SA buong maghapon, hindi binigyan pansin ni Anya ang matinding sikat ng araw. Bukod kasi sa paglalako ng mga kakanin ay nagtitinda naman siya ng mga rosas tuwing araw ng biyernes.
Suot niya ang kulay dilaw na bestidang mabulaklakin na pinaresan niya lamang ng murahing sandalyas. Dahil sa kalumaan na nito ay nagkasugat-sugat ang kaniyang talampakan.
Mala-manika kung siya ay ikukumpara. Subalit, tanging kapintasan niya lamang ay ang kakulangan nito sa edukasyon. Hindi siya nakapag-aral dahil, maaga siyang naulila sa kaniyang ina at naging obligasyon na rin niyang alagaan ang kaniyang tiyahin.
Sa murang edad niya ay natuto siyang magtrabaho upang may maibigay na pera. Kahit sobra-sobra na kung tratuhin siya ng kaniyang tiya, ay hindi siya kailanman nagtanim nang sama ng loob dito. Kahit pa na, lagi nitong ipinagduldulan na isa siyang anak ng mamatay-tao.
Sa bagay na iyon, mas nanatili sa kaniya ang laging binilin ng kaniyang ina. Ang mahalin ang Tiya Marites niya.
Isang ngiting totoo ang iginawad niya sa matandang bumili. Pilit niyang huwag alalahanin ang lahat.
"Magkano lahat ito, hija? Pakyawin ko na," anang matandang lalaki nang makasalubong siya.
Lumiwanag ang bilugang mga mata ni Anya mula sa narinig. Malawak din ang ngiti niyang iniabot sa kaharap ang isang kumpon ng preskong kulay puting mga rosas.
"350 pesos na lang po ito, bagong pitas, mabango pa at presko!" nakangiting aniya bagay na ikinatango-tango ng matanda sabay iniabot sa kaniya ang limandaang peso.
"Kukunin ko na, sayo na ang sukli," wika sa kanya ng kaharap.
Umawang ang manipis na labi ni Anya. Hindi siya makapaniwala sa kabaitan ng matanda.
"Naku! Malaking halaga na po ito, manong. Sobra-sobra na rin po ang ibinigay mo,"
Natawa nang mahina ang matanda, "Huwag mo nang isipin ang halaga ng pera hija. Maliit na halaga lamang iyan kung ikukumpara sa pagod mo maglako. Siyanga, at ako ay aalis na." Saad ng matanda bagay na ikinangiti niya nang totoo rito.
Limang daan, sapat na para may maibigay siya sa kaniyang tiyahin.
KINAGABIHAN, nadatnan niyang nakaabang sa bakuna ng pintuan ang kaniyang tiyahin. Base sa pagmumukha nito ay alam na ni Anya na hindi naging maganda ang araw nito.
"L*nt*k na! Sinabi kong wala nga akong pera, Boyong! Bakit ba, ang tigas ng ulo mo ha?" naboryong singhal nito sa binatang kakalabas galing sa loob ng bahay.
Humigpit ang paghawak ni Anya sa basket na bitbit niya. Kapag kasi, ganitong galit ang tiyahin niya ay siya ang pagdidiskitahan nito.
Hindi siya kaagad tumuloy, hinintay niyang humupa ang galit na tiyahin niya. Pinakinggan niya lamang ang pagtatalo ng dalawa.
"Nay, naman. May aktibidadis kaming gagawin sa paaralan bukas. Kailangan kong makapagbayad ng dalawangdaan para, sa school obligation! Bakit kasi, ayaw ninyong patrabahuin si Anya sa Maynila. Dun, mas malaki ang kikitain niyang pera!" malakas ang boses na sabi ng pinsan niya.
Hindi siya napansin ng dalawa bagay na ikinakagat-labi niya. Kumuyom ang kaniyang kamao. Gusto niyang magalit. Subalit, masyadong malambot ang puso niya, kahit masama ang ugali ng tiyahin niya, hindi niya nakakayanang hindi ito pagbigyan sa gusto nito.
Humakbang siya palapit sa mga ito, bagay na siyang ikinakunot-noo ng tiyahin niya nang mapansin siya nito. Napunta sa hawak nitong supot ang tingin nito.
"Ma-magandang gabi, Tiya Marites!" nakangiti niyang pagbati sa ginang.
"Oh! nandyan na pala si Anya. Sa kanya ka manghingi! Wala ka talagang silbi kahit kailan!" singhal nito sa anak bago ito tumalikod.
Tinitigan niya ang kaniyang pinsan. Pansin niya ang pagkunot-noo nito. Tila, nasiyahan ito nang labid mula sa sinabi ng kaniyang ina.
"Narinig mo ang sinabi ni nanay, akin na! Ibigay mo na sa 'kin ang kinita mo ngayong araw."
Hindi siya makaimik, gustuhin man niyang pumalag pero wala siyang sapat na lakas ng loob. Nang hindi niya iniabot dito ang pera ay sapilitan nitong kinuha mula sa kaniyang kamay ang hawak niyang wallet.
"Angas ah! Mukhang malaki ang kinita mo ngayon. Akin na 'to. Hayaan mo, ibabalik ko rin sayo kapag makaluwag-luwag ako," nakangising ani Boyong.
"Kuya Boyong, para kay tiya iyan. Ba-baka ako naman patayin niyon kapag kukunin mo lahat," naiiyak niyang sabi rito.
Ngumisi sa kaniya ang binata, "Bahala ka na magpaliwanag dun!"
Hindi siya nakapagsalita o maski pigilan ito. Sinundan niya lamang ito ng tingin hanggang sa mawala ito sa kanyang paningin. Napahid niya ang luhang tuluyan ng pumatak. Malalagot na naman siya sa kaniyang tiyahin.
Maingat at may pag-aalalang pumasok sa loob ng bahay si Anya. Naroon ang tiyahin niya at ang tiyo Berto niya, kasulukuyan din naghahain ng pagkain sa hapag sa mga sandaling iyon ang Tiya Marites niya.
"Oh, nasaan si Boyong?" nakabusangot na usisa nito.
"Umalis na po," mahinang sagot niya sa takot niyang mapagalitan nito.
"Oh, ei ano pa hinintay mo riyan! Kumain ka na."
Bahagyang inangat ni Anya ang mukha. Bago sa kanya ang ganoong pagtrato ng tiyahin niya. Kahit paano ay, nabawasan ang takot niya. Kanina na rin kumakalam ang kanyang sikmura, natandaan niyang tanging tinapay lamang at noddles pa kinain niya kaninang umaga.
Habang kumakain sila ay napansin niya panay bulungan ng mag-asawa. Na tila, nag-aalangan pa kung sino ang unang magsasalita.
Nang tumingin siya sa mga ito ay siya namang pagtikhim ng Tiyo Berto niya.
"Anya, may nakausap akong tao. Kakilala ng ama mo," seryosong anito.
Doon, natigilan si Anya, bakas sa mukha ang kagalakan nito habang hindi naman maipinta ang mukha ng tiyahin niya.
"Nasa Maynila ang ama mo, Anya. Matapos niya kayong ibinandona ng ina mo, ayun. Gusto kang kunin!" anang tiya niya at bakas sa boses ang pagkairita nito.
Nangilid sa mga mata ni Anya ang luha. Hindi naman kasi sila totoong iniwan ng kaniyang ama. Bago pa kasi malagutan ng hininga ang inay niya ay nagawa nitong ipagtapat sa kaniya ang totoong pagkatao nito at rason kung bakit sila nagkawalay.
"Tama nga, Marites. Sinasaktan mo lang ang damdamin ng bata. Siyanga, mag-imapake ka ngayon. Dahil, bukas isasama kita papuntang Maynila."
Kahit paano ay nagawa niyang ngumiti. Labis din ang saya niya sa pagkakataong iyon.
"Salamat po, tsong. Tatanawin ko po ng utang na loob ang ginawa mo," naiiyak niyang sambit.
"Sige lang, kumain ka na." Ani ng kausap niya.
Bumaling ng tingin si Anya sa kaniyang tiyahin. Pansin niya ang pananahimik nito.
"Si tyang po at Boyong, isasama niyo ho ba?" tanong niya bagay na ikinaangat ng kilay ng ginang.
"Hindi muna, dalawang ticket lang kasi ang nakuha ko. Pero, susunod din sila." Nakangising sagot ng tiyuhin niya.
Hindi na umimik si Anya. Kahit kasi, masama at hindi maganda ang pagtrato sa kaniya ng tiyahin niya ay gusto niya itong makasama. Alam niyang nag-aalala ito sa kanya pero hindi lamang nito maipakita.
KINAUMAHAN din ay nakapag-impake ng kanyang mga gamit si Anya. Kasama nito ang Tiyo Berto niya at tuluyan na niyang iiwan ang buhay sa probinsya para makipagsapalaran sa Maynila. Halos kalahating oras din ang itinagal nang narating nila ang destinasyon na pupuntahan nila.
Maingat at matao ang lugar nang igala ni Anya ang kaniyang paningin sa paligid. Namangha siya dahil, sa kagandahan ng syudad, malayo ito mula sa nakagisnan niyang lugar. Bagay na ikinangiti niya.
"Tsong, malapit po ba rito si itay? Makikita ko ho ba siya rito?" nakangiti niyang usisa sa kaniyang tiyuhin.
Kasalukuyan silang naglalakad sa mga sandaling iyon. At sa isang kilala at tanyag na club sila tumigil. Tumitig sa kanya ang kaniyang tiyuhin saka siya nito tinanguan.
"Oo, ang sabi ng kakilala ko, rito sa lugar na 'to, minsan dumadayo ang ama mo, at balita ko rin. . . yumaman na siya, kaya sana maalala mo kami ng tiyahin mo," sagot nito.
Lumapad ang ngiti sa labi ni Anya, sa wakas ay makakasama na niya ang kaniyang ama. Dahil sa saya ay napayakap siya sa kaniyang tiyuhin habang naiiyak na pinapahiran ang luha. Subalit, ang hindi niya alam ay planado na ang lahat.
"Maraming salamat tsong, dahil sa inyo, makakasama ko na rin si itay," naiiyak niyang sabi.
Pekeng ngumiti lang ang kausap, at may pagnanasa na humaplos ang magaspang nitong mga daliri sa braso ng dalaga. Sinimhot din nito ang mabangong amoy ng buhok ng dalaga.
Humiwalay mula sa pagyakap sa tiyuhin si Anya. Hindi man siya sigurado pero hindi niya gusto ang paghaplos nito.
PAGPASOK pa lamang nila Anya sa loob, dinig na dinig niya ang ingay ng musika mula sa loob ng tinuluyan nilang club. Ang sinabi ng tiyuhin niya ay, dito muna siya pansamantalang titira habang hindi pa nila nakita ang tinirhan ng kaniyang ama.
Nasa isang sulok siya nakaupo. Panay ang tingin niya sa mga taong naroon, bagay na ikinangiwi niya. Hindi siya komportable sa lugar na ito.
"Hi! Ikaw ba si Anya Suarez?" usisa sa kanya ng isang babae nang makalapit ito sa kinaroroonan niya.
Pagtitig niya rito ay hindi nakaligtas ang titig niyang mapanuri. Para kasing namamaga ang mukha ng babae sa kapal ng kolorete nitong inilagay sa mukha.
Gulat na tumitig siya dito at saka tumango na lang bilang sagot.
Ngumiti sa kaniya ang babae, "Halika, samahan kitang magpalit ng damit mo," anito.
Walang pagdalawang-isip siyang sumunod sa babae. Marahil ay, gusto lang ng may-ari na magpahinga siya. Hinagilap niya ng tingin ang kaniyang tiyuhin ngunit, naroon lamang ito sa isang sulok, at may kausap na lalaki.
"Ako si Merry, ako ang magtuturo sayo," nakangiting anito bagay na ikinahinto niya mula sa paghakbang.
"Pa-para saan po? Anong maging trabaho ko?" inosenteng tanong niya.
Natawa nang bahagya ang babae na animo ay hindi pa ito makapaniwala mula sa tanong niya.
"Nagpapatawa ka ba? Pero, alam mo, okay lang 'yan, ganyan din ako noong una. Mukha akong inosente pero, matinik!" pabiro nitong sabi.
Kinabahan na naikagat ni Anya ang daliri. At ramdam ng kasama nitong babae ang kaba niyang nararamdaman.
"Hindi ka ba na-inform na pagiging stripper ang magiging trabaho mo?" anito bago natawa ng pagak. "Pumasok ka, si Madam RR na ang bahalang magpaliwanag sayo," aya nito nang pagbuksan siya ng pinto.
Nagsimulang bumigat ang pakiramdam na sinalubong ni Anya ng titig ang baklang nagngangalang Madam RR. Pakiwari niya ay hindi na maganda ang nangyayari sa kanyang paligid. Base kasi sa mga ayos ng mga babaeng nasilayan ng kanyang mga mata sa loob ng silid na iyon ay, ito ang tipo ng babae na mga mababa ang lipad.
"Ikaw ba si Anya?" bungad nito sa kanya.
Tango lang din ang naging tugon ni Anya.
Taas-kilay na tinitigan siya ng bakla. "Oh! What are you looking for? Kilos na! Ayaw ko nang patamad-patamad dito," utos nito.
Natigilan si Anya, at may kalituhan na nagtanong dito.
"Ano po ba ang magiging trabaho ko? Sa pagkakalam ko kasi, pansamantala lang ako makikitira rito habang hindi pa namin makita ni Tsong Berto ang itay ko," malumanay ang boses naisagot ni Anya.
"Trabaho?" natawang anito. "Oh! Sorry hija, pero nagkamali ka ng paniniwala. Bayad kana kasi, at sa ayaw at sa gusto mo. . .pagiging stripper sa club ang maging trabaho mo,"
Nangilid ang luhang umiling si Anya.
"Bago ka pa man, dinala rito. Bayad na ang kaluluwa mo. Binenta ka ng tiyahin mo,"
"Hindi po totoo 'yan," pag-iling niya at tuluyan nang bumagsak ang kanyang luha. "Babalik na lang po ako sa probinsya namin. Nasaan po si Tsong Berto," luhaang aniya.
Ngumisi ang kaharap, mukhang sanay na ito sa pagbubugaw na gawain.
Umiiyak na tinakbo ni Anya ang nakasarang pintuan at pilit itong buksan ngunit, hinayaan lamang siya ng bakla.
"Wala ka ng mapagpipilian pa. Kanina na nakaalis ang magaling mong tiyuhin." Ani Madam RR bago ito bumaling ng tingin sa nagpakilalang Merry.
"Bihisan ninyo siya, ikulong niyo muna. Alam mo na rin kung ano ang dapat mong gawin." Utos nito saka humakbang paalis.
Mabilis na humawak si Anya sa kamay nito at nagmamakaawang palabasin.
"Parang awa na po ninyo, palabasin na po ninyo ako. Wala po akong naging kasalanan," iyak niyang pagmamakaawa rito.
Subalit, hindi natinag si Madam RR. Bagkos, pagalit nitong winaksi ang kaniyang kamay sabay tulak sa kanya.
"Huwag ka ng magtangkang tumakas pa, kung ayaw mong ipapatay kita!" asik nito bago tuluyang lumisan.
Takot at puno ng pag-aalala na inilayo ni Anya ang sarili habang yakap ang kanyang tuhod. Hilam na rin ng luha ang kanyang mukha nang iangat niya ang mukha upang magmakaawa sa kaharap.
"Tulungan po ninyo ako, ayoko rito. Ayoko!" hikbing pakiusap ni Anya.
Agad na nag-iwas ng tingin si Merry. Anumang oras kasi ay babagsak ang luha nito kaya hanggat maaari ay susundin niya ang utos ng kaniyang amo at baka siya naman ang malilintikan.
NAKAPIKIT ang mga matang nahilot ng binata ang gitnang noo nito. Sa mga oras na ito ay kasalukuyan siyang bumabyahe pauwi. Sakay niya ang kanyang private plane upang makaiwas sa matataong lugar.
He was bored. Tired and broken. He flew to Mexico just for Julea, nagbabakasakali siyang makipagbalikan ito sa kaniya.
He has everything, power, fame, and wealthy. Subalit, hindi niya kayang tapatan ng pera ang pag-ibig ni Julea sa lalaking ipinalit nito sa kaniya.
"Lord Dark! Mister Akuzama, wants to meet you, tungkol sa anak nito ang pag-uusapan ninyong dalawa," anang sekretarya nito.
He just nodded. And by raising his left arm, it is a sign that his secretary needs to leave.