Chereads / Game of Fate: Love 'n Tears / Chapter 6 - CHAPTER SIX

Chapter 6 - CHAPTER SIX

She took a step back when she heard what he said. Tears keep on falling from her eyes.

''It's you. It's all because of you-''

Napahinto sa pagtype si Mika sa sinusulat niyang story nang makarinig siya ng malakas na tugtog mula sa baba. Parang nagtagis ang ngipin niya sa galit. Padabog na tiniklop niya ang laptop at lumabas ng kwarto. Naabutan niya si Haru na may hawak pang guitar at isang malaking speaker sa sahig.

''What do you think you're doing? Are you really trying my patience?''

Napahakbang paatras si Haru nang makita ang nag-aapoy na mata ng dalaga. Dali-dali niyang pinatay ang speaker at tinago sa likod ang gitara.

''I'm just-'' 

''I already told you. I don't want to hear any kind of music in this house.''

Humigpit ang pagkahawak ng binata sa guitar. Kulang na lang ay maihi ito sa suot nitong pantalon. 

''Do you really think I won't dare to kick you out?'' Humakbang palapit rito si Mika. 

''Leave. Pack up your things and leave now!'' Napaigting si Haru sa lakas ng boses ni Mika.

''So-Sorry.''

Natatarantang tumalikod ang binata nang biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nito si Cassidy na may dalang dalawang plastic bag ng grocery.

''What happened? Why-''

Lumapit ito kay Haru nang mapansin ang takot sa mukha nito.

''Good that you're here. You're just in time. Can you help him pack up his things? I don't need a roommate who can't even follow a single rules,'' walang-emosyong sambit ni Mika. 

''Anong-''

Naguguluhang palipat-lipat ang tingin ni Cassidy sa dalawa. Yumuko lang si Haru at hindi nagsalita.

''Teka. Ano bang nangyayari? Bakit-''

''Ask him. In 10 minutes, dapat wala na kayo dito,'' malamig na saad ni Mika saka tumalikod. Mabilis siyang hinarangan ni Cassidy.

''Teka lang, hindi ba natin 'to pwedeng pag-usapan? Haru really needs this house. He can't-''

''But this house doesn't need him.'' 

Nanatiling walang emosyon ang mukha ng dalaga. Tila bigla itong naging ibang tao. Cassidy can't spot another emotions on her face except for anger.

''Then, what do you want me to do?'' desperadong tanong ni Cassidy.

He's already busy with his shop and the company. Wala pa siyang oras para hanapan ng bagong matitirhan si Haru.

''Nothing. Just leave and get out of my sight.''

Sinulyapan ni Mika si Haru at tiningnan ng masama. 

Bagsak ang balikat na sinundan ng tingin ni Cassidy ang papalayong dalaga. Umisog sa tabi niya si Haru na nakayuko pa 'rin. Hinawakan nito ang dulo ng damit niya.

''Ca-Cass, anong gagawin ko? Akala ko kasi-''

''Shut the hell up!'' mahinang bulyaw niya dito.

''Cass-'' Kinuyom ni Cassidy ang kamao at huminga ng malalim para pigilan ang nararamdamang galit.

''Wait here.''

Nakailang katok na si Cassidy sa pinto ng kwarto ni Mika pero hindi pa 'rin ito binubuksan ng dalaga. Hindi niya alam kung ano ang nangyari at nagalit ito ng ganito. Kilala niya si Haru, tiyak may ginawa na naman 'yong kalokohan. Hindi talaga nag-iisip. 

''Mika? Mika, can we talk? Mik-''

Napaatras siya nang biglang bumukas ang pinto. Lumabas mula rito ang dalaga na nananatili pa 'ring seryoso ang mukha.

''What?''

Ipinakita dito ni Cassidy ang contract of agreement. Ito 'yong pinirmahan nila noong isang gabi. Nanlaki ang mata ni Mika. Sinubukan niya itong kunin mula sa binata pero inilayo ito ni Cassidy. Nagpipigil ng galit na tumingin siya dito.

''Shoot! What do you want?''

''We'll leave but you have to at least give us 10 days to prepare.''

''10 days? And if I refuse?'' Tinaas ni Cassidy ang contract.

''You won't.''

Sarcastic na napangisi si Mika sa sinabi ng binata. She can't believe na gagamitin ng lalaking 'to ang contract pang-blackmail sa kanya. He's quite smart than she thought. Mukhang masyado niya itong minamaliit.

''Fine. 10 days. I'll give you 10 days. After that, get that kid out of my sight.''

''Also, can you-'' Napatigil ito at alinlangang tumingin sa kanya. Pansin niya ang pamumula ng tainga nito. Is he blushing?

''Speak. You even tried to blackmail me. Ano pang pumipigil sayo?''

''Ca- Can you do me one favor?'' Parang napagting ang tainga niya sa narinig.

''Favor? What favor?'' 

KUMUNOT ang noo ni Jia nang mapansin si Mika na parang wala sa sarili. Nakatitig lang ito sa pagkain sa harapan. Ni-hindi man lang ito ginalaw ng dalaga.

''Mika? Ayos ka lang? Bakit parang ang lalim ng iniisip mo? May problema ba?''

''I'm just thinking, if he's crazy or not.'' mahina niyang bulong sabay subo ng cheesecake.

''Crazy? Who?'' 

''Your cousin,''

''Cassidy? Bakit, ano bang nangyari?'' pasigaw na tanong ni Jia at umusog papunta sa tabi niya. 

''I asked them to leave. He begged me. I gave him 10 days. And now he wants me to attend their reunion and pretend to be his girlfriend. He even blackmailed me using that contract. Tell me, isn't he crazy? What makes him think that I'll agree.''

Sa tuwing maalala ni Mika ang nangyari kanina, hindi niya alam kung dapat ba siyang mainis o matawa. Hindi niya akalaing maiisahan siya ng lalaking 'yon.

''So, did you agree? Pero teka, bakit kailangan mo silang paalisin? Haru is a special figure. He can't be seen in public.'' 

''Special Figure? Ano bang sinasabi mo?'' Umiiling-iling na nagpatuloy sa pagkain si Mika.

''Seriously Mika, hindi mo talaga siya nakikilala? Haru is the hottest singer in Japan. Ang dami niyang fanbase around the globe. Tapos palalayasin mo lang?'' 

''Oh,'' tanging sagot lang ni Mika at uminom ng milktea. 

''Oh? Akala ko ba mahilig ka sa music, bakit hindi mo man lang-'' Napatigil sa pagsasalita si Jia nang mapansin ang pagbabago ng mukha ng dalaga. Napatakip siya sa bibig.

"So-sorry,''

Binitawan ni Mika ang milktea. Maingat siyang sumandal sa upuan.

''Hindi mo pa 'rin ba talaga siya kayang kalimutan?'' Bakas ang awa sa mukha ni Jia habang nakatingin sa dalaga.

''He's the knife who caused my scars. How can I forget him?'' mahinang sagot ni Mika, ramdam sa boses niya ang galit.

''Pero-''

''Okay. Let's not talk about this. Just tell your cousin, there's no way that I'll attend that reunion. That's his problem. If they don't want to leave. I'll leave. I still have a safehouse, I can live there.''

May safehouse na ipinatayo noon ang magulang niya malapit sa dagat, birthday gift ito para sa kanya. Kahit na malayo ito at walang gaanong tao, mas okay na 'rin 'yon kesa manatili siya sa bahay kasama si Haru.

''But if you won't go, siguradong pagtatawanan na naman siya ng mga kasama niya. Lalo na ang impokritang babaeng 'yon. Akala mo kung sinong maganda. Porke't wala pang bagong nobya si Cassidy, iniisip agad na hindi pa ito nakamove-on sa kanya,'' naiinis na saad ni Jia.

Kaya pala gusto siyang papuntahin ng binata, nandoon din pala ang clown na 'yon. Akala niya, nahihiya lang itong pumunta mag-isa. So he just wanted to use her, to prove that he has already moved on. 

''Mika, talaga bang hindi ka pupunta? Actually, Cassidy is different. Talagang wala lang siyang ibang choice kaya niya 'yon nagawa. Haru is a celebrity. Siya ang naatasan ni Uncle na bantayan si Haru at huwag makita ng ibang tao. Isa pa, si Cassidy lang ang kaisa-isang anak na lalaki ni Uncle. Besides sa shop niya, kailangan pa niyang pumunta sa kumpanya bilang vice-president,'' paliwanag nito.

''Vice-president? Akala ko, isa lang siyang violin maker?''

''No. He's the only heir of CE Company. Being a vice-president is already a burden for him. And now, he still needs to take care of that kid. And that shop. He don't even have time to rest.'' 

CE company or Casa Entertainment is a well-known company. Ito ang nagmamay-ari ng pinakamalaking tv station, iilang five star hotel at resorts. Pati na 'rin ang sikat na Casa Publishing Company. Hindi niya akalaing magiging pagmamay-ari ito ng binata.

''Kung ganoon bakit kailangan pa niyang pumunta do'n sa reunion? It's not mandatory. He can refuse.''

''You don't understand. All of his classmates are from wealthy family, some are heir or heiress. He's the future CEO, he needs to attend in order to build a good relationship.''

Hindi siya makapaniwalang ang inosenteng mukha ng lalaking 'yon ay may malaking responsibilidad na dinadala. He's good in concealing his real identity.

''Pero teka, if he's that rich. Pwedeng-pwede siyang maghire ng bodyguard para kay Haru or buy a safehouse. Bakit kailangan pa niyang makitira sa bahay ko?'' naguguluhan niyang tanong kay Jia.

''It's also because of his shop. Cassidy is good in playing violin but pinagbawalan siya ni Uncle. He only wants him to focus on business pero ayaw makinig ni Cassidy, sa halip ay nagtayo pa siya ng shop. Kaya ayon, dahil sa galit, Uncle blocked all of his account. Pinagbawalan din siyang umuwi sa bahay hangga't hindi niya isasara ang shop. Buti na lang at mayroon siyang sariling condo.''

Napailing si Mika sa sinabi ng kaibigan.

Basta mayayaman talaga, ang daming bawal. Marami ka ngang pera, hindi mo naman magagawa ang gusto mo. Poor Cassidy. 

''So, will you attend or not?''

Bumuntong-hininga si Mika.

''I'll think about it.''