Grade 7 pa lang kami ay matagal ko ng kaklase si Mr. Cordovez. Matagal ko narin siyang palihim na nagugustuhan.
Mr. Heather yung palayaw ko sa kanya dahil sa kanta ni Conan na "Heather". Saturday that time exact 3rd day of December ay may biglang nag chat saakin, and it was him. Mr. Zues Zedekiah Cordovez.
"Hi! free ka ba ngayon?" Pang aaya niya. "May training ako now eh?" Sagot ko.
" Kailan kayo matatapos?"
" Around 5 pm siguro".
"Okay I'll wait" saad niya.
"OMG is it a date ba?" Pabirong sabi ko na may kunting katutohanan.
"It's not" uy si idol pakipot.
Nagtataka ako kung bakit biglang nag aya siya saakin. This is the first time na mag chat siya saakin. Mr. Cordovez is also an achiever sa school namin he's a very cold person pero he's doing good on his acads. Natapos na yung training namin at nagpa alam na ako sa aking coach Tito. Yes, tito ko yung coach ko, Kapatid siya ng mama ko na sa school namin nagtuturo sa klase at the same time sa sports din.
"Tito coach! Mauna na po ako" pagpapa-alam ko.
"Sige ingat ka pauwi" sagot niya.
Pagka labas ko sa training gym namin ay agad kong nakita si Zues nakatayo sa kanyang sasakyan, nilapitan ko siya ng biglang-
"Ang baho mo Kian" sambat niya.
Seryoso ba to!? Tumawa siya bigla at sinabing
"Just kidding".
" Ano ba kasing gusto mo?" Tanong ko. "Ikaw".
"Ha?"
"Hatdog! Sumakay kana at may gagawin tayo".
Pinoproseso ko parin ang sagot niya Kanina.
"We're here" Nasa harap kami ngayon sa malaking bahay alam Kong yayamanin Sila pero hindi ko inaasahan na ganito pala kalaki ang kanilang bahay, lumabas siya ng kotse kaya sinundan ko siya
"Bahay niyo to?" Tanong ko
" Hmm" maikli namn niyang sagot.
"Ginagawa natin Dito?".
"Look we are here para gawin yung research natin kaya kung gusto mong maka pasa tulungan mo akong gumawa!" Ay for acads pala ito, akala ko meeting with parents na eme.
Habang gumagawa kami ng research sa kanilang parang mini office room ay biglang may pumasok na lalaki.
"Good evening po Mayor Cordovez" pagbabati ko.
"Good evening Ms.?"
"Kianna Garcia po".
"Good evening Ms. Kianna, kumain na kayo?" Tanong niya
"Okay na po pinaghandaan po Kami Kanina ng snacks Dito"
"What are you guy's doing?"
"were mak-" hindi ko pa natapos ang sasabihin ko ng biglang hinila ako ni Zues papalabas.
"What happened Zues? Tinanong pa tayo ng papa mo, ang bait bait pa nong tao binati pa nga tayo eh wala ka bang respeto!?" Naiinis Kong sinabi.
"Umuwi kana"
"So hindi mo ako ihahatid? "
"Si Kuya Henry ang maghahatid sayo pauwi" at bigla niya akong tinalikoran. Si kuya Henry ay kanilang driver.
"Bastos talaga tong batang to" pikon na sabi ko.
Naka uwi na ako ng bahay ng biglang nag vibrate ang cellphone ko.
"I'm sorry sa mga inasta ko kanina"
It was him.
Hindi ko siya sinagot dahil naiinis parin ako sa kanya.
Kina umagahan ay ipinasa na namin ang aming research. Tahimik parin si Zues hanggan ngayon at hanggang ngayon naiinis parin ako sa mga insal niya sa harap ng kanyang tatay.
Malapit na ang tournament namin kaya todo insayo narin ako. Bakas parin sa aking Mukha ang pag aalala dahil kulang pa yung timbang ko, dapat sa loob ng tatlong linggo may mag gain na ako ng weight.
Pagka uwi ko ng bahay ay dumiretso ako sa kusina at kumain. Pagkatapos kung kumain ay may biglang nag doorbell sa aming bahay. Lumabas ako at nagulat sa aking nakita.