Chapter 19 - CHAPTER 19

Satoya Kisaki Point Of View..

Pagkauwi ko sa bahay ay tumawag ang mga magulang ko at sinabi nila sakin na uuwi na sila kaya nang sinabi ng mga magulang ko na uuwi na sila ay naisip ko na baka hindi nila magustuhan si Shinichi Maki, kapag sinabi ko sa kanila na boyfriend ko si Shinichi Maki, hindi kopa kase nasasabi sa kanila na may boyfriend nako.

Kinabukasan..

Kasama ko si Fujima, naglalakad kami papunta sa basketball gym, sinabi ko kay Fujima, na uuwi ang mga magulang ko.

"Anong gagawin ko?." Tanong ko kay Fujima.

"Hindi moba sinabi sa kanila na may boyfriend kana?." Tanong ni Fujima.

"Hindi." Tipid kong sagot.

"Mabuti pang sabihin mona kay Maki, na maghanda na siya sa pagdating ng mga magulang mo." Sabi sakin ni Fujima.

Ang Mama ko ay ayaw nya sa mga lalakeng basketball player at si papa naman ay ayaw nya na mag karoon ako ng boyfriend hanggang hindi pako tapos sa pag-aaral.

"Sa tingin moba Fujima, magugustuhan nila si Maki na boyfriend ko?." Seryoso kong tanong kay Fujima.

"Ang problema lang sa relasyon nyong dalawa ni Maki, ay ang mga magulang mo dahil ayaw ng Mama mo sa mga basketball player at ang Papa mo naman ay ayaw nya na magkaroon ka ng boyfriend abang nag-aaral kapa." Sabi ni Fujima.

"Bakit ba kase ayaw ni Mama, sa mga basketball player at si papa naman ay bakit ayaw niya na magkaroon ako ng boyfriend." Sabi ko.

"May point naman ang Papa mo na dapat wag ka munang mag boyfriend habang nag-aaral kapa ang hindi ko mahintindihan kung bakit ayaw ng Mama mo sa mga basketball player may nagawa ba sa kanya ang mga basketball player kaya ayaw nya sa mga ito?." Tanong ni Fujima, hindi ku'rin nga alam kung bakit ayaw ni Mama sa mga basketball player noon ngang pinakilala ko sa kanya si Fujima, ay ang dami niyang sinabi kay Fujima, na masasakit na salita.

Kapag kaya pinakilala ko si Maki, kay Mama, ay ano kayang klaseng masasakit na salita ang sasabihin nya kay Maki, kay Papa ay wala naman akong problema kay Mama lang talaga sabihin kolang kay papa na basketball player si Maki, ay matutuwa siya na boyfriend ko ay isang basketball player ang alam ko kase isang basketball player si Papa.

"Mauuna nako sayo." Sabi ko kay Fujima, balak ko kaseng pumunta sa iskuwelahan ng RYONAN HIGH SCHOOL alam ko kase na doon nag-aaral si Alisa.

Pagkarating ko sa RYONAN HIGH SCHOOL nagtungo na ako kaagad sa basketball gym pagkarating ko doon ay kinakausap ni Alisa, ang mga player ng RYONAN.

"Satoya, anong ginagawa mo rito? May kailangan kaba? Nag-away ba kayo ni Maki? Malilintikan talaga sakin yon kapag niloko ka niya." Sabi ni Alisa.

"Hindi kami nag-away gusto kolang sanang magpatulong sayo pagdating sa..." Hindi ko kayang ituloy ang sasabihin ko sa kanya nakakaiya naman kase kung magpapatulong pa ko at labas din naman siya sa problema ko.

"Wag kang maiya sakin kaibigan mo narin ako dahil ikaw ang girlfriend ni Maki, may problema ba?." Tanong ni Alisa, na nag-aalala na.

"Ang ganda naman ng sinabi mo ate.. Kaapon nga nagselos ka dahil sinabihan ni Maki, na maganda si Satoya, tapos ikaw hindi ka'man lang sinabihan ni Maki, kaapon na maganda ka." Sabi ni Sendoh, kay Alisa, na para bang nag-aasar.

"Ali ka nga rito Akira, mag-usap tayo doon sa labas namumuro kana sakin ah." Inis na sabi ni Alisa, at inila si Sendoh, palabas sa gym hindi kona sila sinundan.

Pinaupo ako ng isang player ng RYONAN at nagpakilala siya sakin siya si Hikoichi.

"Umupo kana muna dito ate.." Sabi ni Hikoichi.

"Salamat." Ngiting kong sabi at umupo, sumigaw ang captain nila na si Uozumi.

"Simulan na natin ang practice baka magtatagal pa si Sendoh." Sigaw ni Uozumi, at nagsimula na silang magpractice at abang nag-pra-practice sila ay tinamahan ako ng bola na sinandya naman ng isang player na kinatuwa pa niya.

"Fukuda, maghingat ka naman." Sabi ni Hikoichi.

"Hindi ko naman sinasadya... Pasensya kana ah miss.." Sabi ni Fukuda, na kinainis ko.

Nakakainis naman kase siya natawa pa talaga siya ng natamahan ako ng bola kitang-kita naman na sinandya nya na tamahan ako ano bang nagawa ko para gawin nya yon sakin?..

"Sinandya mo yon." Sabi ko sa kanya.

"Hindi ko sinasadya na tamahan ka ipapasa ko lang naman sana ang bola kay Koshino, at salukuyan naman na sayo napunta ang bola." Sabi ni Fukuda.

"Anong nagyayare dito?." Tanong ni Alisa na nakabalik na kasama si Sendoh.

"Ano bang nagyayare dito?." Tanong ulit ni Alisa.

"Hindi ko alam na ganyan pala ang ugali ng mga basketball player sa iskuwelahan nato." Sabi ko sa kanila.

"Ano bang nagyare dito captain?." Tanong ni Sendoh kay Uozumi.

"Natamahan siya ng bola." Sagot naman ni Uozumi.

"Kasalanan mu'rin naman kung bakit ka natamahan alam mo naman na papalapit sayo ang bola hindi ka umilag." Sabi ni Koshino.