📍Namnyang-dong, North Korea
"Oi ate, tapos ka na bang maging pabigat kasi literal na mahuhulog tayong pareho at walang ibang sasalubong sa atin doon sa ibaba kung hindi mga pating." reklamong sabi ni Eiji sa babae.
Napatingala naman ang mukha ng dalaga kay Eiji at hindi niya maiwasang matawa sa pagkakalukot ng mukha ng binata. "Ang kapal din ng mukha mong sabihin sa akin iyan." Pumalag din siya sa ibinibintang ni Eiji sa babae.
Nang makaakyat na silang pareho sa tuktok ng bangin ay saka pa dumami ang mga salot sa kanilang buhay. Nagulat na lang ang dalawa nang pinapaulanan na sila ng mga bala mula sa magkabilang direksyon.
"Bul불!" (Fire!) hudyat ng commander at talagang seryoso sila na patayin sina Eiji on the spot. Natalisod pa ang dalaga sa harap ng binata at talagang isang malaking kahihiyan na naman iyon para sa kanya.
"Hoy! Gumising ka! Bawal matulog dito." suway nito sa kanya at baka maging daan pa iyon para ibalik ang dalaga doon sa prison camp na kasama si Eiji.
"Sira ulo talaga." iritableng sabi ng babae sa hangin and even though they were on a weird position kanina ay sinubukan niya pa din ang anumang paraan para kaladkarin si Eiji sa ligtas na lugar.
Tila isang real life Squid Game ang kinalabasan ng pagtatagpo nina Eiji at Lizette sa kalagitnaan ng ground zero. As long as the stray bullets never stop from shooting around the area ay mapipilitan silang magsama pa ng matagal beyond the imaginable level.
Papalapit na sa location nina Eiji ang naturang coast guards na nakakita sa kanila nang biglang nagparamdam ang binata sa natatarantang pag-iisip ngayon ni Lizette. "Pasensya ka na ate kung pinag-alala kita pero will you play dead with me?" bulong ni Eiji gamit ang natitira pa niyang energy at tila ikinabigla ni Lizette ang naging request ng binata.
Tatalakan pa niya sana si Eiji ngunit nangangamba na din si Lizette na maiiskandalo pa ang kanyang pagtakas sa bilangguan at mas lalo pang lumala ang kanilang sitwasyon. "As if namang may iba pa akong choice at hindi mo na ako kailangan pang pagsabihan tungkol dyan." sambit ni Lizette habang iniinda ang nadaplisan niyang braso matapos ang naturang encounter.
Napansin ni Eiji that Lizette was frightened and hurt so much. "Ayos ka lang ba ate?" tanong ni Eiji na parang nag-aalala siya ng sobra para sa kalagayan ng dalaga.
"Hindi ko na kailangang umastang patay dahil pagod na din naman ako pero salamat na lang at andyan ka." She whispered to him on gradual tears. That was an outburst of emotion from the days na sobrang deprived si Lizette na ilabas ang kanyang tunay na saloobin.
Somehow, Eiji felt awe after seeing her vulnerable. He initiated to calm her down by holding her hands intertwined. "Eiji nga pala" pagpapakilala ng binata sa kanyang sarili kay Lizette, "at alam kong nasa alanganing sitwasyon tayo ngayon at imposible na isipin ito pero magiging maayos din ang lahat ate. Hindi kita iiwanang nagdurusa dito." Eiji said to her with full confidence.
"It's such a blessing to finally know about you. I'm Lizette by the way. Thank you dahil hindi ko kailangang mamatay dito ng mag-isa." Lizette assumes to herself the worst possible case scenario that she may experience after meeting some stranger that didn't hesitate to aid her in need.
Napangiti na lang si Eiji dahil sa tagal nilang nagdedebate kanina ay napagkatiwalaan siya ng babae na malaman ang kanyang tunay niyang kulay. "Lizette? Ang gandang pangalan naman niyan. Sana lang ay may natitira pa akong lakas para banggitin iyan sa pangalawang pagkakataon." bulong ni Eiji sa hangin as both of them lay down on a red stage due to uncontrollable bleeding.
Lumipas ang ilang sandali ay nakapalibot na kina Eiji at Lizette ang nasabing grupo ng militar. "Sir, mukhang patay na ang dalawang ito. Anong best option niyo po na gagawin natin sa kanila?" tanong ng coast guard na nakakita kina Eiji sa dulo ng bangin kung saan sila nakahilata pareho.
"Patamaan niyo ng bala sa ulo para siguradong patay iyan." utos sa kanila ng nangangasiwa sa mga military men. Nagulantang naman ang kanyang mga cadets members sa naging pasya ng commander.
"S-sigurado po kayo?" paninigurong sabi ng kanilang baguhan sa grupo at medyo nainis naman ang commander sa asal ng kanyang tauhan.
"Sinabi ko na ito dati sa unang araw pa lang ng trabaho niyo, walang puwang sa gobyerno ang mga tatanga-tanga. Sa pananamit pa lang nila, halatang dayuhan ang mga iyan at pahintulot sa lahat ng military personnel ng first family ang shoot-to-kill order para sa mga taong nagtangkang tumakas dito lalo na sa mga dayuhang espiya na nagkakalat umano ng Covid sa lugar na ito. Siguro naman iho, alam mo naman ang kahulugan ng shoot-to-kill order para sa ating mga kasapi ng militar?!" pagtitimpi ng commander sa kanyang mga tauhan.

"Pasensya na po." yukong sabi ng baguhan samantalang napansin naman ng kasama niya ang nakausling notebook sa gilid ng pantalon ni Eiji. Kinuha niya iyon at pinakita sa kanilang lahat ang ebidensya.
"Totoo nga ang sinasabi ng commander sa atin. Hindi dapat kinakaawaan ang mga taong gaya nila." sabi ng kasamahan nila at pinakita niya ang detalyeng nakalagay sa passport ni Eiji.
"Hmmmpp... Masyado ngang mapangahas ang binata na ito para tumapak dito sa lugar na ito." pang-iinsulto ng commander sa kalagayan ngayon ni Eiji.
The mere fact that he was a Japanese citizen already blurred their judgement about him. Hindi man sinadya ni Eiji ang pagdating niya sa North Korea ay tila isang pag-uusig sa pagkatao ng kanyang mga ninuno ang naging pagtrato sa kanya ng mga coast guard doon.
Walang kaalam-alam si Lizette sa ginawa ng commander kay Eiji habang magkahawak pa ang kanilang kamay. Dinaig pa ng mag-asawang sampal ang pananadyak mismo kay Eiji na pawang laro lang sa kanilang leader ang panghahamak ng kapwa. Hindi naman pinigilan ng mga tauhan ng commander ang ginagawa nitong pananakit sa binata dahil sa takot na pagbuntunan sila ng galit sa naturang lahi mula pa sa kapanahunan ng mid-20th century.
"Para iyan sa pang-aabuso niyo sa pamilya ko." bulong ng commander sa kanyang isip. Kahit lumipas na ang halos pitumpu't walong taon mula sa giyera ay tila bumabalik sa alaala niya ang masalimuot na pinagdaanan ng kanyang lolo para lang makaraos sila noon sa hirap ng buhay.
"Sir... Ughhm... Pwede naman po siguro natin galangin ang katawan ng mga namayapa na." mahinang sabi ng baguhan nilang kasama.
"Hay naku! Oo nga pala, ikaw na ang dumispatya sa dalawang ito. Bahala ka na kung gusto mo silang ilibing bilang respeto nga naman sa mga namatay na kalaban mismo ng gobyernong ito." sarcasm na sabi ng kanilang commander at nilisan niya ang kanyang mga kasama.
Hindi na kailangan pang maghukay ng lupa para lang ilibing silang dalawa ni Eiji. Napansin naman ng baguhang kadete na naiwan doon ang malaking hukay na tila palaisipan sa kanya kung sadyang ginawa talaga iyon bilang libingan ng mga sinaunang tao at hindi na napangalagaan pa matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig.
He carefully removed his hat. "Paalam na po sa inyo." sabi ng baguhang kadete na tila nagdadalawang-isip pa kung itutuloy niya talaga ang balak niya sa dalawa.
"Mukhang hindi nga kayo mapaghihiwalay ng kahit sino o ano pa man ang humadlang sa inyo." Nasabi na lamang iyon ng kadete nang makita niya silang dalawa ni Eiji at Lizette na magkahawak-kamay bago niya tuluyang ipasok ng dalawa sa nahanap niyang hukay.
Wala na siyang natitirang oras para tabunan sila Eiji ng lupa kung kaya't malalim man ang hukay na iyon ay nakakapasok pa din sa kinaroroonan ni Eiji ang sikat ng araw sa mga sandaling iyon. Forty-eight agonizing hours have passed by at tila isang milagro naman ang magpaparamdam sa kanilang dalawa.
{👤Eiji Sawakita📣}
Masyado naman akong kinawawa at pinersonal ng mga taong iyon. Ano naman ba ang kinalaman ko sa nangyaring giyera dito noong world war 2 gayong hindi pa din naman pinapanganak sa mundo ang mga parents ko?! Kaya nga walang nakakamove on dahil nabubuhay sila sa nakaraan eh.
Ni wala nga ako sa kalingkingan ng mga imperialista noong panahong iyon dahil hindi naman ako iyong hito na binansagang hero noong 20th century. Malay ko bang mga mapagsamantala ang mga taong iyon sa lupa ng ibang lahi pero bakit nga ba bumabalik sa akin ang lahat ng mga detalye na iyon.
"Argh! Ayos ka lang ba Eiji?" Lizette asked me out of nowhere. Hindi ko alam kung ilang oras kaming nakatulog pero mabuti na lang at buhay pa kami kahit muntik na kaming matulyuang lagutan ng hininga.
"Huwag mo na ako masyadong alalahanin pa Lizette. Buhay pa naman ako." sabi ko sa kanya. She might be the reason why those kinds of trivia pop out in my thoughts.
The era na walang hustisyang lumaganap sa mundo ay ramdam niya mismo firsthand. Aminado naman ako na pinaglaruan din ng ibang tao ang utak ko na kaibigan silang tunay pero iba pa pala ang pakay nila sa akin kaya natatakot na din akong magtiwala ng husto sa iba maliban sa kanya sa pagkakataong ito.
"Pasensya ka na pala kung ginamit ko ang panyo mo bilang pangbenda dito sa sugat ko." Pagpapaalam ni Lizette sa akin at mukhang alam niya ang ginagawa niya para mairaos niya ang mga oras na wala akong malay.
"Dibale ng madumihan iyan. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ligtas tayong dalawa." I said to her at tinanguan niya lang ako.
Maybe she's just trying to save her energy but who cares? Ngayong suot niya mismo ang jacket ko, pakiramdam ko tuloy balot na balot siya sa yakap ko kahit wala naman talagang dapat ipagyabang sa mga pagkakataong pareho kaming miserable.
"Sandali... Parang pamilyar sa akin ito." ani Lizette sa akin at para bang may pinapagpag siyang kung ano at napupunta sa mukha ko ang lupa. We crawled deeper at napadpad kami sa isang lagusan na may pinto.
"Teka, bakit may bahay dito?" Gulat kong reaksyon sa aking nakita. We're still on the underground at sabay naming binuksan ng pwersahan ang entrada ng bahay. It looks like a basement camp at mukhang kumpleto pa sa gamit ang mga nakadisplay sa bahay na iyon.
Pagkapasok namin doon ay agad naman naghanap si Lizette ng pwede niyang pamalit ng damit. "Bahay ito nina Hyun-ji." tipid niyang sabi.
"Sino naman iyon?" tanong ko naman kay Lizette. Napapaisip na lang tuloy ako kung bakit tila aligaga pa siya sa paghahalughog ng gamit dito gayong kilala pala niya ang nagmamay-ari ng bahay na iyon.
"Kaibigan ko siya. Sa katunayan, magkasama sa trabaho ang mga tatay namin noon sa local government bilang cartographers. Gumawa sila ng mga mapa para sa infrastructure guide ng mga traditional village tulad dito sa Namnyang-dong." paliwanag naman ni Lizette.
"Eh kung ganoon ay nasaan nga ba sila?" I suddenly asked her at hindi ko akalain na mukhang nasaktan ko ata si Lizette sa naging tanong ko. Curious lang naman eh.
She almost crumbled those huge papers in her hands. "Siguraduhin mo lang Eiji na anumang kwento na sasabihin ko sa'yo ay hindi makakalabas sa kahit kanino man lalo na sa mga awtoridad." Seryoso niya akong tinitigan sa mata at parang nagbabadya ng banta sa akin sakali mang hindi masunod ang nais na mangyari ni Lizette.
"Magiging silyado lang ang bibig ko sa mga labi mo, Lizette." tugon ko sa kanya at mukhang naoffend ko ata siya.
"Huh? Ano kamo ang sabi mo?!" She was annoyed and her face says it all to me. Walang halong pagkukunwari pero I'm still bothered about her.
"Uhhmm... Ang ibig kong sabihin eh anumang sasabihin mong paliwanag sa akin ay mananatili lang ang kwento na iyon dito sa isip ko at wala ng iba pang makakaalam." palusot kong sabi sa kanya. Ni hindi ko na maintindihan ang sarili ko kung bakit ako kinakabahan sa tuwing nagsasalita ng seryoso sa akin si Lizette.