Chereads / A LIFETIME PAYMENT / Chapter 16 - CHAPTER 15

Chapter 16 - CHAPTER 15

When I opened the gate, I saw people in their uniforms. Their faces are serious, and behind them are two more police cars. The tall man in front of me, one of the policemen, immediately spoke. "We are looking for Saddain Lovail. I'm Chief Officer Mañehes" he said while showing me his badge.

"I'm Saddain. Am I in trouble?" after I asked, they immediately pointed guns at me and that made me frown.

'What the heck is happening? Are they arresting me??'

"Freeze and get your hands up or we will shoot you!"

'Darn, right I am'

Itinaas ko naman ang kamay ko at nanatili sa kinatatayuan ko. "You are under arrest for money laundering, fraud and million heist! Quit moving!"

I will accept it if they accuse me of assault or physical injuries due to beating up our gang's foes back then, but... laundering of money? Fraud?? Heist?? I've never committed anything like this crime!

"Wait, why are you accusing me these things?!"

Biglang may lumapit sa akin at kinapkapan ako. Kinuha ng babaeng pulis ang balisong ko, saka naman ako pinosasan ng kasama nila.

"You have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in a court of law. You have a right to an attorney. One will be appointed for you if you cannot afford one."

Paanong nagkaroon ako ng ganitong kaso? Mabibigat ang mga paratang niya at hindi ako sigurado kung natimbrehan ba ang gang, and which is di naman na ako kasali. Pinagtitinginan ako ngayon ng mga taong nagdaraan pero biglang nawalan ako ng pake.

"You will come along willingly or by force. So don't make any single move. Let's roll!"

Even if the allegations he says are against my will, I voluntarily obeyed them. The two policewomen placed me in the rear seat of the car sitting between of them before they start the vehicle and drove off. We got off the car after traveling for almost thirty minutes and as soon as I was inside the police station, they took me to a room.

They made me sit down and suddenly a man came up to me wearing a black jacket and was also wearing a uniform and a hat. Four policemen surrounded behind me to make sure I couldn't run away. This man pulled out photos and documents and set them in front of me.

"Miss Lovail, you are a person of interest in one of the most high-profile cases. Some evidences collected points you out. Where is the money??"

"Eh?? What kind of money are you talking about??"

"Don't beat around the bush. You can't get away for this crime and you will rot in jail as the court of law decides whether or not to grant you release"

Napatitig ako sa kaniya at nakikinikinita kong isa siyang FBI agent.

"Sir, what you are saying is a lie. How could I—" nang ituro niya ang mga pictures na nasa table at nang makita ko ang mukha ko ay natigil ako.

"How can you explain these photos?"

Saka lang nagsink in sa akin ang mga pinagsasasabi nila nang maalala ko ang ginawa ko. Napahinga ako ng malalim at pinakalma ang sarili ko para hindi ko masigawan ang taong nasa harap ko.

"This is a misunderstanding. But yes, that person who carries duffle bags and was going in and out of the banks is me. Believe it or not, the money I am carrying that time is from my parents. They left me bunch of that before they die"

'Sinasabi na nga ba... tama ang hinala ko at hindi talaga para sa'kin ang mga perang 'to. Kahit kailan, pasakit lagi ang iniiwan ng magaling kong mga magulang. Patay man sila o hindi ay pagdurusa lang lagi ang natatamo ko'

"How will you supposedly support your answer??"

Di ako nakasagot.

"Is there somebody we can contact for this matter and can help you out if it proves that the claims are false?" he said while pointing to the documents that I did not even read.

"Of course I need an attorney" pilosopong sagot ko pero di niya yon pinansin dahil tama naman ang sinabi ko. Pero ang tanong, saan ako kukuha ng attorney??

Wala na akong magulang o kakilalang kamag-anak para saluhin ako sa akusasyong ito. At mas lalong wala naman akong pera para humanap ng abogado. If they will really appoint one for me, hindi ako kumbinsidong maipapanalo nila ang kasong 'to.

'Ayokong mabulok dito!'

"Sir, I can return the 50 million if you want. Nang walang bawas, walang kulang. Hindi sobra, o may dagdag. But I am telling the truth, I didn't know that those came from the dirt"

"But the fact that you have it, doesn't explain a lot that you aren't one of the accomplice in this. Sino pa ang mga kasamahan mo?"

"I'll speak with my lawyer first" pagtatapos ko sa usapan dahil alam kong puwede nilang gamitin ang mga sinasabi ko kaya mas safe na hindi muna ako magbitiw ng kahit na ano.

Dinala ako ng dalawang pulis papunta sa corridor na ang magkabilang gilid ay puno ng mga kuwarto at may mga laman na preso. Binuksan nila ang isang room na walang kahit sino saka ako pinapasok. May bintana na maliit sa pinto saka niya inilock at iniwan ako.

'Bakit kulong agad? Eh hindi pa naman ako najajudge kung guilty ba talaga 'ko or hindi. Napakakuwestiyonable!'

I sat on the edge of the small rough bed with a thin mattress and sighed while reminiscing unfortunate events of my life.

'Sadd wala na ba talagang pag-unlad??'

Pinigilan ko ang sariling maging emosyonal. Pagod na 'kong iiyak ang pagiging miserable ko. Kahit graduate man ako ng college feeling ko wala pa rin akong patutunguhan sa buhay ko.

Pinatay nila ang kaisa isang nagmamahal sa'kin— ang Lola ko, di ko naranasan na mahalin ng sariling mga magulang, ipinagtabuyan ng mga tropang itinuring ko ng pamilya, ang panggugulo ng mga Winsztonn, ilang araw ng absent sa trabaho at wala pang suweldo, tapos ngayon ay nakakulong... kaya nasaan ang direksyon??

Bakit hindi na lang ibuhos ng buhay lahat lahat para isang sakitan lang, 'no? Hindi yung inuunti unti pa para lang masabing mas dama ko.

Kung tutuusin ay mas marami pang tao ang mas mahirap ang buhay kaysa sa nararanasan ko kaya kahit ikumpara ko, alam ko ring iba't iba ang paraan at kakayahan kung paano maghandle ng mga sitwasyon. Pero di ko lang maiwasang isipin na siguro kung tinuluyan na lang ako ng manyak na 'yon eh di sana mas magaan.

'Mas komportable siguro sa hukay. Ayoko ng ganitong buhay'

I searched my pocket when I remembered something and found the calling card. Gusot na ito pero eligible pa rin naman.

'Is this what that Winsztonn is talking about me asking for his help??'

I gritted my teeth as I thought that what if he's behind this? But I am also having the thoughts that what if they knew this was going to happen? And they are just using my situation to bring me down more?

Ganoon ba talaga sila kainteresado sa walang kuwenta ko namang buhay para alamin pa 'to? At kung tama man ako, bakit?? Dahil pa rin ba sa ideya na ipinambayad ako at pag-aari na ng isang Mafia Boss at Billionaire na tulad niya?!'

'No! Hindi ako manghihingi ng tulong'

Pero ayoko namang mabulok dito at mamatay na lang sa lugar na 'to. Malakas rin ang kutob ko na hindi basta basta ang magiging proseso sa kasong 'to. Napatitig akong muli sa calling card na 'to at nagdadalawang isip kung papatusin ba ang pagkakataon.

Tapos ano? Eh di mas lalong wala akong kawala sa mga Winsztonn dahil magkakaroon pa 'ko ng utang na loob! Malay ko ba kung may hidden agenda ang tarantado na 'yon kaya nag-aalok siya sa'kin ng tulong!

Malinis ang konsensiya ko sa bagay na 'to at hindi sila makatarungan. Hindi nila ako puwedeng basta basta na lang ikulong. Sa kabilang banda naman, kung igagrab ko ba ang tulong na sinasabi ni Darc ay magkakaroon pa rin ba ako ng kalayaan or magiging mas masahol pa sa isang kriminal na preso ang magiging kalagayan ko??

Knowing that person, I am sure he will only make my life better than worst. I only have two options. Be either chained behind the bars or be bound into the headboards. But both have the same similarities... Suffering and captivity.

Sa isiping 'yon ay nagsimulang manginig ang katawan ko. Bumalik sa akin ang takot na pinagdaanan ko. Takot hindi dahil sa isiping muntik na 'kong mamatay noon, kundi ang takot na mapagsamantalahan ako. I'm not sure if I can take that man touching me once more. What he does to me has a huge impact, and it piles up the trauma that I've been dealing with for a long time.

I've almost been raped before, and I don't want to go through it again. At that point, I was unable to scream and could only hear the buzzing of nearby insects. The moon is my only source of light in that gloomy, scary, deep region.

I'm aware of my strength, but every time Darc does nasty things to me, I feel like I'm back in a dark place where my own grandfather was slowly taking off my clothes. The feeling that you are helpless and lacking the willpower to overcome the situation and break free, you may even consider wishing to die instantly out of disdain and being sick of living.

Kung nagsumbong man ako sa mga magulang ko noon malamang na mas kakampihan pa nila ang lolo ko. At magmumukha lang akong sinungaling sa harap ng mga tao. In short, hindi ko rin madedepensahan ang sarili ko dahil wala namang witness sa pangyayaring 'yon.

Sabagay sampid lang naman ako sa pamilya nila. At bunga ng mga magulang kong parehong di ginusto na mabuo ako. My eyes started to welled up because of that memory.

'Hindi ko na kamaliang hindi sila gumamit ng proteksyon kaya nabuo ako at mas lalong hindi ko kamalian ang pagnanakaw na ginawa nila sa kadahilanang di sila marunong magtago!'

Marami pa 'kong gustong gawin sa buhay ko kaya hindi ako puwedeng malimitahan ng mga rehas na 'to at ngayon pakiramdam ko ay mabubusog na 'ko ng mga salitang sa huli ay kakainin ko lang din.

'Siguro kahit papaano naman ay magkakaroon pa rin ako ng kahit konting kalayaan sa kamay niya kung magkataon man, 'no? Tama ba 'ko or niloloko ko lang ang sarili ko?'

Nang makapagdesisyon ay tumayo ako upang tawagin sa maliit na bintana ang isa sa mga pulis na nakabantay sa corridor. Nang makalapit siya ay nakisuyo naman akong gumamit ng telepono at sinamahan niya 'ko kung saan puwedeng makitawag.

Humugot muna ako ng isang malalim na buntong hininga at isang matinding paglunok sa pride na mayroon ako ang ginawa ko. Habang nanginginig ang kamay ko sa pagpindot sa bawat numero ay nag-aalangan pa rin ako kung tama ba ang pasya ko. At pikit matang pinindot na lamang ang call habang itinatapat sa tainga ko ang telepono.

"H-Hello" mahinang sambit ko.

"..."

Hindi sumagot ang kabilang linya kaya naman napatikhim ako bago ulit magsalita.

"Help"

That was the only word that came out of my mouth but he suddenly hung up the phone.

"Nice... Now, what?" I asked sarcastically to the guard who just looked at me confusedly.