Bayang Hopkinson, pinamumunuan ng pamilyang Hopkinson mga ilang dhur na ang nakakaraan.
Walang botohan sa mundong ito.
O baka sa bansa lang na ito.
Kung sa Earth, ang tawag dito'y absolute monarchy.
Bumaba na ako mula sa aking kuwarto at tumambad sa akin ang malawak na plazang maingay na puno ng mga estudyante.
Daan-daang mga naka-unipormeng babae at lalaki ang makikita sa lawak ng plazang ito.
Hopkinson din ang pangalan ng ampunang ito dahil pagmamay-ari ito ni Erick Hopkinson.
O, sa mas angkop na salita, pagmamayari ng pamilya nila ang ampunang ito mga higit isang-daang dhur na ang nakakaraan.
Pagpasok mo mula sa tarangkahan, tatambad sa iyo ang malawak na plaza at tatlong puting gusali.
Sa gitnang gusali, matatagpuan ang silid-aralan, laboratoryo, arena, library at opisina ng mga guro.
Pinagigitnaan ng dalawa parihabang gusali ang gitnang gusali at ang plaza.
Dito, sa dalawang gusaling nakabalagbag patungo sa harapang pader, nakatira ang mga 'boarders' at mga ampon.
Ang kanang parihabang gusali ay tinatawag na karanang-bahay at ang kaliwang parihabang gusali nama'y tinatawag na liwanang-bahay.
Ang kuwarto ko ay nasa liwanang-bahay.
May tatlo pang gusali sa likod ng mga gusaling ito.
Ang buntutang-bahay ay tulad ng karanan at liwanang-bahay habang ang dalawang gusaling nasa gilid nito ay tinatawag na buntot-liwanang-sanggulan at buntot-karanang-sanggulan.
Dito nama'y ang gusali kung saan dinadala ang mga batang natatagpuan sa bayan o sa ibang lugar. Tulad ko na natagpuan sa ilog Yalmar. Mga apat na dhur akong nanahan sa buntot-liwanang-bahay.
Hindi ko alam kung bakit, pero para sa akin, ambabantot ng mga tawag sa gusaling ito.
Hindi lang mga taga-ampunan ang maaaring mag-aral sa paaralang ito, pati rin mga anak ng kataas-taasang tao at mga bata sa bayan.
Maari rin na dito sila tumira habang sila'y nagaaral sapagkat marami namang kuwarto rito.
Sa madaling salita, hindi lang sa mga ampon dedikado ang lugar na ito.
Para itong pinaghalong ampunan, boarding school at nursery.
Waring wala namang diskriminasyon sa pagitan ng mga kataas-taasan at normal na tao rito.
Maliban nalang kung hindi sila makagamit ng manhira...
Bakit ba parang kasalanan ang maging normal na tao rito?
Walang sinumang tagarito ang kumakausap sa akin maliban kay Sane, Michelle, Eunice at Janice.
Sa katunayan si Sane ang nagturo sa akin magsulat, magbasa at magbilang.
Gayun pa man, nitong mga nakaraang emeras, bihira ko nalang din silang makausap kasi nga marami silang ginagawa.
Ewan ko ba kung anong mayroon sa apat na iyon pero ang mahalaga, kahit papaano, mayroon paring mga tao rito na tao rin ang tingin sa akin.
Matapos kong pagmasdan ang mga estudyante sa plaza. Tumuloy na akong maglakad patungo sa tarangkahan.
Habang nasa daan ako, narinig ko ang mga tsismisan ng dalawang lalaking nagpapagting sa aking tainga.
"Siya ba yun?"
"Sino?"
"Yun oh", nakita ko ang matabang Alsantis na batang lalaki sa sulok ng aking mata na nakaturo sa akin.
"Alin? Alin? Anong meron?", may sumingit na batang babaing Alsantis.
"Yung abnormal", sabi nung matabang Alsantis na mukhang cartoons.
"Ahh yung Kendrix na hindi makagamit ng manhira?", sabi nung bruha.
"Oo! Yun! Saan kaya papunta yan?", anong yan?! Tao ako noh!!!
"Ewan ko, baka pinalayas na hahahaha, sayang daw sa kuwarto hahahaha", kalma lang... mga bata lang iyan.
"Hahaha, bakit naman kasi nandito pa yan, diba para lang sa mga estudyanteng mago 'tong lugar na'to"
"Yun din ang pagkakaalam ko eh. Baka siguro ginawa siyang utusan?"
"Utusan? Anong magagawa niyan kung walang siyang manhira? Mas may silbi pa yata ang aso sa kanya eh", naririnig ko kayo, baka mas gusto niyo pang mas lakasan?
"Hahahaha!!! Wooof!", sabi nung siraulong matangkad na malapatpat na batang akala mo kakalas onting buga lang ng hangin.
"Wooof!!! Wooof!!! Awuuuuuuu!!! Hahahaha"
Habang papalayo ako mula sa kanila, rinig na rinig ko ang pagtatawanan nila.
Naramdaman kong uminit ang likod ng aking tainga.
Tumingin ako sa lalagyan ng palaso kong nakatali sa aking baywang.
Mga nasa tatlompu't lima pa naman mga palaso ko. Thirty-five minus three, may thirty-two pa ako. Oks na yun.
Hay... mga bata nga naman. Gagawin ang lahat para lang sa kasiyahan.
Bata din pala ako...
Pero kasi nasa bente na ang utak ko.
Haaa...
Kahit pa naiinis na ako, pinili ko nalang silang 'wag pansinin at tumuloy na sa gate.
'Mga tangang batang mukhang cartoons lang naman silang naligaw.'
May dalawang guwardyang nakabaluting bakal na may hawak na tungkod pansalamangka sa kanan nilang kamay ang nakatayo sa gilid ng matangkad na gate.
Pinagbubuksan nila ang sinumang taong papasok o lalabas sa lugar na ito.
Pero parang hindi yata tao tingin nila sa akin.
Tulad ng karaniwang nangyayari, tinitigan lang nila ako.
Ibig sabihin nun, ako na ang magbukas.
Inilagay ko ang dalawa kong kamay sa dalawang pinto.
Para akong tumutulak ng dalawang kahoy na pader sa sobrang bigat.
Ang guwardyang nasa kanan ko nakatitig lang at ang isa naman ay nakangisi na para bang gustong-gusto niya na nakikita akong nahihirapan.
Ngumiti rin naman ako.
Kung may PKM lang ako saglit lang kayo hehehe.
Tumitig ang ibang mga estudyanteng nasa plaza sa direksyon ko.
Nang bumukas na ang dalawang higanteng tarangkahan, huminga ako ng malalim upang umipon ng lakas at isinara ko muli ang mga letseng tarangkahan.
Haaa! Ambigat putcha.
Kinapa ko ang aking likod upang siguraduhing nakasukbit pa sa akin yung crossbow ko at para siguraduhin kung nakakabit pa ang spinal cord ko.
May araw din kayong mga hayup kayo!
Tumayo na ako ng matuwid at iniunat ko na ang aking likuran bago ako tumuloy sa aking biyahe.
Sa kakahuyan na bahagyang malayo sa dinadaluyan ng ilog Yalmar.
Yung ilog kung saan nila ako nakita.
Ayon sa kanila ni Sane, wala raw dapat mababangis na hayop na gumagala rito sa kakahuyang ito. Mula raw nung nakita nila akong palutang-lutang, sunod-sunod na raw ang paglabas ng mga mababangis na hayop dito sa lugar na ito.
Sabi pa nga nila na malas daw talaga ako eh. Tingin nila sa akin itim na pusa ako, kasi itim buhok ko.
Sumpa man para sa kanila itong mga hayop o mas matatawag na halimaw, biyaya naman ito para sa akin.
'Wag nga lang akong makain.
Umakyat ako sa isang puno at matyagang naghintay ng mahuhuling hayop.
Ilang minuto na ang nakalipas.
Wala paring nagpapakita ni kahit isang hayop manlang.
Naghintay pa ako ng ilan pang minuto.
Wala parin...
Naghitay pa ako.
Wala parin...
Naghintay pa ulit.
Letse... Lilipat na ako ng ibang puno.
Subalit, bago ako maghandang bumaba, mayroong kumaluskos sa damuhan sa gawing kaliwa ko.
Kahit pa bahagyang malayo, rinig ko parin dahil napakatahimik ng paligid.
Mga ilang metro ito mula sa posisyon ko at tanaw mula sa puwesto ko.
Dinurog ko ang buto ng dangigva na galing sa bulsa ko upang hindi ako maaamoy ng kung anumang hayup.
Nilagyan ko na ng palaso ang aking crossbow, umayos ng upo, ipinatong ang kaliwang braso sa kaliwang tuhod, pinatong ang crossbow sa kaliwa kong braso at itinutok ko ito sa direksyon ng kaluskos.
Medyo mahirap maglagay ng palaso dahil sa posisyon ko at sa liit ng mga bisig ko pero nagawa ko parin.
Maya-maya pa ay may mga tumakbong kuneho mula sa mga damuhan kung saan ako nakatutok.
Tila ba tumatakbo sila mula sa panganib.
Subalit, hindi mga kuneho ang biktima ko ngayon.
Gumuhit ang ngiti sa aking mga labi.
Palaging may mga uri ng tahimik na ahas sa lugar na ito subalit, hindi mga ahas ang banta sa buhay ng mga kunehong ito.
Ang mga kunehong ito na tinatawag ditong keer-huk-ah, ay mayroong matatalas na ngipin, kuko, mababangis at kayang-kayang pumatay ng ahas.
Sa madaling salita, may mas mahalaga akong mabibiktima ngayong araw.
Mukhang maganda ang huli ngayon ah.
Maya-maya pa at bumungad na mula sa damuhan ang isang malahiganteng lobong may kulay abong mga balahibo at umamoy-amoy sa lupa.
Isang sakrag.
Karaniwan ay grupo-grupo kung umatake subalit, may mga pagkakataon na isa-isa lang sila.
Mga nasa limampu't limang metro ang layo ko mula sa higanteng lobo.
Sa katunayan, matibay ang bungo nito at hindi kayang sirain ng simple at intermediyang uri ng mahikang pang-opensa.
Kahit papaano, kailangang gamitan ito ng seryosong uri ng mahikang pang opensa na gawa sa bato o bakal upang ito ay mapatay.
Kung mayroon siguro akong sniper o shotgun mapapasabog ko ang bungo nito.
Subalit, dahil taghirap ako ngayon at kailangan ko ng pera pangkain at pang-ipon, diskarte at common sense nalang gagamitin ko.
Itinutok ko ang crossbow na nakapatong sa aking kaliwang braso sa mata ng sakrag subalit, gumagalaw-galaw ito.
Naghintay pa ako ng ilan pang mga sandali. Buti na lang, umaamoy-amoy ito sa lupa habang unti-unting lumalapit sa akin.
Limamput' tatlong metro nalang ang layo nito mula sa akin.
Limampu't dalawa, ginaanan ko ang aking mga balikat.
Limampu't isa...
Limampung metro
Apatnapu't siyam na metro, huminga ako ng malalim.
Apatnapu't walo...
...pito
...anim, hinintay kong itagilid niya ang kanyang ulo upang makita ko ng husto ang isa sa kanyang mga mata.
Tsak!
Bumulusok ang palaso ng crossbow ko patungo sa kanang mata ng sakrag na tumagos sa kaliwa nitong mata.
Raaaaaaarr!!! Haaar!!! Haaar!!!
Tumumba at pumiglas ito sa lupa habang tumatagas ang sariwa nitong dugo mula sa mga mata nito bago tuluyang nawalan ng buhay.
Sorry, hindi ako dog lover.
Agad-agad kong isinukbit ang crossbow sa aking likuran at maingat na tumalon pababa ng puno.
Kinuha ko ang 'mahiwagang bag' na nabili ko sa bayan nung mga nakaraang araw...er...emeras.
Sa katunayan, supot-mangangaso lamang ang tawag nila rito sa bag na ito at hindi mahiwagang bag. Mahiwagang bag lang ang tawag ko kasi mahiwaga ito para sa akin.
Walang ganito sa Earth eh.
Sa mga susunod na panahon siguro pagaaralan ko kung paano ito gumagana.
Tinanggal ko ang nakatarak na palaso sa mata ng sakrag at ibinalik ko ito sa lalagyan ko ng mga palaso.
Ang sakrag nama'y ipinagkasya ko sa 'mahiwagang bag'. Kinakalahati nito ang timbang ng mga ilalagay mo.
Pero ang hirap paring ilagay.
Mabigat parin kahit na kalahati nalang ang bigat.
Haaa... Tingin ko ibebenta ko muna ito bago ako humuli ng ibang hayop.
Hindi ko na kayang dagdagan 'to.
Kahit kasing laki lang ng ulo ko itong supot na daladala ko, parang nagbubuhat ako ng trosong dalawa't kalahating beses na mas mabigat kaysa sa akin.
Haaa... Gaano pa kaya kabigat ito kung hindi nakalahati ang timbang?
Ipinasan ko na ang 'mahiwagang bag' sa aking likuran. Sinigurado kong hindi nito naiipit ang crossbow na nakasabit sa aking likod.
Tumuloy na ako sa aking patutunguhan.
Pabalik sa bayan.
Nakakabinging katahimikan ang kasabay ko habang naglalakad sa kakahuyan. Walang huni ng ibon o kuliglig. Wala ring huni ng mga mababangis na hayop kahit na pa'y nagkalat sila rito.
Hindi rin marinig ang agos ng ilog Yalmar mula rito.
Tunog lang ng mga yabag ko ang naririnig ko.
Tila ba isa itong 'barren type planet' kahit na pa mayroong buhay sa planetang ito.
May mga nabibisita kaming ibang 'life supporting planets' dati sa Earth.
Or mas angkop ba universe ko? Dating universe ko? Mundo? Hindi eh... Ewan... di ko alam pano sasabihin.
Basta yun 'yon.
Mayroon nang organisyong na nabuo para sa kapayapaan ng kalawakan.
Sa makatuwid nakikipagkalakalan na kami sa aliens.
Kami pala yung aliens kasi kami bumibisita sa kanila hehe.
May mga taga-ibang planeta rin namang bumibisita pero aliens parin kami kung kami bibisita sa iba.
Habang naglalakad ako, napaisip ako kung paano kaya naging tagalog ang salita ng mga taga-rito sa Alsanta.
May mga pagkakataon din na nakaririnig ako ng taglish na salita.
O baka imahenasyon ko lang.
Baka kasi namimiss ko lang talaga ang Earth eh.
Nasan ba talaga ako?
Ito ba ay Earth sa ibang universe?
Multiverse? 'Di naman napatunayan sa Earth yun.
O kabilang buhay.
Kinilabutan ako nung naisip ko yung pangalawa.
Kabilang buhay tapos naghihirap ako? Ano 'to, impyerno?
Iniiling ko ang aking ulo at binura ang
nakakakilabot na ideyang tumama sa aking isip.
"Aaaaaaaaaargh!"
"Guk!!"
"Waaaaa!!! Waaaa!!! Waaaaaaaaaaaaaaa!!!"
Maya-maya pa ay may mga narinig akong sigawan na tila ba galing sa mga lalaki sa 'di kalayuan.
Lalo tuloy akong kinilabutan.
Gayun pa man, napagdesisyunan ko na puntahan ang lugar kung saan nanggaling ang mga sigaw.
Umakyat ako sa isang puno at tumalon-talon sa iba't-ibang puno upang hindi ako makita ng anumang hayop sa lupa.
Maya-maya pa ay nakarating na ako sa punong tanaw ang lugar kung saan nagmula ang mga masasakit na hiyaw.
Naduwak ako sa aking nakita.
Tumambad sa akin ang ilang mga lalaking tila mga gwardya dahil sa mga suot nilang baluti.
Ang ilang mga guwardyang buhay ay ginagamot ng mga mago ilang metro mula sa mga higanteng asong may kulay abong mga balahibo. Iilan sa kanila ay wala nang mga paa o braso.
May apat na karwaheng sira-sira at nagkalat na mga kahoy kung saan-saan.
May anim na guwardyang nakapalibot sa dalawang babaing nagiiyakan. Waring mga kataas-taasang tao sila dahil sa kanilang mga suot pero, mukha lang silang mga basang sisiw ngayon.
Samantala, malapit sa mga higanteng aso, nagkalat ang mga bituka, dugo, katawan ng mga taong walang ulo, mga laman na hindi ko na maintindihan kung ano dahil sa pagkadurog at mga sundalong nagsisigawan.
Binilang ko kung gaano karami ang mga higanteng aso.
Mga nasa labinpito ang bilang nila.
Ang labinlima ay may nginangata nang pagkain at ang dalawang higanteng aso ay patapos na sa nginangata nila.
Wala nang sinumang makalaban sa mga halimaw na nananghalian.
'O ginoo... karimarimarim.