"Mukhang sa dinami-rami ng tao dito, kayo lang ata ang swerte sa lugar na ito." komento ni Eiji habang nililibot ang tingin sa buong paligid ng sala.
"Thank goodness na lang talaga sa parents ko dahil itinaguyod nila ako sa pag-aaral. Medyo busy lang talaga ako sa pagrereview para makapasa sa licensure exams kaya mainitin lang ang ulo ko kapag stressed." paliwanag ni Myeong sa kanila.
"Ang galing mo naman." pagbati ni Lizette. Dagdag pa nito. "Sa hirap kasi ng buhay dito, bihira lang sa iba na nakakatapos ng pag-aaral sa kolehiyo-"
"Argh! This sucks. Wala na namang kuryente?!" reklamong saad ni Myeong pagkarating nila mismo sa dining area ng naturang mansyon.
"Baka hindi mo pa nabayaran." bulong ni Eiji sa gilid ni Lizette.
"Hindi ka naman nambobola sa akin noh?!" Dagdag pang sabi ni Myeong na hindi makatawa sa inis niya kay Eiji.
"Ako na po ang humihingi ng pasensya sa pagiging isip-bata niyan. Kulang kasi iyan sa pansin." ani Lizette at napakamot na lang siya sa ulo niya.
Samantala ay napabuntong hininga naman si Myeong dala ng kanyang frustrations. "Di bale na. Magsindi na lang tayo ng kandila sa dining area. Alam kong hindi ito magandang simula sa gabing ito pero sana magustuhan niyo ang mga ihahain kong pagkain mula sa fridge." paumanhin ni Myeong sa biglaang aberya na nangyari sa kanyang tinutuluyan.
Dumiretso na agad si Myeong sa kanyang personalized kitchen habang nagprisinta naman si Lizette na tulungan siya sa mga kailangan gawin. "Hindi ko akalain na pati dito sa siyudad eh nawawalan din ng kuryente sa gabi." komento ni Lizette.
"Ewan ko ba kung bakit hindi pa ako nasanay sa ganito. Okay lang ba Eiji na pakisindihan na din ang mga kandila sa iba pang parte ng bahay?" pakisuyo ni Myeong who is currently preparing for preheating the gas stove para painitan muli ang mga frozen kimchi na pakiwari ni Myeong na pinaglilihian ni Lizette.
"Sure... No problem!" He replied to her na tila napipilitan. Samantala ay hindi maiwasang mapansin ni Myeong na mahal nga nila Eiji at Lizette ang isa't isa kahit hindi nila sabihin.
Umiwas na din si Eiji sa usapan nilang dalawa ni Lizette at Myeyong upang masimulan na niya ang paghihiking sa loob ng mansyon. "Ang saya niyong tignan noh?! Nagbida bida nga ang Eiji sa loob ng pamamahay ko para lang magpakitang gilas ng kanyang obedient attitude. Pasensya na nga pala sa inasal ko sa inyo kanina." Nahihiyang magsabi si Myeong ng harapan sa kanila ni Lizette lalo na kay Eiji dahil na din sa mga masasakit na salitang narinig mula sa labi niya kanina.
"Bata pa talaga iyan kaya medyo iba ang takbo ng utak niya kumpara sa akin. Huwag mo sanang masamain ang tanong ko sa iyo pero sa yaman mong iyan, wala ka man lang katulong o sinumang katuwang sa buhay?" Lizette asks curiously and Myeong doesn't seem offended to her visitors' eyes.
"I used to have five maids in this estate pero lahat sila ay nakasick leave ngayon sa trabaho at iyong kinakapatid ko naman eh nasa malayong lugar. He works for the government at sa sobrang obsessed niya sa trabaho, hindi na niya ako nabibisita dito sa mansyon ng magulang ko." Myeong also emphasized her reasons kung bakit siya nasa Chongjin noong una silang magkita.
"Ganun pala. Kaya ba bumisita ka na lang sa Chongjin para kamustahin ang kinakapatid mo?" Lizette was so engaging to their conversation and Myeong almost underestimated her communication skills dahil na din siguro sa dinaramdam ni Lizette sa biyahe patungong Pyongyang.
"Oh my gosh sis, you have an idea naman pala. Yeah, I kinda missed him so much but as usual, echapwera lang ako sa atensyon nun. Binatang-binata na daw kasi kaya hindi na kailangang itrato na parang baby. Hahahahaha..." They chuckled happily while Eiji was eavesdropping in Lizette's conversation.
"Ako ba ang pinag-uusapan ng dalawang iyon?" Nagtatampong hanash ni Eiji sa kanyang isip nang mapansin siya ng dalawa sa kusina.
"Hoy! Kung tapos ka na, pakiayos naman ang lamesa natin. Maluluto na ito real quick." Pangbabarang sabat ni Myeong sa naiinis na Eiji sa kanyang harapan.
"Hindi ako Hoy, madam. Eiji ang pangalan ko." Naaasar na tugon ni Eiji at lalo lamang siyang pinagtulungan ni Myeong sa kanyang pambubwisit.
"Okay sabi mo eh." ani Myeong habang napapangiti na lang si Lizette sa gilid tuwing nagpipikunan ang dalawa sa harap niya.
They filled themselves up while serving each meal of kimchi and rice. It was only food left for preheating kaya naman pinatos na nilang tatlo iyon sa dining area. Umupo sila sa isang long round table at nakagitna sa kanilang tatlo ang mga scented candles.
As the current head of the mansion, Myeong was already used to seat in the middle at sa mga pagkakataong iyon ay nasa kanan niya si Eiji habang kaharap naman nito si Lizette na komportable sa lagay niya ngayon.
"Mabuti na lang at maayos na ang pakiramdam mo Lizette." Panimula ni Eiji habang sarap na sarap sa inihain nilang pagkain sa lamesa.
"Kaya nga. Hay nako, parang pabigat na lang ata ako sa buhay ng iba." Paninisi muli ni Lizette sa kanyang sarili nang bigla silang nagulat sa komento ni Myeong.
"Yeah... you really are dahil buntis ka nga talaga." Pambibigla ni Myeong as she verified their hypothesis.
"Teka, sigurado ka ba talaga sa sinasabi mo?" Sabi pa ni Eiji na tila may trust issues pa kay Myeong.
Hindi din naman makapaniwala si Lizette mula sa kanyang mga narinig. "Ikaw nga itong unang naghinala na nabuntis mo ako tapos magrereklamo ka ng ganyan." naiinis pa nitong turan sa pagmumukha ni Eiji.
"I'm not sure if dapat bang pag-usapan ang obvious na bagay. Bukod kasi sa morning sickness, bago tayo bumaba ng sasakyan, dumampi sa likod ko ang harapan mo Lizette. Hindi ka naman sexually aroused that time base sa hilatya ng reaksyon mo pero naninigas kasi ang kalamnan mo sa dibdib kaya mag-iingat ka sa susunod." ani Myeong sa kausap niya.
"Oo naman. Maraming salamat sa payo mo, Myeong." Lizette told her enthusiastically while Eiji is totally heads over heels for Lizette mula sa narinig nilang magandang balita kay Myeong.
Tahasang napapahalakhak si Myeong habang natutuwa sa reaksyon ng dalawang bisita sa kanyang harapan. "Isa kang malaking uto-uto, Lizette. Napakalandi lang talaga ng kipay mo at nagawa mo pang iwanan si Dalton sa prison camp which he really deserve. I just really admire you for that stupid brain of yours." Bulong ni Myeong sa kanyang sarili.
"Halatang nagccrave ka na sa kimchi Lizette kaya let's eat na, shall we?!" Pag-anyaya ni Myeong sa natatakam na panlasa ni Lizette.
Habang abala si Lizette sa kanyang own servings ay hindi naman mapakali si Eiji sa kanyang kinauupuan. "Ikaw din huwag ka ng mahiya. Damihan mo ang pagkain." ngiting sabi ni Myeong kay Eiji while she start gliding her heel in between his legs.
{👤Eiji Sawakita 📣}
Kung kayo ang nasa kalagayan ko, ano ba sa palagay niyo ang dapat kong gawin? Minuto na din ang lumipas pero ang buong akala ko ay malikot lang talaga sa upuan ang Myeong na ito pero sinasadya niya talagang sagarin ang pasensya ko. Sinubukan kong iusog ang upuan ko papalayo sa distansya niya pero guess what did she do next?
"Looks like nag-iinit ka na dyan sa kinauupuan mo. Masarap ba sa feeling?" Deretsahan niyang tinanong sa akin iyon at mukhang kinikiliti niya ako sa sarili niyang paraan.
Patuloy niya pa din akong inaasar ng mga ngisi niya sa akin habang sarap na sarap siya sa niluto nila ni Lizette. Napakairitable sa pakiramdam ang tila panununggab ng paa niya sa binti ko. Argh!!! Makaalis na nga.
"Woah! Napadami ata ang sili sa naluto niyo. Ikukuha muna kita ng tubig Lizette ah." Pagpapaalam ko sa kanya para lang iwasan ang pang-aasar sa akin ni Myeong.
Tapos na din naman akong kumain at natripan ko lang na hugasan ang sarili kong pinagkainan. Dining ko pa sa kusina ang tawanan nilang dalawa kaya maski ako ay nalilito talaga kung sino sa kanila si Lizette sa malayo dahil magkaparehas halos ang hilatya ng mukha nila at boses. What a coincidence nga naman.
"Hahahahaha! That's so lame sis. Ang ibig mong sabihin eh you never experienced school ever in your life?" at paniguradong si Myeong ang nanghahampas ngayon kay Lizette sa lupa dahil sa reyalidad ng kahirapan nila sa buhay doon sa prison camp noon.
"Hindi kaya ng mga magulang ko na papasukin ako sa eskwelahan at panigurado namang mahirap mag-aral lalo na kung walang laman ang sikmura mo. Kung ikaw kaya ang nasa posisyon ko, maiisip mo pa waring mag-aral sa eskwelahan kung nahihirapan kayo pareparehas ng pamilya mo?" Pagtatanggol ni Lizette sa sarili niyang argumento.
"Hahah! Sabagay, karapatan naman talaga ng lahat na matuto sa paaralan pero base sa sitwasyon natin eh nagiging privilege na lang ang pag-aaral para sa iilang may pera at talino." Katwiran ni Myeong sa kausap niya.
Wala man gawing kahit ano si Lizette sa upuan niya doon pero ramdam kong nanliliit na naman ang tingin niya sa sarili niya. "Tama na nga ang asaran niyo dyan. Kailangan na nating magpahinga lalo ka na Lizette." Pag-awat ko sa kanilang debate para matigil na ang pang-iinsulto ni Myeong sa kanya sinadya man iyon o hindi.
"Nasaan na iyong tubig ko?" Oo nga noh... Ako itong nagprisintang bibigyan ko si Lizette nun pero wala akong ginawa. Hay nako Eiji, ang tanga lang...
───※•☞💉ﮩ٨ﮩ٨ـ📑☜•※───
Matapos ang naturang tagpo ay nagkanya kanya muna silang tatlo ng landas, While Lizette is sound asleep in her bedroom ay ineenjoy naman ni Myeong ang bubble bath niya sa bathtub malapit sa kanyang kwarto. Distracted as he is ay agad ng inasikaso ni Eiji ang sasakyan ni Myeong na nadumihan on the way matapos niyang ihatid si Lizette sa kwarto na pinaubaya ni Myeong para matulugan ng dalaga.
"It's time for carwash sa ilalim ng buwan." ani Eiji at nagsimula na siyang maglinis ng kotse ni Myeong.
Paniguradong mababasa din ang damit ni Eiji sa pawis bukod pa sa tubig na pangbanlaw niya kaya naisipan niyang hubarin muna iyon pansamantala at itinabi malapit sa entrada na pintuan ng bahay.
His own battles start to radiate even more under the moonlight nang mapagdiskitahan muli ni Myeong si Eiji mula sa bintana. Alam niyang kinabubwisitan siya ng binata kaya naisipan niyang kamustahin ulit si Eiji na may halong sorpresa.
"Hey! It's already late. Ano pang ginagawa mo dyan?" Pagtatakang saad ni Myeong which made her brows twitched.
"Hindi pa ba obvious na nililinis ko ang kotse mo? Tsaka baka kapag ipinagpabukas pa ito eh mahirapan pa akong tanggalin ang mantsa." Paliwanag naman ni Eiji at kahit mismo sa konting liwanag ng kandila sa loob ng bahay at tila kumikislap ang paningin ni Myeong sa hubog ng katawan ni Eiji.
"I know but the question is bakit ikaw pa ang naglilinis niyan? Both of you are my visitors kaya hindi mo dapat pinapakialaman iyan and I should do that instead." pagsuway muli ni Myeong at pilit ng inaagaw kay Eiji ang basahan.
"Ewan ko. Gusto ko lang ng malinis at ayoko sa maruming paligid lalo na sa taong marumi ang pag-iisip." Katwiran ni Eiji na tila kinompronta na si Myeong sa malisyoso niyang gawain.
"Huh? What exactly do you wanna say? Actually hindi ko na masundan ang patutunguhan ng usapan na ito." Pagmamaang-maangan pa ni Myeong sa harap ni Eiji.
He dragged her into him para marinig niya lalo ang hinanaing ni Eiji sa pakikitungo ni Myeong sa kanya. "Mukha lang akong sintusinto pero hindi ako bobo. Oras na kantiin mo pa ako ng isang beses at talagang hindi kami magdadalawang isip ni Lizette na iwanan ka dito mag-isa." Panggigigil ni Eiji sa karakas ni Myeong at nagulat naman ang dalaga sa agresibong pakikitungo sa kanya ni Eiji.
Sinubukan ni Myeong na kumawala sa pagkakahawak ni Eiji at nagwikang, "Wow naman sa'yo. Ang lakas ng loob magbanta ah. Sino nga ulit ang kumupkop sa inyo ng babae mo na nagpatuloy sa inyo sa bahay na ito sa mga panahong nangangailangan kayo? Diba ako." Panunumbat ni Myeong kay Eiji.
"Huwag mong ibahin ang usapan. Alam ko kung ano ang gusto mong gawin pero hindi mo ako mapapapayag. Sinisigurado ko iyan sa'yo." Galit na saad ni Eiji sa kanyang kausap nang bigla siyang napatingin sa itsura ni Myeong mula ulo hanggang paa.
It was only a few seconds when her heels pat closer on Eiji's side at binulungan siya nito ng paalala. "Talaga lang hah..." Nabibigla si Myeong sa mga tamang hinala ni Eiji kaya inalis niya ang collar sa leeg niya at pinalibot mismo iyon kay Eiji.
"In fairness, bagay sa'yo ito. For some stray animal like you na tahol ng tahol for nonsense accusations." Pang-iinis lalo ni Myeong at tila mahigpit ang pagkakalagay niya rito sa leeg ni Eiji.
"Acck!! Alisin mo nga ito." Utos ni Eiji ngunit hindi siya pinapansin ni Myeong. Bagkus ay tinatawanan pa siya nito sa kanyang itsura.
"Never." Bulong ni Myeong kay Eiji. "Unless, if you want na maalagan talaga si Lizette dito with proper medical advice, kailangan mong sundin lahat ng pinapagawa ko sa'yo. Naiintindihan mo ba?" ani Myeong na may halong pang panunukso kay Eiji as she run her fingers down in his chest.
"Tsk! Tumigil ka. Hindi mo na kailangang maawa sa amin dahil aalis kami sa ayaw at sa gusto mo." Pagmamatigas ni Eiji ngunit hindi din ito umubra sa kapal ng mukha ng kausap niya.
"So tatakas kayo? Alalahanin mong buntis si Lizette at maaaring ikamatay nila pareho ni baby ang panganib na pwede niyong daanan oras na mahuli kayo sa akto na nagbabalak umalis dito." Pangongonsensya pa ni Myeong sa isip ni Eiji at plano pa niyang guluhin ang life choices ng binata upang makuha ang nais niya sa kanya.
"Hay! Be wise and practical na lang kasi Eiji if I were you. Baka dahil sa pagpupumilit mo dyan sa plano mo eh hindi talaga kayo sisikatan ng araw pareho ni Lizette the next day." Sabi pa ni Myeong at tila nangamba rin si Eiji para sa kalagayan ni Lizette sakali mang gumawa pa siya ng kakaibang eksena sa pamamahay na iyon.