Chapter 3 - Chapter 2: Pa-ampunan

Sa kakahuyan pauwi sa ampunan.

"Kamusta Sane? Ayos ka lang?", Tanong ni Janice.

"Ayos lang, hindi naman masyadong marami ang nagagastos kong manhira", sagot ni Sane na mayroon paring malamig na ekspresyon sa kanyang mukha.

"Ikaw Michelle?"

Subalit, taliwas ang ekspresyong nakapinta sa mukha ni Michelle sa ekspresyon ni Sane.

"Haa... Haa... Ayos.... Ayos lang...", pagod na sagot ni Michelle na may namumutlang mukha at labi.

"Gusto mo magpahinga muna tayo?"

"Hi... Hindi... Say... Sayang.... Oras. Haa...", sagot ni Michelle na may bahid ng hiya.

Nahihiya siya sa katunayang nauubos na ang ipon niyang manhira kahit pa napakasimpleng mahika lamang ang kanyang ginagawa.

Ito ay sanhi ng kakulangan ni Michelle sa ensayo, karanasan at lahi.

Hindi siya purong Alsantis.

Dahil dito, ang tipikal na madaling salamangka na ginagawa niya ay gumagamit nang limang beses na dami ng manhira kaysa sa tipikal na kailangan.

Isa pa, hindi madali ang paggamit ng mahika habang gumagalaw.

Gayun pa man, nagagawa nina Sane at Janice nang madali ang pagtakbo habang gumagamit ng mahika.

Ang katotohanang ito ay mas nagpadagdag pa sa hiya ni Michelle.

Thud!

Nawala ang mahikang iniitsa niya kay Alen nang bumagsak siya.

Kahit hindi dumilat, napitlag si Alen sa karga ni Janice.

Naramdaman ni Alen ang muling pagdampi ng malamig na hangin sa kanyang katawan subalit masakit parin ang kanyang ulo.

Hindi ito napansin ni Janice nang mapatingin siya sa direksyon ng paglagapak.

Ganun din si Sane.

"Uyy! Michelle!", sigaw ni Janice.

Mga nasa humigit-kumulang 5 at kalahating metro na ang distansiya nila mula kay Michelle ng makita nilang nakahandusay na siya sa lupa.

Bakas ang gulat at takot sa mukha ni Janice nang makita niya si Michelle na nakadapa at namumutla habang naghahabol ng hininga.

Ipinikit ni Michelle ang kanyang mga mata.

Pakiramdam niya ay malalagutan na siya ng hininga sa anumang oras ngayon.

Subalit, parang wala pa rin itong saysay para kay Sane.

Alam niya kasing hindi naman ganun kalala ang sobrang pag-gamit ng mahika.

Talagang masakit pero hindi naman sa puntong mapanganib na sa buhay.

Dahil dito...

"Akala ko ako unang babag-"

Natigilan si Sane sa pagsasalita ng mapansin niya ang mga galit na mata ni Janice na nakatitig sa kanya.

Natahimik si Sane at tumingin nalang kay Michelle.

Subalit, sinabi parin ni Sane sa sarili, 'Dapat talaga ako nalang sumama eh, kaya ko rin naman gawin ginagawa niya'

Lumapit sila kay Michelle.

"Uyy! Michelle, kaya mo pa?", tanong ni Janice kay Michelle na 'di katagalan ay bahagya niyang pinagsisihan.

Para kasing mapangmaliit ang pangungusap na 'kaya mo pa?' na parang may nakatagong mensahe na 'Oh ano? Kaya mo pa? Mahina!'

Dapat sinabi nalang niya, 'Uyy! Michelle, ayos ka lang?'

Pero halata naman kasing hindi siya ayos, kaya siguro *Narrator Shrug*.

Mga 7 minuto palang silang tumatakbo mula sa ilog pero ito na ang naging epekto kay Michelle.

Hindi inaasahan nila Janice at Sane na ganito ang magiging lagay ni Michelle matapos gumamit ng simpleng mahika.

"Pa... haa... Parang... hin... hind-", natigilan siya ng maramdaman niyang umaangat na siya mula sa lupa nang tuluyan na siya nawalan ng malay.

"Pasanin ko nalang siya", wika ni Sane nang ginamitan niya ng mahikang panglutang si Michelle.

Gumawa rin siya ng tali na yari sa manhira.

Sa makatuwid, tatlong klaseng mahika na ang ginagamit niya.

Pampabilis, pampalutang at manhirang tali upang maitali si Michelle sa kanya habang tumatakbo.

"Ha?! Pano kapag ikaw naman ang bumigay?! Tingin mo kaya ko kayong tatlo kargahin pauwi?!", pasigaw na tanong ni Janice ng may kunot sa noo.

Napalitan ng inis ang ekspresyon ni Sane.

"Lakas ng boses mo... haay... sige, ikaw umisip ng solusyon", sagot ni Sane kay Janice nang ipasan niya sa kanyang likuran si Michelle.

Sa kumpas ng kanang kamay ni Sane, natali sa kanilang dalawa ang lubid na yari sa manhira.

Tumitig siya kay Janice na may mga mata na tila nagsasabing 'ano genius?' subalit, umiwas si Janice sa titig niyang tila nagsasalita.

Mga kulang-kulang isang minuto ang nakalipas bago magsalita si Janice.

"Hmm... Ikaw nalang muna ang umuwi Sane. Tawagin mo si Binibining Rona tapos magpasundo nalang tayo rito."

"Paano si Eunice?"

"Hmm... sige, sa ilog nalang kami magpasundo"

"Babalik ka sa ilog? Paano si Michelle?"

"..."

"..."

Mga kulang-kulang 43 segundo silang nagpalitan ng tingin. Pagkatapos, tumingin sila kay Michelle na pasan ni Sane.

"...Sabit nalang muna natin siya sa puno", sabi ni Sane.

"...Papasanin ko nalang siyang pabalik sa ilog", sabi ni Janice.

Sabay silang nagsalita.

Sabay, subalit magkaiba ng nilalaman.

Sumimangot si Janice.

Napaisip naman si Sane na para bang wala siyang sinabing hindi dapat.

Kung sa sarili lang niya siya gagamit ng mahika. Masisigurado niyang hindi siya masosobrahan.

Kung siya lang naman ang aalis at iiwan niya ang tatlo...

"Paano kung may mabangis na hayop?"

"Ha! Tingin mo sa amin ni Eunice?", aroganteng sagot ni Janice.

'Ipis', sagot ni Sane sa isip niya.

Talagang may topak si Sane sa panga. Sabagay ganun din naman si Janice *Narrative Shrug*.

Kumumpas si Sane at nawala na ang manhirang lubid na nakatali sa kinalang dalawa ni Michelle

Inilapag niya si Michelle sa may malapit an puno.

Tinanggal na niya ang lahat ng initsa niyang mahika.

Nagtanong si Sane.

"Paano yung bata?"

"Gusto mo nang bitbitin pauwi?"

"Oo, puwede naman"

"Sige, basta alalay sa takbo ah"

'Wala siyang karapatan makaranas ng komportableng biyahe matapos 'tong gulong dinulot niya', sabi ni Sane sa sarili.

Ngumiti siya kay Janice na tila ba may pinahihiwatig na hindi kaaya-aya.

Kinilabutan si Janice sa ekspresyon ng nilalang na kaharap niya.

'Tama ba yung suhestyon ko?'

Nagsisi tuloy siya sa minungkahi niya.

"Wag ka magalala Janice, kapag sa akin, nasa mabuti siyang kamay"

Lalo tuloy kinilabutan si Janice, pero wala na siyang ibang magawa dahil sayang na sa oras.

'Di naman niya siguro tatapon itong bata, noh?'

Ibibigay na sana niya ang bata kay Sane habang nag-aalinlangan, subalit...

"Wag ka magalala Janice, kahit may makita akong Serpentino, 'di ko siya ipapakain kahit pa inis na inis na ako"

May mga ngiti parin si Sane sa kanyang karaniwang malamig na mukha.

Lalo itong nagpakilabot kay Janice.

Agad-agad na inilayo ni Janice ang bata kay Sane.

"Hahaha. Bakit? Sinasabi ko lang naman na iingatan ko ang bata"

"...Tumawa ka!"

"Ano naman?"

"Hindi normal sa iyo ang tumawa"

"Grabe, nakakasakit ka naman ng damdamin, ako'y isang masayahin at mapagmahal na babae lamang at hindi karapat-dapat na iyong pagdudahan"

Tila may mga gagamba at tipaklong na gumapang mula sa likod hanggang batok ni Janice.

Matatawag na pagmamaliit o understatement ang salitang kilabot sa nararamdaman ni Janice sa winika ni Sane.

Sukot-kilabot ang pinakamalapit na salita.

"Sige na akin na, si Eunice naghihintay sa ilog mamaya kung ano pang mangyari dun", wika ni Sane na wala manlang bahid ng pagkahiya.

"Ayaw", sagot ni Janice nang mas higpitan pa niya ang yakap sa bata.

"Haaaa... Sige na... sayang na sa oras"

Kahit pa mayroon pag-aalinlangan si Janice, lumapit parin siya kay Sane upang iabot ang bata.

'Ipinauubaya ko na sa iyo o' tadhana yaring sanggol', tahimik na sinabi ni Janice sa sarili habang inaabot niya ang bata kay Sane.

Parehas lang silang abnormal *Narrator Snort*.

Iniabot na ni Janice ang bata kay Sane upang kargahin.

"...!"

Nabigla si Sane ng lumapat ang maliit na katawan ni Alen sa kanyang mga braso.

'Ang lambot niya'

Hindi maiwasan ni Sane na mabighani sa lambot at init ng katawan ng sanggol kahit pa nakakapa niya ang mga buto nito.

Gulat ang gumuhit sa mukha ni Sane.

"Uyy... Sane... Ayos ka lang?", tanong ni Janice ng mapansin niya ang pagkabigla ni Sane.

"Ha?... umm... oo...", bakas ang gulo ng isip ni Sane sa kanyang mga sinasabi."

Subalit, mga ilang minuto na ang nakalilipas, nakatingin parin si Janice kay Sane at si Sane sa bata.

Tila ba nakakita sila ng panibagong litratong ipininta ng pintor na ilang taon nang hindi nakahahawak ng brotsang pangpinta.

"Ano tinitingin-tingin mo?"

"...Wala kang gagawin?"

"...Ay oo nga, sige, ingat"

"Aaaaha...?", sabi ni Janice habang dahan-dahan niyang itinatango ang ulo.

Naiwang nakapinta sa isip niya ang maliit na ngiti ni Sane.

Natural lang na magulat si Janice sa mga pagkasunod-sunod na ekspresyong ipinakikita ni Sane.

Hindi kasi normal sa kanya ang magbiro, tumawa at ngumiti.

Sa makatuwid, hindi normal kay Sane ang igalaw ang mga kalamnan niya sa mukha.

Ang tunay na dahilan sa magandang ngiti ni Sane ay simple.

Natutuwa siya sa sanggol.

Ang maliit na katawan ng sanggol, kahit pa man buto't balat ito, ay kaaya-aya parin para sa kanya.

Parang gusto na niyang itago ang bata at alagaan ito ng sarili lang niya.

Gusto niyang protektahan ang maliit na bata sa kanyang mga bisig.

'Parang may mali'

Subalit, mali ang pagkakaintindi rito ni Janice.

"Kung ano man iniisip mo, huwag mong ituloy", wika ni Janice.

"Huh? Ano? Bakit?"

"Kahit naiinis ka sa bata, hindi tamang ipakain mo siya sa mabangis na hayop!"

"...Sira ka ba? Sinong matinong gagawa nun?"

'Matino ka ba?', tahimik na isinagot ni Janice.

Siyempre, hindi niya binigkas ng malakas ang mga salitang iyon. Gusto ba niya ng gulo?

Siyempre hindi noh.

Sinimulan na ni Sane na iitsa ang mahikang pampabilis sa sarili niya.

"Ingatan mo yang bata ha. Dahan-dahan sa pagtakbo, kapag nabagsak ka y-"

"Oo na, oo na", pagsingit ni Sane sabay takbo ng mabilis.

'Kahit hindi mo ako balaan iingatan ko 'tong bata noh'.

Nagsiliparan ang mga dahong nakalugmok sa lupa sa pagtakbo ni Sane.

May ibang mga dahon ang napunta sa mukha at bibig ni Janice.

"Puwe! Pfts! Hm! Bastos kang bata ka! kasasabi ko lang na magingat eh! Puwee!"

'Daldal mo kasi, ganti rin yan para sa ginawa mo kanina sa ilog'

At nang sa ganun lang, nawala na si Sane sa kakahuyan.

Mas mabilis siyang nakatakbo ngayon lalo na at wala na siyang ibang iniitsahan ng mahika.

'Haaa... Sawakas, nabawasan na rin ng pabigat...'

"Ikaw bata ah, ang liit-liit mo ah, tulog ka lang diyan, ako bahala sa iyo", sabi niya kay Alen na bahagyang gumalaw sa mga bisig niya.

"Makakakain kana ng maayos", huli niyang winika ng may ngiti sa labi.

Samantala, sa may ilog.

Tahimik na nagkukusot si Eunice ng mga damit niya. Hindi niya ginalaw ang mga tiklis na may mga damit nina Janice.

Yung mababaw na tiklis kung saan nila nakita si Alen ay iniwan lang nila kung saan nila siya kinuha.

"Haaa... dapat hindi na ako nagyaya na dito pa maglaba, para naman silang mga piping naputulan ng dila, wala manlang nagsasalita"

'Di maiwasan ni Eunice na bahagyang uminit ang ulo dahil sa mga pagkasunod-sunod ng pangyayari.

Sa katunayan, mayroon silang lugar kung saan sila maaaring maglaba sa bahay-ampunan at kung tutuusin, mas madaling maglaba roon.

Kumpleto na ng gamit. Aparato na panglaba, aparato na pangtuyo, likidong pangtanggal ng

mantsa o dumi at malawak na lugar-sampayan.

Ngunit, nagyaya parin si Eunice na sa ilog maglaba dahil maganda ang tanawin at inaasahan niyang makakapagsaya sila.

Gusto rin niya kasing maging malapit sila sa isa't-isa.

Subalit, tila mga piping pinutulan ng mga dila ang kanyang mga niyaya, magsasalita lang kapag tinanong.

Isang tanong, isang sagot.

Nais niya sana na mas mapalapit pa sila sa isa't isa matapos ang naging unang pagsusulit nila sa paksang 'Praktikal na Aplikasyong ng Manhira'.

Nagmistula itong pagsusulit at paligsahan sa galing ng pag-gamit ng manhira.

Naging magkagrupo kasi sila nung mga panahon na iyon.

Naging mainam din naman ang naging samahan nila kaya naisip niya na magandang magkakilala sila ng maayos para sa mga susunod pa na okasyon.

Sa madaling salita, gusto niya ng mga kakampi.

"Haaa... Nakauwi na kaya sila? 'Di na ulit ako magyaya na lumuwas sa susunod"

Sinabi niya sa sarili nang padabog niyang inilagay ang pinipigaan niyang damit sa tiklis na may damit na isasampay.

"Maayos naman silang nakikipagusap nung sa contest ah, bakit ngayon parang mas tahimik pa sila sa Gubat ni Sandro tuwing gabi"

Gubat ni Sandro, pinaniniwalaang nadiskubre ni Sandro Palitano at ng mga natitira pa niyang mga kasamahan matapos siyang tumakas mula sa pagatake ng mga bandido.

Maraming iba't-ibang klase ng hayop sa gubat na iyon subalit, napakatahimik.

Ngunit, hindi kapayapaan ang dala ng katahimikang ito para sa mga namumuhayan sa mga karatig bayan ng gubat na ito.

Madali kasing marinig ang mga masasakit na hiyaw ng mga minalas na biktimang naging pagkain ng mga hayop sa kagubatang iyon.

Gayun pa man, kilala pa rin ang kagubatang ito dahil sa katahimikan, kaya't parating nagiging kasabihan ang 'kasing tahimik ni Sandro o Gubat Sandro si ganito at si ganun.

Ngayon nabanggit na ni Eunice ang Gubat Sandro, hindi maiwasan ng kanyang isipan na magliwaliw.

'Kung mapunta siguro ako sa Gubat ni Sandro, ilan kayang hayop ang mapapatay ko?'

Tiwala siya sa kakayahan niya sa opensa.

Sa katunayan, siya ang dahilan para manalo ang grupo nila sa iilang mga hamon ng patimpalak na naganap.

Kinailangan nila noon ng malakas na opensa upang makausad.

Maihahalintulad siya kay Sane. Ang kaibahan lang, magaling lang siya sa atake. Hindi tulad ni Sane na malakas din sa depensa at suporta.

Gayun pa man, mas malakas ang opensa ni Eunice kaysa kay Sane.

Bakit nga ba naman kasi kailangan pa ng depensa kung patay na ang umaatake?

Si Janice naman ang tila naging utak nila, at si Michelle ang nagmistulang panustos nila ng manhira.

"Ano nalang kaya ang magiging ekspresyon ng mga nasa malapit sa gubat na 'yon kung makita nilang pumatay ako ng hayop na kinatatakutan nila? Pupurihin nila ako ng husto tapos aalukin nila ako ng pabuya tapos bibili ako ng mga magagandang alahas tapos ipapakita ko 'yon sa mga baldado kong mga kaibigan tapos pupurihin nila ulit ako tapos manghihingi sila ng iilan sa mga yaman ko tapos...! Hehehehehehehe"

Malakas niyang sinabi sa sarili ng tumayo siya mula sa kinauupuan niya at umiskrima-iskrima na tila ba ay may nilalabanan at pumorma na tila ba siya ay nasa isang beauty pageant.

"O' baka maaaring may kataas-taasang tao na maligaw doon tapos inatake grupo nila ng mababangis na halimaw tapos, nandoon din ako dahil sa 'di maipaliwanag na pangyayari tapos niligtas ko sila tapos yumaman ako WUHAHAHAHAHA!"

[A/N: Yumaman kaagad? 'Di ba puwede pasalamatan ka muna, bigyan ng medalya, saka yung pabuya?]

Sa matuwid, pera lang habol niya.

Yawa.

Tila nga nilamon na si Eunice ng sarili niyang imahenasyong hinding-hindi mangyayari kailan man.

Patuloy parin siyang tumawa ng tumawa hanggang may narinig siyang mga kaluskos mula sa kakahuyan.

Huminto sa pagtawa si Eunice at tumingin sa direksyon ng kaluskos.

"Sino yan? Janice?"

Dahil sila lang naman ang naroroon sa ilog, maaaring si Janice nga iyon.

Subalit, maraming mga nagsisiyugyugang mga sanga ng puno. Hindi ito maari kung isang tao lang ang may pakana.

O kung tao nga ba.

Hindi nagtagal at may mga tumalon mula sa mga sangang iyon at lumapag sa lupa.

Mga matatalas na binti ng mga gagambang kasing laki ng kalahating katawan ni Eunice ang kumamot sa lupa at nagpaingay sa paligid.

Sa regular na sirkumstansya, may maganda at hindi magandang balita ang haharapin ng sinumang atakihin ng mga gagambang ito, na kilala rin sa tawag na pantik-pantikan.

Ang magandang balita, wala silang lason at sapot.

Ang masama, marami sila at dahil nga wala silang lason, mararamdaman mo ang bawat sakit ng kagat nila habang kinakain ka nila ng buhay.

Subalit, para kay Eunice, walang panganib na na nagbabanta sa kanya.

Iniunat niya ang kanyang kanang braso sa kanyang harapan, humila pababa na tila ba may kinuha at itunuro ang hintuturo pataas.

Tsak! Tsak! Tsak!

May mga malahiganteng batong karayom na lumitaw mula sa lupa at sumaksak sa mga papalapit na pantik-pantikan.

Walang ibang tunog maliban sa pagbula ng malaabong dugong nasa mga bunganga ng nasaksak na pantik-pantikan ang maririnig habang sila'y kumakasag-kasag sa pag-asang makatakas pa sila.

Gayun pa man, marami paring mga papalapit na pantik-pantikan sa kanya.

Nagipon siya ng manhira sa kanyang mga binti at tumalon palayo sa mga papalapit na mga halimaw.

Habang siya ay tumatalon palayo, iniunat niya ang kanyang kaliwang kamay tungo sa ilog at kumumpas.

May umagos na tubig mula sa ilog patungo sa kanya.

Bumalot sa kanya ang globong tubig na patuloy na umaagos paikot sa kanya.

Nahiwa nito ang lupang paikot kay Eunice.

Tila kakayurin nito ang sinumang magtangkang humawak o lumapit kay Eunice.

Subalit, mula sa loob ng globong ito, wala siyang ibang makita dahil nga sa lakas ng agos ng tubig paikot.

Nagipon siya ng manhira sa kanyang mga mata upang makita ang nasa labas.

Malapit na ang mga pantik-pantikang humahabol sa kanya, kaya inulit niya ang ginawa niya kanina.

Muli, may mga lumitaw na malalaking batong karayom mula sa lupa na tumusok sa mga gagamba.

Naramdaman yata ng ibang mga natitira pang pantik-pantikan na mapanganib kung tutuloy pa nila ang pagatake kay Eunice, kaya naman umatras na sila, pabalik sa kakahuyan.

Pantik-pantikan. Ang mga paa, pangil at iba pang parte ng katawan nito ay maibebenta sa magandang halaga.

Lalo na kung ganito karami.

Hahayaan ba ni Eunice na may makatakas pa?

Siyempre hindi.

"Walang makakatakas ni kahit isa man sa inyo, WUHAHAHA!!! Ano-ano nalang kaya ang mabibili ko kung mabenta ko kayo ng 40 na Also kada isa?"

Puminta ang ngiting wagi sa mukha ni Eunice habang iniisip kung magkano ang kikitain niya.

Ikinumpas niya ang kanyang dalawa braso at lumutang ang mga maliliit na batong nasa paligid niya.

Kumumpas siya muli at umikot ng mabilis ang batong nasa ere.

Iniunat niya ang kanyang dalawang braso sa direksyon ng mga tumatakas na pantik-pantikan.

Tila mga balang mula sa baril ang tumama sa mga ulo ng mga tumatakas na pantik-pantikan na agad namatay.

Ngunit, kahit na maraming namatay na tumatakbong gagamba, may apat paring mapapalad na nakatakas.

Tila bumigat na ang ulo ni Eunice at nahinto na ang mahikang iniitsa niya sa globong tubig na bumabalot sa kanya.

Malamig na tubig ang bumuhos kay Eunice ng siya ay mapaluhod sa pagod.

Napansin niya ang mga nilabhan niyang damit na nadumihan ng kulay abong dugo.

Sa katunayan, wala dapat mga mababangis na halimaw sa lugar na ito.

Sinisigurado kasi ng mga gwardyang-bayan na ligtas palagi ang kakahuyan at ilog na ito dahil may mga bumibisita sa lugar na ito.

Subalit, kahit hindi normal ang nangyari, masaya niyang pinagmasdan ang mga nagkalat na labi ng mga pantik-pantikan.

Kuntento na siya sa mga maibebenta niya kahit pa may apat na nakatakas.

Ngunit, may sumagi sa isip ni Eunice na bumura sa kanyang kasiyahan.

"Paano ko pala bibitbitin itong mga ito?"

May 'MAPAG'dadalhan na siya na siguradong bibilhin ang mga katawan ng pantik-pantikan.

Ang problema ay kung sino ang 'MAG'dadala.

Hindi niya kayang bitbitin lahat ng labi ng pantik-pantikan.

Kaya ni Sane kung tutuusin.

"Sniff* mag... Sniff* babayad pa... Sniff* ako ng tagabitbit... Sniff*"

Naiyak si Eunice nang isipin niya kung magkano ang mawawala sa kanya dahil sa tagabitbit.

Kuripot na wala sa lugar... Haaay...

[A/N:

-Ang basa sa pangalan ni Sane ay Sa-ne at hindi 'sEyn' (-_-)

-Also: Currency ng Alsanta; Ang basa ay Al-so at hindi 'Olso'

-Dapat siguro In-Sane pangalan ni Sane noh?

-Alsantis: Mga taga-Alsanta; Katulad lang ng Pilipino, nakatira sa Pilipinas.

]