When I eventually got close to the driver of this fancy car, he smiled and opened the door.
"Magandang hapon Saddain, ako si Kuya Neb. Isa sa mga driver ng mga Winsztonn" bati niya.
"Magandang hapon po"
"Sumakay ka na at may naghihintay sa iyo sa Villa"
"Sa Villa? Bakit po doon?"
'Bakit ba ang slow ko at itinanong pa 'to?'
"Naku eh ang utos ni Sir Winsztonn ay dalhin ka ngayon sa Villa kaya ipinadala niya 'ko rito para sunduin ka" aniyang napakamot pa sa likod ng ulo niya. When I thought back to the previous incident, when everyone got involved by Darc's anger because of an order that one didn't follow, I didn't complain and simply just got in the car.
"Kuya Neb may sinabi ho ba ang Sir niyo kung hanggang kailan lang ako don?"
"Walang nabanggit si Sir Winsztonn. Bakit Hija?"
"Puwede po bang dumaan muna tayo sa BorVilla? Kukuha lang po ako ng ilang gamit sa apartment"
"Sige, walang problema" tugon niya saka kami dumaan sa isang subdivision kung saan ay naroon ang tinutuluyan ko. As soon as the car pulled over, I came inside the apartment and grabbed my backpack, and put some of my clothes, laptop, keys, and other items. I grabbed my helmet as well then took my motorcycle out of being parked.
"Maalam ka palang magmotor Hija?" nakangiti pang sabi ni Kuya Neb at tinanguan ko lang siya bilang sagot.
"Bakit hindi ka na lang dito sa sasakyan at ipakuha na lang natin 'yang motor mo? Delikado ang pagmomotor"
"Delikado po pag hindi maingat ang nagmamaneho. Pero depende rin sa di inaasahang pagkakataon"
"Siya nga naman. Ano, nakuha mo na ba lahat ng kailangan mo?"
"Opo" sagot ko saka bumuntot sa sasakyang minamaneho niya. Naging pamilyar ang dinaanan namin at napagtantong nasa Lavleand kami. This is a centralized rural area where the most famous beaches are, while Borvilla is urbanized.
While driving, I thought of turning left to miss and deceive Kuya Neb and go to a very far place where Winsztonn would never see me. But I also thought that no matter how good I hide, he can still find me easily. Because when you both have the money and power it is not impossible to be unstoppable.
Ilang minuto pa ay narating din namin ang Villa. Pinagbuksan kami ng isa sa mga guard niya dito at agad na nakita ng mata ko si Manang Jaqui sa bukana ng main door at nakangiting sinalubong ako. Noon ay sa Mansion ni Darc ko nakita si Manang, pero ngayon nasa Villa naman siya.
"Saddain Hija, kamusta??" tuwang tuwang aniya.
"Ayos lang po Manang hehe" awkward na tawa ko at bigla niya akong niyakap.
"Naglunch ka na ba?" umiling naman ako. Sa tanong niya ay bigla akong nakaramdam ng gutom.
"Halika at kumain ka muna mag-aalas dos na ng hapon. Akin na 'yang bag mo at dadalhin ko sa magiging kuwarto mo"
"Saglit lang naman po siguro ako dito 'no? Ano po bang sinabi ni Winsztonn?"
"Wala siyang eksaktong iniutos kung hanggang kailan ka rito kaya habang wala pa ay dito ka na muna. Sabayan mo na rin ako sa pagkain" tumango na lamang ako at sumabay sa kaniya papunta sa dining area. Pinagsandok niya ko ng kanin saka naman ako kumuha ng mga ulam na inihanda niya.
"Neb kumain ka na rin!" pagtawag ni Manang sa driver kanina. Umupo naman si Kuya Neb sa tapat namin at masayang naglagay ng mga pagkain sa plato niya.
"Manang Jaqui anong oras ang balik natin sa mansion?" biglang tanong ni Kuya Neb.
"Mamayang gabi pa at naku kadami pa ng naiwan kong gawain doon" sagot naman ni Manang sa kaniya.
"Aalis po kayo??" biglang tanong ko kahit kakasabi pa nga lang.
'Shunga ko talaga!'
"Wag kang mag-alala Saddain at ligtas naman dito. Sumaglit lang muna ako dito sa Villa at may inasikaso kaya babalik rin kami mamaya sa Mansion. Bisitahin mo na lamang ako doon pag may time ka ha. Oh eh to pa, kain lang ng kain Hija. Mukhang pumapayat ka, ayos ka lang ba??"
"O-Opo" maikling sagot ko at kumain na ulit. Gusto ko sana ulit magsalita para sabihin na 'wag nila akong iwan dito pero dahil nakakahihiya ay nanahimik nalang ako.
Later on, Manang Jaqui told me to rest in my assigned room after I finished my meal, and then I took a shower again after a while because I felt so hot. I'm standing in front of a full-sized mirror now to look at myself. Perhaps I'm just stressed out, which is why I lost weight. It seems like I even outperformed a person who exercises weekly, given that a lot has happened to me this month.
"Saka wala naman akong balat sa puwet, pero bakit ang malas ko?" wala sa sariling tanong ko. Palagi na lang akong walang magawa sa buhay ko. Palagi akong walang choice, at kung meron man napakaunfair non.
Talaga bang magpapaalipin na lang ako basta sa tarantadong 'yon? Tanggal angas ko eh. Di naman ako ganito kahina noong nasa gang pa 'ko at di naman sa nagyayabang ako, isa ako sa kinatatakutan ng mga kaaway namin. But now, everything turned upside down. —No, everything returned to how they had been. It feels like I've gone back in time to when I was young. Was raised by neglectful parents in a dark box, and was kept in a toxic environment.
Di naman sila nagkulang sa pagpoprovide ng ilan sa pangangailangan ko katulad ng materyal at edukasyon kaya hindi ko 'yon itatanggi kahit pa halatang napipilitan lang sila para ipamukha sa akin kung gaano sila kayaman but when it comes to emotional, ni isang beses sa tanang buhay ko na nakasama ko sila ay wala silang ipinadama kundi isa lang akong sampid at isa lang akong pagkakamali nila. My development before as a child isn't that wonderful that's why I really envy others who have a complete simple happy life. I really wanted that kind of life, which I am far from experiencing now.
I immersed myself in this large bathtub. I want to drown and pass away in the hopes that it will end my suffering. But I don't want to die without having even a moment of inner peace, so I got up from the attempt and gasped to catch some air. Then I hugged my knees and buried my face while sobbing quietly.
Ang hirap ng ganito at nakakapanghina. Minsan nakakatulong din naman ang pag-iyak kaso nakakawala ng lakas. Gusto ko na lang matulog maghapon para iwasan ang mga araw ng buhay ko. Pero hindi ko rin naman puwedeng pabayaan ang sarili ko at magmukha lalong kawawa. Ako na lang ang meron ako, so kung pababayaan ko pa ang sarili ko paano na 'ko?
I pull myself together and smile, trying to be completely okay and be positive so I get dressed eventually and put on my favourite shirt and pants. As I was doing a whole 360 degrees to look at everything in here, I found that this room is quite cozy and spotless. Kumpleto ang mga gamit, may maliit ding ref dito, mga libro sa istante, mga kabinet at kung ano ano pa pero bigla akong nakaramdam ng pagkaburyong. Kaya nang makapagpahinga ng kaunti ay saka ko naisipang lumabas para hanapin si Manang pero wala siya sa ibaba. Kaya naglakad ako palabas at naispatan kong nagdidilig siya ng halaman dito sa garden.
Kinuha ko yung isang hose at tinulungan si Manang na magdilig. "Gusto mo na ba ng meryenda? Ipaghahanda kita"
"Ayos lang po Manang. Busog pa po ako"
"Pumunta ka lang sa kusina at may mga pagkain don pag nagutom ka. Ako na rito, at baka mabasa ka pa"
"Okay lang po. Nakakabored po kasi kapag walang ginagawa"
"Sige, salamat sa iyong tulong. Siya nga pala, nag-aaral ka pa ba Hija?"
"Graduate na ho ako ng college"
"Nagtatrabaho ka na ba?"
"Nagwowork po ako sa company ni Winsztonn"
"Maraming kompanya 'yon. Saan eksakto?"
"Sa E-SztonnX"
"Ang alam ko ay ngayon nakaschedule ang pasok ni Sir Winsztonn sa kompanyang 'yon"
Sobrang busy pala niya. Hindi kaya magalit 'yon dahil di ako nakapasok?
"Nang mamatay si Lord Trevor ay talagang nagpokus si Sir Darc sa mga iniwan niya kaya't talagang napakabusy na non at madalang na ring umuwi dito"
Wala na sana akong balak magtanong pa pero nacurious ako. "Bakit po pala namatay ang tatay niya?"
"Nacardiac arrest. Haaayy napakaikli ng buhay" buntong hininga niya pa.
"Napakabuti ng Lord Trevor kaya hanggang ngayon sa tuwing naaalala ko ay talaga namang nalulungkot ako"
Paanong naging mabuti ang isang mamamatay tao eh pinatay nila ang lola ko? Hindi ko alam kung alam ba ni Manang ang tungkol sa Mafia nila o hindi kaya ganito siya magsalita. At dahil puro tatay lang ni Winsztonn ang naririnig ko ay napatanong ako kay Manang.
"Eh nasaan po ang Mommy ni Darc?"
"Wala na rin. Namatay siya nang maliit pa si Ser Winsztonn. Nasaan ang mga magulang mo Saddain? Alam ba nilang dito ka tutuloy?"
"Patay na ho silang pareho" malungkot naman akong tiningnan ni Manang kaya ngumiti na lamang ako sa kaniya. "Kaya kayong mga bata kayo palagi niyong ingatan ang inyong mga sarili at maging malusog"
'Kung alam mo lang Manang kung gaano ko kagustong mamatay na baka bigla mo pa 'kong ipagdasal'
"Nakita mo na ba ang paper bag na inilapag ko sa gilid ng kama mo?"
"Napansin ko pero di ko po tiningnan kung anong laman. Malay ko po bang may ibang may-ari non"
Napatitig sa akin si Manang dahil sa huling linyang sinabi ko. Naging bastos ang dating non kahit di ko naman intensyon. "Sorry po Manang"
Hindi niya nalamang pinansin 'yon at nagsalita. "Ay siya at buksan mo para magamit mo. Kailangan mo daw iyon sabi ni Ser Winsztonn"
I went back to the room and took the paper bag that Manang was talking about. When I opened it, I saw a cellphone box. It's brand new and looks like it was just bought so I wondered.
Up to this day, I'm still wondering where my cellphone is because the only thing I know is that I lost it so I am regretting a lot since some of my important things stored in it.
Tinurn on ko muna yung phone at inupdate. Mayroon na rin 'tong sim card at sd card. Nang chineck ko ang contacts ay nakita kong may isang number don at agad ko ring narealize kung kanino yon dahil talagang pinakalagay lagay niya ang pangalan niyang nakaset as 'Master'
Pinalitan ko yun at nirename ko ng nakacapslock as 'TANGA' dahil mukha namang bagay sa kaniya. Bakit? Wag mo ng alamin. Basta tanga siya.
I grabbed my laptop and sent our team's manager an email for an apology letter, fearing I might lose my job. Why didn't I thought of creating this right away? Baka mahirapan kasi ako mag-apply ng bagong trabaho dahil madalas na ang hinahanap nila ay yung may mga experience at dahil fresh grad ako ay kailangan na kailangan ko talaga 'to.
I was about to go out of the room again to go to Manang because I was getting so bored here when I suddenly felt my heart beating faster. I am nervous for some unknown reason and I started sweating because I felt that the surroundings suddenly became humid even though the room is air conditioned. Despite the fact that the room is big I felt suffocated so I helped myself in calming down and manage my breathing. My chest hurts and I feel like crying but I can't seem to shed any tears. I went over to my belongings when it had subsided a little.
Dinampot ko ang bag ko at naghalukay ube para lang mabilis na mahanap kung saang zipper ko ba nailagay ang kaha ng yosi kong iilang stick na lang ang laman dahil sa kamamadali ko kanina. When I found it, I hurried out of the room and sat on the bench in the garden since it is an open space. The air felt good but I felt even better when I lit the cigarette using my small lighter and smoked a few.
The same time I exhaled the smoke, I also tried to release the negative things from my mind. My anxiety disorder is attacking me again and this is my coping mechanism. I know this habit is bad for my health but it's also the only thing I know that can help me calm down somehow. I don't want to go to therapy because apart from it's expensive, I just don't want to.
'Yan, tama 'yan Saddain. Panatilihin mo ang katigasan ng ulo mo at nang makita mong may kalalagyan ka!' saway ko sa sarili ko.
Nang hindi ako makuntento at mabilis na naubos ang isang stick ay kumuha ako ulit ng isa at nagsindi pa. My legs are unconsciously moving and swinging so I stood up and take some walk with my left hand digging in my pocket. I took a puffed and raised my head to look up at the sky then blew out the smoke. With the speed of time, it's now getting dark. And while puffing, I noticed this man who's tall and big approaching from the distance.
Nagkunwari pa akong di ko siya nakita at bumuga ng usok sa may bandang gilid ko. At nang tuluyan siyang makalapit ay huminto siya sa harap ko. I don't know what to say and I'm not actually required to say anything so I just remained silent because the only thing that matters to me now is to calm down. Blangko ang ekspresyon niya at nakakailang ang tingin niya pero wala na akong pake don at nagpokus sa nararamdaman ko.
Ibinaba ko ang paningin ko sa paanan ko at nang astang hihithit ako ulit ay pinigilan niya ang kamay ko. I frowned looking at him for what he did and saw that he was also frowning and looking at me. He turned his gaze to the cigarette I am holding and took it from my hand. Without taking his eyes off me, I watched as he puffed on it too.