The Past
Kenzo POV
"Hon, schedule na naman ng chemo ng anak natin, Ubos na ang ipon natin. tanging lupa na lang at bahay ang natitira sa atin. Hon paano na to? Paano na anak natin!" sambit ng asawa ko habang umiiyak. Tanaw mula sa inuupuan namin sa labas ng ICU ang anak naming nanghihina at maraming nakakabit na mga aparato sa loob.
"Hon, Mahal natatandaan mo pa ba si Luwise? Yung pinsan kong nagtratrabaho sa Japanese-Canadian Lab." Pag-uumpisa ko, para ipaliwanag ang gustong itulong ni Luwise sa aming mag-asawa.
"Hon, Ayoko! ayokong pag experementohan ang anak ko. Hon may awa ang maykapal. malalampasan din Yyeshia to.Hon, huwag!" mas lalong umiyak ang asawa ko. hinila ko naman at niyakap.
"Hon, alam kong nasasaktan ka rin sa situation nang anghel natin, pero mas nasasaktan ako para sa atin lahat. luging lugi na ang negosyong pinundar natin. wala na tayong sapat na pera para mas mapigilan ang pagkalat ng cancer cells nya. Kailangan nating magtiwala na mapapagaling nila ang anak natin. Hon, nangako si Luwise na epektibo ang experiment na ginawa nila para mapagaling at tuluyan nang malulusaw ang cancer cells. kaya hon, kailangan na nating subukan bago pa mas tumaas ang cancer cells." Pagpapaliwanag ko sa asawa ko. "Hon, para sa nagiisang angel nang buhay natin, kailangan nating subukan." dagdag ko pa.
"wag kayong mag-alala, malakas ang tiwala ko sa Experent na iyon, manalig kayong gagaling din ang pamangkin ko." Sambit ni Luwise na di namin napansin na dumating at nakalapit na sa amin. Lahat kami natigilan ng biglang naging iba ang tunog ang ECG machine.
"beep..beep..Beep..beep...Beeep.."
"hon, hon tawagin mo ang doctor! anong nangyayari kay Yyeshia." tarantang sigaw ng asawa ko.
"ako na ang tatawag" pagbo-voluntaryo ni Luwise at tumakbo agad ito. maya't maya nagtatakbuhan na papasok ng ICU ang nurses at doctor.
"beep..beep..Beep..beep...Beeeeeeeeeeep.."
nakikita naming ginagamitan ng defibrillator si Yyeshia. mas lalong pumapalayaw ang iyak nang asawa ko. hinigpitan ko ang pagkayakap sa asawa ko. at hindi ko rin mapigilan ang pagtulo nang luha sa aking mga mata. Impit naman akong umusal ng dasal. Sanay dinggin ng maykapal ang aming dalangin. napaka bata pa ng anak ko para maranasan ang dagok ng buhay. napakasakit na ang nag-iisang anak namin nasasaktan pero wala kaming magawa para mabawasan ang sakit na nadarama nya. kung sana ako na lang ang nariyan. kung pwede ako na lang.
ilang oras na nagdaan, lumabas na ang doctor. Lumapit naman ito sa amin at nagbalita.
"Mr and Mrs. Woo, your daughter had a very high level of white blood cells in her blood that lead to lung complications. kailangang mapa aga ang chemo theraphy. to supply oxygen sa mga organ nya. this all we can do for now. Excuse me" ang sabi nang doctor.
"Salamat doc." tugon nang asawa ko.
"Kenzo, Kyla" tawag sa amin ni Luwise. "have faith to our experiment, mas maaga, mas malaki ang chance na gumaling ang inyong anak. mapapagaling namin si Yshia. kung problema ninyo ay pera para ilabas siya dito, wag kayong mag-alala sagot na namin to. as long as pumerma lang kayo sa waiver." pag-eencourage nya samin para pumayag.
"Hon, pumapayag na ako. mas nakakabuti ito para sa angel natin." sabi ng asawa ko.
"Luwise, pumapayag na kami!" disididong sabi ko.
"okay, ipapadala ko na ang waiver dito. babayaran ko narin ang bills para dumating ang waiver. wala nang problema. papupuntahin ko narin dito ang mga expertong kasama ko. para makipag-meet at mapag-usapan narin ang kalagayan ni Yyeshia." masayang sabi nya sa amin.
2 days later....
"Kenzo" tawag sakin ni Luwise
"Luwise!" tawag ko rin sa kanya.
"Gusto ko sanang ipaalam sa iyo na dadalhin na namin ngayon si Yyeshia sa Canada. Mamayang 6 pm. ang flight nya." dideretchong sabi ni Luwise.
"Ano!" Gulat na Sagot ko.
"pwede mo namang Dalawin Si Yyeshia sa canada ehh. kung may pera na kayo! this is not an insult huh pero alam mo na iyon ang katutuhanan. excuse me." tugon nya. Naikuyom ko ang mga kamao ko sa mga narinig ko. di ko itatanggi na nainsulto talaga ako sa sinabi nya. pero kailangan kong tanggapin dahil pumerma ako nang waiver. ipagdadasal na lang kita anak.
Dinungaw mo na namin si Yyeshia bago siya isakay sa isang private plain ng Lab. "Magtiwala tayo mahal na maipapagaling nila si Yyeshia natin." sambit ko sa asawa ko habang yakap-yakap ko siya.
"mahal, kailangan nating ibangon ang kompanya. kailangan natin ng pera para bawiin siya." sabi ko sa asawa ko. " di ko hahayaang habang-buhay nilang ilalayo sa atin ang anak natin." dagdag ko. "tutulungan kita Hon!" tugon ng asawa ko. hinalikan ko naman siya sa noo.
baka iniisip nyo na bakit nag-iisa lang ang anak namin, pangatlong angel na namin si Yyeshia. Nakunan kami sa unang pagbubuntis, pangalawa ay tumubo sa Fallopian tube siya tumubo, dilikado para sa buhay ng asawa ko. at Pangatlo si Yyeshia, para maiwasan ang miscarriage ay minabuti naming sumailalim sa IVF o in vitro fertilization. this is a type of fertility treatment where eggs are combined with sperm outside of your body in a lab. It's a method used by people who need help achieving pregnancy. nagkakahalaga ito ng 192,540 pesos.
Ngayon kailangan naming ibangon ang kompanya. kailangan naming mag-ipon para mabawi si Yyeshia. kami ang may ari ng Yys Market. kung saang meron nang tatlong brunch sa Luzon. ang YYs market ay isang grocery/department/ entertainment mall. pero mas malaki ang kita namin sa Bodega trading, kung saan bulk buyers o maliliit na tindahan o groceries store ang karamihan sa mga customer. kung saan mura ang benta namin sa kanila. at nagsusuply din kami sa VISAYAS at MINDANAO.
babangon kami anak. babawiin ka namin.
5 months later...
Margarette PoV (Mother of Rafael)
"Luwise" tawag ko sa asawa ko. isa rin ako sa doctor na nakatuka sa cancer experimentation. "What?" inis na tugon nya. napasimangot naman ako sagot nya. "hindi effective ang bone marrow transplant na ginawa kay Yanna, sinira rin ng cancer cell ang bagong Bone marrow nya. kailangan nating isagawa ang Plan B. Kailangan na nating ilipat si Yanna sa Japan, nandoon ang technology aparatus na kailangan natin." pagpapaliwanag ko. hindi nya ako sinagot kaya tiningnan ko ito ng seryoso. alam kong nag-iisip ito.
"Mr. Montenegro", tawag ko. nagulat naman ito sa pagtawag ko. bahala ka inis na inis na ako sa ugali nya. "papayag ka man o hindi ipapalipat ko na siya." pinaglakihan naman nya ako ng mata. i just roll my eyes and went out. bahala siya diyan.