Continuation~~
Arcadia
Ang pangalan ng bansa kung saan nakatira si Hellevi at ang iba pang mga karakter ng kuwento. Ang bansang Arcadia ay ang pinakamaunlad at pinakamalaking bansa sa mundo ng Devuniake at tahanan ng mga mayayamang pamilya na may sariling Lungsod--Kasama na doon ang pamilya ni Hellevi na ngayon ay pamilya ko na, ang pamilyang Finnegan.
''Prinsesa Hellevi, handa na po ang iyong sasakyan.''
Napatingin ako kay Laura na nakasilip sa pinto ng kwarto ko, kumikinang ang mga mata niya habang pinagmamasdan ako.
''Ang ganda mo, mahal na Prinsesa.''
''Matagal na, tinago lang ni Hellevi''
Curious na tumingin sa akin si Laura ng nadulas ako sa sariling bibig, pumikit ako at nagseryoso ang mukha.
''What I mean is matagal kong tinago.''
Tumango siya bilang tanda na naiintindihan niya. Ang bibig mo kasi, Jane.
Umalis ako sa kwarto ni Hellevi na ngayon ay kwarto ko at naglakad pababa ng hagdan. Sa pagtingin sa mga magagandang painting at mga larawan sa dingding, wala akong makitang mga larawan ni Hellevi noong dalaga dahil lahat ng mga larawang nakasabit ay sa kanya noong bata pa siya. Lahat ito ay mga larawan ng pamilya ngunit walang Hellevi, palaging si Phoebe.
Nakalimutan siguro nila na hindi si Hellevi ang illegitimate child kundi si Phoebe, even her mother considers Phoebe more of a real child than her. Inang nagpapaka-ina sa anak ng iba
''Thana''
Lumingon ako sa ibaba ng hagdan dahil doon nanggaling ang nagmamay-ari ng boses, nakita ko ang isang lalaki na matamang nakatitig sa akin. May magandang pangangatawan, matangkad, maputi, at higit sa lahat ang asul nitong mga mata na nakakaakit ng pansin. Gilbert Finnegan
''Hi?''
Awkward na aking bati, nakakailang ang klase ng titig na ibinibigay nito, parang hinahalukay ang pinakatatago kong sikreto.
''You're awake.''
Ay hindi tulog pa ako. Nag sleep walking lang ako.
gustuhin ko man siyang barahin ay hindi ko magawa dahil nasa katawan ako ng kanyang kapatid na si Hellevi na walang ginawa kundi makuha ang atensyon ng pamilya at ng lalaking mahal.
''Hmm, kanina lang.''
I smiled and spoke softly to him. Good God, I hope Jesus will forgive me for lying just to live long
''Let's go to the dining room, they are all there.''
''Who?''
Hindi niya ako sinagot at naglakad na lang papuntang dining room. Sino ba ang tinutukoy niyang nila? Ang pamilya ni Hellevi?
Imbes na magtanong pa, sinundan ko na lang siya papuntang Dining dahil hindi ko alam ang daan patungo roon. Bago siya pumasok sa hula ko ay ang Dining room ay hinarap niya ako ng may nagbabantang tingin. Inaano ko ba siya?
''don't embarrass the family again.''
Ano bang problema niya?
pananakot niyang sabi at pumasok na sa loob. Sumunod na lang ako sa kanya sa loob dahil nakakaramdam na ako ng gutom, ilang araw rin siguro nakahimlaya ang katawan ni Hellevi.
habang hinahakbang ko ang aking mga paa sa dining room ay may mga naririnig akong hindi pamilyar na boses na nag-uusap sa loob. nang tuluyan na akong makapasok sa loob, natigil ang usapan at napalingon sa akin ang mga nakaupo sa eleganteng upuan sa dining room.
May pagtataka at paghanga sa kanilang mga mata habang nakatingin sa akin, nararamdaman ko rin ang dalawang pares ng mga mata na parang yelo kung tumingin. Hinanap ko ito at nagtama ang mga mata namin. Those Golden eyes were familiar!
''Who is the beautiful Lady with you, Prince Gilbert?''
A woman who I think is in her late-40s asked tenderly. She is a Queen because all the jewels she wears are derived from the Red Diamond Gemstone.
''Greetings to their Majesties.''
I heard the Queen's laugh so I looked up and saw her laughing modestly.
''you're so cute, dear. Btw, who are you? are you Prince Gilbert's girlfriend?''
Excited na tanong niya habang pumapalakpak pa. Eh? Akala ko ba nakakatakot ang awra ng Queen of Loford?
Ang Loford ang pinakamayamang pamilya sa mundong ito, kinatatakutan din ito dahil sa kakila-kilabot na aura ng bawat miyembro ng pamilya, at isa na rito ang lalaking mahal ni Hellevi.
Loford Family- Ang pamilyang ito ang pinakamayamang pamilya sa mundong ito, kinatatakutan din ito dahil sa kakila-kilabot na aura ng bawat miyembro ng pamilya, at isa na rito ang lalaking mahal ni Hellevi. Ang Hari ay si King Carlo at ang Reyna ay si Queen Sienna, mayroon silang mga anak, dalawang lalaki at isang babae
Princess Cailyn Shane- Panganay na anak ng mag-asawang Loford. A Mafia Lady you don't want to be an enemy. She is a bitch and a flirt one, at mahilig paglaruan ang mga lalaking kaniyang tipo.
Prince Clinton Shae- Pangalawang anak ng mag-asawang Loford. A ruthless Mafia Boss with no emotion on his face and cold words. Siya rin ang lalaking kinababaliwan ni Hellevi, ang unang male lead ng kwento.
Prince Caleb Shawn- Bunsong anak ng mag-asawa. May sakit na hindi kayang pagalingin at ipaliwanag ng mga doktor. Bihirang lumabas ng kwarto, Mahirap kausap, hindi masaya sa mga bagay-bagay, at matured mag-isip kahit walong taong gulang pa lang. Walang emosyon din na makikita kundi ang pagiging seryoso ng bata. Just Like he's Brother
''She is not my girlfriend, Your Majesty''
Gilbert spoke seriously but politely. I should start calling him Kuya.
''Then who is she?''
Tanong ng isa pang ginang. Medyo kamukha niya si Hellevi. Siya yata ang Reyna ng Finnegan at Ina ng Hellevi.
''She is Princess Hellevi Thana, Your Majesties.''
Lumingon sa akin ang dalawang Reyna na nanlalaki ang mga mata at ramdam ko rin ang masamang tingin na nagmumula sa babaeng katabi ng ina ni Hellevi. A Bitch
''Interesting''
Bulong ni Haring Carlo Loford ngunit dahil matalas ang pandinig ko ay narinig ko pa rin. Tsk
''Is that you, Princess Hellevi?''
Natutuwang tanong ni Queen Sienna na nakaupo sa kaliwa ko at si Shae naman ay nakaupo sa kanan ko, bale napagigitnaan nila ako na lalong kinatalim ng tingin ng babaeng kaharap ko ngayon na katabi ang Ina ni Hellevi at ang Kuya nito na si Helbert na katabi naman si Gilbert.
''It's me, Your Majesty''
Paninigurado ko sa kanya, talagang inuulit niya lang ang tanong niya dahil tinanong niya ito sa akin kanina pa.
''Kya! You're so Beautiful, Princess''
Sinabi niya iyon sa akin ng siyam na beses at ako, na ang pasensya ay mas mahaba kaysa sa Ilog Nile, ay ngingiti lamang at magpapasalamat.
''Stop it, Hon. You've been saying that for a while. We came here for something important, remember?''
Suway ng hari ng Loford, si Haring Carlo, gamit ang seryosong boses ngunit mapapansin ang malamnbing nitong tingin sa asawa. Tsk, PDA
''let's go back to what we were talking about earlier about the wedding of Prince Shae and P-princess Phoebe.''
Napansin kong medyo nautal si Haring Carlo nang sabihin niya ang Prinsesa sa pangalan ni Phoebe. Heh! Parang ayaw rin ni King Carlo sa bruhang Phobia--este Phoebe ah.
Nakita ko si Phoebe na nakatingin sa akin at ngumisi nang sabihin ng hari ang tungkol sa kasal ng dalawa. Tsk, wala akong pakialam, bitch.
''What is it?''
Tila nagkaroon ng tensyon sa silid-kainan nang magsalita ang hari ng Finnegan. Seryoso at malamig itong tumingin, ngunit mas malamig pa ang dalawang pares ng mga gintong mata.
''Our son wants to stop the wedding because he doesn't love Princess Phoebe.''
Seryoso ang ugali ni Reyna Sienna, nawala ang kanyang maamong aura at napalitan ito ng nakakatakot na awra katulad ng sa dalawa niyang kasama.
''That's good.''
''What!? Dad! I will die if Shae and I don't get married!'' cried Phoebe as the King agreed to stop the wedding. It's like a desperate woman. tsk.
''Patay agad?''
Hindi ko mapigilang maputol ang usapan nila dahil pakiramdam ko ay ang sarap prankahin ang bruhang kaharap ko ngayon. Ibinaling nito ang atensyon sa akin at sinamaan ako ng tingin bago dinuro ng kaniyang hintuturo na may pekeng kuko.
''It's all your fault!''
Galit niyang sigaw sa akin at akmang sasampalin ako ng magsalita ang padre de pamilya ng Finnegan. May pagka-disgusto sa mukha nito habang nakatingin kay Phoebe
''You're acting like a desperate one, Phoebe.''
Bakas sa mukha ni Haring Yubert ang pagkadismaya habang nakatingin kay Phoebe na ngayon ay nakayuko.
''Sorry for our behavior, Your Majesties''
Queen Thena, Hellevi's mother apologizes to the Loford family who was just looking at us earlier.
''It's alright. Btw, PRINCESS Phoebe, hindi ito kasalanan ni Princess Hellevi.''
Sabi ni Reyna Sienna at bahagyang umangat ang gilid ng labi niya nang makita ang ekspresyon ni Phoebe na parang papatay na. They are not on good terms, I guess.
''Sign the paper''
Isang nakakatakot at malamig na boses ang sumabad sa usapan namin. Binaling namin ang aming tingin sa pinanggalingan nito at nandoon siya, nakatayong nakatingin sa amin pero ramdam ko ang dalawang pares ng malamig na ginintuang mga mata na nakatutok lamang sa akin. Pagkatapos niyang sabihin yun ay nagsimula na siya lumakad palabas ng silid-kainan.
''I'm leaving too because I have something important to do, Your Majesties.''
Magalang na sabi ko bago tumayo at magbigay galang, bago tuluyang umalis sa silid. Naglalakad lang ako sa mahabang koridor ng palasyo dahil tinatahak ko ang daan palabas ng biglang may nagsalita sa aking likuran.
''Baby Thana!''
Pagtingin ko sa likod ko ay halos lumuwa ang mata ko sa gulat dahil sa dalawang lalaking papalapit sa kinaroroonan ko. Fuck, delikado talaga ako sa dalawang ito. Si Gilbert, ang panganay, ay kilalang-kilala ang mga tao at itong si Helbert ay parang bodyguard ni Hellevi kung makasunod kay Hellevi kahit saan man ito magpunta dahil mahal na mahal niya ang bunso ngunit hindi iyon alam ni Hellevi dahil tutok ito na makuha ang atensyon ng mga magulang at ng lalaking mahal na si Shae.
''It's good that you're awake, you worried me too much.''
Parang bata kung magsalita si Helbert sa harap ni Hellevi pero napakademonyo nito pagdating sa iba habang si Gilbert ay palagi lang seryoso at kung magsalita man ay tungkol palagi sa mga importante at katutuhanang bagay na nakakalap niya.
''You are different now''
Gaya nga ng sabi ko, totoo ang sinasabi niya dahil nagbago na talaga si Hellevi dahil ako ang bagong kaluluwa sa loob ng katawan ni Hellevi.
''Huh, paanong iba?''
Nagkunwari akong hindi alam ang sinasabi at nanatiling nakangiti. Buti na lang magaling akong umarte hays.
''Naninibago lang ako sa ugali mo tulad na lang kanina na hindi mo man lang kinausap o nilapitan ang Prinsipe.''
''Huh? I followed him out earlier, Kuya Gilbert.''
Keep lying, Jane, you'll know you're burning in hell.
''Are you happy that your Sister and Prince Shae's marriage is off?''
Helbert asked me excitedly while still holding my arm. Umarte ka na parang naa-awa ka kay Phoebe.
''Actually, nalulungkot ako sa nangyari kay ate Phoebe. simula kasi ng magising ako ay ipinangako kona na hindi kona sila guguluhin dahil mas bagay talaga si Ate kay Prince Shae dahil pareho silang matured mag-isip habang ako ay nagsisimula pa lang.
My voice was sad so Helbert's expression softened while Gilbert looked at me in surprise.
''Don't compare yourself to others, Thana.''
May habag sa boses niya naikina-galit ko pero nanatili akong nakangiti sa harap nila.
''I like your new attitude, just keep it up.''
Seryoso ang itsura ni Gilbert at nilagpasan ang pwesto ko pero bago iyon ginulo niya ang buhok ko na inina-busangot ko. Mahirap magsuklay ng mahabang buhok.
''Tsk, ilang oras ang ginugol ko maayos lang ang buhok ko.''
Bulong ko na siguradong ako lang ang nakakarinig pero nakalimutan kong may katabi pala ako ngayon na natatawa na habang pinipisil pa ang dalawang pisngi ko.
''Hahaha, you're so cute.''