Chereads / QUEST FOR GENUINE HAPPINESS || Slam Dunk Fanfiction / Chapter 69 - 8.12 Ready for Take Off

Chapter 69 - 8.12 Ready for Take Off

Malapit ng lumubog ang araw sa Charlotte City at ito na din ang hudyat para gumayak na sina Eiji bago pa siya mahuli sa kanyang flight mamayang alas siyete ng gabi. Sa kasalukuyan ay napagkasunduan nilang tatlo ni Michael at Ryza na maghihintayan sila sa labas ng parking lot ngunit laking pagtataka ni Eiji na wala pa din ang dalawa niyang kasama.

[Eiji Sawakita…]

Nakakainis talaga sila. Nasobrahan ba ako sa kape kaninang tanghali kaya masyado akong kinakabahan ngayon? Konting irap lang ng orasan ay panigurado heavy traffic na naman ang aabutin namin sa biyahe. Alam kong mahirap umasa na aalalahanin pa nila ako dahil balak naman nilang gumawa ng sarili nilang mundo na walang nangingialam sa kanilang dalawa.

It's already quarter to four noong natapos ko ang aking errands sa mall at dumaan na din ako sa pinakamalapit na bangko para magwidthraw ng hundred thousand dollars. Naisin ko mang ibalik sa account ni Jester ang tsekeng iniabot niya sa akin ay sadyang ayaw talagang tanggapin. Pirmado niya ang tseke at mababaliwala lang daw iyon kung hindi ako mismo ang gagastos sa perang nakalakip doon. Parang binenta ko naman ang prinsipyo ko sa ginawang pagtulong ni Jester sa akin.

Gayunpaman ay nabili ko na halos lahat ng nasa bucket list ng mga palamunin kong team mates at totoo naman talagang memorabilia ang mga souvenirs na iyon dahil natsambahan ko rin sa stall ang nag-iisang Michael Jordan na halos nagpasindak sa lahat ng NBA records sa history ng basketball. Kahit hindi ko siya nalapitan o nakamayan ay sapat na sa akin na nakasalubong ko siya dito bago ako umuwi sa Japan.

When it comes to the other "Michael" that we know, I totally respect their boundaries naman ni Ryza as a couple pero hindi pa ito ang tamang pagkakataon para mag-enjoy sila ng husto. Kahit magkasama pa kaming madalas ng girlfriend niya, hindi sumagi sa utak ko na higit pa sa pagkakaibigan ang expectations ko sa nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko kasi masabayan ang takbo ng utak ni Ryza dahil sadyang iba ang kultura ng kanyang kaisipan na malayo sa tipo kong magkasundo ng pangmatagalan.

Madalas siyang sala sa lamig at sala din sa init. Matalino man siya ngunit ibang-iba naman ang pagkatao niya kapag nawala na sa katinuan ang itsura niya ng dahil sa alak. Mahirap na lang maglantad pero traumang matindi ang experience kapag nanggugulo na siya sa mga pinagkakaabalahan mo sa mga sandaling kasama siya.

Bumalik ako ulit sa loob ng mall dahil gusto ko lang icheck kung pumila ba sila sa sinehan para magdate. Gayong wala rin akong napala sa kakahintay sa kanila ay naisipan ko na lang din bilhan sila ng take out. Sa McDonald's ang pinakamalapit kong napuntahan kaya huwag na silang magreklamo sa nabili ko dahil ako naman ang may karapatang manlibre sa kanila sa mga pagkakataong ito.

Mahirap ng iasa sa kanila ang bagay na iyon dahil madalang lang sasagi sa utak nila na kasama ako sa lakwatsang ito. Last day na nga naman kasi eh noh at hindi naman ako feeling special sa dalawang iyon dahil nakakailang pa na isipin kung ipagsisiksikan ko ang sarili ko sa good time nila.

And speaking of good time, mukhang natauhan na silang dalawa ni Ryza at Michael sa mga oras na lumipas at palabas na sila sa exit. Habang palihim ko silang sinusundan ay medyo naintriga ako sa narinig mula sa kanila.

"Can we have another intimate moment alone at our condo?" tanong ni Ryza at mukhang binilhan siya ng bagong damit at talagang suot na niya iyon right after their purchase.

"That's originally the plan but I guess it's much more practical for us if we're gonna sleep at a hotel for now especially when you ripped some of your garments while you're on a bliss with me." Ngising sabi naman ni Michael na parang may sorpresa pang inihanda para sa kanyang girlfriend.

Nakakapanghinala talaga ang reaksyon ni Ryza dahil biglang nataranta ang babaeng iyon at mukhang pawis na pawis. Bumulong pa siya kay Michael pero mukhang may hindi tama dito kaya binilisan ko ang paglalakad para bulabugin sila sa paghihintay ko sa kanila ng matagal.

"Shhh... Please don't mention anything about that. It's embarrassing." sabi ni Ryza na parang may ibang kahulugan.

"Okay... I'm sorry that I made you feel more vulnerable but you don't have to be shy around me since everything was exposed about you and I accepted all of that without any judgment." Michael tries to convince her but I somehow noticed the malice between their words gayong wala naman sa kadalasang usapan nila ang tungkol sa hilig gawin ng magkasintahan sa loob ng kwarto should I say.

"So, do you have any updates about why you were all so late?" Binigla ko silang dalawa mula sa harapan ko at tila nagulat pa sila sa pagmumukha ko.

"Are you planning to sabotage my reputation?!" Ewan ko ba sa Ryza na ito at bigla na lang siyang namimilosopo ng ganito gayong nagtatanong lang naman ako ng maayos.

"Of course not and what are you even talking about? I'm just too bored looking for both of you. It's almost five in the afternoon already and you have not arrived yet at the parking lot." Paliwanag ko sa kanila na may halong pagtitimpi.

"Well, I'm not really used to talking about how to make her scream my name with passionate feelings during the intimate connection that we had a while ago."

"Michael!" Naiinis na tawag ng pansin ni Ryza mula sa naging topic of discussion namin.

Also, a moment of silence for the readers. Ibang klase din talaga ang Michael na ito at huli mismo sa bibig niya kung ano ang katarantaduhang ginawa nila para lang sayangin ang oras ko sa init ng araw sa labas.

"May nangyari na sa inyo?!" Pangungulit kong tanong kay Michael at tila proud pa siya sa sagot ni Ryza.

"Yeah and it's none of your business." Aba't galit na sa akin ngayon ang Ryza gayong concern lang naman ako kung bakit ang tagal nilang lumabas sa mall.

Kahit gusto ko pang mang-intriga sa buhay ng dalawang ito, maybe it's time for me to focus on my own agenda. Masyado na silang abusado sa spotlight kung kaya't minabuti ko na lang magpatay-malisya sa kwento nila. I still congratulated them pero dahil ayaw kong mahuli sa aking scheduled flight, we had a high paced full-speed journey patungo sa Charlotte's International Airline.

- BACK TO SCENE -

Charlotte Douglas Int'l Airport at 6:45 pm

Papasok pa lamang si Eiji sa pintuan ng airport ngunit biglang umugong ang speaker sa buong lugar na siya na lamang ang hinihintay bago makaalis ang kanilang eroplano.

"This is the final boarding call for passenger Mr. Eiji Sawakita booked on flight 391A to Seoul, South Korea. Please proceed to gate 3 immediately. The final checks are being completed and the captain will order for the doors of the aircraft to close in approximately ten minutes time. I repeat. This is the final boarding call for Mr. Eiji Sawakita. Thank you." One of the clerks announced throughout the airport at tila sagabal pa rin kay Eiji ang magkaroon ng peace of mind.

Napalingon na lamang si Eiji sa sasakyan nila Michael. "Bakit mo ako ipinareserve ng flight sa Seoul? Anong gagawin ko doon?" He may sound ballistic pero walang mapagbuntunan ng inis si Eiji kundi sa tanging lalaki na nagplano ng kanyang vacation trip pabalik sa Japan.

"Hindi pa pala kita nasabihan tungkol dyan." Napakamot na lang si Michael sa kanyang ulo.

"Na ano?!" Bwisit na bwisit ang mukha ni Eiji na tila sinasadya kuno ni Michael ang lahat ng nangyayari sa kanya ngayon.

"Restricted pa pala ang lahat ng boarders sa Japan hanggang next week kaya hindi rin kayo makakapaglanding ng maayos doon. Sorry na kung hindi ko sinabi sa'yo agad ang detalye at baka hindi mo din napansin ang nakasulat sa ticket mo. Alam mo namang mahirap magbook ng flight sa mga okasyong ganito. Pwede ka naman manatili doon sa Korea ng ilang araw bago ka sumakay ulit ng eroplano papuntang Tokyo. Basta dumiskarte ka na lang gamit iyong perang nakuha mo na galing sa casino o di kaya doon sa compensation na ibinayad sa'yo nung mga Martinez." Paliwanag ni Michael at tila tinulugan na lamang sila ni Ryza dahil sa mahabang biyahe nila mula pa kaninang madaling araw.

Napabuntong hininga na lang ang binata sa sobrang pagkadismaya. Given with no other choice ay kinuha na lamang ni Eiji ang lahat ng kanyang bagahe sa trunk ng sasakyan ni Michael. "Hay naku! Parang hindi ka taong kausap bro." Naiinis na bulong ni Eiji.sa sarili habang nagtitimpi sa kahangalan kuno ni Michael.

"Di na bale. Salamat na lang ulit sa tulong at sa pag-asikaso niyo sa akin." Sarkasmong pamamaalam ni Eiji sa kanyang mga naging kaibigan sa America.

"Ako nga dapat ang magpasalamat sa lahat ng naitulong mo sa amin ni Ryza. Paano ba iyan, mag-ingat ka na lang sa byahe mo pauwi." Ngiting sabi ni Michael habang nakadungaw sa bintana ng driver's seat ng kanyang kotse. Humarurot na ito samantalang nagmadali naman si Eiji na makarating sa eroplanong kanina pa naghihintay sa kanya.

After eight minutes left his deadline, all of his stuff were checked by the cabin crew at dumaan na rin sa mahigpit na inspection ang kanyang mga bagahe including his tons of souvenirs from the shopping mall na isasakay sa ibang cargo plane na naghihiwalay sa mga pasahero.

"Are we still waiting for someone?" Naiinip na tanong ng piloto sa kanyang mga kasamang flight attendant habang nagsalita naman ang isa sa kanila.

"Yes Captain! Eiji Sawakita was his name if I remember it correctly and I think he sounds familiar to me several years ago." Tugon ni Nissa at tila natatawa pa sa kanyang naalala tungkol sa pasahero nila dati.

"I presume he was Japanese." Naghihikab na lang ang piloto sa sobrang inip. Dagdag pa niya, "It was so ironic for him to be late at this time." Komento ng kapitan na si Ezekiel Thompson na tila hindi mapakali sa kanyang kinauupuan at medyo matalas ang dila nitong manlait sa ibang pasaherong pa-VIP ngunit pilit na nakikipagsiksikan sa economy type of seats sa loob ng eroplano.

Samantala ay tumawag na ang iba pa nilang kasama tungkol sa pagdating ni Eiji na tila VIP sa kanyang red carpet treatment. Siya mismo ang nagbubuhat sa sarili niyang gamit habang kasabay niya ang ibang cabin crew na naglalakad mula sa kanyang likuran.

Lumabas si Nissa upang salubungin siya ng matiwasay. "Good evening Sir, can I see your ticket and any identification documents that you have." aniya na tila pamilyar na sa kanya ang itsura nito.

"Oh... Here it is." Tugon ni Eiji sabay abot niya sa kanyang ticket at passport. Nang matapos na ang final checking ay isinama na siya ni Nissa sa loob ng eroplano.

"Don't you want to upgrade to the first class seat?" Ngiting pangungumbinsi ni Nissa kay Eiji.

"I guess it won't be necessary for me, Ms. Rogers. We're even trying not to be late in our flight, aren't we?" He declined the offer and he also did not expect na aalokin siya ng ganyang klase ng luho ni Nissa.

Gayong hindi rin napagbigyan si Nissa para sa ikakakomportable ng biyahe ni Eiji ay pinaupo na lang siya sa kanyang designated seat sa tabi ng bintana at naghanda na sila para sa take-off.

"Ladies and gentlemen, welcome onboard Flight 391A with service from Charlotte City to Seoul. We are currently third in line for take-off and are expected to be in the air in approximately seven minutes' time. We ask that you please fasten your seatbelts at this time and secure all baggage underneath your seat or in the overhead compartments. We also ask that your seats and table trays are in the upright position for take-off. Please turn off all personal electronic devices, including laptops and cell phones. Smoking is prohibited for the duration of the flight. Thank you for choosing All Nippon Airways. Enjoy your flight." A blant smile became obvious sa mukha ni Nissa dahil hindi siya napagbigyan ng atensyon ng binatang kinahuhumalingan niya sa court during college matches.

"Sayang naman dahil gusto ko pa naman sanang masolo si Eiji sa isang exclusive area dito sa plane without any distractions. Ang sarap pa naman ng bagong specialty dish namin dito." Panghihinayang na bulong ni Nissa sa naging desisyon ni Eiji ngunit wala siyang magagawa kung hindi ang makuntento sa kung anong nakahain sa kanyang mga mata: his fake smile that almost tear him apart dahil sa pagod na naranasan ni Eiji in dealing with all of his frustrations from the past.