Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Fall in Love with Mr. Four Eyed

Chel_0981
--
chs / week
--
NOT RATINGS
1.4k
Views
Synopsis
Takot umibig si Madel sa isang lalaki na nakasalamin dahil karaniwan sa mga iyon ay malabo ang mga mata.Ayaw kasi niyang matulad sa kanyang Ina, maagang nabalo dahil sa kalabuan ng mata nasagasaan at namatay ang kanyang ama. Ang kaso, nabihag ni Edmon ang kanyang puso,isang lalaking makapal ang salamin sa mata. Mapipigil kaya nya ang puso na mahulog sa binata o pangangatawanan niya ang kanyang takot na umibig sa isang Mr. Four Eyed?

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1

Uunat-unat pa ng kamay habang nag hihikab na bumangon si Madel. Natutuligi na siya sa katatawag ng kanyang mama Erna na kanina pa pabalik-balik sa kanyang silid sa pag gising sa kanya.

"Madel ano ba !, kanina pa ako akyat-panaog sa iyong silid para gisingin ka ! Male-late ka nang bata ka ! "

Saka pa lamang natauhan sya natauhan at dali-dali nang nag tungo sa banyo pra maligo.First day ng klase niya pa naman ngayon bilang fourth year high school sa isang private school sa Marikina,at late na agad siya.

At dahil tinanghali na sya ng gising,ngayon ay nag hkukumahog sya para makarating ng on time sa kanyang first subject. Bago pumasok ay nag daan muna sya sa restroom.Paglabas nya ay siyang pag daan ng isang estudyanteng lalaki na patungo naman sa restroom ng mga lalaki. Nagka untugan sila nito at sa noo sya napuruhan.

"Aray ! ano ba? Hindi ka kasi tumitingin sa nilalakaran ,eh !" reklamo nya.

"Sorry, hindi ko sinasadya," wika ng estudyanteng iyon na parang hindi pamilyar sa kanya ang mukha.

Sa pag kabigla niya ay kinapa-kapa nito ang sahig na parang may hinahanap.

Ano ang ginagawa nito?

Nang mapatingin siya sa likuran at makita ang salamin sa mata.

Ngee ! Malabo ang mata? Pano ba yan? Diko naman sinasadyang makabangga niya ako. Napa ngiwi siya ,pero dinampot parin niya ang salamin.

"Miss pa-help naman, na hulog ang salamin ko at hindi ako makakita,"anang binatilyo.

Naawa naman siya sa binatilyong iyon at siya na mismo ang nag suot ng salamin nito sa mata.

"Labo pala ng mata mo kaya ka nambabangga."

Pagka wika noon ay dali-dali niya itong tinalikuran at patakbong tinungo ang classroom nila. Dinatnan niya ang kanyang teacher na kinakausap na ang kanyang mga classmates.

"Good morning po,"kinakabahang bati niya sa guronang makitang ang terror,mahigpit at masungit na gurong si Miss Buenaflor pala ang teacher nila sa first subject.

Hinintay siyang makaupo ni Miss Buenaflor bago ito nag salita.

"Class, I will be your adviser. Please take note, ayoko nang maingay kayo sa klase,ayoko ng nagdadaldalan at nag tsisismisan kapag wala pa ang inyong teacher. Are we clear?"

"Yes,Ma'am!" sabay-sabay na wika ng buong klase.

"Bilang adviser,gusto kong malinawan ninyo na istrikto ako at gusto kong maging maayos kayo kapag kayo ay nasa loob ng classroom.Bilang ito ang first subject,avoid being late. Three lates will mean a one day absent.Nag kakaintindihan ba tayo?"

"Yes,Ma'am.!"sabay-sabay na sagot ng mga kaeskwela niya maliban sa kanya.

Siya kasi ay parating nale-late dahil sa katamaran nyang bumangon mg maaga. Maya-maya ay may pumasok na isa pang late na estudyante sa classroom.

"Magandang umaga po."bati nito sabay yukod sa teacher.

Nanlaki ang kanyang mga mata nang makilala ang pumasok.

"Si Mr. Four Eyed?",wala sa loob na hiyaw niya.

Natutup niya ang kanyang bibig ng marinig niyang nagtawanan ang kanyang mga kaklase. Samantalang naka yuko lang ang binatilyo sa pagkapahiya.

"Class,quiet" ,saway ni Ms.Buenaflor sa kanyang klase.

"What's your name?"

"Edmon Quezon po."

Pinasadahan ng tingin ni Miss. Buenaflor ang listahang hawak.

"So,you are the transferee from Parañaque City?

"Yes,Ma'am."

"You may sit down but please don't be late next time."

"Yes,Ma'am."

Sinundan niya ng tingin ang bagong kaeskwela. May itsura naman sana ito kaya lang disadvantage ang malabo nitong mga mata. Kaya kahit na guwapo ito, burado na ito sa listahan ng mga lalaking pwede niyang maging crush.

Nag simula nang mag turo ng kanyang first lesson si Miss Buenaflor.Nawala na sa kanyang atensyon ang bagong kaklase,ganadong -ganado na kasi siya sa pakikinig sa tinuturo ng kanilang teacher.Palibhasa'y siya ang pinaka matalino sa kanilang klase at ang math ang kanyang pinaka gustong subject.

Ngunit magkakaroon na yata siya ng katunggali,dahil kapansin-pansin na panay din ang taas ng kamay ng bago nilang classmate. Mukang minamani lang nito ang mga sagot sa mga tanong ng kanilang guro. Nakaramdam naman siya ng pagkainis sa binatilyo.