Chereads / QUEST FOR GENUINE HAPPINESS || Slam Dunk Fanfiction / Chapter 77 - 8.20 Puppets Sent by Hideous Master

Chapter 77 - 8.20 Puppets Sent by Hideous Master

A blank space was all that he can remember after what happened in the Sunam Market. Kasabay ng paglubog ng araw ang siya namang pagbuhos ng ulan sa kalagitnaan ng dilim. Nagmamadaling pinaiikot ang roleta ng bisikleta na bagong bili at hindi alintana kay Eiji ang mapanghusgang titig ni Lizette matapos niyang makauwi.

"Anong nangyari sa lakad mo, Eiji?" nag-aalalang tanong ng dalaga na mukhang namamaos na sa sobrang panghihina ng katawan.

Wala sa sarili siyang naupo sa tabi ni Lizette at nagwikang, "Jusko! Ganoon ba talaga ang gawi ng mga tao dito?" naluluhang kwento ni Eiji na hindi makapaniwala sa kanyang nasaksihan.

"Sandali, ano ba ang ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan." ani Lizette nang magtagpo ang kanilang mga tingin.

Sa walang pagtatagal ay hindi napigilan ni Eiji na yakapin si Lizette ng mahigpit. "Hoy! Hindi mo ako nanay. Masayado kang malapit sa akin aber." birong sabi ni Lizette na tila naiinitan habang pinapatahan siya.

"Hehe... Pasensya na sa asal ko na parang batang inagawan ng kendi." at saka pinunas ng binata ang kanyang mga luha. "Hindi ako sigurado kung pulis ba siya o sundalo pero grabe naman kung makapatay ng bata sa gitna pa mismo ng maraming tao. Ang masaklap pa doon eh ni isa man sa mga taong malapit sa krimen ay hindi man lang siya tinulugan."

Tila bakas sa mukha ni Lizette ang trauma mula sa kwento ng binata sa kanya. "Ano naman ang ginawa mo noong panahong iyon?" ani Lizette sa tabi ni Eiji.

"Siyempre hindi kaya ng konsensya ko na basta na lang iwanan ang bata doon mag-isa. Teh-dee ang pangalan niya at hanggang sa mga huling sandali, masaya naman akong naabutan ko din siya ng tulong kahit ang araw na ito ang naging huli sa kanyang paghinga." tugon ni Eiji at nag-aya na siyang pagsaluhan ang kanyang mga naibiling pagkain at take out kanina sa Sunam Market.

"Osha... napaparami na ang drama ko. Alam kong kanina ka pa naghihintay kaya kumain na tayo." paanyaya ni Eiji at saka inaayos ang kanilang hapagkainan.

"Mukhang marami ka ngang naiuwi ah." ngiting saad ni Lizette habang marahang natatakam sa mga nakahain sa kanyang harapan.

"Kasalanan itong lahat ni Teh-dee dahil marami siyang inorder kanina na hindi man lang magawang ubusin ang mga pagkaing ito." paninisi pa ni Eiji sa batang namayapa na kanina sa kamay ng awtoridad.

"Hay! Tama na ang dada. Ang tagal ko ding hindi nabubusog sa buong buhay ko." sarkasmo ni Lizette at tila naexcite ang binata sa nakita niyang natural na ngiti sa mukha ng dalaga.

They just sat in front of each other at napansin agad ni Eiji ang kakaibang detalye sa kanilang pagsasama. "Parang nagbabahay-bahayan lang kami." napapangiti sa kilig ang binata dahil sa kanyang mga pantasya hanggang sa sumindi mag-isa ang radyo nang masagi ito ng daga sa lamesa.

"Although it's really unfortunate for us to announce that the supreme leader is fighting for his life against the virus, we will make sure that the citizens would still proceed to what was used before the pandemic started from the west. So this is my last warning to all defectors and enemies of the state who try to ruin the stability of our nation. Your end will always knock on your doorsteps and death is a must for those who disobey the first family."

The one who is currently in charge of the country in absence of her brother's leadership is already making a fuss in the media na narinig din nilang dalawa nina Eiji at Lizette habang kumakain. Napalingon na lang ang dalawa at biglang pinagsisira ni Lizette ang radyo na lubos ipinagtaka ni Eiji.

"Woah! Kung meron mang ibang tao na makakakita sa'yo niyan, talagang sa kulungan ka uuwi." ani Eiji na napapahalakhak sa sarkasmo ni Lizette.

"Wala ka din naman VISA document dito so magsasama talaga tayo sa kulungan if ever mangyari iyang sinasabi mo." paliwanag ni Lizette at sinimulan ng lumamon ng ulam.

"Hmmp... pero gusto mo naman bang magsama tayo?" palabirong tanong ni Eiji.

"Pwede bang next topic? Ni wala pa nga akong naisusubo kahit butil ng kanin, tapos mang-iistorbo pa kayo ng babaeng iyan na nasa radyo at dito pa sa hapunan ko. Che!" panduduro ni Lizette sa radyo bilang senyales na wala siyang pinapanigan maski sinuman sa first family dahil sa kanilang kalupitan sa kanyang pamilya at mga kaibigan.

"Bwisit. Kahit ilang eleksyon pa ang dumaan, hinding-hindi ko pipiliin ang magiging kapalit niya lalo na kung paiiralin pa din niya ang sariling ego at kayabangan nila." pagrarant muli ni Lizette samantalang tulala naman sa ganda ang peg ni Eiji sa gabing iyon.

"Hoy! Nakikinig ka ba?!" ani Lizette at saka pa lang nagising si Eiji sa katotohanan.

"Hah?! Eh sana nga magawa ko din isnabin ang mga taong nananakit sa akin." panimula ng binata.

"Bakit? Nagtatampo ka ba?" irap ng mata ni Lizette hanggang sa nagpapakiramdaman na sila kung ano ang kanilang mga isasagot sa batuhan ng mga tanong.

"Hindi naman. May karapatan ba akong magalit o magtampo sa'yo?" ani Eiji at hindi na napigilan ni Lizette ang sarili na duruan siya ng chopsticks.

"Aba siraulo ka pala eh!" mataray na sagot ng dalaga. "Kumain ka na nga lang. Nadidistract ako sa kahangalan mong bwisit ka."

"Yes ma'am!" at palihim na lang ang tawa ni Eiji sa pagiging mainitin ng ulo ng babaeng kasalo niya ngayon.

"Kalma Eiji, gutom lang iyan. Hindi ko nga siya nanay pero kung umasta eh parang nawawalan ng anak sa kada sermon niya sa akin." bulong ni Eiji sa sarili. "Lizette..." pagtawag niya dito sa dalaga.

"Ano iyon?! 🧐" taas kilay na tugon ni Lizette kay Eiji.

"Iyong palang mga sugat mo sa leeg, bendahan ko na lang mamaya pagkatapos mong kumain." bilin ni Eiji kay Lizette ngunit mukhang wala sa mood na makipagtalo ang dalaga sa kanya.

"Huwag na. Ako na ang bahala doon at baka saan pa dumapo ang kamay mo sa akin." pagtanggi ni Lizette sa alok ni Eiji at agad na siyang pumunta sa kwarto niya para magpahinga.

"Pakihugas na din pala iyong mga pinagkainan ko. Kanina pa ako nananamlay sa kakahintay sa'yo." utos ni Lizette sabay ikinandado ang pinto ng kanyang kwarto para hindi makapasok si Eiji sa kanyang personal space.

{👤Eiji Sawakita📣}

Pssst... Hoy! May sinabi ba akong mali kay Lizette kanina? Sa totoo lang ay hindi ko na din alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko sa mga tanong at pahayag niya. May sira na din kaya ang ulo niya dahilan ng mga napagdaanan niyang masalimuot na karanasan sa buhay? Gayunpaman, sino nga naman ako sa buhay niya para mag-alala kami ng todo para sa isa't isa pwera lang sa pagiging tagahugas ng mga pinagkainan namin.

Marami ng marites ang nagsabi na piliin na daw nating mahalin ang mga taong sigurado itatangi tayo ng walang pag-aalinlangan maging ano man ang estado natin sa buhay. That criteria is already given bilang pamantayan ng pagmamahal ng wagas pero ibaiba ang takbo ng kwento sa buhay eh paano ba naman natin sisimulan ang paninindigan na iyan?!

I was curious enough nang makalkal ko sa baul nila ang mga lumang gamit ni Hyun-ji. There was a deflated basketball that is worn out already and it definitely caught my attention dahil sa mga nakasulat mismo sa bola. Alam kong ikakainis ito ni Lizette kaya lakas loob akong kumatok sa pintuan niya at nagbabakasakaling gising pa siya.

I was knocking on her door right now. "Lizette gising ka pa ba?" tanong ko sa kanya and as usual tinarayan na naman niya ako.

"Bakit ba?" bulyaw niya sa akin habang nakatutok ang tenga ko sa pintuan niya. Hindi na niya ako pinagbuksan ng pinto dahil sa hinalang ginagamot na niya ang sarili niyang mga sugat na tila ayaw niyang makita ko ang mga pekas na iyon.

"Ughhm, ngayon ko lang kasi nakita iyong ibang mga gamin ni Hyun-ji sa storage container. Ano ba iyong salitang Juche?" tanong ko sa kanya at saka niya biglang hinawi ang pinto ng hindi ko namamalayan kaya muntik na akong mahulog sa harapan ni Lizette.

"Usisero ka din eh noh?! That means self-reliance, autonomy, and independence. Gets na ba?" ani Lizette at saka kinuha ang sirang bola sa kamay ko.

"Okay ka lang ba talaga Lizette?" nag-aalala ako sa kanya dahil paibaiba siya ng mood na hindi ko mawari ang nasa isip niya ngayon.

"Oo kaya kung wala ka ng kailangan, matulog ka na sa kabilang kwarto kapag natapos ka ng maglinis ng pinagkainan natin." ani Lizette at hindi na ako nangulit pa ng sobra sa kanya.

"Sige. Goodnight sa'yo and sweet dreams." pamamaalam kong sabi kay Lizette at lumisan na ako sa kanyang kwarto. Wala na akong ibang narinig matapos nun kung hindi pawang pag-iyak niya sa gawing iyon ng bahay.

"Makakatakas ka din sa kulungan, kuya Hyun-ji. Pinapangako ko iyan." At mukhang malabo pa ngang nakamove on ka na sa kanya, Lizette, which I totally understand.

📍 Chongori Prison Camp

"Anong maganda sa gabi kung natakasan kayo ng mga inmates niyo?!" Tahasang pinagsasalitaan ni Myeong ng masasakit na salita ang mga tauhan ni Dalton gayong ito pa lamang ang unang beses na nakatapak siya sa teritoryo ng warden.

"Ughmm, sino ho kayo?" walang pakundangang tanong ng mga kasama ng warden sa labas ng dungeon kung saan huling iniwan ni Dalton si Lizette.

"No one other than the warden Dalton himself can question me here dahil siya man ang boss niyo dito, we're from different levels. Mas mataas ang katungkulan ko sa kanya kaya dapat niyo din akong galangin at respetuhin kung nais niyo pang magpatuloy sa trabaho. The name is Myeong by the way. Is that clear?!" seryosong sabi ni Myeong sa mga kasama ng warden at natahimik na lang sila mula sa kanilang nalaman.

It was true enough for Dalton's rage na naisahan ang mga inutil niyang kasama ng dedikasyon ni Lizette na gawin ang kanyang ninanais. "Mga wala kayong silbi! Isang tao na lang ang binabantayan niyo, hindi niyo pa magawang hawakan sa leeg."

"Pasensya na po. Hindi lang namin aakalaing nagawa niya pang makatakas sa lugar na ito gayong kulob at halos walang labasan ang gusali na ito maliban lang sa pinto." pangangatwiran ng kapalit ng warden on duty sa mga oras na wala si Dalton.

Bagamat lubos ang pagtitimpi ni Dalton ay nauubos din ang kanyang pagpapasensya. "Talagang sinubukan mo ang pasensya ko Lizette." ani Dalton sa kanyang sarili na halos mayupi na ang mga susing hawak niya at napansin naman agad ito ni Myeong.

"Well anyways, kailangan nating magtrabaho 24/7 bago dumating ang deadline that was set to us by the first family." paalala ni Myeong na lalong nagpainit ng ulo Kay Dalton.

"Tsk! At isa pa iyon. Seryoso ba talaga ang mga taong iyon sa gusto nilang mangyari?" napapaisip na saad ni Dalton sa kanya.

"Anong binabalak mong gawin niyan gayong may problema ka pa sa mga inmates dito?" Nag-aalalang tanong ni Myeong kay Dalton.

"Basta magfocus ka na lang sa agenda mo at ako na ang bahala sa mga pasaway sa piitang ito. Hindi pa iyon nakakalayo dito panigurado dahil matagal ko ng pinuruhan ang isip niya. Madali na lang siya mapapasunod kaya pwede ka ng magpahinga sa bahay niyo." ani Dalton at saka siya bumalik pansamantala sa kanyang opisina para magpalamig ng ulo.

"Good point so I could immediately start searching for innocent virgins to be trained as obedient citizens, if you know what I mean." sabi ni Myeong at saka na siya nagpaalam sa mga tao doon sa prison camp.

"Hmmp! Magpakasaya ka na hanggat kaya mo pa Lizette. Babalik ka din sa pinanggalingan mo at hinding-hindi kita pakakawalan oras na magkita tayong muli." ani Dalton sa sarili niyang imahinasyon habang napapalagok ng mainit na kape sa kanyang opisina.