Final Exam / Chapter 4 - TFE 2: Phantasm

Chapter 4 - TFE 2: Phantasm

"Theresa? Theresa, nandito na tayo!"

Makalipas ang ilang minuto ay gulat na bigla nalamang napa-mulat mula sa kanyang mga mata si Theresa.

Nagpa-linga-linga ang dalaga, at doon niya lamang napag-tantong naka-sakay na pala siyang muli sa tricycle.

Ngunit gayon pa ma'y, hindi parin mai-alis ng dalaga ang kanyang mga nakita kani-kanina lamang.

"A--Anong... Anong nangyari!?" May halong gulat at hindi parin maintindihang tanong ng dalaga sa kaibigan.

"Sh--Shouldn't I be the one asking you that? And woah, girl! You're sweating too much!" Ani Sheena.

"Marahil ay nanaginip ka ng masama eneng," wika naman no'ng tricycle driver.

Dahil dito'y napa-kunot lamang ng kanyang noo si Theresa.

"P--Panaginip? Panaginip lang ba ang lahat ng iyon?"

"Ah! Probably," sabi naman ni Sheena. "Naka-idlip ka kasi ng kaunti kanina Say eh. Pag-balik ko sa tricycle, hindi na kita ginising pa. Alam ko rin naman kasing antok ka parin dahil sa kung ano mang pinag-kakabusy'han mo kagabi," pag-kukwento ni Sheena.

Kaagad na napahawak si Theresa mula sa kanyang leeg dahil sa muli niyang naalala.

It felt so real! Ngunit gayon pa ma'y nag-papasalamat ang dalagang panaginip lang pala ang lahat.

Buong pag-aakala niya'y katapusan niya na talaga.

"T--Tungkol sa ano ba ang napanaginipan mo neng?" Tanong sa kanya ni Jasper, ngunit imbis na sabihin ay umiling-iling nalamang ang dalaga.

"H--Hindi ko na po maalala eh," pag-sisinungaling niya.

She still remembers everything so vividly, ngunit gayun pa ma'y gusto niya parin itong makalimutan.

Nakaka-lula lang talagang, may mga panaginip tayong gustong-gusto nating maalala, ngunit hindi natin mai-process pabalik mula sa ating mga utak, at iyong mga bangungot namang gustuhin man nating makalimutan ay pilit paring rumerehistro mula sa ating mga pangitain.

Seeing herself dying on her own nightmare is probably going to be one of the worst visions she had ever dreamed of.

"We'll talk about it later, okay? Ang importante ay naka-rating na tayo sa entrance road ng Annex University. And we only have 7 minutes more to go!" Naka-ngiting sabi sa kanya ni Sheena, mahahalata ang sobrang pag-alala.

Tumango-tango nalamang si Theresa.

"S--Sige," aniya.

"Siya nga pala, may ibibigay ako! Heto oh!" May ini-abot na isang bagay si Sheena mula sa kaibigan...

"Bracelet? Teka... Ito ba yung--"

"Yup! Yan nga yo'ng pinakay ko sa may antique store. Ang gaganda nila noh? At ang kintab pa no'ng heart shaped diamond sa may gitna! And I know you love blue, kaya yan ang pinili ko para sayo," naka-ngisi nitong wikang muli, sabay na isinuot iyong friendship bracelet mula kay Theresa. "Meron rin ako oh! Pink naman. Para pares tayo!" Aniya pa.

Napa-buntong hininga nanaman si Theresa.

"Kung gusto mo lang naman palang bumili ng bracelet edi sana sa pag-uwi nalang natin! Akala ko tuloy mali-late na tayo," reklamo pa nito.

"Look who's talking! Alam mo namang makakalimutin ako diba? Naalala ko na kanina eh! Kaya grab the opportunity nalang!"

"Whatever! But anyway, thanks! It's cute. I'll cherish this forever. So, tara na sa school?"

Kaagad namang tumango si Sheena, at pagkatapos no'n ay inilahad na nila kay Jasper ang kanilang pamasahe't nagpaalam na sa lalake.

Nag-simula na silang mag-lakad papunta sa kanilang paaralan, and it was just a few walks away, at makalipas ang limang minuto ay hindi namalayan ng magkaibigan na nasa may malapit na bahagi na pala sila ng school gate.

Halos patakbo na sila kung mag-lakad, dalawang minuto nalang din kasi ang natitira sa kanila, dahil kung hindi ay paniguradong mahuhuli na talaga sila sa unang flag ceremony ng buong eskwelahan. Ayaw naman nilang magpa-late at tumayo sa gitna ng plaza na sila lang.

Ngunit nang papalapit na ang dalawa sa mismong gate, pareho nilang ikinataka na wala silang may makitang guard na nag-babantay mula roon, which was --kind of odd for them, lalo na't halos hindi nga nito ma-iwan-iwanan ang gate dahil sa mga estudyanteng walang habas sa pag cu-cutting classes. Mostly ay mga freshmen galing sa 7th grade.

But what adds up to their further confusion ay nang makitang wari ba'y parang nagkakagulong mga estudyante mula sa loob ng kanilang eskwelahan.

Alot of students were gathering up in one place.

And no, it wasn't because nag-sisimula na ang kanilang flag ceremony.

There was more to it than what they were expecting.

Alot more menacing.

And alot more grimming.

Students can be heard shouting and screaming, at iyong iba'y tumatakbo pa papalayo't nagkaka-gulo, na wari ba'y pare-pareho silang nakakita ng mga multo.

Dahil dito'y sabay na nagkatinginan ang magkaibigan sa isa't-isa.

Asking the same question beneath their gazes.

Dahil sa kyoryosidad, ay napag-pasyahan nalamang ng magkaibigan na mag-tungo mula roon, and luckily, isa sa kanilang mga kaklase ang nakita nilang bigla nalamang sumulpot papaalis mula roon sa mga estudyanteng nag-kukumpulan,

Nagsimula silang lumapit mula rito upang sana'y tanungin kung ano nga ba ang nangyayari, ngunit hindi pa man sila nakaka-lapit sa binata'y nagulat nalamang ang dalawa nang bigla itong mapa-luhod mula sa lupa't sumuka.

Dahil dito'y kaagad nila itong nilapitan at tiningnan ang kalagayan.

"M--Mell! Uy Mell! A--Anong nangyari sayo?" Agarang tanong ni Theresa sa binata.

Inayos naman muna ni Mell ang kanyang suot-suot na salamin, sabay kuha ng panyo mula sa kanyang bulsa't ginawang pamahid mula sa bibig niya.

Hindi parin maipinta ang mukha ng binata, na wari bang kagagaling lamang ito sa isang roller-coaster ride at limang beses na nagpabalik-balik roon kaya ito sinisikmura.

"S--Si... Si Darwin!" Tanging nai-wika lamang ng binata, habang naka-turo doon sa mga taong nag-kukumpulan.

Mahahalata mula sa kanyang mukha na kung ano man iyong nakita niya mula roo'y siyang nag-dulot ng pagkakaroon niya ng masamang pakiramdam.

"S--Sorry pero... K--Kailangan ko na munang pumunta sa... C--CR, a--and please... Don't go in there!" Huling iniwika ng binata bago tuluyang mapa-takbo papaalis mula roon, pinipigilan lamang ang sariling hindi na muling mapa-suka. He also warned his friends na huwag nang maki-chismis doon sa mga estudyanteng nagkukumpulan.

"Si... Darwin?" Theresa muttered to herself, at muling inalala ang mga napanaginipan niya kanina.

It was Darwin.

Kung hindi siya nagkakamali, nakita niya iyong binata mula sa kanyang panaginip, and she doesn't know why.

"Th--Theresa, bakit?" Sheena tried to ask her, ngunit isang may halong pag-aalala lamang siyang tinitigan ng kaibigan.

Sa puntong iyon ay pareho nang nakakaramdam ng kaba ang dalawa, dahilan upang kaagad nalamang nilang tinungo iyong mga taong kanina pa nagkumpulan sa iisang sulok at nakipag-siksikan sila sa mga ito, ignoring Mell's warning.

They just walked straight ahead, till they've met the edge of it.

At gayun nalamang ang panlalaki ng kanilang mga mata ng dahil sa kanilang kasunod na nakita.

Pareho silang nakakita ng isang binatang naka bigti sa isang matabang sanga ng malaking puno.

Wala na itong buhay at halos maligo na sa sariling dugo, ngunit ang mas nagpa-gimbal lamang sa kanila ay nang makita ang halos wak-wak na nitong katawan, habang ang sarili nitong organs ay naka-bulagta pa't sumusuray-suray.

A total nightmare to be exact.

At kagaya ng ibang mga kabataan kanina'y, otomatikong agad na napasigaw din ang dalawang dalaga dahil sa karumal-dumal na imaheng kanilang nakita.

At hindi na rin napigilan pa ni Theresa ang kanyang sarili't bigla nalamang siyang nagtatakbo papaalis mula roon.

Nag-tungo siya sa may gate palabas ng kanilang eskwelahan, wearing a terrified look in her face.

Habang si Sheena nama'y dahan-dahang napapa-luhod dahil sa bigla nalamang na panlalambot ng kanyang mga tuhod.

She wanted to run just like the rest.

But she was just too terrified to do so, at halos naka-pako lamang ang kanyang mga mata mula doon sa wala nang buhay na kanyang kaklase.

+++

Theresa was still bewildered about what she just witnessed a minute ago. She was so scared na wari ba'y nakalimutan niya nang kasa-kasama niya pala ang kaibigang si Sheena kanina.

All she could ever think of was to get out of there!

Sa halos tanang buhay niya kasi'y ngayon palamang siya nakakita ng ganoong klaseng pangyayari. But it's not like it was her first time seeing a dead body! Nang mamatay ang asawa ng kanyang tito, she couldn't help but to cry and felt scared while staring at her aunt's corpse. She was just a child back then.

Ngunit gayun pa ma'y ibang-iba pa'rin kung ano man ang nakita niya ngayon... And it wasn't just a body of any random student. It was a dead body of her fellow classmate. Her friend! Brutally murdered, but in what reason?

Tumakbo lang siya nang tumakbo.

And she doesn't even know where her feet were taking her. Nais niya lamang na maka-alis mula roon, dahilan upang hindi namalayan ni Theresa na may tao na pala siyang naka-bungguan.

Both of them fell from the ground, ngunit gayun pa ma'y hindi parin mapatigil sa kanyang takot ang dalaga.

"Pot--" Mag-mumura na sana iyong lalakeng bigla niya nalamang naka-bunggaan, ngunit kaagad lamang din itong napatigil nang agad na makilala ang kaklase.

"Th--Theresa? A---anong... A--Ayos ka lang ba?? Masakit ba yung pagkakabunggo ko sayo?? S--Sorry naman! Wag ka nang umiyak please!" Pag-hingi ng patawad noong lalake.

Buong pag-aakala kasi nito'y ang pagkakabungguan nila ang dahilan kung bakit umiiyak si Theresa.

Agad namang napatingin sa mukha nung lalake si Theresa, at doon niya lamang ito nakilala.

"Ju--Justin?" Wika niya sa pangalan nung binata.

Dahilan upang bigla nalamang siyang mapayakap mula sa kaklase nang hindi niya namamalayan. Nananatili parin siyang gulat sa biglaan niyang nakita kanina. And she cried even louder on the youngman's chest.

"S--Si Darwin!" Nanghihinang sabi ni Theresa, habang iyak parin ng iyak.

It was clear on Justin's face na hanggang ngayo'y wala pa'rin siyang alam sa mga nangyayari. Kararating niya palang din sa Annex U, and all he knows, is there are alot of students running in and out of the campus like crazy! Na para bang naka-kita ang mga ito ng multo. And that alone makes him wonders on what the hell is going on. Hanggang sa magka-bungguan na nga sila ni Theresa.

"Theresa? Ano ba talaga ang nangyayari?"

Takang tanong ni Justin sa dalaga.

Ngunit hindi na naipagpatuloy pa ni Theresa ang kanyang sana'y sasabihin dahil bigla nalamang itong makaramdam ng sobrang pagka-hina. Marahil ay sa nerbyos na rin na kanyang natamo, dahilan upang kaagad itong mawalan ng malay.

Nagulat si Justin ng dahil dito't bahagyang nag-panic.

Kaya nama'y dali-dali niya nalamang na kinarga ang dalaga pabalik sa kanilang school campus. He wanted to take her to the clinic, at pagka-pasok ng binata sa kanilang gate ay unang bumungad sa kanya ang mga taong naka-palibot doon sa napaka-laking punong naka-tayo lang din mismo mula sa gitna ng plaza.

Halo-halong mga tao na ang naroroon, may mga estudyante, mga guro at school staffs. He even saw an ambulance and lots of police cars suddenly entering the campus before him.

Ngunit wala na siyang oras pa para maki-chismis. He must take Theresa to the school clinic immediately!

++

"Ang saya nito..."

Nakangising bulong naman ng isang estrangherong estudyante na kanina pa pala nakatingin kina Theresa't Justin.

Nag-tatago lamang mula sa likod ng isang malaking puno habang suot-suot ang kanyang school uniform.

The person smiled, and walked towards the gates of the campus, like a normal-random teenager na kakarating palang sa kanyang eskwelahan.

"One down, a whole lotta bitches more to go," wika pa nito sa sarili, habang pilit lamang na itinatago ang demonyong naka-angkas mula sa kanyang buong pagka-tao.

T o B e C o n t i n u e d . . . . .

***

PLAYER'S LIST:

1. Alexandra Sabusap

2. Angel Corritana

3. Angelou Postrero

4. Clariza Angelio

5. Daniel Daa

6. Darwin Guantero [DECEASED]

7. Erron Mejico

8. Fatima Pagado

9. Florelyn Manadong

10. Heide Morillo

11. Ian Keech Fabi

12. Jaica Caballa

13. Janmil Daga

14. Jejelyn Basas

15. Johnrey Daga

16. John Lester Palejo

17. Joseph Araña

18. Joseph Dacatimbang

19. Joyce Anne Montaño

20. Justin Hijada

21. Juvy Ann Raagas

22. Kristine Delfin

23. Lalaine Navarrosa

24. Mark Noya

25. Mj Rabandaban

26. Mell Labita

27. Michelle Calope

28. Nelmark Pulga

29. Nicole Lepasana

30. Raynold Corritana

31. Reden Monton

32. Rejielyn Villablanca

33. Rejoy Pulga

34. Rezzie Reandino

35. Reymart Barca

36. Richard Piñeda

37. Rosario Fusio

38. Rosemarie Norriga

39. Sheena Morano

40. Theresa Maula

41. Vince Marga

42. Zyhra Badion

Alive: 41

Deceased: 01

+++

Note: Do not be bothered about the player list guys. Inilagay ko lang yan para makapag keep on track tayo sa mga remaining characters.

So if a character dies, their names will be taken out of the list, or a "[deceased]" word will appear before their names.

Originally eh kadugtong ito no'ng chapter 1. Pero dahil parang humaba siya, ni-split ko nalang po into two chaps. 😆