Chereads / Game of Fate: Love 'n Tears / Chapter 10 - CHAPTER TEN

Chapter 10 - CHAPTER TEN

MALAPIT nang mag-alas-dos ng madaling araw nang matapos sa pag-uusap sina Cassidy at Haru. Sa susunod na araw na matatapos ang palugid ni Mika kaya kailangan na niyang makahanap ng bagong apartment na pwede nitong tirhan.

Hindi sana siya papayag na lumipat si Haru pero may kasunduan sila ng dalaga. He's a man of his words. Ayaw niyang sirain ang pangako niya dito.

''Don't forget to give me a call kapag dumating na si Mika,'' paalala niya kay Haru

Hindi maitatago ang pagod at antok sa mukha niya. Halatang wala pa siyang tulog mula kagabi. Ang dami niyang tinapos na order kagabi at pumunta pa siya kanina sa kumpanya.

May mga empleyado siya pero baguhan pa ang mga ito at wala pang masyadong alam. Hindi pa niya pwedeng ipagkatiwala dito ang order ng mga iilan niyang importanteng kliyente.  

''It's already 2 am. Maaga na naman siguro 'yong uuwi. Isa pa, kailangan ko ng matulog. If my fans saw my eyebags, they would freak out.'' 

Hindi alam ni Cassidy kung ano ang nangyari sa dalaga. Mula nang hinatid niya ito galing sa restaurant, hindi na niya ito nakita pa. Ang alam lang niya ay lagi itong pumupunta sa bar at laging naglalasing. Gusto niya itong tawagan pero pinigilan niya ang sarili. Baka isipin ng dalaga na masyado siyang nakikialam sa buhay nito.

''Bumalik ka na sa loob. Aalis na ako.''

Sumakay na si Cassidy sa kotse nang may isang sasakyan ang huminto. Lumabas mula rito si Asher. Nilapitan niya ito nang makita niyang binuksan nito ang passenger seat. Naningkit ang mata niya nang mahagip ng paningin si Mika. Kinarga ito ni Asher. Mabilis niya itong nilapitan.

''Anong nangyari? Bakit-''

''I saw her in Casa. She's drunk so I took her home,'' paliwanag ni Asher.

''Ganoon ba? Then, let me handle it from here. Give her to me. Ako ng bahala sa kanya.''

Kinuha ni Cassidy ang dalaga mula sa braso ni Asher. Walang ibang nagawa si Asher kundi bitawan si Mika at ibigay kay Cassidy.  

Sinundan na lang ng tingin ni Asher ang kaibigan habang papasok ng bahay. Nang mawala ito sa paningin niya ay saka lang siya bumalik sa loob ng sasakyan at pinaharurot ito paalis.

MAINGAT na nilapag ni Cassidy si Mika pahiga sa kama. Ang himbing pa 'rin ng tulog ng dalaga. Hindi man lang ito nagising. Mukhang ang dami ng ininom nito dahil amoy na amoy pa niya ang baho ng alak mula dito.

''Hmm,'' Umikot ang dalaga papunta sa harap niya. 

Malaya niyang napagmasdan ang mala-anghel nitong mukha. Marahan niyang hinawi ang ilang hibla ng buhok na nakatakip sa mukha nito.

Noon niya pa napapansin ang makapal na kilay at mahabang pilik-mata ng dalaga. Ngayon, maayos na niya itong natitigan ng malapitan, hindi niya mapigilan ang sariling mapahanga sa kagandahan nito. 

Hindi siya mapakapaniwalang ang nagmamay-ari ng mukhang 'to ay ang isang babae na sobra kung makapagsalita, walang pakialam sa nararamdaman ng iba. Pero kahit na hindi niya ito gaanong kilala, alam niyang may dahilan kung bakit ito nagkakaganito.

Bumaba ang paningin niya sa labi, her plump and heart-shaped lips. Lihim siyang napulunok at umiwas ng tingin.

Kumuha siya ng kumot at tinakip ito sa dalaga. Ganoon na lang ang gulat niya nang bigla nitong hinawakan ang kamay niya. Dahan-dahang bumukas ang mga mapupungay nitong mata at tumingin sa kanya. 

''It's you?''

''Mi-Mika?'' Nanatili lang itong nakatitig sa kanya. Sinubukan niyang bawiin ang kamay niya pero ayaw itong bitawan ng dalaga.

''Do you like me?'' Nabigla siya sa tanong nito. 

''Y-You're drunk,'' aniya. Hinaplos nito ang mukha niya at bigla siyang hinalikan sa labi. His eyes got widened. Gulat na napatingin siya rito.

''Don't blush... or else I'll really make you mine.''

Bumalik na sa pagtulog ang dalaga. Wala sa sariling napahawak si Cassidy sa labi. Mabilis siyang tumayo at aalis na sana nang bigla siyang mapatigil. Nilingon niya ang dalaga. Inayos niya ang kumot nito at tuluyan ng lumabas ng kwarto.

Parang baliw na paulit-ulit sa paghilamos si Cassidy. Ang init ng katawan niya. Tila nag-aapoy ito sa init. Ramdam pa 'rin niya ang malambot na labi ng dalaga. Tila nag-flashback sa isip niya ang paghalik sa kanya ng dalaga.

''Why am I like this? She's just drunk! Why am I acting like a pervert?''

Hindi na nakapagtiis si Cassidy. Hinubad niya ang suot niyang polo at binuhos sa ulo ang isang balde ng tubig.

Nagising si Mika nang makaramdam siya ng pananakit sa ulo. Inikot niya ang paningin sa paligid at tiningnan ang suot na damit. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang suot-suot pa 'rin niya ang suot niya kagabi. Pumunta siya sa cr at mabilis na naligo.

Pagkalabas niya ng kwarto, naabutan niya si Haru na seryosong kumakain habang may pinanood sa cellphone.

Oo nga pala, sinong naghatid sa kanya kagabi? Bakit wala siyang maalala?

''Alam mo ba kung sino ang naghatid sa akin kagabi?'' tanong niya kay Haru.

''No. But I saw Cassidy carried you last night. After that, wala na akong alam.''

''Cassidy?'' Hindi niya mapigilang mapasigaw.

''Anong ginagawa niya dito? Pumunta ba siya sa bar kagabi?''

''Ewan. Siguro,'' sabay kibit-balikat nitong sagot.

''Anong oras siya umuwi?''

''Kanina lang, around 5 AM? He also cooked a rib soup for you. In case you'll have a headache.''

Tinuro nito ang isang puting bowl na nasa ibabaw ng mesa. Lalong kumunot ang noo niya.

Ano ba talagang nangyari kagabi? Paano nasali si Cassidy dito. Ang naalala niya, mag-isa lang siya doon sa bar.

''Kakain ka na ba? I'll get you a plate,'' tanong ni Haru. Tumango lang siya at umupo.

Tiningnan niya ang pagkain sa mesa, bukod sa rib soup ay mayroon ding omellette, hotdog, at fried rice.

''He cooked all of this?'' 

''Oh,''

May hindi pa ba kayang gawin ang lalaking 'yon? Mas magaling pa yata itong magluto kesa sa kanya. Well, noodles lang naman ang kaya niyang lutuin. Wala naman kasing nagsabi na lahat ng babae ay dapat marunong magluto.

Nagsimula na siyang kumain. Sumulyap siya kay Haru. Binitawan na nito ang cellphone at nakayukong kumain.

''Am I that scary?'' basag niya. Saka lang ito nag-angat ng tingin.

''Huh?'' Sinundan niya ang galaw ng mata nito. Iniwasan nito ang tingin niya.

''Are you scared of me? Bakit ayaw mong tumingin sa akin?''

''N-No. I'm not,'' tanggi nito. Bumuntong-hininga siya at binitawan ang hawak na kutsara.

''I'm sorry,'' mahina niyang bulong. Hindi makapaniwalang tumingin ito sa kanya.

''I just hate hearing music. I'm sorry if I scolded you.''

''A-ayos lang. Kasalanan ko 'rin naman at hindi ako nakinig sayo.''

''So, can I ask you a question? Cassidy said, you're here for a personal matters. Pwede ko bang malaman kung ano 'yon.'' Napatigil sa pagsubo si Haru sa tanong niya.

''I-I'm just here to visit someone.''

''Oh. So, were you born in Japan or here in the Philippines. Bakit ang bihasa mong magtagalog?'' puno ng kuryosidad niyang tanong.

''Sa Japan, pero dito ako lumaki at nag-aral. Bumalik lang ako sa Japan pagkatapos ko ng high school.''

Tumango-tango lang si Mika at nagpatuloy sa pagsubo.

''Oo nga pala. About the apartment, may nahanap na ba si Cassidy?'' Umiling si Haru.

''He's too busy with his shop and the company.''

''Sa pagkakaalam ko wala pa siyang tulog mula kahapon. Siguradong nandoon na naman 'yon sa shop,'' sagot nito. Bakas sa boses nito ang pag-alala.

Bigla siyang na-konsensiya. Pakiramdam niya kasalanan niya kung bakit naghihirap ngayon ang binata.

''Are you really just his friend? Bakit parang-''

''He's my cousin.''

''Cousin? So Jia is also-''

''No. Cass is my cousin on my mother's side. All my family is in Japan, so my Uncle asked him to take care of me....as his punishment,'' paliwanag nito. Mahina siyang napatawa.

''Punishment? Right. Taking care of a troublemaker like you is the heaviest punishment.'' Tinapos na niya ang pagkain saka tumayo.

''Do you know the address of his shop? Write it down.''