WARNING: This not suitable for young readers. Open minded can only read this
SPG ⛔️⚠️18
CHAPTER 2
"M-maraming salamat.."
nahihiya kong sabi sa doctor na tumingin ng sugat ko, nilinisan niya 'yon at nilagyan ng gamot bago nilagyan ng gauze pad. tama nga ang hinala ko kanina may bubog nga sa loob ng sugat kaya pala masakit.
"Walang ano man, mag-ingat ka next time okay?"
"O-opo, Thank you talaga doc Ann"
"Wag mo na akong i-po dahil parang hindi naman nalalayo ang edad nating dalawa tsaka Ann na lang wag mo na akong tawaging doc."
"Tsk, buti nga ginalang ka pa kahit hindi ka naman kagalang-galang"
sabi ni Ethan na naka-pameywang.
"Ethan!"
saway ng asawa nitong si Sien.
"Totoo naman diba baby, hindi naman talaga kagalang-galang 'yang kaibigan mo."
sabi ni Ethan sa asawa pero sinamaan lang siya nito ng tingin.
"Sige na shenna bumalik ka na sa labas, pag-pasensyahan mo na at may saltik ang gobernador namin."
sabi ni Abby na tinignan pa talaga si Ethan mula ulo hanggang paa. Hindi niya talaga kasundo ang Gorbernador na ito pero napaka-galing naman manghingi ng mga paninda niya sa in and out store.
"Salamat po talaga."
sabi ko ulit sa doctora bago tumingin sa lalakeng nakita ako kanina sa kusena hindi ko naman alam na Gobernador pala siya.
"Thank you din po Gov"
Tinanguan naman ni Ethan si shenna bago ito umalis. Birthday ngayon ng asawa ng pinsan niyang su Mike kaya naimbitahan din siya dito sa Paraiso.
Nakahinga ako ng maluwag habang nakatingin sa kamay kong nababalutan ng gauze pad. Hindi pa din talaga nauubos ang mga taong matulungin at ang sarap talaga sa pakiramdam kapag may nag-aalala sa'yo,
Kanina pa kaming madaling araw nandito
dahil dito nga nagluto sina Zion at ang iba pang chef ng restaurant niya. Galing pa kaming Maynila at Hindi siguro kami makakapunta dito kung hindi lang kaibigan ni Zion ang nagpa-cater. that's how he value his friends or even his family, kahit malayo at saan pa 'yan ay pupuntahan niya talaga.
Huminga ko ng malalim habang nakatingin sa bahay na nasa itaas ng burol. ang ganda ng bahay ng may birthday dahil gawa ito sa salamin at literal na glass house kung tawagin. ang lawak din ng garden sa harapan ng bahay at dito nga ginanap ang party, Hindi naman ganon'n kadami ang mga bisita pero madami talaga kaming hinanda at niluto kanina kaya sobrang busy talaga.
Ganito ang pangarap ko na bahay, namin pero hindi natuloy.
"Wala ka na bang balak bumalik sa trabaho mo? sabihin mo lang para alam ko."
Napatingin ako sa aking likuran, si Zion!
He look on her hand, and saw it now with a gauze pad. Mukhang may gumamot sa sugat ni Shenna kaya kanina niya pa din ito hindi nakikita. she was so clumsy since she started her work on his restaurant she broke a lot of plates and glasses as well. At hindi niya na mabilang kung ilang ulit na niya itong napagalitan.
"I-ikaw pala Zio"
hinanap niya kaya ako?
pero galit siya sa akin eh.
"Don't call me that, you're not allow to call me on my nickname anymore!"
Ani ni Zion nakatingin sa babaeng nasa harap niya. ang babaeng tinuring niyang reyna ng kanyang buhay noon pero iniwan lang siya.
"S-sorry."
Hingi ko ulit ng paumanhin, Heto na naman ang mga tingin niyang hindi ko makayanan tingnan.
"P-pwede ba kitang makausap?"
Pagbabakasakali ko.
"For what? kung tungkol ito kanina hindi ko babawiin ang mga sinabi ko. hindi ka naman talaga nag-iingat at katangahan ang tawag do'n"
Zion had a confrontation with his friends, they kept on telling him that he don't need to treat his employee like that. Pero hindi naman siya masisisi kung bakit ganito ang pakitungo niya ngayon kay shenna beside she's not ordinary employee at all.
"Haayan mo muna sana akong magpaliwanag kung bakit n-nagawa kitang iwanan noon"
Lalapit sana ako sa kanya pero humakbang din ito palayo sa akin.
"I dont need your fucking explanation shenna, your done enough damage to me and that was enough. At pasalamat ka pa nga dahil hinayaan pa din kitang makalapit sa akin dahil kung ako lang hinding-hindi na ako papayag na magkaroon pa tayo ng koneksyon. You deserve my anger, you deserve how i'm treating you right now at wala kang karapatan na magreklamo dahil wala akong sinabi na magiging mabait pa ako sa'yo dahil sa una pa lang ginusto mo na ito"
Galit na sabi ni Zion, he can't control his words anymore dahil
galit talaga siya.
"P-pero hayaan mo muna sana kong magpaliwanag, may dahilan naman ako kung bakit ako umalis.
Inilang hakbang ni Zion ang kinaroroonan ni Shenna at hinaklit ito sa braso, wala siyang pakealam kahit pa bumaon ang kuko niya doon at makitang mapaigik ito sa sakit, He's mad at her. so fucking mad at hindi na niya hahayaan pa na lokohin na naman siya nito.
"Spare your reason Shenna, dahil wala akong balak na makinig pa sa'yo. mabuti pa nga sana na hindi ka na lang bumalik eh, mas okay at mas masaya pa ako siguro ngayon,"
"P-pero hindi ko naman sinasadya na i-iwan ka, I-I got sick Zio.."
"Sick?"
Pagak na tumawa si Zion at tiningnan mula ulo hanggang paa si Shenna, nagkasakit lang tapos limang taon nawala? Anong klaseng kasinungalingan na naman ba ang sasabihin nito?
"Sick of what? Mayroon ka bang cancer? Leukemia? sakit sa puso? Because i will not believe on your lies anymore Shenna. Hinding-hindi na."
Galit na sabi ni Zion sa akin.
"P-pero 'yon ang totoo, m-muntik na akong mamatay Z-zio Zion."
Kung pakikinggan niya lang ako at iintindihin kung bakit ko nawagang iwan siya noon ay alam kong maiintindihan niya ako. Pero sarado kase ang isip niya mahirap makipag usap sa taong sarado ang isip.
Binitawan ni Zion ang braso ni Shenna at tiningnan ito.
"Sana nga namatay ka na lang dahil tandaan mo hindi na mawawala ang galit ko sa'yo Shenna, Hindi na!"
Ani ni Zion at tumalikod na sa akin.
Nagkalaglagan ng luha sa mata ko dahil sa mga sinabi niya at mas masakit 'yon sa sugat na natamo ko sa kamay ko kanina. He was not the Zion I used to know. pinanood ko siya na naglalakad palayo. wala na talaga 'yong Zion na alam kong mabait at pala-ngiti. wala na 'yong Zio na lagi akong sinasalubong ng yakap at wala na 'yong Zio na alam ko mahal ako. Yes, Zion is my husband but five years ago I decided to leave him without saying anything or goodbye. and that made him treat me like this. pero hanggang saan ko kaya makakayanan ang ganitong pag-trato niya sakin?