Kanagawa, Japan at 6:00 in the morning
Ilang buwan na din ang lumipas mula nang manilbihan si Kozue sa pamilya ng mga Maki. Hindi man ito sinang-ayunan ng anak ngunit walang magawa si Shinichi Maki kung hindi ang tumango na lang sa kagustuhan ng magulang.
Masinsinang kinausap ni Mrs. Maki si Kozue matapos umalis ni Sandy para sa kanyang OJT sa Charlotte City. "Iha, I'm giving you a second chance to redeem yourself to us. Gustuhin ko man na kasuhan ka sa ginawa mong panloloko sa amin lalo na sa anak ko pero wala din akong karapatan na mangaral sa iyo dahil gaya mo ay muntik na akong makasira ng buhay ng ibang tao ng dahil lang sa pagmamahal na iyan." pagpaparinig nito at saka siya lumingon sa kinaroroonan ng asawa niya na busy sa pagkain.
"Ma'am, nakakahiya man pong sabihin pero naging desperada lang po talaga akong magkapera at hindi ko alam paano sisimulan. Ayaw ko naman pong umasa lagi sa tulong ni insan dahil nahihirapan din siyang tustusan ang pangangailangan niya. Naisip ko po na kung mapapalapit ako sa lalaking mayaman na kaya akong panagutan, magiging masaya na ako habangbuhay." pagtatapat ni Kozue at tila hindi na kinaya ni Maki ang naririnig niya mula sa dalaga.
"Ano kamo?! Sa palagay mo talaga ako ang mag-aahon sa'yo sa kahirapan?" nababanas na sabi ni Maki sa pagmumukha ni Kozue.
"Magsisinungaling naman ako sa sarili ko kung kokontrahin ko ang sinabi mo sa akin." naiinis na tugon naman ni Kozue.
"Ang mabuti pa ay dalawin niyo na lang si Yuriko sa apartment niya. Magbalot kayo ng pagkain at baka hindi pa iyon nag-almusal." utos ni Mr. Maki at pinaasikaso niya sa ibang maid ang mga dadalhin nila Kozue sa pagtungo nila sa apartment ni Yuriko.
"Hindi ka ba sasama, pa? Anak mo din naman si atsi." pagtataka ni Maki sa naging tugon ng ama niya.
"Ano ba ang mukhang maihaharap ko sa kapatid mo lalo na at ako ang dahilan kung bakit siya nahihirapan ngayon sa buhay niya?" ani Mr. Maki. Dagdag pa niya, "Panigurado namang masama pa din ang loob niya sa akin mula noong pinabayaan ko siya."
"Mawalang galang lang po sir pero hinihintay ka din po ni Yuriko na iparamdam sa kanya na may concern at pagmamahal kayo para sa kanya kahit ikinasal na siya sa lalaking tinuring siyang prinsesa sa buhay niya." pangangatwiran ni Kozue at saka na sinamahan si Maki sa labas ng gate.
Naiwang malumbay ang aura ni Mr. Maki sa umaga na iyon habang pilit na pinapakalma ng asawa niya ang bugso ng damdamin ng ama. "Tahan na iyan, pa. Namimiss ka din ng anak mo sa ibang babae for sure." sarcasm na sabi ni Mrs. Maki sa kanyang asawa.
Samantala, makalipas ang magdamag na pag-angkas ni Kozue sa motor ni Maki ay tila naginhawaan siyang kumalas sa pagkakayakap niya sa abs nito. "Hoy! Lilinawin ko ulit sa'yo ne?! No feelings attached here. Maliwanag ba?" seryosong sabi ni Maki na tila hina highblood sa reaksyon ni Kozue sa kanya.
Her face was in a daydream at tila namumula pa sa sobrang kasiyahan. "Hay naku Maki. Sayang talaga at hindi ako ang naging girlfriend mo. Huwag mong sabihing never pa kayong nagkaayos ni Sandy mula nang makita niya ang picture nating dalawa? Tawagan ko nga nang lumamig na ang ulo mo." pang-aasar ni Kozue sabay na hinablot ni Maki ang phone ng dalaga.
"Huwag ka ng makialam at baka ano pa ang masabi mo sa kanya at lalo niya pa akong pag-initan." sabi ni Maki at pinatay nito ang cellphone ng dalaga. Dagdag pa niya, "Wala na akong pakialam kung masaktan ka man sa mga babanggitin ko sa'yo, Kozue. Hindi ko kailangan ng substitute para palitan mo si Sandy dito sa puso ko dahil walang makakahigit sa kanya na kahit sino mang babaeng nagkakandarapa dyan sa tabi-tabi." He said sarcastically at hindi na lang kumibo si Kozue.
Samantala, naabutan na ni Yuriko ang umaga matapos ang huling pag-uusap nilang dalawa ni Ezekiel na asawa niyang piloto. Tila burado pa din sa isipan ni Yuriko ang posibilidad na namatay na ang kanyang minamahal habang nasa biyahe ito patungong Seoul.
She was currently sitting in front of her TV while watching flash reports regarding the updated news of the possible plane crash out of nowhere. Her coupon bond expression almost left a scar on Maki's heart nang mapansin niyang wala ganang makihalubilo si Yuriko maski sa kanyang kapatid.
"This is one hell of a news everyone. North Korea has set countless ballistic missiles this morning targeting the Sea of Japan as an act of retaliation towards the Japanese military alliance with the United States. As we all know, the Japanese empire before and during World War II set foot on the Korean Peninsula which deepened their hatred about anything to do with Japanese imperial colonization."
"That's right but apparently, the rumors about a plane crash of flight 391A within their radius were confirmed and spotted in the Namyang-dong. Meanwhile, the total casualties are set at an estimated seven billion US dollars including a massive number of massacre victims that were suspected of plotting by their supreme leader and being hunted as the mastermind behind all these controversies. Oh my goodness! This is Nakamura, signing off and let's see at the grand opening ceremony of the Inter High School Basketball Tournament in Kanagawa this August. Thank you so much for having me here as your guest anchor for the show. Good luck to all of us."
Bagamat masaya ang naging experience ni Nakamura na personal assistant ni Yayoi sa broadcast media ay tila hindi nito maitatago ang kaba ng kanyang dibdib sa mga naibalita niya sa television sa mga oras na iyon.
Kahit busog na si Maki ay tila nag-aya pa siya ng food trip para sa kapakanan ni Yuriko. "Atsi! May dala ako pritong ulam at pinapabigay ni papa sa'yo. Sabay na tayong kumain." paanyaya na sabi ni Maki na tila nawiwirduhan sa sobrang katahimikan. Nagawi siya sa living room ng apartment ni Yuriko at nadatnan niyang namamaga ang mata nito sa kakaiyak.
Napalingon siya ng marahan at sabay sabing, "O... Nandito ka pala bunso. Pasensya ka na hah wala akong ganang kumain ngayon eh." pag-aming turan ni Yuriko sa kanyang step brother.
"Ano bang problema Yuriko? Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang sabi ni Kozue na kakapasok lang sa moment nilang magkapatid. Hindi man bulgar na sabihin ngunit halatang nagpapapansin pa din si Kozue kay Maki sa pamamagitan ng pag-alalay kay Yuriko.
"Ayaw kong maniwala na patay na siya." panimulang kwento ni Yuriko. "Pero ang sabi kasi ng mga katrabaho ni Kiel na iyon ang eroplanong sinasakyan niya noong huli namin siyang nakausap sa telepono."
"Si kuya pogi?!" gulat na turan ni Kozue at tila walang ideya si Maki sa pinag-uusapan nila.
"Iyong plane crash ba na tinutukoy ng balita ang ibig mong sabihin? Kung gayong mahirap makasurvive ang sinuman sa plane crash, bakit mo naman nasabi na malabong mamatay ang asawa mo sa ganoong klase ng pangyayari?" pagtataka ni Maki at napangiti na lang si Yuriko sa kanya.
"Hindi man halata sa itsura niya pero masamang damo iyon eh. Matagal at mahirap mamatay ang isang gaya niya." Natatawa man si Yuriko sa kanyang mga tinuran ngunit bakas pa din sa mata niya na hindi niya kayang mabuhay ng wala ang asawa niya sa tabi niya.
Hindi nila matitigan ng matagal si Yuriko dahil naaawa silang dalawa ni Kozue sa kalagayan niya. "Masyadong makulit si Ezekiel noon pa man. Napakaclumsy niya kaya nga nagtataka din ako kung bakit at paano siya naging piloto ng eroplano in the first place." wika ni Yuriko sa pagdadalamhati niya kasama sina Maki at Kozue.
Lumapit na lang si Kozue para yakapin ng mahigpit ang kaibigan niya. "Magiging maayos din yan. Ipagdasal natin na okay ang kalagayan ni kuya pogi pag-uwi niya dito."ani Kozue at naluluha na din sa pagkakataong iyon.
"Sabihin mo nga sa akin kung ano ba ang dapat kong gawin, bunso? Sa pagkakaalam ko ay walang hustisya na umiiral sa lugar na nabagsakan niya. Ayaw ko mang isipin na patay na siya o kahit sinumang pasahero na kasama niya doon, pero paano kung hindi mangyari iyong inaasahan ko kay Kiel na makauwi siya ng buhay sa akin? Pwede siyang patayin doon anytime na tangkain niyang tumakas sa military personnel nila sa bansang iyon." kwento ni Yuriko sa harap ni Maki. He was just standing in front of her and starting to become clueless of what he could possibly do to improve her mood from grief to acceptance.
Batid ni Maki na mahirap makipag-areglo ang sinumang sarado ang isip tungkol sa diskusyon ng dalawang nagkakagiriang bansa lalo na sa kapakanan ng kanilang pamilya. Gayunpaman ay kabaliktaran naman ang nangyayari sa inaasahan nila Maki sa ganap ni Ezekiel sa ibang dako ng mundo.
Sugatang nagising si Ezekiel habang hinahabol ang kanyang hininga. He tried to wake up those people na kasama niya sa byahe but no one responded to his call of attention. "Ms. Nissa and everyone, I'm sorry if I need to leave you all behind. Thank God and I'm still alive but my wife needs me more than you do. You've lost your lives because of me and I can't afford to witness you all dying in pain. I'm terribly sorry to all of you." nagluluhang sambit nito sa hangin at saka siya tumalon sa bangin ng nanggagalaiting mga alon ng karagatan sa mga oras na iyon.
Sa kabilang dako naman ay tila hindi maigalaw ni Eiji ang buong katawan niya dahil sa nakadagan na debris mula sa sirang eroplano. He wakes up from reminiscing his last prayer before he went to America to become an exceptional player in NBA history.
"Please give me all the experience that I need..."
It took him a while bago siya matauhan sa kanyang hiniling. "PUTANG INANG BUHAY ITO. TIGILAN MO NA AKO!!!" sigaw ni Eiji sa kawalan. His tears overflowed mula sa kinimkim niyang disappointment and anger sa mga taong winalang hiya siya at sa mga masasakit na pangyayaring naganap sa buhay niya.
"STOP MESSING AROUND WITH ME. HINDI KO HINIHINGI ANG BWISIT NA EXPERIENCE NA GANITO. KUNG BALAK MO AKONG GAGUHING TADHANA KA, PWEDE BANG KUNIN MO NA AKO, KAMI-SAMA, KASI PAGOD NA AKO. ITAPON MO NA AKO SA IMPYERNO KUNG TRIP MO DIN AKONG MAPUNTA DOON DAHIL WALA NAMAN NA AKONG PAKIALAM. SOBRA KA NA! TAMA NA... I'VE HAD ENOUGH OF THIS SHIT!" Dagdag nitong pagsusumamo sa kanyang paligid nang matigil siya sa kanyang nakita.
Isang itong babaeng nakatapis ng tuwalya, payat ang pangangatawan at tila ilang buwan ng hindi kumakain ng maayos. "Salamat naman... Sa wakas, malaya na ako." bulong ng babae sa kanyang sarili. She walks straight to the dead end at panigurado ng kamatayan ang kahahantungan niya.
"Nangako ako sa kanya na hindi ako mamamatay sa lugar na ito kaya please don't let him suffer the pain of my escape. Gabayan niyo po kami." naluluhang sabi ng babae at pilit na kumakalas si Eiji sa pagkakadagan ng debris sa kanya.
"Sandali..." ani Eiji ngunit hindi siya napapansin at naririnig ng babae.
"At nang mawala na ho sa mundo ang mga gagong rapist na magtatangkang gumahasa pa sa akin..." Abot-langit ang tuwa ng babae habang naglalakad siya papalapit sa dulo ng bangin.
As she was determined enough to jump off the cliff ay nagmamadali na si Eiji na abutan ang paglalakad ng babae para pigilan siya sa pagpapakamatay ayon sa kanyang hinala.
Huwag!" bulyaw ni Eiji at nadulas ang babae sa sobrang gulat. Nailigtas naman ni Eiji ang babae but they were stuck in the most embarrassing position dahil nakalas ang buhol ng twalya sa dibdib ng babae at nanginginig siya ngayon sa malamig na simoy ng hangin.