Chereads / L I L I T H [tagalog] / Chapter 4 - CHAPTER 4- HELLVARD

Chapter 4 - CHAPTER 4- HELLVARD

L I L I T H- HELLVARD

Lumabas na kame ng coffee shop. And kora seems having the best day of her life and spirits who past by couldnt take their eyes off those two couples. They're famous. Sana all May mga normal soul naman sa paligid mukhang nagtatrabaho ang mga ito. I leaned on beca, whose still eating mula pa kanina. "Amhp beca. They're souls right?" She nodded at me with a mouthfull of food in her mouth "Diba ang mga kaluluwa dapat sumama na sa babae kanina sino nga ba yun?"

"Mistress? Hindi pa pwede. Ang mga iyon ang mga kaluluwang payapa. Wala na silang ikinababahala sa kanilang naiwan. Ang mga kaluluwa rito ang mga taong pulubi  na tinatawag. Kaluluwang balisa di tanggap ang kanilang pagkamatay. Ang mga tinatrabaho nila ang mga naaayon sa patakaran na pinatutupad ng kanilang bantay. Si president Ion. Kita mo ba na may tinitingnan silang relo?"

Tiningnan ko namang maigi ang mga kaluluwa na tumitingin sa relo at pamg professional ang suot nila parang mga taong nagtatrabaho lang sa office.

"Bakit pala anong meron dun?"

"Kung sainyo dibe orasan. Dito hindi. Dyan nila makikita kung padami dami na ang mga magagawa nilang kabutihan o mga utos ni president sa kanila. Upang balang araw yun ang magiging ticket nila kay mistress shatana"

Nalinawan ako sa mga sinabi niya. So di lang pala basta basta namamatay ang tao at tatalikod may mga gawain rin pala sila sa kabilang buhay. Captivating and cool.

The book was just pop out of nowhere at bumuklat ito sa harap ni thairi. Yung libro nagsasalita. Kaso di siya nagsalita ngayon. Lumapit naman ako para makita ang nakasulat at napasinghap ako dahil nakita ko ang pangalan ng kapitbahay namin. Gilbert Sedillo isang 35 years old may anak na tatlo.

"Isssh why now!" Reklamo ni kora at niyayakap ang braso ni thairi. May nakita rin akong lumabas na scroll sa harap ni kora at may lumitaw na sulat. Isang aborted baby of a 16 years old mother.

Nakaramdam ako ng inis at lungkot sa nabasa ko. Nakita ko ang pagpatak ng luha ni kora at kitang kita ang galit sa mga emotion niya. "Mortal talaga. Nang aabort matapos magpasarap sa kama! Her reason is invalid too. Mas lalo niya ako pinapagalit. How could a mortal do these to God! Have they been warned about the wrath of hell?!"

Beca rubbed her back "Kora chill kalang..."

"No! Killing an angel is unforgivable sin, this is not a joke she killed her own baby"

Lumitaw ang imahen ng isang baby na nilalag ng ina sa cr at maraming nakakita at nagkalat ang balita sa social media. Di lang pala sa tao pati rito balita rin pala ang kakagawan ng tao. May lumapit na puting paro paro sa kanya at dumapo sa kanyang daliri at mukhang may binubulong ito at tumango siya.

"Ipapadala mo ang balita kong ito sa hukom. Mananagot ang ina sa ginawa niyang pagpatay sa biyaya ng diyos! Ang diyos na ang bahala sa kanya"

"I'm really sorry. I feel awful for mortals undoing"

"You shouldnt class A. Its wasnt your fault. Its them. God have mercy on their souls. Karamihan sa mga nababalitaan ko ang pag iwan ng ina sa mga sinapupunan sa kung saan laking pasasalamat ko nalang kung may makakakita dito. Pero kung hindi.." mukhang nagmamadali siya at ang lungkot nang kanyng emotion. She face thairi and gently touch thairi's cheeks "I'll be back thairi dont flirt on another woman okay? Lalo kana class A. Don't ever fall to my man. His mine"

Gagi pinagmukha niya akong kabit angas niya parang sa tingin palang niya para na akong sinabunutan.

Pumara siya bigla at napaupo ako ng may lumitaw na butterfly sa harap ko. Shit! Ang laki! Kora kiss thairi on the cheeks and I heard a childrens voice inside the big butterfly. Am I the only one heard them?

"If you ever wonder ano yun. That butterfly is a vehicle for all the mortal children from infant to 10 years old... Oh dear! I have to hurry too. I'm late for my class. See yah guys!"-pagpapaalam ni beca at na bigla lang ako ng kumaripas ng takbo. Naiwan lang kami ni thairi na nasa labas ng coffe shop at tinitingnan ang mga dumadaang kaluluwa.

"Shall we" biglang sambit ni thairi at sumabay lang ako sa kanya.

"Amph where are we going?" He just glance on me and pluck the feather of his crow at tinuka naman siya nito dahil nasaktan ng binigla niya ang paghila. Hinipan niya ang balahibo ng uwak atsaka naman ito nag expand at lumaki.

"Hop on."-aniya at umapak dito. Umupo lang ako nang bigla itong lumipad niyakap ko ang binti niya at natatakot na mahulog. While his chill and standing on the feather at may mga usok na nang gagaling dito na parang sasakyan lang at may lumalabas sa usok sa tambutso.

Nakatingin lang ako sa nadadaanan naming kaluluwa ng mga lumilipad na ibon at bigla bigla naman akong pipikit kung mahagilap ko ang taas ng niliparan namin. Napasinghap ako ng may lumabas sa harap namin na parang portal at pumasok kame. Sumigaw lang ako ng paikot ikot kami ng lipad na parang roller coaster at di ko napigilan at sumigaw lang ako hanggang sa kagatin ko ang binti niya pero nung makararing kame dumugo lang ang gums ko ng matama sa kalansay niyang binti.

"Tangahan mo pa"

"Takot ako sira ulo ka. Ikaw kase di mo naranasan mamatay dahil isa kang reaper. Tao lang ako gago"

"Bat mo ba akong minumura?!"

"Sorry tao lang"

Nakita ko si mama na nasa labas ng bahay ni Gilbert at ang daming tao sa labas ng bahay. Lumapit ako kay mama at tumagos lang ang kamay ko. I tried to hold her but i cant. Natakot lang ako at pinilit kong tawagin si mama pero di niya ako nakikita at naririnig man lang. I saw a string on my hands at nilingon ko ito and it ends through thairi.

"Anong ibig sabihin nito thairi?"

"Hindi ka pwedeng umuwi may kasunduan tayo diba? You'll go home as you finish your task. A deal is a deal. Help me or you will lose your life"

"Pero I just want to touch her once more. Hindi ba pwede?"- he shook his head at wala na talaga akong nagawa kundi pagmasdan si mama na nasa harap ko at tumagos siya na paalis ng may dumating na ambulansya.

Kinuha na nila ang walang malay na si kuya Gilbert at sinakay rin ako ni thairi sa ambulansya na katabi ang mga parademic at kasama ang nanay asaws niya. Umuusok lang si thairi at pinaypayan ko lang ang usok paalis ng paligid ko. Wala siyang amoy pero I hate it. Mauusok kase di ako sanay.

They took care of kuya gilbert at give him oxygen. Naawa ako sa asawa niya kanina pang umiiyak. The paramedic was giving their best para umabot pa si gilbert ng hospital ng buhay. "Thairi bigyan mo naman siya ng second chance. Have a heart siya lang kase ang pag asa ng kanyang pamilya--"

"Mukha ba akong nagbibigay buhay? Minsan talaga hina ng kokote mo--" bigla naman siyang tinuka ng uwak siguro sinaway lang siya neto. Harsh kase siya nagkakasakit na siya ng heart.

Di ko matiis ang iyak ng babae pati ako maiiyak sa kanya. Masakit kayang mawalan ng mahal sa buhay. Grabe talaga ang sakit pagnamamaalam na sila at tumalikod na sa mundo.

"Gilbert lumaban ka"- iyak na sambit ng asawa nito. "Gilbert...!!!"

"Kaya mo na bang Ibalik Ang kanyang kaluluwa?"

Napasampal soya ng batok at kulang nalang sasakalin na niya ako "Ano akala mo sakin Diyos? Tsaka di sya robot na pwedeng palitan ng battery"

I sneered at him. "Ang sungit nagtanong lang Naman"

"Ano?!"

"Wala"

He tss'ed and shook his head. Nabigla ako sa paglitaw ng itim na usok sa tabi ni thairi at nagkaroon ng figure na tao at isang lalake naman.

"What's up bro. Heto na naman ako manggugulo!"-sabay kuha niya ng kamay ni thairi na and shook their hands. Boredom sagged the eyelid of thairi as the man shows up. His too loud at halatang halat na makulit "Hello miss ganda. I'm the second chanser, Zeki at your service--"

"Are you done?" Inip na tugon ni thairi na nakarest ang palm sa cheeks. "Ingay mo. Just focus will ya "

"Thats what I like you bro.."

Thairi just simply shook his head. Ang ingay niya talaga ang nababagot na si thairi. Maingay nga ako pero mas worst pa siya. Inilabas niya bigla ang kanyang malaking sandata at inikot ito niya ito at natakot ako sa ginawa niya ng matusok ang sandata niya sa ulo niya at tumalsik ang usok. Oo usok at di dugo at tumatawa lang siya.

Winagayway niya ito sa paligid at hinablot ko ang babae pero tumagos lang ako at nasubsob sa ilalim ni gilbert. Umahon ako at hinarang ni thairi ang sandata ni Zeka at narinig ko ang pagtagpo Ng sandata namin. Pero panatag ako dahil tumatagos lang ito sa mga tao. Nabigla naman ako ng makita kong naputol ang kaunti kong buhok sa sandata niya.

"Are you crazy! You just killed him. He just died twice?! Thairi do something!"-bulalas ko and he clear his throat. As thairi began to grunt and looked away

"Kusira gama, open the door as spirit guide it to me" bulong niya sa ere at napasigaw ako ng itama niya ito sa katawan ni gilbert at lumabas ang kaluluwa nito. Parang biningwit niya lang.

"Ingatan mo nga! You're hurting him! Gago!"

"Oyy minura ako oh..."

"Pati nga ako minura din niyan" sagot nito sa kanya.

"Ano man?" Paghahamon ko pa.

Nabigla naman siya sakin at tiningnan si thairi na walang kaide ideya sakin. But thairi just simply ignore him

"Bago kano? Di ko siya papatayin i'm here kase itong si thairi minalas. Di niya masusundo kase palaban naman si gilbert sa buhay niya."

"Are you two rival?" Tanong ko at tumingin siya kay thairi na kanina pang naiinip sa kanyang ingay.

"Pwede rin" umahon ang kaluluwa ni gilbert at binawe na ni zeka ang sandata niya at nilagay sa bewang niya. Dumating na kame sa hospital at lumabas na ang paramedic at nung asawa. Nasa labas kame habang yung kaluluwa nakapikit.

Parang sleep walking siya. Putlang putla talaga

Akmang aalis na kame ni thairi ng hablutin ako ni zeki papasok ng hospital at narinig ko ang inis sa boses ni thairi na sumunod sa likuran at pagkatahak ko sa pinto parang pumasok ako sa isang barrier at maraming tumatakbong nurse at mga tao sa labas na naghihintay ng resulta but beside that we stop at the elevator.

Pumasok kame at tumabi ako kay thairi kase natatakot ako sa kaluluwa ni gilbert na bigla bigla lang dumilat at nakatingin sa kanyang mga paa at kinikilabutan ako ng dahan dahan niyang paglingon sakin at and i squirmed at niyakap ang braso ni thairi. Bumaba na ang elevator at nakatingin lang ako sa numero. As the elevator widely open, napanganga ako sa napakaraming pinto sa harapan namin.

"Welcome to hellvard please kindly follow miss daisy as your guide to your destiny. Please be inform and be very wise as you enter  here...." dinig kong salita sa paligid at continue lang ito sa pagsasalita. May isang bata na lumapit samin. Kulay navy blue ang buhok niya na nakaphony tail, may vixen siyang tenga. Nakadress siya pero astig in a way with her lollipop

"Dito po tayo!"- turo niya sa pangalawang pinto at and unlock the door. Marami siyang susi gaya rin kay mistress shatana na sinabi nila na taga hatid ng kaluluwa sa isla. Ito naman siya ang bantay ng pinto. Anong pinto naman kaya ito at san kami papupuntahin?

Sumabay lang ako kay gilbert at napachoke up ako ng hilain nila ang kwelyo ko paatras. "Sira san ka pupunta?"

"Bakit iiwan nyo siya?"

"Sira ulo kaba ang mga pinto na yan ay ang magsisilbing daan sa mga kaluluwang gusto pang bumalik sa kanilang katawan. Atsaka ang iba dyan may iba yang pupuntahan. Tapos sasama ka ano ka challenger sira class A ka"

Minsan di ko alam na bat nila ako tinatawag na class A anong meron. Am i going to school here or what? "Why can't you just call me by my name lilith"

"Class A. Your name must not be called kase di kapa patay. Class A ka dahil yan ang nakikita ko sayo na tinatak ni sir thairi"

Hinanap ko naman pero wala naman anong nakasulat na class A sa uniform ko "Saan wala namang nakalagay na tag ah?"

"Kame lang makakita nasa tatak lang siya na parang name tag dito"-turo niya sa dibdib ko at pinalo ko siya

"Pervert!"

"Sira wala naman yang laman"

Hinawakan niya bigla ang kamay ko at hinila ako pataas hanggang sa bumungad sa harap ko ang napakaluwag na labyrinth. Parang walang katapusan ang lugar na ito. Hinahawakan niya lang ang kamay ko habang palakad lakad kame sa cemento. Tinatanaw sa ibaba ang mga kaluluwa. Lahat sila hinahanap ang daan palabas.

"Dito naitatapon ang mga taong ayaw pang sunduin ni thairi... sa bagay suplado kase kaya ayaw sa kanya"

"May problema ka sakin zeka?"

Zeka slightly chuckles at bigla bigla akong dinala na parang bagong kasal. "Dyan ka muna ipapasyal ko pa si class A" di pa ako napakapag ayaw ng bigla bigla siyang tumakbo at hinabol kame ni thairi.

•☆•