Chereads / My Star (Ren) / Chapter 1 - Chapter 1

My Star (Ren)

🇵🇭Ren_Matsushima
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 8.3k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter 1

"Jhin! Jhin!" tawag sa kaniya ng kaibigan niya na si Cindy. "Tulala ka na naman, ano ba nasa isip mo?" Tanong nito sa kaniya.

"Wala naman." tugon na lamang niya rito, napabuntong hininga siya at iniisip kung paano siya makakapag bayad ng tuition para magpatuloy sa kolehiyo.

"Hindi talaga ko makapaniwala, buti na lang pareho tayo ng kursong kinuha kung hindi, hindi kita magiging kaklase."

"Oo na, kagabi mo pa ako kinukulit diyan sa sobra mong excited , hindi na nga ko nakatulog ng maayos dahil maya't-maya ang tunog ng cellphone ko."

Bago dumating ang kanilang guro ay tahimik ang mga estudyanteng bumalik sa kani-kanilang upuan.

"Okay, andito na ba ang lahat?" sabi ng kanilang guro. "Siguro alam niyo na ang unang dapat gawin sa unang araw ng klase 'no? Magsisimula akong tawagin ang pangalan niyo alphabetically, then introduce yourself to your classmates."

Napabuntong hininga na lang siya ng malapit ng banggitin ang pangalan niya.

"Molina, Jhin Ali." pabuntong hininga siyang tumayo ng banggitin ang pangalan niya.

"Ako si Jhin Ali Molina, 19 years old, masaya kong makasama kayo sa klase." simple niyang saad.

"And? Nothing more?" tanong ng guro nila. "Oh sige okay lang yan, next is..." pagpatuloy nito.

Para sa kaniya hassle lang ang pagbabahagi ng impormasyon sa ibang tao kung hindi naman ito interesado, kaya ayaw niya sanang mag 'introduce yourself' pa. Nang matapos ang unang araw ng kanilang klase ay kasama na niyang umuwi si Cindy, ngunit nagpaalam din ito na baka gabi o kinabukasan na makakauwi dahil sa may trabaho pa ito. Naglalakad siya malapit sa inuupahan niyang bahay nang may marinig siyang tunog ng motor sa malapit, nang lingunin niya ito nakita niya si Andrew. Lumapit sya rito, inabot nito ang helmet sa kaniya at inalalayan siya sa pag angkas sa motor.

Katamtamang ilaw lamang ang nasa buong silid at paghinga lamang ang naririnig, pagod at pawis ang kaniyang nararamdaman at sakit ng paghawak ni Andrew sa kaniyang braso.

"Bakit hindi ka nagrereply... sa mga text ko?" hingal nitong tanong.

"Nasa... klase ako ahh... sinabi ko namang mababago... ang sche-ahh-dule ko..." may gagawin pa sana siyang assignment paguwi.

"Jhin, anong gusto mong parusa... dahil hindi ka nagreply sa text ko?... Ikaw ang pumili ngh... simula ngayon sabihin mo na sakin ang oras ng uwi mo."

"Meooww agh..." kahit pagod na siya tuloy parin ito sa pagbayo.

"Nice choice," pilyo itong ngumiti. "Gusto ko makita kung gaano ka kasunuring pusa..." bulong nito sa kaniyang tainga sabay dila nito na nakapag pakiliti sa kaniya.

Nagising siya sa alarm, bumangon siya at nag asikaso para sa pagpasok sa klase, napansin niyang nakaayos padin ang nilagay niyang papel sa pinto malamang ay hindi padin nakakauwi si Cindy. Pagbaba niya sa hagdan ay nakasalubong niya ito.

"Bilisan mo mag asikaso at mahuhuli ka na sa klase." paalala niya rito.

"Ah! Hintayin mo ko magpapalit lang ako." Patakbo itong tumungo sa pinto.

"Bilisan mo."

Hindi niya inakalang papayag ang kanilang Manager na magaral sila sa kolehiyo, bukod kasi sa mababawasan ang oras nila sa trabaho, dagdag bayarin lang ang tuition sa sandamakmak nilang utang. Ngunit gusto niya parin ang makapagtapos, dahil hindi niya gugustuhin na mag tagal sa kasalukuyan niyang trabaho, gusto rin niyang mabigyan ng kinabukasan ang kaniyang ina na hindi nito kayang ibigay sa kaniya. Ang kinakapitan niya ngayon ay ang trabaho niya, ngunit hindi niya alam kung sasapat iyon sa laki ng kanilang utang.

Lumipas ang ilang linggo na patuloy lang ang kaniyang gawain, pagkatapos niya sa klase ay nagtatrabaho siya. Minsan ay hindi siya nakakatulog ng maayos, dahil narin sa ilang assignment na pinagawa sa kanila. Madalas rin ang hindi pag uwi ni Cindy dahil sa trabaho nito, iniisip niya minsan kung ano ang pinagkakagastusan nito sa pera nito bukod sa tuition. Sarili na lang kasi ni Cindy ang binubuhay niya dahil ang tatay at nanay niya ay hiwalay at may kani-kaniyang pamilya, samantalang siya ay kasama pa niya ang kaniyang ina.

Silang dalawa na lang ng kaniyang ina ang magkasama, dahil wala na ang kaniyang tatay. Hindi niya maiwasang magalit sa kaniyang tatay kahit wala na ito, dahil bago siya lumaki nag iwan ito ng malaking utang sa isang sugalan. Dahil din sa kaniyang tatay nagbago ang kaniyang ina, kung dati ay mabait ito at masiyahing ina, ngayon ay puro na lang ito inom kasama ang mga kaibigan nito. Lagi itong umuuwi ng lasing at umiiyak habang sinisisi ang kaniyang tatay sa kahirapan nila. Nung mga araw na iyon ay doon niya naisipang pasukin ang kaniyang trabaho, nilipat siya ng kanilang Manager sa kasalukuyan niyang tinitirhan. Minsan ay binibisita niya ito at minsan ito naman ang bumibisita sa kaniya lalo na kapag wala na itong pera.

"Ah class, group into six for your presentation. 'Yon lang at huwag kalimutan ang assignments." Sa ngayon ayaw na muna niyang isipin ang ibang bagay bukod sa pag-aaral.

"Jhin! Group tayo?" panggulo ni Cindy sa kaniyang pagmumuni muni.

"Ahm.. ikaw si Cindy 'diba? Pwede ka bang makagrupo?" tanong ng isa sa mga lalaki nilang kaklase.

"Nick, grupo tayo!" tawag dito ng isa pa nilang kaklase.

"Hahh.. May kagrupo ka na 'wag mo na ko guluhin" tugon niya kay Cindy.

"Actually, kulang kami ng tatlo sama ka na samin. Okay lang naman diba?" sabi ng tumawag kay Nick habang palapit ito. "Ah, ako nga pala si Sasha, kung hindi mo pa alam pangalan ko."

"Ah, Jhin." akala niya iaabot nito ang kamay nito sa kaniya pero humawak ito sa braso niya habang nakangiti.

"Dito tayo, Cindy." tinangay siya nito sa kabilang upuuan.

"Ako nga pala si Nick, sigurado hanggang ngayon wala ka parin kilala sa iba nating classmates, si Cindy lang kasi nakikita naming kausap mo minsan."

"Ah.." nahihiya niyang tugon, hindi naman kasi siya interesadong magkaroon ng maraming kaibigan.

"Medyo mahiyain talaga si Jhin, hahahaha." tugon ni Cindy.

"Kung ganon isa na lang kulang natin. Jakub, anong genre ng song na napili mo?" tanong ni Sasha sa isa pa nilang kasama na nakaupo sa harap nito.

"Mas madaling gawan ng step ang love story kaya Ballad ang pinili ko." tugon nito. "Ah, ako nga pala si Jakub." mukhang lahat ng kasama niya masiyahin siya lang ang hindi socialist.

"Jhin, Cindy, may gagawin ba kayo pagtapos ng klase?"

"Ako wala akong gagawin." tugon ni Cindy.

"Ah, wala naman." nahihiya na lamang niyang tugon.

"Kung ganon pagusapan natin ang presentation pagtapos ng klase, kita-kita tayo sa kanto ng school ah?" tugon ni Sasha sabay tayo. "Jakub samahan mo ko sa canteen, Bye bye!!" Masaya pa itong kumaway.

"Ahm, maiwan ko muna din kayo ha?" pakamot ulong sabi ni Nick, at masaya ring kumaway.

Napabuntong hininga siya. "Kulang nanaman oras natin sa trabaho."

"Hehe, pano ba 'yan may group na tayo, walang atrasan! Mamaya ha? After school." Masayang tugon ni Cindy sa kaniya.

Ang malaking pagkakaiba nila ni Cindy ay masyado itong socialist, samantalang siya ay isang introvert.

Pagkabukas na pagkabukas ng kaniyang cellphone ay sandamakmak na text messages at missed calls agad ang bumungad sa kaniya, galing kay Andrew. Tinawagan niya ito, pagkapasok niya sa pinto ng bahay.

"Hindi ba sinabi ko na nasa klase ako, hindi mo parin ba alam ang schedule ko." sabi niya pagkasagot nito.

"Tatlong linggo kang walang paramdam, hindi ka man lang nag rereply sa text ko." halata niya sa boses nito na wala ito sa mood.

"Sorry Andrew, pero hindi lang ikaw ang costumer ko."

"Gusto mo yata dagdagan 'yung parusa mo."

Napabuntong hininga siya, "May pupuntahan ako, kita na lang tayo pag pauwi na ko."

"Ihahatid kita, hintayin mo ko diyan." tugon nito sabay patay ng tawag. Malaki ang pakinabang ni Andrew sa kaniya, kaya hindi niya ito ma-report sa kanilang Manager sa pagiging greedy nito.

Tinulungan siya nito sa pag baba sa motor.

"Jhin, 'wag mo sabihing hindi pa kita napaparusahan gusto mo na dagdagan?" saad nito sa kaniya.

"Haa... Oo na magrereply na ko sa mga text mo, ayoko lang na-" hinila siya nito sa likod ng ulo at saka hinalikan, tumugon naman siya sa halik nito. Nang patuloy ang halik nito pababa sa kaniyang leeg, marahan niya itong tinulak.

Pilyo itong ngumiti, "Ituloy natin 'to sa susunod." pagkasabi nito ay umalis na ito.

Nilakad niya ang kanto ng kanilang school malapit kung saan siya binababa ni Andrew, naghihintay na doon si Sasha at Nick. Nakangiti ang mga itong kumaway sa kaniya, bakit kaya lahat ng nakakasalamuha niya masasayahing tao? Hindi siya sanay sa ganon.

"Si Cindy at Jakub na lang ang hinihintay natin, saan mo gusto mag meeting, Jhin? Ikaw, Nick?" tanong ni Sasha

"Ah. Mas okay kung medyo malawak ang pwesto para kasya tayo pag gumawa tayo ng step." tugon ni Nick, tumunog ang kaniyang cellphone.

"Hello, Cindy. Nandito na kami, nasaan ka na?" sagot niya sa tawag nito.

"Malapit na ko diyan." pagkasabi nito ay pinatay na nito ang linya.

"Ah, sorry kung napaghintay ko kayo." nahihiyang sabi ni Jakub habang palapit ito, ilang minuto lang ay dumating na rin si Cindy.

Dumaan ang oras habang sila ay naguusap para sa kanilang presentation, apat na oras ang lumipas at kalahati ng intro ng kanta ang nagawan na nila ng step. Kulang sila ng isang member na lalaki, si Jakub at si Sasha ay magka partner, si Nick naman ang partner ni Cindy.

"Kulang tayo ng isa, Jakub may kilala ka pa ba na wala pang ka grupo?" tanong ni Sasha.

"Actually, wala eh. Tinanong ko si Leo kung may grupo na siya, ang sabi niya meron." sagot nito.

"Pano 'yan kapag nag practice tayo?"

"Ah, bakit 'di natin tanungin si prof kung pwede kumuha ng kulang na member sa ibang section? May kilala ako si Drew." tugon ni Jakub.

"Ha? 'Yung sinasabi mong transfer na kaibigan ni Leo? Papayag kaya si prof?" tanong ni Sasha.

"Tanungin na lang natin si prof bukas?" sumang ayon naman ang tatlo kay Cindy, pakiramdam niya out of place siya.

'Bakit kailangan sa gitna pa ko umupo?' tanong niya sa sarili dahil nakaupo siya sa pagitan ng dalawang tao na kanina niya lang nakilala. Nahihiya na lamang siyang tumatango habang nakikipag kwentuhan ang mga ito sa kaniya, kahit wala siyang maintindihan.

Pauwi na sila, kumakaway si Sasha habang palayo ito. Nagpaalam si Cindy na may pupuntahan sila ni Nick kaya gabi na ito makakauwi, at naiwan sila ni Jakub sa kanto ng school. Tumunog ang kaniyang cellphone at nabasa niya ang text message ni Andrew na susunduin siya nito.

'I don't deal with these type of people, so persistent.' sa isipisip niya.

"Ah, hindi ka pa ba uuwi?" nahihiya niyang tanong kay Jakub.

"Ah, hintayin na lang kitang makaalis." sagot nito.

"Hehe... May hinihintay pa naman ako mauna ka na."

"Ganon ba?"

Narinig niya ang tunog ng motor na papalapit.

"Ah, salamat sa pag hintay." nahihiya niyang sabi, bumaba si Andrew sa motor at inabot sa kanya ang helmet.

"Kaibigan mo?" tanong ni Andrew.

"Kaklase ko, ah.. si Andrew kaibigan ko... Heh...heh..." nahihiya niyang pakilala kay Jakub si Andrew.

"Nice meeting you, pre." nakangiti nitong inabot ang kamay kay Jakub.

"Nice meeting you din." Nakipag kamay naman ito.

"Tara na?" hinawakan niya sa manggas si Andrew palapit sa motor, inalalayan siya nito.

Ayaw na niyang magtagal pa at baka kung ano pa ang itanong at sabihin ni Andrew kay Jakub, ayaw na niyang maulit ang nangyari noon. Paalis na sila, at nang lingunin niya si Jakub ay nagtaka siya, dahil medyo may pagtataka sa ekspresyon nito.