Chereads / Tales of ARYA / Chapter 3 - Chapter 3.1 : Tales of ARYA

Chapter 3 - Chapter 3.1 : Tales of ARYA

Third Person's POV

Tanghaling tapat at abala ang mga tao sa kani-kanilang gawain sa bayan. Tumatawag ng sinu-sino para lamang bumili sa kanilang mga binebenta. Mga nag-aalok ng iba't ibang uri ng prutas, gulay, sa kabilang tapat naman ay mga gamit na yari sa yantok, mga seda, mga mangangalakal, nagbebenta ng mga armas at iba pa. Maraming tao ang narito ngayon sa pamilihan, mayroon ding mga bata ang nagtatakbuhan at naghahabulan.

Tahimik lang akong nagmamasid sa paligid, nakakaaliw panuorin ang mga taong namimili at masayang nagkukwentuhan. Isang bata ang nabangga ko sa aking paglalakad.

Napalingon ako sa kanya at napatingala naman sya sa akin. Nagkatagpo ang mga mata namin.

"P-Pasensya na po, hindi ko po s-sinasadya." Napangiti ako atsaka lumuhod upang pumantay sa kanya.

Inabot ko ang laman ng aking bulsa. Isang pagkain na nakabalot sa tela, ibinuka ko ang tela na hawak ko at tumambad sa kanya ang kamote. Tumingin at ngumiti sya sa akin at tila ay aabutin nya na kaya ay tumango ako tanda na pumapayag akong kunin nya ang pagkain, ngunit biglang sumimangot ang kanyang mukha.

"Maaaring ito na ang inyong huling pagkain kaya't hindi ko po kaya itong tanggapin."

Ngumiti ako dito at saka inabot ang kanyang kamay.

"Ito ay isang handog mula sa manlalakbay. At mas nakatutuwang pagmasdan na ikaw ay may sapat na kanin."

Ngumiti na itong muli at masayang inabot ang kamoteng hawak ko.

"Maraming salamat po, ginoong manlalakbay."

Aking dinampian ang pisngi nito at ginulo ang buhok. Saka ako tumayo at nag-umpisang maglakad patungo sa isang karihan, malapit sa bayan.

Nang makarating ako rito ay agad akong umupo sa dulo kung saan ay nag-iisang bakante malapit sa isang grupo ng mga kalalakihan ang maingay na nagkukwentuhan. Habang naghihintay ako sa aking kikitain ay hindi ko naman maiwasang hindi madinig ang kwentuhan ng mga lalaking malapit sa akin.

"Narinig nyo na ba ang bali-balita?"

"Ang aling balita? Paano namin malalaman kung hindi mo sasabihin kung ano itong balita na ito?"

Napansin ko na lamang na hawak ko pa din ang tas (bowl) ng tubig na akin sanang iinumin. Hindi kaya tungkol ito dun sa..

"Naalala nyo ba ang tungkol sa alamat na nangyari mga apat na libong taon na ang nakalilipas? Ang itinakdang hari ay isinilang na." Napalingon ako sa gawi nito. Sakali mang ang balitang ito ay totoo, kailangan ko ng kumilos ngayon din. Ngunit nahinto ako nang magsalita ang kasamahan nito.

"Naku! Ang alamat na iyan ay hindi naman totoo, pagkat ilang libong taon na ang nakalilipas. Ni hindi nga natin alam kung nangyari nga ba ang mga kaganapan noon."

"Tama! Tama! Walang makapagsasabi kung totoo ba iyon dahil ito'y kwento lang ng isang taong hindi naman natin kilala."

Sapagkat wala naman talagang makapagsasabi kung totoo ang mga nangyari noon na ngayon ay kuwento na lamang sa palagay ng iba.

Tumayo na ako sa aking kinauupuan at hindi na nakinig pa sa usapan ng nila. Kinakailangan ko ng umalis at bumalik sa templo para ipagbigay alam ang narinig kong ulat. Hindi pa ako nakakalayo sa kanila nang marinig ko pa ulit syang magsalita.

"Kung ito ay kuro kuro lamang, paanong mayroong nakakita ng ito ay ipinanganak ay biglang lumiwanag ang kalangitan na palatandaan na isinilang ang itinakda."

Nang marinig ko iyon ay hindi na ako nagtagal pa at umalis na din agad sa karihan. Narinig ko pang may tumawag sa akin pero hindi ko na ito pinansin pa. Sumakay agad ako sa isang kabayo na nakita ko sa malapit at sinipa ito upang tumakbo.

Sa aking paglalakbay pabalik muli sa templo, nakaramdam ako ng parang may sumusunod sa akin. Hindi ko pa ipinahalata na alam kong may nakasunod sa akin kaya't sinipa ko ang sinasakyang kabayo para ay makatakbo pa ng mas mabilis. Ngunit ang kabayong sinasakyan din nito ay mabilis na nakakasunod sa akin. Tumalon ako sa kabayong sinasakyan ko habang ito'y tumatakbo pa at saka ako nagtago sa malaking bato sa likod ng isang puno.

Hindi ko alam kung ano ang pakay nito, ngunit sa ganitong pagkakataon ay kinakailangan ko ng magmadali habang iniisip kung paano ako makakaalis ng hindi nasasaktan.

Pinakikiramdaman ko pa kung babalik ang sumusunod sa akin kanina, habang dahan-dahang inilalabas ang mga balisong na nakatago sa aking balabal (cloak). Kasabay ng pagiging alerto sa paligid ay dahan-dahan din akong umalis palayo sa malaking bato na aking pinagtataguan. Habang umaabante ay nakarinig ako ng yapak na tila tumatakbo palapit sa akin. Hindi maaari. Kahit anong mangyari ay hindi ako dapat na mahuli ng kung sinuman. Nagmamadali akong umalis sa aking pwesto na sinisikap na hindi makagawa ng ingay.

Ilang hakbang pa ang aking nagawa at nagtago muli sa likod ng isang malaking puno lagpas sa taong nakasunod sa akin. Paalis na sana ako ng makarinig akong muli ng mga yapak palapit sa napagtaguan ko kanina.

"Pinuno--"

"Hanapin ang taong iyon. Tiyak kong hindi pa ito nakakalayo. Libutin ang kagubatan, dakpin ang sinumang makasalubong na malapit sa lugar na ito at dalhin sa harap ko..."

Hindi ko na tinapos pa kung ano man ang inuutos nito. Sapat na ang aking narinig na ako talaga ang habol ng mga ito. Dahan-dahan at sinisikap na hindi makagawa ng ingay palayo sa kanila. Ngunit sa di inaasahang pagkakamali ay nakaapak ako sa isang maliit na sanga at naputol ito sanhi ng paggawa nito ng ingay. Saglit akong nahinto at dumapa upang pakiramdaman kung may nakarinig ba ng ingay na nagawa ko.

Sa aking paghihintay ng ilang segundo ay wala akong ibang narinig na ingay. Narinig ba nila ako? Ngunit walang ingay man lang akong narinig kaya't dahan-dahan kong inilinga ang ulo't paningin ko sa aking kanan kung saan ay alam kong doon sila manggagaling kung marinig man nila ang sanhi ng ingay na nagawa ko, ngunit wala. Naghintay pa ako ng ilang segundo at ng matiyak kong walang tao sa paligid ay dahan-dahan na akong tatayo nang may lumitaw na matalim na espada malapit sa mukha ko. Napailing na lang ako sa pagkadismaya at alam ko ng nakita na nila ako. Narinig ko ang pagngisi ng nasa harap ko ngayon, kaya't napangisi na rin ako. Buti na lang at hawak ko itong balisong. Dali-dali kong isinuwag ang balisong sa espada nito at bumwelo paikot sa kabila para makalayo sa kung sino mang nasa harapan ko ngayon. Wala pang minuto ng makatayo ako ay inihagis ko ang maliliit na patalim papunta sa kanila at saka tumakbo palayo sa kanila. Narinig ko pa itong sumigaw ngunit hindi ko na pinansin dahil sa aking pagmamadali na maka-alis sa lugar na ito.

At sa di kalayuan ay nakita ko ang aking sinakyang kabayo, agad ko itong sinakyan at naghagis muli ng patalim papunta sa humahabol sa akin, at saka sinipa ang kabayo upang tumakbo ito. Kahit anong mangyari ay kailangan kong makalayo rito.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Author's Note: Hi everyone! Thank you for dropping by. I know I'm not as good as your favorite author but I hope we could get along and I hope you enjoy reading TOA. Sorry for any grammatical errors and typos, will fix it later.

***This story is a work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious, unless otherwise stated. Any resemblance to real persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All rights reserved. No parts of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author. Plagiarism is a crime.***