Chereads / The Dark Secrets Of The Last Blood Drop / Chapter 5 - VAMPRIÈRYA:CHAPTER 4

Chapter 5 - VAMPRIÈRYA:CHAPTER 4

CHAPTER 4:

ZARCOÍA KINGDOM

"Tama nga ang balitang nakarating sakin!".

Napapitlag si Valderron matapos marinig  ang boses ng kapatid niya.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kama na kinaroroonan ni Anastasia at humarap dito.... "Violet, ano't naparito ka?". Tanong niya sa nakakabatang kapatid.

Hindi ito sumagot, naglakad ito patungo  sa gilid ng kamang kinaroroonan ni Anastasia na wala pang malay.

"Kagagaling ko lang sa Bulyàrya (lugar ng mga magsasanay at tauhan ng mga zarcoía. )     At sina Ina at ama ay pumaroon sa Eurorgiã,". Huminto sa pagsasalita at sinalubong ang mata niya,punong-puno 'yon ng katanungan.

Napabuntong-hinga siya. "Totoo ngang may pakpak ang balita aking nakakatandang kapatid."..

Tumawa ito ng mahina.

"Ano ang iyong aasahan. Ako lang ang nag-iisang may position na iniwan niyo dito sa Zarcoía!". Ani nito na ikinatawa niya ng konti. "At lahat ng ulat ay nakakarating sakin. ". Tumalim ang mata nito sa huli nitong sagot.

"Chill, Violet,para din naman sa atin itong ginagawa ko, pansamantala mo munang pangalagaan ang Buong Zarcoía, habang hindi pa dumadating ang 'SEIRTYÎE LUNA'. (Buwan ng pagbukas ng buong VAMPRIÈRYA.) ".

"How can I chill?. Alam mo bang pupunta pa sana ako sa Russia mamaya!.dahil napag-alaman kong umuwi kana. Pero may extra baggage ka pala.". Ani nito at hinaplos ang makinis na mukha ni Anastasia

"Totoo nga ang sabi-sabi noon, na sobrang pinagpala sa kagandahan ang kauna-unahang Bampirang may dugong tao at Lobo.". Tumingin ito sa kaniya at bumalik din sa paghimas sa mukha ni Anastasia... "Anastasia ang malagim na lihim ng Huling patak ng Dugo. Ang nag-iisang anak nina Reyna Anthreya na Reyna ng mga Lobo at Haring Atzula.".

Hindi niya pinansin ang kapatid.

Tinungo niya ang mesang nasa Tabi ng Kama at kinuha ang dalawang baso ng alak bago nilagyan yon ng Champagne. Iniabot niya sa nakakatandang kapatid ang isa na agad naman nitong tinanggap.

"Dalawang linggo akong nawala at ngayon ko lang na syempuhan ang babaeng 'yan.". Ani niya habang simisimsim sa kopitang hawak pero imbes na sumagot ang kausap nakatitig lang ito kay Anastasia na para bang ito ang sagot sa lahat, well ito nga sagot sa lahat bago pa dumating ang siertyîe luna. 

"Babaeng dalawang decada mo ng sinusubay-bayan?". Tanong nito sa kaniya at mahinang tumawa bago naglakad patungo sa bintanang nakabukas.

Dalawang decada na nga niyang sinusundan si Anastasia.

"Ngayon na hawak mo na siya ngayon  ano ang iyong plano?.".ani ni Violet dahilan para mapabuntong hininga siya.

Sinalubong niya ang titig nito.. "Itutuloy ko ang plano nina Ina at Reyna Anthreya, ang pakikipag-isang dibdib sa babaeng itinakdang pakasalan ang hari ng buong vamprièya (mundo ng mga bampira).

Umiling ito sa naging turan niya, na para bang nawawala na siya sa sarili.

Naglakad ito sa paanan ng kama at pinagmasdan na naman si Anastasia... "kung sa tingin  mo ay hawak mo na ang nag-iisang nilalang na makakapagbalik sa lahat ay magiging maayos na ang lahat nagkakamali ka."... Turan nito na ipinagtaka niya.

"Ano ang iyong ibig sabihin?". Tanong niya sa kapatid.

"Kung sa tingin mo matatanggap ni Anastasia lahat kapag nalaman niya ang responsibilidad niya nagkakamali ka. Baka nga pati ikaw itakwil niya..". Tumawa ito ng mahina. At nag-uuyam na sinalubong ang tingin niya.. "Itatakwil ka nga pala talaga.".

Umiling siya at mahigpit na hinawakan ang kamay ng Dalaga.

Matatanggap niya ako!..

"Isa siyang Bampira!. At itinakda na siya bilang Reyna ng Vamprièya!.".

"Baka nakakalimutan mo na wala siyang maaalala sa kaniyang totoong pinagmulan sapagkat binura lahat ni Reyna Anthreya ang alaala ni Anastasia, at mahirap 'yong ibalik dahil katulong nito sa pagbura ang Reyna ng Witchleígh. At alam mo ang taglay ng witch na'yon. At alam mo bang tatlo silang susi upang maging maayos na ang lahat?. 'Yon nga lang hindi ko kilala ang dalawa.".

Natigilan siya sa sinabi nito.

Kung tatlo ang Susi ibig sabihin ang isa sa mga iyon ay ang itinakda sa pinsan niyang si Vladimir?.

"May alam kaba sa pangalan ng dalawang susi na tinutukoy mo??.". Tanong niya rito.

Umiling ito. "Wala, pero alam kong may kinalaman don ang pamilya ni Anastasia. 'Yon ang sinabi ni Ina. Kapag bumukas ang buong Vamprièya dahil sa muling pagsilang kay Anastasia, isisilang din muli ang dalawang Prinsesang may malaking gagampanan na tungkulin sa buong Vamprièya.".

Napatango-tango siya.

"Kung Ganun matagal pa bago mangyari 'yon?".

"Tama ka, mangyayari lang 'yon kung maisisilang muli si Anastasia at kapag kusang bumalik  sa dati nitong  ayos si Anastasia. Pero malabong mangyari ang pagbabalat kayu niya dahil sa pagbura ni Reyna Anthreya at Reyna Alandra.".

Napatiim-bagang siya.

"Ngunit may kapangyarihan kang ibalik ang nawawalang pagkatao  ni Anastasia tama ako diba??". Tanong niya rito.

Umiling ito muli. "Pasensya na, humihingi ako ng tawad aking mahal na kapatid ngunit isang hamak na ordinaryong bampira lamang o ordinaryong nilalang ang kaya ng aking kapangyarihan. At hindi nabibilang si Anastasia  don. Alam nating pareho kung gaano kalakas ang dugong nananalaytay kay Anastasia dahil sa pinaghalong bampira-tao-lobo sa loob nito. Paumanhin.". Sagot ni Violet dahilan para mapasabunot siya sa sariling  buhok!.

Natigilan  siya ng hawakan ng kapatid niya ang kamay. Nagtatakang nilingon niya ito.

"Ngunit,may tatlo paraan upang maibalik ang nawawalang alaala ni Anastasia.".

"Anong ang mga paraang 'yon?".

Despirado na siyang bumalik sa lahat ang dati, dahil alam niya ang kaakibat nito kapag nagkataon.

Hinablot nito ang isang kolorete nito sa buhok at iwinagayway sa ere. Napatanga siya rito!.

"Anong-".

"Akala mo ba buong bampira tayo?duhh for your information dear,I am half Vampire, half fairy.".

Putol nito sa sasabihin niya. Shit.

"So hindi ako totoo?".

Umiling ito. "Ikaw ng bahalang umalam sa kalahati mong pagkatao.". Napailing nalang siya oo nga pala hindi sila buo na magkapatid.

Tumambad sa kaniya ang isang Larawan na may dalawang buwan at ang mukha ng dalawang babae. Reyna Anthreya at Reyna Alandra.

"Ano ang mga iyan?".

Bumuntong hininga ang kapatid niya at itinuro nito gamit ang iwinagayway nito sa ere kanina.

"Ito ang normal'naya luna". Itinuro nito ang normal na buwan. "Dito mag-sisimula lahat dahil nakapasok na si Anastasia sa Vamprièya.pero ang normal na buwan na ito ay lilitaw lamang dalawang linggo pa mula ngayon. Ito naman..". Tinuro nito ang ikalawang buwan. Na kulay dilaw na parang may halong kulay pula. ".. sėrtcirya luna. Ang muling pagsilang ng mga nilalang na nawawala sa kanilang mundo na muling nakabalik at buwan ng muling  pagbabalik ng mga anyo ng mga naturang nilalang kasali nadin ang mga alaala nilang nawawala. Pero anim na normal'naya luna ang lilipas bago dumating ang Sėrtcirya luna. At alam kong hindi mo kayang maghintay dahil kahit lumipas pa ang anim na normal'naya luna. Magpapakita lamang ang Sėrtcirya Luna kapag sumapit ang radhiyaw ritual. Kaya naman isinali kona sa imahe sina Reyna Anthreya  at Reyna Alandra. Ang panghuli ang pinakamahirap aking kapatid.".

Mahaba nitong turan kaya napatango siya!.

Wala siyang pagpipilian!. Dahil kapag sinunud niya ang huli tiyak na hindi siya makakabalik mula sa Lycorviañia.

"Nasa sa'yo nalang kung ano ang pagpipilian mo. Pero mas mahirap ang panghuli,dahil kailangan mong magmakaawa sa dalawang bruhang 'yan. Pero kilala mo si Anthreya magwawala yon kapag nalaman niya nakuha ng taga Zarcoía ang nag-iisang prinsesa ng mga kalahating lobo-tao-bampira ng Lycorviañia."

Napatingin si Valderron kay Anastasia ng makita niyang gumalaw  ito.

"Ihanda mo ang iyong sarili,dahil maraming taksil dito sa kaharian at alam mo kung gaano ka importante  si Anastasia  sa natitirang sampung kaharian  ng mga bampira sa daigdig. May pakpak ang balita Valderron baka sumugod dito ang iba pang palasyo kapag naamoy nila si Anastasia mabango na ito dahil nasa loob na siya sa tunay niyang pinagmulan.kaya gamitan mo siya ng pananggala upang hindi siya maamoy ng iba kung gusto mopa siyang nandito bago dumating ang Sėrtcirya.".

Yon ang problema niya dahil kanina paniya yon ginagawa pero ayaw tumalab ng kapangyarihan niya.

"Yan ang suliranin ko,kanina kopa yan ginagawa pero ayaw talagang tumalab.".

Aniya dahilan para mapatigil ang kapatid niya at bumaling  kay Anastasia na kanina pa pabiling-biling na parang nananaginip.

"Dahil yan kay Alendya.". Tugon nito at may dinukot sa gilid nito na isang bracelet at basta nalang ipinasuot kay Anastasia

"Pananggala upang hindi maamoy.dadayo nako upang sirain ang bracelet ni Alendya dahil batid kong masusundan nito si Anastasia.ihanda ang sarili dahil isang pagkamuhi ang isasalubong sayo ng iyong iniirog!". Anito at mabilis na nawala sa harapan niya.

Napabaling naman siya sa dalagang ngayon ay nakadilat ang mga mata at bakas sa mukha nito ang sari-saring emosyon. Pagtataka-pagkagulat-pagkalito at iba pa na hindi niya mawari.

Nakatitig lang siya rito hanggang bumaling sa kaniya ang dalawa nitong kulay itim na mga mata na alam niyang nagiging pula at asul kapag nagiging ganap na itong bampira.

Bumalikwas ito ng bangon at natatakot na sumiksik sa pinakadulong bahagi ng kama.

"S-sino ka!?"... tanong nito sa nanginginig na boses.

Tumayo siya at naglakad palapit rito ngunit umatras ito na ikinatigil niya at ikinatiim bagang niya.

"Don't  come  near me!..you are a freak!!". Sigaw nito at binato siya ng unan na agad niyang naiwasan.

Ng makarating siya sa harapan nito sinapo niya ang panga nito. "Ito ang lugar mo Anastasia.". Matigas ang boses niya. Pero umiling ito at bakas sa mukha nito ang pagkatataka at takot.

"H-indi. Iuwi mo ako!.please.iuwi mo ako sa Lola ko!. Ano bang kailangan mo sakin?!. Pera?!. I could give it kahit magkano!.".

Lalo siyang napatiim bagang ng sambitin nito ang Lola nito.

"Wag kang umasang makakauwi ka sa mundo ng mga tao.".

Hindi makapaniwalang umawang ang labi nito at tumawa ng mahina.

"Saang mental hospital kaba galing!? At bakit sobrang pabaya ng mga nurse at guwardya para makatakas ka!..ibalik mo ako ngayon din!.hindi ka sasantuhin ng Lola ko kapag nalaman niya ang ginawa mo sakin!".

Binitawan niya ang panga nito bago iniba ang anyo niya. At ang kanina nitong mukha ay halos magiba!.

"Oh...God!LOLAAAAAAAAAA HELP!!!!!!". Malakas nitong sigaw upang mapalayo siya ng konti sa kama.

"Oh my God!!!!!...halimawwwww ka!".

"Valderron!!!!.kailangan ko ng tulong mo dahil nawawala ang manager ng Romano Agency tantiya-". Sabay silang bumaling ni Anastasia  sa humahangos na pumasok at walang pahintulot na nagsalita.

Naputol ang sasabihin nito ng dumako ang tingin nito kay Anastasia na ngayon ay Umiiyak.

"What the hell!.. bat nandito ang manager ko?!". Tanong nito at pinalipat-lipat ang tingin bagp hindi makapaniwalang huminto sa kaniya.

"Sir, sir V-lad. Help me!.h-elp me o-ut of he-re pl-ease.".

Umiling ang pinsan niya.

"What the fuck. Bat dimo sinabi sakin na si Anastasia pala?!". Malakas ang boses nito.

"Hindi ko alam na sa'yo siya nagtatrabaho.".malamig ang boses niya. Kita niya kung paano bumagsak ang balikat ng dalaga.

"B-am-pira ka-din??". No!. I am just dreaming!". Anito at malakas na sinampal ang sarili nito. "No!..please sir get me out of here baka anong gawin sakin ng baliw nato!".anito at sunod sunod na pumatak ang luha sa mga mata nito.

Lalo siyang nakaramdam ng galit.

"Don't  call me that!. What the Fuck talagang gigisahin ako ni Anthreya kapag nalaman niyang inutus-utusan kolang ang prinsesa ng Lycorviañia!..". Ani ni Vladimir  at nagmumura.

"Pasensya Anastasia ngunit ito ang iyong totoong buhay.".dagdag nito at iniwan silang dalawa.

Kita niyang bumangon sa kama ang dalaga at takot na umatras papunta sa bintana.

Alam niya ang balak nitong pagtakas. Nababasa niya yon.

"Wag kang lalapit sakin!". Sigaw nito at unti-unting binuksan ang bintana.

ganyan nga. Tumakbo ka at ilabas mo ng sa ganun kusang lumabas ang totoo mong pagkatao.

Nakatayo lang siya at hinihintay ang susunod nitong gagawin at hindi siya nagkamali agad itong tumalon sa baba at basta nalang tumakbo sa masukal na parte ng ZARÝO (gubat ng mga Zarcoía). Agad naman niya itong sinundan upang hindi makuha ng mga kalaban niya.

Kita niya kung paano naging mabilis ang pagkawala  nito na lihim niyang ikinangisi.

Hindi pa ito nagbabalat kayo pero ramdam na niya ang bumabalot dito.

"Anastasia,... asaan kana?".

Tawag niya sa pangalan  nito habang binabagtas ang gubat ng zarcoía.

Napangiti siya ng maamoy niya ang mahalimoya nitong amoy.

"Gotcha!".

"GOD!!!.HELPPPP!!!".

"Don't  try to escape. Tanggapin mo ang totoo mong pagkatao  Anastasia.".

"No hindi!.hindi mo ako kalahi!."

Hinawakan niya ito sa pulsuhan at basta nalang niyang pinisil yon dahilan para mawalan ito ng malay.

Mabilis niya itong pinangko at ikinadina sa kama na kinaroroonan nito kanina bago kinagat sa leeg. "Damn that sweet blood of you. Gagawin ko ito upang masalinan ka ng dugo ko sa gayon ay mas madali mong matanda ang pinanggalingan mo. Sa paggising mo tutulungan kitang maibalik ang alaala mo kahit hindi pa umaabot ang sėrtcirya.".