PAPUNTA ako sa farm ng pamilya ko no'ng araw na 'yon nang makita ko siyang nakatayo sa gitna ng daan. Ang lakas ng buhos ng ulan pero parang wala lang ito para sa kanya. Nakatalikod siya sa akin pero pansin ko ang paggalaw ng dalawang balikat niya.
She's crying again.
Tuwing umaga, lagi ko siyang nakikitang umiiyak. Wearing the same outfit: black short, white t-shirt, black jacket, black rubber shoes. Parang ginagawa niya lang dahilan ang pag-jogging para iiyak ang sakit na nakatago sa puso niya.
"Ana," tawag ko sa kanya nang makababa ako ng sasakyan.
Pansin ko siyang natigilan.
Lumapit ako sa kanya pero humakbang siya palayo sa akin.
"Ana--"
"Leave me alone."
Hindi pa rin siya humaharap sa akin. Nanatili lang siyang nakatalikod.
Napabuntong-hininga ako.
''Take this. Basang-basa ka na. Baka magkasakit ka niyan.''
ani ko sabay abot ng payong.
"Don't act like a nice guy. I'm sick of it." malamig niyang saad saka naglakad palayo.
Wala sa sariling napangisi ako habang sinusundan siya ng tingin palayo.
I, Kier Perez, has always been cold to anyone. I don't like meddling in other people's business. But it seems like our path is already destined to meet.
The next day, I saw her again. Kagaya kahapon, she just ignored me. Reasons why I became more curious about her. Sa tuwing tinataboy niya ako, mas lalo naman akong lumalapit sa kanya.
Hanggang isang araw, nakita ko siyang walang-malay na nakahiga sa kalsada.
''Ana! Ana!''
'Yon ang unang beses na kinabahan ako ng sobra. At sa araw 'ding 'yon na-realize ko kung gaano siya ka-importante sa akin. I'm falling for her. The girl who always pushed me away. The girl who always cry. The only girl who got my attention: Joana Salvarez.
''Sigurado ka bang ayos ka lang? Sabi ng doktor--''
''I'm still breathing. And even if I'm not, it has nothing to do with you.''
Lagi siyang nakasimangot.
Hindi ko pa siya nakikitang ngumingiti kahit minsan.
Masungit. Mainitin ang ulo.
Pero hindi 'yon naging dahilan para mawala ang pagkagusto ko sa kanya. In fact, mas lalo ko siyang nagustuhan. I love her just the way she is.
''Wala ka bang kaibigan? Bakit lagi kitang nakikitang nag-iisa dito?''
tanong ko nang maabutan ko siyang nakaupo sa lumang swimming pool ng abandonadong villa.
Dali-dali siyang tumayo sabay punas ng luha. Dinukot ko ang panyo ko sa bulsa at inabot ito sa kanya.
''Here. Use it.''
Napatitig siya sa akin. Hindi kagaya noon, walang akong nakikitang pagka-inis sa mukha niya. Sa halip ay napupuno ito ng lungkot ------ at takot.
Ganoon nalang ang pagkataranta ko nang makita ko ang pagtulo ng luha sa mata niya.
''He--Hey. Are you okay? Why are you crying? May masakit ba sayo?'' kinakabahan kong tanong.
Umiiling-iling na lumayo siya sa akin. Puno ng pagkalito ang mukha niya na ikina-kunot ng noo ko.
''This is not right. You should be mad at me.''
''Mad? Why should i be mad you? I like you, Ana. I don't know why you--''
''Hindi. Hindi. You should hate me. You should hate me!'' hysterical niyang sigaw.
''Ana--'' Sinubukan ko siyang hawakan pero lumayo siya sa akin.
"You're not supposed to like me. Dapat galit ka sa akin. Dapat kamuhian mo ako. You should hate me!"
''Ana-''
''I always ignored you. I tried my best not to talk to you, smiled at you. But why do you still like me?'"
''Ana-''
''I don't understand. Bakit...bakit ako?''patuloy pa 'rin sa pagtulo ang luha sa mga mata niya.
''Ana. Listen...listen,'' hinawakan ko siya sa balikat and try to calm her down.
''I like you. Kahit ipagtabuyan mo pa ako ng paulit-ulit. Kahit sipain mo pa ako, sampalin. Hinding-hindi magbabago ang nararamdaman ko para sayo. I will still like you. There's no way that I will hate the woman I love." mahinahon kong Saad.
Malakas niyang winaksi ang kamay ko.
"You'll still like me?" Natatawa niyang tanong.
"Thank you but you don't need to do this. You're just wasting your time. Tomorrow-- tomorrow you won't see me anymore. I..I.."
"Hindi ko maintindihan. Bakit lagi kang umiiwas? Bakit lagi kang pumupunta dito mag-isa at umiiyak? I'm here, Ana. I can help you. Bakit ayaw mong sabihin sa akin ang lahat ng sakit na naramdaman mo? I can help you. I can--''
"Because no one can understand me! No one can understand my pain! NO ONE, Kier. NO ONE. And if you know about my past, you'll be like them. You'll hate me too.''
Parang dinurog ang puso ko nang makita ko ang luha na walang-tigil sa pagtulo sa mata niya.
Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganito but the pain on her face, her tears. Parang pinag-piraso-piraso ang puso ko.
It hurts me to see her like this. Ayokong makita siya sa ganitong kalagayan. I feel helpless. Wala man lang akong magawa para tulungan siya.
Tinaas ko ang kamay ko para punasan ang luha niya pero umiwas siya ng tingin.
''Ana--''
''Bukas, I'll tell you everything. But not now...not now.''
Dahan-dahan siyang humakbang palayo. At sa unang pagkakataon, I saw her smile. Tawagin niyo na akong baliw, but that smile is the most beautiful smile I've ever seen. But there's something wrong about it. Sana lang mali ako. Sana.
Kinabukasan maaga akong pumunta sa dating lugar pero wala akong naabutang Ana. Naghintay ako ng isang oras, limang oras, hanggang sa sumapit na ang dilim, hindi pa rin siya dumarating. Wala pa 'rin akong nakikitang Ana.
Umupo ako sa isang duyan, nagbaba-sakaling natagalan lang siya pero alas-otso na ng gabi kahit anino niya ay hindi ko pa rin makita. Ang dilim na rin ng paligid.
''Ana.. nasaan ka na?''
Madaling-araw na nang mapagpasyahan kong umuwi.
Pumupunta pa 'rin ako sa villa. Pero kagaya noon, hindi ko pa rin siya makita.
Pero kahit ganoon, hindi ako sumuko. Patuloy pa 'rin ako sa paghihintay sa kanya. Nagpunta ako sa bahay nila: paulit-ulit pero wala. Sabi ng kapit-bahay, umalis ang buong pamilya nito. Hindi 'rin nila alam kung saan ito pumunta.
Lumipas ang dalawang linggo, isang buwan, dalawang buwan. Unti-unti na akong nawalan ng pag-asa.
''Sir Keir, may sulat po para sa inyo.''
Hanggang isang araw, isang sulat ang dumating. Nakalagay ito sa isang pulang envelope.
[from: JOANA SALVAREZ]
Para akong nabuhayan ng loob. Naamoy ko pa sa sulat ang pabango na lagi niyang ginagamit.
Dali-dali ko itong binuksan. Pero ang excitement at saya na nararamdaman ko kanina ay unti-unting napalitan ng lungkot --- at galit.
''S--sir. Ayos lang po ba kayo?''
Napasandal ako sa pader.
Tumulo ang luha sa mata ko pero mabilis ko itong pinunasan.
''A-ayos lang. Makakaalis ka na.''
Nanginginig ang kamay na kinuyom ko ang kamao ko. Nilukot ko ang sulat at galit na hinagis sa sahig. Ang luha na kanina ko pa pinigilan ay sabay-sabay na nagsi-patakan.
"Bakit?.."
Malakas kong sinipa ang upuan. Sinuntok ko ang pader. Lahat ng nakikita kong vase ay walang sabi-sabing pinaghahagis ko sa sahig.
"Bakit!? Bakit mo ginawa 'yon?"
Tumulo ang dugo sa kamay ko pero tila hindi man lang ako nakaramdam ng hapdi. Para akong naging manhid.
Ang tanging laman lang ng isip ko ay ang mukha niya na nakangiti. Ngiti na kailan man ay hindi ko na makikita pa.
("That day, you said you liked me. Wala akong ibang magawa kundi ang tanggihan ka at ipagtabuyan. Gusto kong sabihin sayo ang lahat, ---lahat ng tungkol sa akin pero natakot ako. Natakot akong maranasan ulit ang nangyari noon.
Keir, isa akong maduming babae. Hindi ako ang nababagay sayo.
Ginahasa ako.
They raped me. My friends raped me. Mga kaibigan na pinagkatiwalaan ko ng sobra, binaboy ako na parang hayop.
Para akong mabaliw ng mga oras na 'yon. Wala akong ibang magawa kundi ang umiyak at umiyak.
Nagsumbong ako sa mga police pero walang naniwala sa akin. Sino ba namang maniniwala sa isang mahirap na katulad ko? Kahit pamilya ko nga hindi ako pinaniwalaan, ibang tao pa kaya. Sa halip na tulungan nila ako, pinagsalitaan nila ako ng masama. Pinagbuhatan ng kamay. Minaltrato na parang basura.
I tried to kill myself, maraming beses pero hindi ako nagtagumpay hanggang sa dumating ka. 'Yon ang unang pagkakataon na may kumausap ulit sa akin na walang pandidiri. Pero ayoko ng magtiwala. Natatakot na akong magtiwala. I tried to avoid you. Pushed you away pero hindi ka tumigil, kinausap at pinupuntahan mo pa rin ako.
Dahil sayo, unti-unti akong nagbago. Unti-unti akong nakaramdam ng saya. Pero mapaglaro ang tadhana. I was a raped victim. Gabi-gabi, sa tuwing ipipikit ko ang mga mata, laging bumabalik sa isip ang pangyayaring 'yon. Kung paano nila ako binaboy, mga nakakadiri nilang tawa.
Kahit anong gawin ko, kahit anong takas ko, wala pa ring magbabago, ako pa rin si Ana.
Keir, pagod na ako.
Pagod na pagod na ako. Ayoko ng magpanggap.
Gusto ko ng magpahinga.
Kahit hindi kita gaanong kilala, I know you're a nice guy. If I were the Ana before, I would like you but I'm not.
Patawad hindi ako nakapagpaalam sayo --- at salamat. Ikaw ang pinakamagandang bagay na dumating sa buhay ko. Dahil sayo nagawa kong ngumiti na akala ko noon ay hindi ko na magagawa pa.
Paalam Keir. Sana sa susunod kong buhay magkikita tayo ulit.
I know it's a sin, but I can't bear it anymore.
Kalimutan mo na ako. I don't deserve you.
You deserved someone. better. Someone who'll really love you.
Patawad.
-Ana)
"Pinagtabuyan mo ako dahil dito? Pinatay mo ang sarili mo dahil sa mga hayop na 'yon? Ana, ganyan ba kababaw ang tingin mo sa akin? Bakit hindi mo sinabi? I love you. I won't hate you just because of this. I fucking love you. I don't give a damn about your past. Bakit kailangan mo pang patayin ang sarili mo? Bakit?!"
Sumalampak ako sa sahig. Parang naging blanko bigla ang utak ko. Ni-hindi ko mapigilan ang luha ko sa pagtulo.
"Mahal kita. Mahal na mahal kita. Bakit mo ginawa 'yon? Bakit...gusto mong kalimutan kita? Sa tingin mo ganoon lang kadaling gawin 'yon? Ana, Mahal na mahal kita. Mahal na mahal. Mahal na mahal...ayoko ng iba. Bakit hindi mo makita 'yon? Ikaw lang...ikaw lang,"