Natapos na ang makabagbag-damdaming tagpo sa mag-ina at parang nahihiwagaan pa ata ang hibang na Asher na ito kung bakit ko siya binusalan sa bibig kanina. "Stop staring at me will you?! Saluhan mo na akong kumain dahil nakakasukang tignan ang malnourished mong mukha." Banat ko sa kanya at nilapag ang bucket meal sa harapan niya.
He touched my hand and stared at it like a maniac. "What's the big deal mister?" tanong ko kay Asher at hindi niya talaga ako tinitigilan sa kanyang weird fixation.
"Why do you care about me? As if we're really close friends." Aba't sumasagot pa ng wala sa ayos ang mokong na ito ah! He was facing my direction at nagpapapansin pa sa ata sa tono pa lang ng pananalita niya.
"Aside from the fact that this is my OJT course that I need to finish before we do our thesis, you are a patient here. Malinaw na ba hah?!" Tsk! Ayaw ko talaga sa lahat ay iyong sirang plakang pagpapaliwanag sa ganitong kasimpleng bagay.
"Paano mo nalamang nakakaintindi ako ng ibang wika bukod sa Ingles?" He just asked me out of the blue at nabigla ako nang halikan niya ang kamay ko ng dahan-dahan. Iniwasan ko siya sa abot ng aking makakaya ngunit mapilit siyang talaga.
"I asked a few questions about you from our doctors in charge. As simple as that, malalaman ko na kung ano ang pinaggagagawa mo sa past life mo bago ka napunta dito. You were supposed to be a future linguist in the making pero it turns out na ibang direksyon ang tinahak mo." I retorted from his inquiry.
"Hahahahaha... Girl, I swear you look hotter when you're angry." Say what?! May gana pa itong mambola sa akin ng harapan.
"Hmmp. Thank you for your admiration pero it's time for your meal. Mangan na ka! (Kumain ka na!)" Kibit-balikat kong sabi sa kanya habang sinusubuan siya ng pagkain but later did it himself.
"But seriously speaking, how can I eat properly kung nakagapos pareho ang mga kamay ko?" aniya at mukhang may punto siya kung kaya't inalis ko muna ang pagkakabuhol ng kamay niya sa bedside at inupo ko muna siya sa kanyang kama.
Matapos ang eksenang iyon ay mukhang hindi ako bibigyan ni Asher ng mahimbing na tulog mula sa narinig ko sa bibig niya. "Pwede bang ikaw na lang ang papakin ko?" sabi ba naman ng addict na 'to.
Binubulungan niya pa ako kaya parang nakakapanghina ng tuhod ang mga salitang lumalabas sa kanya.Bumitaw ako sa pagkakahawak niya sa akin. "Yuck! 🤮 Tigilan mo nga iyan. Kahit nasa LQ stage kami ng jowa ko, hindi ko sasayangin ang oras ko sa taong patapon na gaya mo." I told him how I feel about his weirdness.
"Patapon pala huh?! But as far as I know, ako ang kasama mo dito sa hospital. Ayaw mo ba ng magandang future na kasama ako?" Nangarap pa ng gising ang Asher na ito.
"Che! Ayusin mo nga muna iyang sarili mo bago mo pangarapin iyan. At isa pa, wala ka pa sa kalingkingan ni Maki para makipaglandian sa akin ng ganyan noh." Iritableng sambit ko sa pagmumukha ni Asher kahit nagtatampo pa ako sa ganap nila Maki and Kozue.
Kung ikukumpara siya sa ibang mga pasyente na napansin ko dito ay para bang he always want validation mula sa ibang tao base na rin sa naging conversation nila ng mama niya and I totally understand na grabe ang pressure ng society sa kanya.
"I'm just kidding girl, but thanks for waking me up from my own misery." Maamong sabi ni Asher while eating his fried chicken.
Isip bata rin talaga ang Asher na ito. I'm happy naman na nagustuhan niya ang pagkain at parang sisimutin niya lahat pati buto't laman ng manok. "Para lang din sa kaalaman mo, naging tibo muna ako noon bago ako naging hundred percent na tunay na babae. Puro lalaki kasi ang mga pinsan na kilala ko sa amin kaya naimpluwensiyahan din siguro ako ng ugali nila. That's also my coping mechanism na ideny ang feelings ko sa kanya sa palagay ko. Hindi ko nakikita si Maki bilang magiging partner ko in life dati dahil siya ang anak ng boss ni mama pero grabe lang talaga maglaro ang tadhana and naging kami na eventually." Ngiting revelation ko iyon sa kanya.
"Really? Edi quits lang tayo? Lately ko lang din naconfirm that I feel gay sa best friend kong jock na kasabayan ko sa basketball team." Kwento naman ni Asher sa akin.
I almost did not notice na dinadaldalan ko na pala kay Asher ang lahat ng heart aches ko kay Maki with regards to Kozue. "Gago ka ba? Magkaiba kaya iyon but I was enlightened nang sinabi niya sa akin na mahal niya ako. We were kinda step siblings at first but we almost did wreck our own name para lang sa pag-ibig. Ngayon naman ay nag-aaway kami dahil sa pakikisiping niya sa kerida niyang feeling reyna sa buhay niya."
His eyes widened in shock. "That's interesting. May chance naman pala akong masolo ka dito..."
"Oh just shut up Asher! By the way, how are you feeling right now?" Tanong ko sa kanya.
"Matapos mo akong patahimikin ng gano'n, may gana ka pang mangamusta sa akin ng ganyan?!" Triggered ata ang Asher na ito pero hindi ako masisindak sa pananalita niya. Mas grabeng mambully ang Kapampangan kaysa sa ibang native Filipino na nasa Pinas kaya piece of cake lang sa akin ang insulto at mga banat nito.
"Oh well, to formally start our afternoon, ako nga pala si Sandy Margaux na magiging in-charge sa counseling mo habang narito ka sa hospital." Pagpapakilala ko sa kanya at hindi niya ata ako pinapakinggan.
"I only have a month para maassess ng mabuti ang state of mind mo dahil OJT student lang ako sa Psychology department ng Queens University of Charlotte dito din sa North Carolina. Transferee din ako doon. Ayaw ko mang makialam sa buhay mo dahil napakacliché pero parte ito ng trabaho ko for future reference. Ano ba ang nag-udyok sayo para pumasok ka sa illegal na gawain?" deretsahang tanong ko sa kanya ng walang paligoy-ligoy.
"Ang boring naman. I'm lost on my track dahil naglayas ako sa amin dati. Hindi naman din ako hahanapin ng pamilya ko dahil nagbabakasyon sila sa China noong panahong iyon at iniwan nila ako para lang maging bantay ng mansion. Turning second year high school ako nang may nag-aya sa akin na maglibot sa labas ng Charlotte City. They were group of men covered in tattoos at we traveled nonstop hanggang sa mapadpad kami sa New York City." Panimulang salaysay ni Asher sa akin.
"Kaya ba sa New York City ka nag-decide mag-aral? What happened to you after you met those guys?" I asked him again.
His expressions were odd. "Hay naku! It was my best experience that I had with them. Hindi ko inaalala na anak ako ng isang pulitikong pulpol na gusto lang magpayaman at kailangan ko pang magpanggap sa harap ng maraming tao. I actually drank a lot of alcohol at clubs with them and that feeling of ecstasy became my new life. Hinahanap na ng katawan ko ang bisyong iyon."
"Are you sure na walang hinahalong kemikal sa iniinom mo? Considering the fact that you are minor at that time, hindi ka ba nila pinagbawalan na pumasok sa clubs?"
"I don't even care about that stupid detail. Pera lang din naman ang habol nila sa akin kaya ayos lang sa kanila na andoon ako na nagpapakasaya para mawala sa utak ko ang sakit ng maiwan ng mga taong hindi ka pinapahalagahan." Kwento ni Asher sa akin that almost makes sense.
"I get what you mean. Your feelings were valid pero hindi mo ba naisip na nag-aalala sa iyo ang pamilya mo tuwing may ginagawa kang hindi maganda?"
"Nagjojoke ka ba Sandy? Kasalanan nila kung bakit ako humantong sa ganitong sitwasyon. Hindi ko ramdam ang concern nila dahil they pushed me aside hanggang sa hindi ko na kayanin pa ang mga demands nila para sa akin. Mainit ang dugo nila everyday na kesyo bakit hindi raw ako matalino at mabait na gaya ni Jester, yung paborito nilang anak na gustong-gusto nilang ibinabalandra ang pagmumukha sa TV." He let himself be free from anger and I pity his choice of action regarding how he handles his own problems.
"So naiinggit ka sa kapatid mo?" I clarified everything to him at mukhang natamaan ng husto ang ego niya..
"Noong una, I mean sino ba naman ang hindi magtatanim ng sama ng loob sa kanya. Si Jester lang ang naging kakampi ko dati pagdating sa magulang namin pero nawala na lang iyong concern niya sa akin mula nang magka girlfriend siya ng isang hitad. Saksakan pa iyon ng pagiging gold-digger kaya tinuruan ko lang ng leksyon as I played along with their affairs." Naiinis na sabi ni Asher sa akin.
"Kung ganoon, paano ka naenganyo sa weed if you played along with that girl's feelings?"
"Wala siyang kinalaman sa pagka-addict ko doon, okay?! Out of curiosity lang kaya sinubukan ko hanggang sa naging routine ko na." Dagdag pang pahayag ni Asher.
"Is that so? Anyways, kamusta naman ang social life mo after you've been stranded sa ganoong klase ng buhay kung saan ay heavily dependent na ang utak mo sa drugs and vices?"
I don't know the reason behind kung bakit siya natahimik pero I could sense na nagising ang diwa niya mula sa masalimuot na sitwasyong kinasasadlakan niya dahil sa maling desisyon.
"They actually despised me, even my only closest friend has abandoned me for what I have done to him. I feel so cursed nang dahil doon. Naghahangad lang naman ako ng pagmamahal sa iba pero bakit ang hirap ibigay nun sa akin?" Nalulungkot siya habang pinapaliwanag niya ang kanyang sarili.
"This is only my conclusion about that. First, huwag kang feeling pogi ngayon dahil lumalabas na plakado ang cheekbones mo kahit hindi ka nagcontour sa mukha and your eyes are really creepy right now like a zombie. Second, you hurt the people who actually want to care for you. Lastly, hindi mo minamahal ang sarili mo kaya napupunta ka sa masamang gawain. I totally understand kung mahirap iparamdam sayo ng society na hindi ka masyadong lovable pero minsan kasi eh nasa pag-iisip lang natin ang negative thoughts na iyan." I told him straight in the face kahit medyo insulto iyon sa pagkalalaki niya.
"Hindi niya ako mapapatawad kahit ano pa ang gawin ko para itama ang mga pagkakamali ko." Sabi ni Asher sa kanyang sariling karupukan.
Ewan ko ba kung anong meron sa kanya at bigla ko siyang niyakap out of empathy. "Huwag mong sabihin iyan. For sure, kung sino man ang friend na nasaktan mo ay mapapatawad ka din niya eventually. Just give them enough time para sa sarili nila and as for me, handa ka na bang magmove forward sa buhay mo?" I asked him optimistically at parang nabawasan na ang sama ng loob niya sa mga nangyari sa kanya.
He never answer me back directly pero ang ngiti niya sa akin ay isang magandang pahiwatig na gusto na niyang magbagong buhay. Bumitaw na siya sa pagkakayakap niya sa akin. "Do I even have a choice? Kung kausapin mo ako eh parang ang tagal mo na akong kilala." At ang lakas pa talaga ng amats niya para mang-isnob sa akin ng ganyan.
"Sino nga pala ang friend na sinasabi mo sa akin?" Tanong ko sa kanya dahil Isa akong certified Marites sa Charlotte City.
"He is really legendary in basketball. If you know Eiji Sawakita, then you'll eventually know why I feel gay around
him." He confessed to me with a satisfied smile.
At dahil sa isiniwalat niya sa akin ay bigla naman akong napakalkal ng phone to confirm his identity. Maki told me once na natalo sila noon sa National Tournament nang dahil sa lalaking iyon.
"Siya ba iyong Highschool superstar mula sa Japan?" I asked again at pinakita ko sa kanya ang picture niyang kalbo.
"Yeah! That's him." Sabi niya habang tinuturo ang mukha ni Eiji sa screen. What the heck! Siya nga ang nabulyawan ko sa department store. Nakakahiya talaga ang bibig mo Sandy 😫.
Napansin ata ni Asher na aligaga ako sa aking kinatatayuan. "What's wrong with you girl?! Can I talk to him even for the last time?" Biglang nagrequest sa akin si Asher na hindi ko matanggihan dahil sa lagkit ng titig niya sa akin na para bang ayaw niya akong paalisin sa kwarto niya.
"I can do something about that I think... May number ka ba sa kanya?" Sabi ko habang sinusubukang idial ang phone ko.
- BACK TO SCENE -
Meanwhile, Eiji almost finished his errands nang may biglang tumawag ulit sa kanya sa cellphone niya. "Tsk! Andami ko atang stalker ngayon huh! Unknown number pa ang tumatawag sa akin." bulong ng binata sa kanyang sarili.
The background noise bothers him alot dahil sa sobrang gulo ng mga salitang lumalabas sa bibig ng kausap niya. "Hello Eiji?! Are you there? Kausapin mo naman ako oh!" Pakiusap ni Asher na tila walang humpay sa kanyang pagsigaw.
Nakatayo lamang si Eiji sa hallway ng department store kung saan ay tapos na siyang mamili ng souvenirs. "Ako nga ito. Ano ba ang kailangan mo sa akin Asher?!" Nagtitimpi na sabi ni Eiji sa kanyang kausap.
"Look, I'm so sorry bro for what I have done to you. Hindi ko kilala ang sarili ko at that time and I hope you could forgive me Eiji kahit walang kapatawaran ang ginawa ko sa'yo." Nag-aalalang sabi ni Asher sa kausap niya.
"Bro, mas mabuti siguro kung hindi mo na ako kakausapin pagkatapos nito. Aalis na din naman ako at wala na akong rason para manatili pa dito ng dahil sa'yo." Bilin ni Eiji sa aligagang binata sa mental institution.
"I totally understand Eiji. I'm sorry again for disturbing you. Mag-ingat ka and maraming salamat sa mga taon na pinagsaluhan natin as buddies." Ngiting sabi ni Asher kahit masakit sa kalooban niya.
"Teka, just for the sake of my peace of mind, pinapatawad na kita. Magsimula ka ulit ng wala ako and I hope this time ay maayos mo na ang sarili mo through your own family." Sabi na lang ni Eiji sa kanya.
"I will... maraming salamat talaga sa'yo Eiji. Isa kang tunay na kaibigan." Naluluhang sabi ni Asher sa tuwa.
"At ikaw naman ang pinakawalang kwentang kaibigan na nakilala ko sa tanan ng buhay ko." Deretsahang sabi ni Eiji at tuluyan na niyang pinutol ang ugnayan nila sa bawat isa.
Asher finally blocked Eiji Sawakita in all his social media accounts through the help of Sandy as his way of respect na din sa taong naperwisyo niya.
"I wish you all the best, bro." Ngiting bulong ni Asher sa kanyang sarili habang iniisip si Eiji.
"At teka lang... Nasaan na nga ba ang dalawang iyon?!" natatarantang sabi ni Eiji sa kanyang sarili habang hinahagilap niya sina Michael at Ryza sa department store.