Chapter 11 - Chapter 10

Parang isang malaking pasabog ang balitang nakalap nila tungkol sa Reunion at sa pagbubukas ulit ni Momma sa aming palasyo.

"'Yon ang aking inihiling sa kanya, Ang ipaalam sa iba ang aking pagkatao pero hindi pa sa ngayon dahil may mga kakailanganin pa akong asikasuhin." Ani ko kay Annie.

Matapos ang mga katagang pagsisisi ni Momma ay pinag-usapan naman namin ang aking kagustohan at walang pag-aalinlangan niya itong tinanguan at inaprobahan kaya magkakaroon ng pagbubukas ang Quinn, ang palasyo namin.

"'Wag ka pong mabahala dahil alam naman nating may mga nakakakilala sa iyo at nakakaalam ng tungkol sa iyo kaya hindi 'yan magiging masyadong mahirap" Pagpapagaan ni Annie sa akin at ngumiti ito.

"Masyadong komplekado kung ilalagay ko sa buong porsyento ang mga bagay pero masasabi ko malayo ito sa kalahati, malayo sa kalahati ang kasiguradohan, hindi ko pwedeng baliwalain ito natural lamang na mag-alala ako" Nakangiting ani ko sa kanya.

Patuloy lang kami sa paglalakad at hindi alintana ang mga matang nakamasid sa aming nilalakaran.

"P...Pero-" Nag-aalangan siya sa aking sinabi at tila walang makapang salita.

"Alam mo ba ang gusto ko pagdating sa isang bagay o plano?" Kasabay ng pagtanong ko sa kanya ay hinarap siya at nagsimulang maglakad ng patalikod pero marahan lamang para hindi ako matapilok.

Nanlaki ang mata niya sa ginawa ko at kaagad akong binalaan.

"Young princess! Baka matapilok kayo!" Kabadong ani niya pero nginitian ko lamang siya na nagpapahayag na ayos lang at hinihintay ko ang sagot nito.

Bumuntong hininga ito bago nagsalita.

"Natatakot kayo na magkamali-" Sa pangalawang pagkakataon ay pinutol ko ang sasabihin nito.

"Nah ah ah, nagkakamali ka. Ang nais ko sa isang bagay o plano ay walang butas, yung tipong kahit anong gawin nila ay hindi sila makakapasok kahit anong paghahanap nila ay hindi nila magagawa dahil tulad nga ng sabi ko ay dapat ang mga bagay o plano ay walang butas" Panimula ko sa isang seryusong boses, nakamasid lamang siya sa akin at nakikinig.

"Ihalintulad mo nalang ang sinabi ko sa aking plano, parang ganon na rin iyon sa naisip kung plano, Yung kahit anong baliktad nila sa nangyayari ay wala silang mahahanap na perpektong pagkakataon o butas para masira ang aking plano" Nakangiting saad ko sa kanya.

"Pero, hindi lahat ng bagay ay pwedeng mangyari ayon sa aking kagustohan" Kaagad na baliktad ko sa aking sinabi, na ikinatango nito.

"Tama po kayo, young highness" Saad nito sa akin.

"Dahil ang isang kalaban ay kahit anong siguridad mo na wala silang mahanap na butas para patumbahin ka ay sila na mismo ang gagawa ng sariling butas para mapatumba ka" Seryusong ani ko pa at tiningnan siya ng diretso sa mata.

Gumuhit ang isang ngiti sa kanyang labi at napailing,

"Ano pa bang aasahan ko, kapatid ka nga po niya" Nakangiting ani niya, napangiti na rin ako pero kalaunan ay nawala ang ngiti ko ng makitang namumula ang kilay nito at may nagbabadhang luha sa kabilang gilid ng kanyang kaliwang mata.

"Ang isang katulad mo ay dapat na paglingkuran at ikinararangal ko na ako ang napili ng supreme princess na maglingkod sa isang mahusay na kagaya niyo, Young Highness" Magalang na ani niya sa akin at pinunasan ang gilid ng mata kung saan ang nagbabadhang luha.

Napailing na lamang ako at umayos ng paglalakad.

Saktong pag lakad ko ulit ay nahagip ng mata ko ang isang babae na nakatingin sa aking direksiyon.

Pinantayan ko ang tingin nito, nakatingin kami sa isa't isa at kalmado lamang ang namamagitan sa aming tinginan.

Hindi ko nakikilala pero bakit parang, namumukhaan ko siya? Parang may kakaibang damdamin ang lumukob sa akin.

It seems like, I know her.

Wala sa sarili akong napayuko at napahawak sa aking noo ng maramdamang parang minartilyo iyon pero hindi ako nagpahalata.

Saktong pag-angat ko ulit ng aking paningin ay nakita ko na itong nakatalikod at naglalakad papalabas.

"Young Highness?" Kunot noong ani nito sa aking likuran, "Kilala niyo po ba iyon?" Takang tanong pa niya na kaagad kong sinagot.

"Hindi"

Pero parang nakita ko na ito, hmm.

Pinikit ko ang mata ko at nagpatuloy ulit sa paglalakad dahil unti unting nahuhupa ang sakit sa aking ulo.

"Miss Faith!"

"Miss Faith!"

Sabay kaming napahinto ni Annie ng may marinig na tumawag sa aking pangalan.

Kaagad ko iyong hinarap at nakita ko ang isang babae na hingal na hingal na tumigil sa aking harapan at may hawak na ball pen at isang notes.

"Young Miss, are you coming along with the supreme and ranker in the reunion?" Sa gitna ng kanyang paghabol sa hininga ay nagawa niyang diretsohin ang sinabi.

"Yes" Diretsong sagot ko rin na ikinangiti nito.

"Yeaaahhh, thank you for coming Young Miss" Nakangiting ani nito at may inilahad sa aking isang paper bag.

Kaagad na tinanggap ko iyon at marahang binuksan.

Nangunot ang noo ko sa nakita, mga kasuotan na may tatak ng paaralang ito.

"'Yan po ang susuotin niyo sa gaganaping Reunion at balita ko rin po mauuna ang reunion bago ang party na magaganap sa isa sa importanteng pamahayan, ang kataastaasang Monarch" Magalang na saad niya at may ngiti sa labi.

Napatango naman ako at nginitian rin ito.

"Salamat" Saad ko rito.

Yumukod siya at kaagad na nagpaalam.

"May mga ganito pa pala?" Takang tanong ni Annie sa aking gilid.

"Malamang, iba't ibang paaralan ang makakasalamuha mo sa tingin mo malalaman mo kung anong paaralan sila nabibilang kung walang mga damit na nanggaling mismo sa kanilang kinabibilangan?" Mula sa aking likuran ay narinig namin ang boses ni Luhan na may halong sarkastiko.

Nagsalubong ang kilay ni Annie at hinarap si Luhan, "Alam mo Master Luhan, para kang kabote, sulpot ng sulpot. Yung nakakalasong kabote" May bahid naman ng inis ang boses ni Annie na tinugonan lamang ang sarkastikong isinaad kanina ni Luhan.

Pero tulad ng dati ay, hindi na muli pumapatol si Luhan at hinahayaan na lamang si Annie.

"Young Highness, The reunion will be held in a cruise ship and in the middle of the sea" Saad ni Luhan sa akin.

"Alam ko" Diretsang saad ko sa kanya, napatango naman siya.

"I know you are aware that this academy is teaching self defense and aware of kil-ling, right Young Highness?" Magalang pang saad niya na ikinatango ko ulit.

"Yes"

"Pwede po kayong tumanggi sa imbita ng Dean kong gusto niyo" Saad pa nito sa akin.

Sa halip na ako ang umangal ay kaagad na umangal si Annie na nasa tabi ko lamang na bigla na lang napunta sa gilid ni Luhan at kinapitan ang braso nito.

"Hoy! Master Luhan, akala ko payag ka sa pag-attend ng Young Highness sa gaganaping Reunion at isa pa makakatulong iyon sa kaso.... ng Supreme Princess, si Lady Miora" Mabilis ang pagsaad niya pero mahina naman ang sa huli na halos pabulong na lamang na para kaming tatlo lamang makarinig.

Binalingan siya ni Luhan ng masamang tingin at kaagad na binaklas ang pagkakakapit ni Annie sa braso niya.

"Tsk, I am talking about the exact purpose of that Reunion for each Academy" Inis na saad ni Luhan kay Annie at binalingan ulit ako ng tingin.

Nang bumaling ang tingin nito sa akin ay naging malambot na ang ekspresyon nito.

"May mga paligsahang magaganap sa Reunion at tiyak na pwede po kayong masugatan roon, minsan nga sa halos libo-libong nandoroon ay daang estyudante na lamang minsan ang natitira" Ani pa niya.

Tahimik lamang ako at nakikinig sa kanyang maaaring sabihin.

"Lalong-lalo na at nandoroon ang Fox Academy na kalaban ng academy natin, kaya sinasabi ko na po sa inyo, Young Highness. Pwede po kayong mag-back out" Diretsang saad pa nito at walang bahid ng kung ano ang mata niya, simbolo lamang na seryuso siya.

"Grabi ka naman, Luhan. Pano mo nalaman ang mga iyan?" Agad na dudang tanong ni Annie, "Nakadalo ka na no?"

"Tsk, Doctor ako at minsan ay may pasyente akong nakakasalamuha na nanggaling sa Reunion ng mga kilalang Academy at minsan ay malala na ang kalagayan nila pero maswerte sila at nakaligtas sila mula sa bingit ng kamatayan" Seryusong ani naman ni Luhan.

Ang mapaglarong mukha ni Annie ay napalitan ng pagka seryuso na ikinagulat panandalian ni Luhan.

"Parang sinasabi mo na mahina ang aking Young Lady? Na hindi siya makakaligtas sa kamay ng mga estyudanteng iyon? Luhan, stop worrying about my, Young Lady" Habang sinasabi iyon ni Annie ay nag-angat siya ng tingin kay Luhan at tumaas ang labi niya ng masaksihan ang seryusong mukha rin ni Luhan, parang baliw na si Annie sa kanyang ekspresyon.

"You are worrying to nothing, Luhan" Dagdag pa nito.

Napatawa naman ako ng mahina sa narinig sa kanya na sabay nilang ikinakunot ng noo.

"Nakapag disesyon na ako, Dadalo ako. Malay mo, baka may bagay akong matuklasan sa pagdalo ko roon at makatulong pa sa akin" Nakangiting saad ko.

"See, Luhan. Young Lady is quite defiant but a Badass Heiress!" Ani naman ni Annie kay Luhan na ikinailing na lamang ni Luhan pero kalaunan ay ngumiti rin.

"I see... walang kasing katulad" Mahinang saad ni Luhan, "See you, Young Princess. Babalik na ako baka magtaka sila kung bakit sobrang tagal ko" Saad nito bago tumalikod.

Maglalakad na sana ulit ako ng marinig ang boses na kilalang-kilala ko.

"Dadalo ka rin pala? Akala ko tinanggihan mo na ang imbitasyon?" Narinig ko ang mapaglarong boses ng Morgan na iyon sa aking likuran.

Kaagad ko naman siyang hinarap na nakangiti, nakita kong hindi lamang siya nag-iisa dahil may mga kasama pa siya sa likuran at gilid niya na katulad naming dalawa na may hawak rin na paper bag.

"Kirsten Faith" Bumaling tingin ko sa Suarez na iyon ng tawagin niya ang pangalan ko, may ngisi ang labi niya ng magsalita, "Hinahamon kita ulit pero sa pagkakataong ito, tinitiyak ko na masusugatan ka at luluhod sa harapan ko para magmakaawa na hindi kita mapatay" Kahit hindi nagustohan ang narinig mula rito ay nagawa ko pa ring matawa ng mahina.

Kaya ang resulta ay nagalit nanaman ang lalaking Suarez na iyon sa aking inakto.

"Don't be so full of your Self, Mister Suarez. After all, you're too slow" Mahinang saad ko sa kanya na may ngiti sa labi.

"Then, what about me? Wanna have a fight with me?" Nakakalukong hamon naman ng Rouge na iyon sa akin habang may kakaibang ngisi sa kanyang labi.

Pinantayan ko rin ang ekspresyon nito.

"Sure, why not"

NATAPOS ang buong maghapon sa paaralan ng normal.

Ngayon ay nasa labas ako, kung saan nakatayo ang isang puno na inaliligidan ng mga nag-iilawang mga alitaptap.

Dahil sa nag-iilawang mga alitaptap kasama ang buwan ay mailaw na mailaw sa aking pwesto rito sa labas kung saan ng ready si Annie ng tatlong upuan at lamesa naman ang kay Luhan na iniutos ko sa kanila.

"Mukhang desidedo ang, kataas taasang ginang sa party"

Kaagad kong ibinaling ang aking ulo sa gilid ng marinig na nagsalita ang kaharap na si Annie.

"Hmm"

Tanging tugon ko at ibinalik ulit ang tingin sa puno.

Mula sa aming pwesto ay may nakatayo sa likuran at ilang metro rin ang layo nila sa amin, mga royal guard.

"Annid! Come here! I need your help" Boses iyon ni Luhan.

Hindi ko alintana sila, basta nabibighani lang ako sa aking nakikita.

Parang nagniningning ang mata ko sa magandang senaryo sa harapan at isa nanamang ala-ala ang siyang pilit na bumubukas sa aking isipan.

"Faith!"

"Faith!"

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Sinabi ko na sa iyong wag kang punta ng punta sa Lugar na iyan!"

"Eh?"

"Baka gusto mong bigla bigla nalang higupin ng punong iyan? Tiyak na hindi kana makakabalik pa rito!"

"Totoo ba iyan?!-"

Hindi ko namalayan na napangiti ako pero siya ring nalasahan ko ang isang maalat na tubig.

Kinapa ko ang aking pisnge at natawa ng mahina ng makitang tumulo na pala ang luha ko.

"Kailangan mong mamatay Kirsten! Kailangan mong bumalik!"

"Kailangan mong mamatay Kirsten! Kailangan mong bumalik!"

"Kailangan mong mamatay Kirsten! Kailangan monh bumalik!"

Napipilan ako at nanigas sa inuupuan ng marinig ang isang boses na siyang pilit namang nang-aagaw ng pwesto sa akin.

"I get you, Parang sinasabi mong Reincarnation? Sasapi ako sa katawan ng iba?"

"Makinig ka Faith"

"Wala akong kilalang Faith"

"Uulitin ko, may pagkakamali ka kaya wala kang maalala. Ang kailangan mo ay... Bumalik sa dati mong katawan, wala kang ma'aalala pag nakabalik ka na sa dati mong katawan tanging mukha at pangalan mo lang ang mananatili sa iyong isipan. Pati itong mga sinasabi ko ay malilimutan mo rin. Pero wag kang mag'alala babalik paunti'unti ang mga nangyayari ngayon."

"Hindi ka sasapi sa ibang katawan, ibabalik lang kita sa totoo mong katawan"

"Ang totoo mong pangalan ay Kirsten Faith Seville Sakura Monarch at ikaw ay nabubuhay bilang isang dugong bughaw na babae at ang mis'yon mo ay panagutin ang pumaslang sa nakakatanda mong kapatid"

"Nasaan na ang Badass na babaeng kilala ko?"

"Nasa harapan mo lang" Tugon ko rito.

"Annie, from the first place you know that I don't believe in fantasy. Reincarnation is pure Fiction"

"Then let me prove it"

Magkahalo iyon nang boses ko at nang isang estrangherang boses ng isang babae na paulit ulit kong naririnig sa tuwing umeepal ang isang senaryo sa aking isipan.

Lumalim ang gatla ng aking noo dahil sa kirot na kaya ko namang indahin.

"Reincarnation... Annie... What does it mean?" I questioned in my own self that even me don't have the exact answer.

"Tinatawag niyo po ba ako?" Napaigtad ako ng marinig ang boses ni Annie sa aking likuran.

"Bakit parang kakaiba po ang pagbigkas niyo sa aking pangalan? Annie po kasi iyon at hindi po Ann or Ayni" Natatawang saad nito at inilapag ang isang basket sa aking harapan.

Eksaktong paglapag niya ng basket na may lamang mga pastries ay siya namang pag dating ni Luhan na may dalang inumin.

"Kailan ka pa nasa likuran ko?" Takang tanong ko kay Annie, ngumiti naman ito at naghanda ng pastries at inilapag iyon sa aking harapan.

"Not to long but enough to heard you pronouncing my name as Ann or Ayne" Nakangiting ani pa niya.

"No, it's nothing" Mabilis kong tanggi rito, "Kapangalan mo lang" Ani ko pa na ikinatango naman nito ng mabilis.

Kinapitan ko na kaagad gamit ang kaliwang kamay ko ang tinidor at kumuha ng isang parte ng dala dala nito at sumubo na rin ako ng macaroons habang nakatingin ng diretso sa puno.

Napahinto ako sa pagsubo at naiwan sa ere ang aking kapit kapit na tinidor ng marinig na magsalita ito.

"Anong gagawin mo pagnahuli o nagkaroon ka ng idea sa taong puma-tay sa supreme princess?" Nawala ang atensiyon ko sa magandang puno ng marinig ang sinabi niya.

Ibinaba ko ng marahan ang tinidor.

"Annie" May babala namang sinambit ni Luhan ang ngalan ni Annie.

"Ah eh" Nag-aalangang ani nito at napakamot pa sa kanyang batok.

"I'll ki-ll it more ways than one" Diretsang saad ko at pinagpatuloy ang pagkain.

Kitang kita ko sa kanilang mukha ang bumadhang gulat.

"You can't stain your hand, Young Highness" Mahinang tutol agad ni Luhan sa akin.

Ngumisi naman ako, "Why not?" Hamong tanong ko.

"Because you'll ruin your image, you must restrain your self, Young Princess. The Highest lady can handle that perso-" Pinutol ko kaagad ang sinabi nito ng mabilis kong inilaglag ang tinidor sa babasaging platito.

Parang may maliit na apoy namang nagpapa-init sa akin at gustong kumawala.

Tumalim ang mata ko at kumuyom ang aking kamao.

"That person kil-led my sister, I have the right to taint my hand with it blo-od! That person claimed my sister's life." Mariing saad ko, "Even i'll let my Momma handle that person, hindi pa rin mawawala ang hatid nitong sakit na siyang bumabaon sa akin" Dagdag ko pa.

Naglapat ang labi ni Annie at nakinig.

"I want to fulfill my satisfaction and if it means assas-sinating that person then, I will! I can do it for the name of my sis-" Natigilan ako sa pinagsasabi ng tumikhim si Luhan.

Huminga ako ng malalim.

"I can't use my sister's name for tainting something in my hand, that's a lack of manner and respect" Mahinang sambit ko.

Kinapitan ko ulit ang tinidor at tiningnan silang pareho.

"Maybe dea-th is to quick, then that person will suf-fer in my bare hands in more ways than one"

PINAGLARUAN ko ang hawak na Fountain pen at pinaikot-ikot iyon sa aking dalawanvg daliri.

"Fox Academy?" Mahinang saad ko.

Matapos kumain ay nandirito pa rin kami sa labas at nakaupo, may nagsisikapalang balabal kami na nakabalot sa aming katawan para hindi lamigin dahil masyado nang Gabi at gumiginaw ang paligid.

"Yes, the competitive rival of your Academy" Mahinang saad naman ni Luhan.

"Thay academy was ruled by the highest ranker, Sheakriz and Izzykiel" Mahinang ani naman ni Annie.

"While, your current academy is ruled by Highest Ranker too. Of course your sister is one of it, Miora and Rouge" Nakangiting dagdag pa ni Annie sa ganoong boses pa rin.

Dahil malayo ang mga royal guard ay malaya kaming nakakapag-usap ng mahina at hindi nagpapahalata.

"Sheakriz? Izzykiel? I wonder, if they have a connection in my sister's death" Mahina kung sambit at isinulat ang kanilang pangalan.

"There's a lot of academy that running in the same cycles but only two stand the most and it's the Wolf and Fox Academy. Wolf, your academy can be described as a secretive and smarts while fox academy can be described as cunning" Marahang sambit naman ni Luhan.

"If there is two academy that running in the same cycle then there is also students that hold the high ranker level, and that's Izzykiel and your sister, Miora" Mula sa narinig ay nahinto sa paglalaro ng fountain pen ang aking kamay at nag-angat ako ng tingin kay Luhan ng narinig iyon.

"So, that Izzykiel is somewhere related to my sister" Natatawang ani ko.

"Yes young highness, Someone believe that He and the Supreme Princess have a romantic relationship" Ani naman ni Annie.

Mas lalong nagliliyab ang aking pagkagalak, parang hindi ako makapagtimpi at gusto ko nalang bukas na mangyari ang reunion.

"Bakit ngayon niyo lang ito pinagsasabi?" Takang saad ko na ikinahinto nilang dalawa.

"Patawad po, ngayon lang po siguro nagkaroon ng malawak na espasyo para mailagay ang bagay na iyan sa iyong isipan, Young Highness" Sabat naman ni Annie.

"How about him?" Tanong ko.

"Pardon? Who is it, Young Highness?" Curious na ani naman ni Luhan.

"Rouge Laxxus Morgan? How about him?" Tanong ko at binalingan sila ng tingin.

"I believe that he have the most highest position, I can't deny the fact that whenever he is around, the atmosphere is getting tense" Nakangiting ani ko.

"Yes po, the position of high ranker is far from his position, he is the most superior, he have the audacity" Ani naman ni Luhan.

"He is the Scion of the Morgan's, hindi na po nakakapagtaka na kakaiba ang Aura nito." Saad naman ni Annie.

"Katulad niyo po, pag nasa paligid kayo parang hindi namin malaman kung ano ang pwedeng mangyari" Ani pa niya na may ngiti ng labi.

"The two of you are the same" Ani naman ni Luhan, "You two have the audacity and I believe you can be his partner as a Superior" Nakangiting ani pa nito.

"Because, you are the pride and successor of Monarch's"

A genuine smile writted in my lips.

"That's impossible" I disagree.

"It's possible" Saad naman ni Annie, I shook my head again in disagreement.

"He is a superior than my sister, and I am just Faith that doesn't exist. No one really know my real identity, no one have any idea about of the Household I belong, little did they know... I am the successor of the Monarch and I am the only sister of the girl they looked up" Mahinang saad ko, hindi ko man gustohing mag boses malungkot ay hindi ko mapigilan iyon.

Hindi ko mapigilang mapayuko pero napaangat rin ng marinig na tumawa ng mahina si Luhan.

"Master Luhan, sinapian ka ba? Bakit ka tumatawa alam mo namang malungkot ang Young highness tapos ikaw bigla nalang tatawa?" Mahinang ani ni Annie at hindi nakawala sa aking paningin ang pagkurot niya sa tagiliran ni Luhan na siyang ikinagalit ni Luhan.

"Shh!"

Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa ugali nilang dalawa.

"You really believe that no one know the existence of the last pride of the respected house of Monarch?" Biglang sambit ni Luhan at bumaling sa akin na may nakakasiguradong ngiti.

"Alam kong may nakakakilala sa akin pero hindi natin maiitanggi na mabibilang lamang sila ng daliri" Sambit ko.

"That's impossible, hindi ibig sabihin na hindi ka kilala ng nga kaedaran mo ay hindi ka na kilala ng mga magulang nila" Nakangiting ani pa ni Luhan, "Some of them is pure aware of your existence, but your appearance, well. I can put it in ten-percent" Saad nito.

"Wag kang mag-alala Young Princess, kami na ang bahala sa gaganaping party, tiyak na hindi ka mawawala sa kanilang isipan" Nakangiting ani naman ni Annie.

"Narinig ko na dalawa ang gaganaping party" Biglang sambit naman ni Luhan, "Napadaan ako kanina sa kwarto ng Highest Lady at narinig kong dalawa iyon pero ang una ay ang pagbubukas ng household ng Monarch at ang pangalawa naman ay para sa iyo" Saad pa nito na ikinabaling ko sa kanya.

Hindi ko mapigilang mapangiti, si Momma ginagawa niya talaga ang lahat para sa akin.

"Masquerade ang mangyayari sa unang party at tiyak na mauuna ito kesa sa Reunion pagkatapos naman ay ang pangalawang party na magaganap sa iyong darating na kaarawan" Dagdag pa nito.

Kaarawan... Napatampal ako sa aking noo at natawa ng mahina.

"Malapit na pala ang aking kaarawan? Bakit hindi ko man lang alam" Natatawang saad ko sa sarili.

"Young Highness?" Takang sabi naman ni Annie.

"May mga sapi ba ang mga kasama ko?" Kahit mahina ang pagkabanggit nito ay hindi pa rin iyon nakawala sa aking taenga.

"Young Princess"

Lahat kaming tatlo ay sabay na nabaling sa aking likuran ng may isang royal guard na nagpakita.

"Malapit na pong mag alas dose, baka po makulangan kayo sa tulog pag nagkatain na hindi pa po kayo matutulog. Habilin po ng Mahal na Ginang na matulog po kayo ng maaga" Magalang na sambit nito sabay yukod bago umalis.

Napatingin ako kay Annie at Luhan bago marahang tumayo.

"Young Highness, please don't drag your self down" Biglang saad ni Annie.

"I'm not dragging my self down" Balik saad ko rito sa kalmadong boses.

"Supreme princess Miora maintain the position because she have everything, she's good at close combat, good at archery even Karate, but, she's just like you. She started in your line too, in your case you're just warming up to ready in a bumpy ride" Nakangiting saad pa nito.

Natigilan ako sa sinabi nito at kalaunan ay napangiti.

"Always remember, Young princess, don't race in any position, maintain your coolness and avenge your sisters Death. We believe in you" Saad pa nito.

Hindi ko mapigilang mapangiti at mapailing.

"I will avenge my sister's death"

Luhan lead the way, habang si Annie naman ay busy sa kakaayos ng mga pinagdadala nila.

I yawned for a second and then a cold breeze suddenly blow in my direction.

Napahinto ako saglit at dinama iyon pero kasabay non ay nanindig ang balahibo ko ng parang niyayapos ako ng malamig na hangin.

"Faith"

It feels like whispering in my ears.

"Young Highness, pumasok na po tayo" Nabalik lang ako sa katinuan ng magsalita si Annie sa aking harapan.

"Did you hear it?" I immediately ask, referring to a soft voice along with that cold breeze.

She look at me, confused.

"Pardon? Hear what, young princess?" She asked, "I didn't hear anything, Young Highness" She added.

I look back again at the tree.

Am I hallucinating? I think I heard someone called my Name.

Rouge Laxxus Morgan's POV

"Young Master, this way please" Magalang na saad ng babaeng naghihintay sa akin sa labas ng malaking pintuan na isang opisina ng Dean at Headmaster.

She opened the door and I didn't waste any seconds and immediately entered the place.

"I told you, I already told him to go in Headquarters, Uncle!"

Natahimik sila ng bumungad ako sa kanilang harapan pero hindi nagpatinag ang headmaster.

"Laxxus, you're late. I was supposed to discuss-" I give the headmaster with a simple glare that stopped him from blurting a word.

Napatawa naman ng mahina ang Dean, "Calm down Headmaster, ganyan talaga siya" Bumaling rin naman kaagad ang Dean sa akin.

"Laxxus, please?" Hindi ako tumugon sa saad nito at naupo malapit sa may bintana.

"Now that you are all complete, I just want to announce and suggest one thing" Mahinahon na sabi nito sa taong nasa loob ng kwarto na ito.

"What is it?"

"Ky, you have any idea, he's your uncle after all"

"Tsk, muka ba akong may idea ha?"

"Hmm! Nagtatanong lang eh, makasagot wagas"

"Quiet! Please hear me" Mr. Donovan said and everyone follow him, "As you can see, one of supreme position is Vacant. In the rest three years, we appear in front of other academy with one supremes" Panimula nito.

Nagsimula silang magbulongan.

"I bet they are celebrating for over two years, knowing that our academy, the wolf academy lost one of their eyes. The supreme princess"

"Malamang, alam naman nating kalaban natin sila at tiyak na nagmula rin sa kanila ang totoong pumatay sa supreme princess. Akalain mo naman, sobrang galing ng pumatay halatang bihasa sa panglalason"

"Quiet!" Kyle shouted, "Let the dean to finish his words and hear his suggestion" He added.

"Calm down, Kyle. They didn't do anything bad" Natatawang pagpapakalma ng kalmadong si Mr. Donovan sa pamangkin nito.

Nahagip ng mata ko ang isang pen kaya kinuha ko iyon ng palihim at pinaglaruan dahil nabo-bored na ako sa loob ng kwartong ito.

"They're noisy" Hindi nakawala sa aking pandinig ang pagreklamo ni Kyle.

"What is the suggestion and announcement? Mr. Donovan" Magalang na sambit naman ni Farah.

"Okay, I will go in announcement. The Quinn household will held a two upcoming opening" Panimula nito at naging seryuso ang tindig niya.

"The first one is for the opening of their household, where they will about to announce the pride and successor of their househo-" Hindi pa siya nakakatapos ng may magsalita nanaman.

"P-P-Pride? S-Successor??? Mr. Donovan, what is the meaning of that?"

"May natitira pa ring tagapagmana ang mga Monarch?"

"Wow! They are really secretive"

"Miora is the only pride and successor of Quinn household, you're just kidding, right?"

Instead of answering their questions, Mr. Donovan just smiled.

"Mauuna ang first opening ng mga Monarch sunod naman ang Reunion at ang panghuli ay ang ikalawang opening ng mga Monarch" Seryusong sambit niya at tumingin pa siya sa direksiyon ko, sinalubong ko ang paningin niya at siya na mismo ang nag-iwas ng tingin.

"Well, before the opening of Monarch, gusto kong mabuo kayo at makapaghanda sa darating na Reunion kaya may imumungakahi ako ngayong araw" Ani naman nito at sumilay ang kakaibang ngiti niya.

"And what is it?"

"Why we don't pick someone to fill that vacant posi-" I cutted him, I dropped the pen in the marble floor enough to get their attention.

"You have any suggestion, Laxxus? It will be our pleasure to hear and use your suggestions" Nakangiti at puno ng galang na sambit nito sa akin.

I pick the dropped pen and played it between my fingers.

"Do you want to fill up the vacant position? Using those newbies?" I playfully ask, I didn't mind my tone even if it sound so offensive and full of insult.

"Hey! I'm not a newbie!"

"Yes, I'm using the newbies"

Faith(SERENITY)

AS the morning come, maaga akong nagising at maaga ring nakapasok.

Saktong pagtapak ng sapatos ko sa entrance ay kaagad na bumungad sa akin ang sandamakmak na estyudante at parang may pinagkakaguluhan.

"Young highness, please be careful" Mahinang bulong naman ni Luhan sa aking tabi at mabilis na dumistansiya ng may makitang papalapit na isang nurse rin siguro, base sa uri ng suot nito.

"Anong meron?" Kunot noong tanong ni Luhan rito.

"The Rankers of Wolf Academy" Saad nito at nagpaalam na may bibilhin pa.

"KYAAAHHHHH, Look! If it's not Farah! Please tell me, it's not Farah!"

"Farah Maxi---- AHHHH It's King Laxxus!"

"Kakasa ba kayo? May gaganaping-"

"I, the headmaster of this Academy, Inviting those students who's willing to be the candidate of Supreme position"

Lahat ng mata ay natuon sa parte na may speaker.

"Please proceed in the North field" Biglang anunsiyo.

Lahat ng nakarinig at parang excited ay mabilis na naglakad papunta sa North Field at ang iba naman ay umatras at umiling iling.

"Ayaw ko! Baka magalusan lang ako"

"Ang mga posisyong katulad sa kanila ay dapat inuupuan ng may ibubuga at tiyak na wala akong ibubuga"

"Mananalo man ako sa posisyon pero tiyak talo ako sa Reunion!"

Umangat ang gilid ng labi ko, "Interesting" Mahinang bulong ko na tiyak na narinig ni Annie sa gilid ko.

"Young princess? Sasali ka po ba?" Takang tanong nito pero nginisihan ko lamang siya at tiyak na nakuha niya ang ibig kung sabihin.

"Why not?"

MALALAKI ang hakbang ko papasok sa North Field at mga ilang hakbang pa nga lang ang layo ko sa bukana ng malaking pintuan ng North Field ay silip na silip ko na ang mga estyudanteng gustong sumali.

Mula sa platform ay nag-uumpisa na pala ang pagpili.

Mabilis na gumalaw ang paa ko papalapit sa malapad na Platform.

Tahimik akong nakamasid sa mga estyudante na nasa taas ng platform at palihim na binabasa ang mga galaw ng nakatayong si Kyle at isang lalaki na hindi ko kilala.

Pareho silang nakakapit sa isang katana at ang mga kasalungat naman nila ay ganoon rin ang hawak.

Wala pang ilang minuto ay mabilis lamang na napabagsak nilang dalawa ang mga lalaki.

"Medyo marami rami na rin ang lumahok pero maski isa ay wala pang nakakatalo sa dalawa?"

"Kakaiba talaga sina Kyle at Eros, mabuti na lamang at hindi nila tinutuluyan ang kanilang mga opponent"

Binalingan ko ng tingin ang dalawang estyudante na narinig kong nagbubulongan.

"Look, Dean. They are too weak, no one can be replace in the vacant supreme's or ranker position" Iritadong sambit ni Kylr kay Mr. Donovan na tahimik lamang nanonood.

Nasa tabi ni Mr. Donovan si Laxxus at ang ibang mga ranker.

Hinubad ko ang aking back pack at inilahad iyon kay Annie.

"Faith" Mahinang bulong niya.

"I'll give it a shot" Nakangiting sambit ko.

"Geez! I'm wasting my ti-"

Mabilis akong umalis sa tumpok ng estyudante at umakyat sa platform.

Lahat ng mga estyudanteng nakakita ay nagsinghapan sa gulat.

"Ikaw?" Taas kilay na tanong ni Kyle sa akin pero inangatan ko lang siya ng ngiti.

"You wanna replace the position of the supreme princess? Great, i've been waiting you" Nakangising aniya at inihanda ang katana.

Binalingan ko ang Dean, Magsasalita sana ako na wala akong katana ng bigla akong tawagin ni Annie.

"Young princess-Err- Faith" Tawag pansin nito sa akin.

Binalingan ko siya ng tingin at saktong pagbaling ko ay bigla niyang inihagis sa aking pwesto ang itim na katana, mabilis ko iyong sinalo at inilabas ang talim.

Nginitian ko si Annie at siya naman ay tumango at bumalik sa dating pwesto kung saan nakatayo na si Luhan roon.

Marahan kung ibinaba ang takip ng katana at pagtayo ay pinaglandas ko ang daliri sa talim ng hawak hawak na katana.

Inangatan ko ng tingin silang dalawa.

"Give me the rules"

Tumalim ang mata ni Kyle samantalang umangat naman ang labi ng katabi nitong lalaki.

"If you can defeat us, then, you are welcome in the vacant position of the ranker" Baliwalang sambit ng lalaki at pinaikot sa kanyang kamay ang katana.

Halatang bihasa ito.

"If ever you can win" Mahinang sambit naman ni Kyle at inihanda ang katana.

"Kilala niyo yung babae?"

"Hindi pero bakit parang namumukhaan ko siya sa dating namatay na-"

"Shhh! Marinig ka!"

I didn't mind them, instead I position the katana and waiting for the signal.

Pero ilang segundo pa kaming nagkatitigan ay wala man lang naging signal, kung hindi lang umatake ang isang lalaki ay baka hindi na ako gumalaw sa aking kinakatayuan para hintayin ang unang tira ni Kyle.

Gumalaw ang paa ko at inunahan itong galawin ang aking katana.

Hindi bumangga ang aking katana sa kanyang katana sa halip ay naunahan ko itong masugatan sa kaliwang braso.

Ngumisi ang lalaki at nagsalita, "Not bad for a first timer" Ngising sambit nito.

"First timer?" Natatawang ani ko pero hindi ako nakaramdam ng tugon dahil naramdaman ko kaagad ang kakaibang tingin, parang may aatake sa akin sa likuran.

Binalingan ko ang dating pwesto ni Kyle at napangiti, ni hindi ko siya namalayan na umalis room mula sa peripheral vision ko.

Mabilis akong umatras at pumihit patalikod, hindi nga ako nagkakamali nasa likuran ko siya at bumulaga sa aking mukha ang dulong talim ng katana siya.

"Faith!!!"

Kahit nahuli ay nagawa ko pang itabingi ang ulo ko pero hindi pa rin sapat iyon para hindi ako masugatan ng maliit ng katana niya.

Nang makitang nasugatan ako sa pisnge ay ngumisi silang dalawa at animong pareho ng iniisip.

The crowd of people started to make noise, cheering for this two.

"Gooo!!! Kyleeeeeeee!"

"Erosss!!"

Hinimas ko ang akin kanang pisnge na nasugatan, napangiti ako ng makapa ang likido doon pero mas lalo akong napangiti ng hindi man lang ako makaramdam ng kahit anong hapdi mula roon.

"Napakabilis mo naman pero tinitiyak ko na sa pangalawang tira ko ay hindi mo na maiilagan ang talim ng aking Katana" Nakangising sambit sa akin ni Kyle at pinosisyon ang katana.

"Hindi ko na rin siya hahayaang masugatan ako!" Sambit naman ng isa at sabay silang tumira.

Ngumisi ako at bukas palad na sinalubong silang dalawa.

Gamit ang kamay na may hawak na katana ay sinangga ng aking katana ang katana ni Kyle at itinulak ito pagkatapos ay inunahan ko naman ang isa, bago pa niya iposisyon ang talim ay mabilis na gumalaw ang paa at tinira ito malapit sa mukha pero naiwasan naman nito at kaagad na napaatras.

Napatawa ang lalaki, "She have a soft reflexes"

"What a nice lady, may I know where household you belong?" Nakangising sambit nito.

Pero kaagad ko siyang inatake, I move my katana in my left hand and I was about to put a good shot in his other side when someone throw a Dagger on my side.

Ang lalaking titirahin ko sana ay biglang ginalaw ang katana at papatamaan sana ako ng mabilis akong tumalon paatras pero nahuli ng talim ng katana niya ang aking buhok.

Marahang nahulog sa sahig ang aking buhok, maliit lang naman ang nagunting nito kaya walang problema.

Binalingan ko si Kyle, nakita kong may hinahagis hagis itong maliit na kutsilyo sa ere at kaagad na sinasalo iyon ng hindi man lang nasusugatan.

Hindi siya nakangisi, mataman lang siyang nakatingin sa aking pisnge na nasugatan niya.

Kaagad kong pinulot ang dagger na hinagis nito at pinagmasdan iyon.

Matatagalan ba ako sa pagtalo sa kanilang dalawa?

Mukhang matatagalan ako, napakagaling pa naman kasi nilang dalawa.

Bumuntong hininga ako ng makitang sumugod nanaman sila.

Maliksi ang mga galaw ko at hindi nagpatalo kahit nagalusan rin ako ng isang lalaki samantalang mga masasamang tingin naman ang natatanggap ko mula kay Kyle sa tuwing nagtatama ang aming mata, taas kilay lang ang tugon ko sa masama nitong tingin.

Nakita ko ang papalapit na kutsilyo na ibinato sa akin ni Kyle itinaas ko kaagad ang aking katana para hindi ako matamaan.

Pinaikot ko ang katana sa aking kamay at ang isang lalaki naman ang pinatamaan, maliksi kung pinulot ang dalawang dagger at inihagis ng mabilis ang isa sa isang lalaki at natamaan naman ito sa may hita nito.

Ibinaling ko kay Kyle ang atensiyon nanlaki ang mata niya sa ginawa ko sa lalaking kasamahan nito.

"Ang bilis"

"Sobrang bilis ng kamay niya"

"Kakaiba at nakakatuwa panoorin ang kanilang laban!"

Umayos siya ng tayo at kaagad na inihanda ang kanyang katana, nanlaki ang mata ko ng makitang pinupuntirya ng talim ng kanyang katana ang aking noo.

Medyo nahuli ako ng pag-iwas pero tsamba na rin iyon dahil hindi ako nasugatan sa noo naputulan lang ng ilang hibla sa buhok.

"Tsk. Ang bagal mo" Insultong sambit ko sa kanya.

Sumama naman ang mukha niya at ako naman ay napaatras ng magsimula siyang umatake ng sunod sunod.

Inayos ko ang pagkahawak sa handle ng katana at pinahiga iyon para masangga ko ang mga pinapakawalan nitong tira.

Atras lang ng atras ang aking ginagawa at siya naman ay umaabante ng umaabante. Bawat hagupis ng katana nito ay parang may halong inis, kakaiba ang likha ng tinig nun.

Napatawa naman ako sa kalagitnaan ng pagkilos niya, "Heh, Galit ka ata Kyle" Nang-uuyam na sabi ko sa kanya.

"Hmm, shut up!" Malakas na sambit niya at mabilis gumalaw ang isa niyang kamay at may kinuhang sobrang liit na kutsilyo, maliit pa sa una niyang inilabas mula sa likuran niya.

Hindi ko iyon pinansin at mabilis kung inayos ang talim ng katana ko na may bahid ng munting dugo at ako naman ang tumira.

"This fight is quite good!"

"Makakapasok kaya siya sa Ranker?"

"For sure Yan! Tingnan mo nga naman, ilang minuto na silang naglalaban pero hindi pa rin mapabagsak ni Kyle ang babae samantala ang ibang lumahok ay tuluyan nang nakatulog at ginagamot"

"Look! Bakit hindi tumatayo si Eros my love?? Bakit siya nakahiga? Napuruhan ba siya!"

Napantig ang taenga ko sa narinig at mabilis na sumulyao sa pwesto ng isang lalaki, nakita kung nakahiga lamang ito at parang walang malay.

P-Pano? Eh hindi ko naman siya pinuruhan.

"Eye on me!" Sigaw ng Suarez kaya mabilis akong napabaling sa kanya na sana ay hindi ko ginawa.

Nakaramdam ako ng mahapdi sa aking braso pero hindi ko iyon pinansin at mabilis na iginalaw ang aking kamay at itinutok sa kanya ang aking katana at itinulak papalapit sa kanya.

Todo atras naman siya ng atras, nakita kung may hawak na tatlong dagger si Kyle kaya mabilis kung iginalaw ang katana at ipinatama sa kanyang braso na may hawak na dagger.

Na bitawan niya ng kusa ang dagger at ang katana kaya mabilis akong kumuha ng dalawa at siya naman ay napaatras dahil dumudugo ang kanyang kabilang kamay na pinatirahan ko.

Sapo sapo ng kanyang isang kamay na wala ng katana ang isa niyang kamay na pinatirahan ko, hindi naman malaki ang nagawa kung sugat pero may dugo pa ring lumalabas roon.

"Ow! Kyle sobrang hina mo naman!" Rinig kung sambit ng hindi pamilyar na babae.

Nilapitan ko si Kyle at nginitian, "I guess, it's already end here and I win" Nakangiting sambit ko.

Napangisi ito at umupo sa sahig ng platform.

"So does it mean?!!! She passed?!"

"Omygosh! This is unexpected!!"

MAY mga nakaputing mga babae ang lumapit kay Kyle at mabilis na ginamot ang kanyang sugat.

Marahan siyang pinatayo ng mga babae at ang isang lalaki naman na nakahiga ay binuhat ng ibang nakaputing mga lalaki at dinala silang dalawa sa gilid ng malawak na platform.

Nakita kong napapatingin pa rin si Kyle sa aking braso.

"Faith!" Kaagad nawala ang atensiyon ko kay Kyle at napunta iyon kay Annie na sumigaw.

Akmang aakyat ito ng may pumigil sa kanya.

"Nope, you can't go to her. The fi-ght is still not done" Sambit ng isang lalaki na pumigil kay Annie.

Kaagad na umangal si Annie, "What are you talking about? My young highness win and she already defeated those two participated ranker!"

Nakita kung ngumisi ang lalaki, "Nah ah, the two of them are just normal ranker but we still have a supreme" Nakangising sambit ng lalaki.

"Don't worry kung matalo man siya ng King Laxxus namin, it's not a problem because she still have a position for defeating the two highest ranker"

"Make way! King Laxxus is here!"

Bumaling ang mata ko sa gilid nang ang mga kampo ng mga estyudante ay nahati sa dalawa at nagkaroon ng espasyo sa gitna.

Nakita kung naglalakad si Laxxus sa gitna habang may hawak na dalawang katana.

Ang nag-iingay na mga estyudante ay biglang natahimik at maski ang mga kasamahan naman nina Kyle ay natahimik rin bigla at naging seryuso.

"Laxxus? Anong gagawin mo?" Sambit ng isang kasamahan nila.

Pero maski maikling sagot ay hindi ginawa ni Laxxus, diretso lamang siyang nakatingin sa akin pati sa pag akyat sa taas ng platform.

Tumaas ang sulok ng labi ko at nginitian ng matamis ang papaakyat na si Laxxus.

He withdraw his katana from it cover, isang makinang na katana ang hawak ng magkabilaan niyang kamay.

Puti at itim na katana.

"It's my pleasure to have a fi-ght with you again, Faith" Mahinang sambit nito, sapat para kaming dalawa lamang ang makarinig.

"Ah" Sang-ayon ko rito, "Like wise, it's my pleasure to defeat the supreme prin-" I haven't finish my words when he suddenly pulled an fast attack.

His attack leave me speechless, minutes passed I feel a faint pain in my left arms. My eyes guided to my left arms, seeing it bleed makes my blood boil.

"Here it comes! Laxxus is really serious about his plan"

"What are you talking Suarez?"

"Laxxus doesn't want anyone to sit in the highest ranker Monarch position"

Mula sa narinig ko ay huminga ako ng tatlong beses at sinubukang kumalma.

I played the handle of katana before attacking him, swaying my katana from left to right.

Kaya pala parang wala siya sa sarili dahil ayaw niyang may makaupo sa posisyon ng aking kapatid?

Don't worry Laxxus, I have something in my mind. May plano ako at eksaktong kailangan ko rin ng posisyon. Hindi ako matatahimik hanggang hindi ko nalalaman ang walang pusong kumuha sa buhay ng aking kapatid.

He defended his self using his two katana. Dalawa ang kanyang katana kaya mahihirapan ako sa kanya at isa pa hindi ko alam ang ginagawa nitong pag-eensayo.

Hindi niya maaabot ang supreme na posisyon kung mahina at lalampa lampa ito.

"You're to good at swaying your katana in mid air like it was a part of your body" Mahinang sambit nito.

"But not totally impressive" Dagdag pa nito at mabilis na ginalaw ang kanang kamay nito at ginamit ang kaliwang kamay para isangga ang kanyang sarili.

Umatake siya gamit ang isang malayang kamay kaya wala sa oras akong napaatras.

Nakita ko ang mapusyaw na hibla ng aking buhok sa sahig.

Kaagad kung hinawakan ang aking buhok, hindi na iyon pantay.

"Sh-it" Mahinang sambit ko.

"Pulled your self!" Mahinang sambit ko.

"Faith"

"Young Highness!"

Hindi ko pinansin ang sigaw ni Annie, itinuon ko ang atensiyon ko sa papalapit na si Laxxus.

Hindi lang katana ko ang ginagalaw ko pati mga paa ko ay ginagawa ko na ring sandata.

Mabilis ko siyang sinipa at iginaya ang aking katana papunta sa kamay nito pero mabilis niya ring iginawi sa ibang direksiyon ang kanyang kamay at ginamit ang isang katana para umatake ng paulit ulit.

The sound of our katana touching each other's sharps is quite ugly. Kakaibang tunog iyon at hindi ko gusto ang pagkiskis ng talim ng katana ko sa dalawang talim niya.

Pahiga lamang ang nagagawa ko dahil dalawa ang kanyang hawak samantalang ako naman ay isa lamang. Madali niya akong nasusugatan samantalang ako naman ay kaunting galos lang ang nabibigay sa kanya.

Tsk, da-mn his two katana.

Kumg hindi lang siguro matigas ito ay baka nabali ko na ang isa para maging patas ang laban naming dalawa.

Napaigik ako dahil sa lakas na taglay niya.

Mabilis ko siyang sinipa at nagtagumpay naman ako kaya kinuha ko na ang pagkakataon para umatake ng umatake na siyang ikinaatras ng ikinaatras niya.

Mapanganib na sandata ang hawak namin pag nagkamali siya ng hawak tiyak na maggalusan niya ang sarili pero imposible iyon dahil parang kaya niyang kontrolin ng mabuti ang dalawang katana.

Sa kakaatras nito ay malapit na siya sa dulo ng platform, natatapakan namin ang mga maliliit na patak ng dugo sa sahig.

Hindi ko akalain, pano natatalo ng naunang dalawang iyon ang nagpa-participate ng wala man lang masyadong dugo ang platform, kung meron man ay nasa ibang bahagi lamang at patak lang.

Hindi nila pinapatay ng tuloyan?

Nakita kung itinapon ni Laxxus sa ere ang katanang hawak at sinalo iyon ng pasaksak.

Nakapaharap ang talim non at pwede niya akong sugatan kahit na hindi niya isaksak iyon ng tuluyan sa akin kahit e galaw niya lang ang kamay at pag hindi ako nakailag ay magagalusan ako.

Inilagay ko sa left hand ko ang katana para sanggain siya at ginamit ko ang right hand ko para dakpin ang kanyang braso pero hindi ko iyon magawa dahil sa liksi at bilis ng kanyang paggamit sa katana.

"Kahit kailan hindi matatalo ng isang katana ang kambal na katana" Sambit nito sabay paikot sa dalawang katana na hawak hawak niya na may magkabaliktad na kulay at iisang desinyo.

"Kambal" Mahinang bulong ko.

Isang maliksi at pwersadong pagtira ng katana ang ibinigay niya sa akin na siyang ikinatalon ko ng sunod sunod para lagyan lamang ng malaking espasyo kaming dalawa.

Napakadelikado pala ng Supreme Rankers.

Ang kailangan ko lamang ay mailayo sa kanya ang isang hawak niyang katana para maging patas na kami.

"Hindi naman ata ang daya mo, bakit dalawang katana ang hawak mo samantalang ako ay iisa lamang" Mahinang reklamo ko.

Pero tumawala lamang ito at mabilis na umatake, inihanda ko ang katana at itinaas ito.

Pero mabilis at biglang dumulas ang katana sa aking kamay hanggang sa marinig ko nalang ang paglapat ng pinakatalim nito sa sahig ng platform.

"Now I will make it more unfair..." Nakangiting sambit nito at inilang hakbang ang natitirang espasyo sa aming dalawa.

"NAKITA NIYO ANG GINAWA NI KING LAXXUS?!"

"ANG GALING NILA PAREHO!"

"BAGAY NGA SIYA MAGING SUPREME, HALATANG HALATA!"

"WAIT! TINGNAN NIYO SI KING LAXXUS, MUKHANG TATAPUSIN NIYA ANG BABAE"

Napatanga ako kay Laxxus, sobrang bilis niya.

Naalala ko naman ang sinabi sa akin ni Luhan at Annie nung gabing iyon.

"The position of high ranker is far from his position, he is the most superior, he have the audacity" Luhan

"He is the Scion of the Morgan's" Annie

Hindi na ako nagulat na isa siya sa supreme o mas mataas pa sa pinaka mataas at kung paano niya nakamit ang posisyong iyon.

Nakaramdam ako ng bisig na siyang lumapat sa aking bewang at hinila ako papalapit ng may-ari nun.

"you are no longer have your katana" Dagdag nito.

Hindi ako pumikit ng magtama ang mata namin, kusa ko siyang tiningnan at hindi kumurap. Dahil sa pinakita ko ay napangisi siya at inilapit ang kanyang mukha sa aking mukha at ilang sintemetro nalang ang espasyo ng ilong namin sa isa't isa.

Nanlaki ang mata ko pero hindi ako nagsalita, alam ko namang wala siyang gagawing masama dahil nakikita ko iyon sa kanyang dalawang matang kasing lamig ng yelo.

"HAHALIKAN NIYA BA?"

"ANONG GINAGAWA NG SUPREME PRINCE? HAHALIKAN NIYA BA?"

"I like our fight, I am accepting you as a Supreme Highness" He pulled a grin before withdrawing his arms that was wrapped in my waist.

Napangiwi ako ng parang sumikip ang parte ng dibdib ko at parang pinagbabayo iyon sa tindi ng kabog nun na rinig na rinig ng dalawang taenga ko.

Sumunod ang mata ko sa kanya at nakita ko kung paano niya pinaglaruan ang hawakan ng katana bago iyon ipasok sa lalagyan nun.

"EVERYONE WHO WITNESS THE FIGHT! LISTEN TO ME!" Umalingaw-ngaw ang tinig ng Dean sa tulong ng isang speaker na nakadikit sa dingding.

"THIS IS THE PROOF THAT THE POSITION OF SUPREME RANKER IS ALREADY COMPLETE, THIS IS HOW THE WOLF ACADEMY WILL FACE IT OWN RIVAL ACADEMIES BY HAVING A GREAT AND IMPRESSIVE RANKERS" Anunsiyo pa nito.

"Ito ang araw kung saan mabubuhay muli ang posisyon ng supreme rankers at ang magbibigay buhay nun ay walang iba kundi ang babaeng nakatayo sa gitna ng platform na may mga asul na mata na may banyagang kulay ng buhok" Mula sa sinabi ng Dean ay nagbubulong bulungan ang mga nakatayong estyudante sa baba ng platform.

"Young Highness!"

"Faith!"

Narinig ko ang sabay na sigaw ni Luhan at Annie at rinig na rinig ko rin ang tumayakbong yabag nila papunta sa akin.

Nang makalapit si Luhan sa akin ay kaagad niyang sinuri ang mga sugat sa aking braso at pisnge.

"Ayos ka lang po ba, Young highness?" Tanong ni Annie at hindi niya matago ang kaba sa kanyang boses at pagmumukha.

Tango lamang ang isinagot ko dahil wala naman akong nararamdamang kakaiba sa aking katawan.

Diretso lamang akong nakatingin at nagtama ang mata namin ni Kyle na kaharap si Laxxus.

Seryuso ang mga mata niya habang nakatingin sa akin na parang pinag-aaralan niya ako.

He look at me with a confused eyes.

"Gladly!" Narinig ko ang masayang boses ni Luhan, "You're not poisoned!"

Nanlaki ang mata ko sa narinig mula kay Luhan, mabilis kung pinutol ang tingin ko kay Kyle at ibinaling iyon kay Luhan.

"P...Poi-soned?" Annie confusedly ask.

Binigyan ko ng nagtatanong na tingin si Luhan, "Anong poi-soned?" Tanong ko rito.

Tiningnan ako ng seryuso ni Luhan bago nagsalita, "Sa tingin mo ba makakatayo ng tuwid ang naunang dalawang highest ranker na iyon ng hindi nagagalusan maski isa? Sa tingin mo, pano nila na panatili ang walang galos na sahig? Kung walang mga lason na ginamit dapat maraming mga dugo ang nagkalat sa sahig" Seryuso at mahabang lintaya nito.

"Kaya pala walang nananalo" Mahinang sambit ko at binuntotan pa iyon ng mahinang tawa.

"Sa tingin mo, bakit natumba nalang bigla ang lalaking binatuhan mo ng maliit na kutsilyo na pagmamay-ari ni Kyle?" Nanghahamong tanong nito na may ngisi sa labi.

"Dahil sa lason"

"WHAT THE HE-LL?" Mahinang sambit ng isang lalaki na kasama ni Kyle kanina sa platform, base sa narinig ko ay Eros ang pangalan niya. Tumayo ito mula sa pagkakahiga at napahawak pa sa kanyang ulo.

Ang atensiyon ni Kyle at Laxxus ay napunta sa kay Eros.

Kaya pala bigla bigla nalang itong natumba kanina dahil sa ibinato kung dagger na pagmamay-ari ng Kyle na iyon.

Napailing na lamang ako at nagsimula na akong bumaba sa platform.

Lahat ng mata ay nakatingin sa akin ng makababa ako sa platform, ilang hakbang palang ang ginawa ko sa ibaba ng platform ay biglang tumabi ang mga ito sa magkabilang gilid at binigyan ako ng isang maluwag na daanan sa gitna.

"Narinig niyo diba yung sinabi ni King Laxxus?"

"Oo! Sabi nito na tinatanggap niya raw siya bilang Supreme Princess"

"Oh My Gosh!"

"Faith! Saan ka pupunta?" Nahinto ako sa paglalakad ng may humablot sa aking braso.

Binalingan ko ang may-ari ng kamay ang siyang humablot sa akin at kinunotan ko ito ng noo.

Tiyak akong isa siya sa mga rankers.

"Come to us, the Dean have something to tell about your position" Sambit nito.

"No, I need to examine her first, if ever there is a single drop of poison in her body" Mariin namang usal ni Luhan na nasa likuran ng babaeng humablot sa akin.

"It's okay Farah, mahaba pa ang oras" Nabaling ako sa gilid ng marinig ang boses ng Dean na papalapit sa aming pwesto at nakangiti sa akin.

"Before sunset, i'll send Laxxus to fetch you to attend the meeting along with the ranker" Nakangiting usal pa nito.

Tumango lamang ako bilang tugon rito.

"Please excuse us, Mr. Donovan" Magalang namang sambit ni Annie na tumabi sa gilid ko.

Yumuko ng kaunti ang dalawa bago ako marahang iginaya papalabas sa North Field.

Tahimik lamang akong nakasunod sa kanilang dalawa.

"Hindi lamang ito bago sa atin, Luhan" Tiningnan ko si Annie ng mag umpisa itong magsalita, "It seems like, History repeat it self" Nakangiti pang dagdag nito.

"Yeah" Nakangiting sang-ayon rin ni Luhan.

Nagsalubong ang kilay ko sa pinagsasabi ng dalawang ito, "History repeat it self? What do you mean by that?" I questioned.

Humarap naman sa akin si Annie at naglakad ng patalikod pero mabagal lamang.

"Parang may pagkakatulad ang nangyari ngayon sa nangyari noon, nung mga panahong naging supreme ranker rin ang kapatid mo, Si Lady Miora" Mahina lamang ang pagsambit niya sa pangalan ng aking kapatid.

"Katulad mo ay matapang rin ang dugo niya at kahit anong gamot pangpatulog o lason na pipitsugin ay hindi siya tinatablan, maliban na lamang sa mga hindi pangkaraniwang mga lason" Sambit nito.

"Ang lason kanina, sa tingin niyo anong klaseng lason ang nakadikit sa maliliit na kutsilyo ni Kyle?" Taka kung tanong na sinagot naman kaagad ni Luhan.

"Isa lamang iyong pipitsuging lason na kung madikitan ang kung sino man maski katiting ay tatablan siya ng lason na iyon pero sa iyong posisyon ay iba ka, ang lason ay parang nawawala ng kusa at hindi umeepekto katulad ng sa supreme princess" Mahabang usal nito.

"Pero, kailangan ko pa ring pag-aralan ang mga sugat baka mayroon ka maski katiting at mabigyan kita ng paunang lunas at pangpawala ng marka ng mga sugat" Aniya at binalingan ako ng may ngiti sa labi.

Kyle Jio Suarez's POV

"BAKIT ANG SAKIT NG BINTI KO!" Napasalubong ako ng kilay ng marinig nanaman ang nakakairitang boses ni Eros na ngayon ay may tatlong nurse na nag-lilinis sa kanyang sugat.

"Anong nangyari?!" Biglang tanong nito at ang una niya binigyan ng tingin ay ako.

"Nahimatay ka at na-" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ng sumigaw nanaman ito.

"Bakit ako nahimatay?! Anong ginawa niyo sa akin?! Bakit ang hapdi na ng aking hita!-- AHH! Ano ba!"

Nanlaki ang mata ng iba ng makitang may lumipad na walang lamang na lata ng isang soft drink sa ulo ng sumisigaw na si Eros.

"Shut up! Bakit ba panay ang hiyaw mo? Hindi kami bingi!" Balik sigaw ng isang ranker rito at pinagkuyoman pa ng kamao si Eros.

Napahawak si Eros sa kanyang ulo na natamaan ng walang laman na soft drink can.

Kumalma ang magkasalubong na kilay ng ranker at bumuntong hininga.

"Nahimatay ka tapos natalo si Kyl-" I cutted him.

"Hoy! Hindi ako natalo!" Depensa ko kaagad rito. He give me a 'really' kind of look. I give him a death glare.

"Hep Hep, ano ba kayo, si King Laxxus ang nanalo sa inyo no" Sabat pa ng isa.

Kaagad ko siyang binigyan ng masamang tingin na ikinatikom ng bibig nito.

"Suarez"

Kaagad akong napabaling sa kay Laxxus dahil sa pagbanggit niya ng pangalan ko.

Lahat ay napatingin rin sa kanya.

"Did you use a poison?" Napalunok ako ng marinig ang boses nito.

Nag-aalangan akong sagutin siya, "Y...Yes, I use a poison" Diretsang sagot ko.

"What?! You did it again?" Nagulat na sambit naman ni Farah.

"Hindi na nakakagukat iyan, wala namang rules na bawal gumamit ng pipitsuging lason" Kumpyansadong sabi ko at naupo.

"Bakit ba hindi na ako nagulat" Iiling iling na sambit ng iilan.

Hindi ko sila pinansin at napaisip, i'm pretty sure that my katana have a faint drop of poison.

Pero bakit hindi man lang siya tinablan? Nasugatan siya sa pisnge at tama na iyon para matalo siya pero ni kumislot nga ay hindi niya nagawa patuloy lamang ito sa pagtira at hindi alintana ang sugat sa kanyang pisnge.

Iisang tao lamang ang kilala kung may malakas na dugo na kayang labanan ang mga lason na pipitsugin kagaya ng kanina.

Napatawa ako ng mahina, it seems like she is different from the other ranker but she is the same to that girl.

In the first day of school, her technique, the way she act towards us, it all resembles to one and only girl.

Kirsten Faith Seville, tell me...

Are you her reincarnation?

Faith(SERENITY)

"Mabuti na lamang at walang katiting na lason ang tumalab at naiwan man lang sa balat mo" Nakahingang sambit ni Luhan matapos niyang tingnan ang mga sugat sa aking pisnge at braso.

Nilagyan niya na rin ng mga elastic bandage ang aking mga sugat kahit na para sa akin ay galos lamang ito.

Malaya kung nagagalaw ang aking nga braso at parang walang mga sugat iyon, dahil na rin siguro sa inilagay na gamot ni Luhan roon na sa unang dampi pa lamang ng gamot na iyon ay napakahapdi.

Basta ang sabi niya ay ipagpatuloy ko lamang ang paglagay ng gamot na iyon s asking sugat para sa darating na Reunion ay mawala ng tuloyan ang piklat.

"Mukang ayos lang sa iyong professor na wag ka munang pumasok" Nakangiting sambit naman ng kakapasok palang na si Annie.

"Wala na po bang masakit sa inyo, Young Highness?" Saad naman nito sa may pag-aalalang boses.

Lumapit siya sa may tabi ko at hinawakan ang aking kamay.

"Utusan niyo lang po ako at babangasan ko ang dalawang iyon" Diretsong sambit naman niya at alam ko kung sino ang kanyang tinutukoy.

Si Laxxus at Kyle.

"Baliw talaga ang isang lalaking iyon, naglakas loob talaga at hinapit ka pa sa bewang tapos parang hahalikan ka nun, kung nagkataon talaga na hinalikan ka ng lalaking iyon ay baka may lumilipad na sandata ang babaon sa pisnge nito" Nanggigigil na sambit ni Annie na ikinailing ko.

Ngayon naman ay si Laxxus na lang.

Natawa na lamang ako ng mahina sa kanya.

"Anong oras na ba?" Takang tanong ko at umalis sa pagkakaupo para mag-inat inat.

Okay lang naman ang suot ko dahil simpleng damit lamang ito ngunit presentable at natatakpan ang mga may bandage at isa pa maluwag ang kanyang manggas. Mabuti na lamang at mabilis na nakabalik si Annie at dinalhan ako ng damit.

Ito ang susuotin ko mamaya sa meeting ng mga ranker total ay myembro na rin naman ako.

"Total ilang oras ka ng nakatambay rito sa infirmary ay masasabi kung ilang minuto nalamang ay magsa-sunset na" Sambit naman ni Luhan.

"Wag kang mag-alala, Young Highness. Masyado pang maaga-" Napahinto siya sa pagsasalita at lahat kami ay napabaling sa may pintuan ng may kumatok roon.

Bumuntong hininga si Annie at umalis sa pagkakaupo para pagbuksan ang taong kumakatok.

Hindi nakawala sa aking paningin ang pagsama ng timpla ng mukha ni Annie matapos makita ang taong kumatok.

"I'm here to fetch her, we, rankers have a meeting-" Huminto panandalian si Laxxus sa pagsasalita at umangat ang labi niya at tumingin sa akin mula sa paa hanggang sa ulo.

"Aba! Anong tinitingin tingin mo sa aming, Young Highness!" Walang preno prenong reklamo naman ni Annie.

Napailing ako bago hinarap si Luhan.

"Ikaw na bahala kay Annie" Saad ko kay Luhan na ikinatango lamang nito na may ngiti sa labi.

"Please be careful, Young Highness" Magalang na sambit nito na ikinatango ko naman.

Tumalikod na ako at naglakad papalabas at hinarap si Laxxus na ngayon ay may ngisi sa labi.

Anong trip nito?

"Wag mong hahawakan ang Young Highness namin baka mabalatan kita ng buhay... Ano ba Luhan bitawan mo ako! Sinong idiot ang tinatawag mo ha!" Matapos umangal ni Annie ay sumara ng malakas ang pintuan ng infirmary.

Naglakad na ako at inunahan ko na si Laxxus.

Napahinto ako sa paglalakad ng marinig itong nagsisipol sipol. Binalingan ko siya ng masamang tingin.

"That dress suit you best" Nakangising sambit nito.

"Thank you" Saad ko naman at naglakad ulit.

"You look hot in your dress" Walang prenong sambit nito. Kusa akong napahinto at mabilis na huminga dahil parang inaagawan ako ng hininga mula sa sinabi nito.

Ramdam ko rin na huminto siya sa paglakakad, pumikit ako ng mariin.

"T...Thank you" Saad ko at umakto ng ayos para hindi ito makahalata.

Ayaw ko pa naman sa lahat ang mga sinsabi nito.

"Thank you? You like my compliments?" Mula sa sinabi niya ay napatawa siya.

Kumuyom ang kamao ko at pumikit ulit ako ng mariin, "Are trying to pissed me off?" I questioned using my accusing tone.

"I'm not, i'm complimenting you" Saad nito.

"Then serve it, I don't like your compliment. It's sound nasty" Nandidiring sambit ko rito at pinagpatuloy ang paglalakad.

"Really? It sound nasty? But, girls beg me to compliment them" Parang inosenteng balik saad naman nito.

"Pwes ibahin mo ako" Mariing usal ko rito.

"I don't really hate it when someone is complimenting me, but in your condition your compliments are quite nasty" Walang ka preno-prenong sambit ko sa kanya.

"Ano nga ba ang pinapahiwatig mo, Laxxus? Beside, it's to early ang sabi ay after sunset, ni hindi pa nga tuloyang lumulubog ang araw ay sinundo mo na ako" Dagdag ko pa at huminto pagkatapos ay hinarap ko siya.

Nasa hallway kami papalabas at walang katao tao rito tanging huni ng mga ibon lamang ang naririnig ko.

"You don't have to hide it, tell me, you have something to tell me?" Balik saad ko pa.

Nakita kung napayuko ito at tinakpan ng kanyang isang kamay ang kanyang mukha bago napatawa.

"It seems like you're not really that bad in the position of a Supreme Ranker" Natatawang sambit nito at nag-angat ng ulo pero nakatabon pa rin ang kanyang kamay sa kanyang mukha.

Nakasilip naman ang mata nito sa akin, "Tell me and don't lie" Panimula nito, nanatili akong tahimik at hinintay ang susunod nitong sasabihin.

"Are you her reincarnation?"

NAGULAT naman ako sa sinabi niya.

"W-What?" Hindi ko mapigilang mautal dahil sa sinabi niya kalaunan ay mahina akong natawa.

Napayuko ako at mahinang natawa, tinakpan ko pa ang aking bibig.

"What makes you think that-"

Naputol ang sasabihin ko dahil sa gulat ng maramdaman kung kinapitan niya ang magkabilaan na balikat ko at walang pasabi sabing isinandal ako sa pader.

Napaigik ako dahil nasaktan ako sa pagtama ng aking likod sa pader.

Inangatan ko siya ng masamang tingin.

"What do you think are you doing?!" Pagalit na ani ko rito.

"I will ask you once again. Are you her reincarnation? Are you Her?" Napipilan ako ng marinig ang umaasang tinig nito.

Kaagad naman akong nakaramdam ng kakaibang lungkot na bumalot sa aking dibdib ng marinig ang kanyang boses, it was full of hopes.

"Your hair and the color of your eyes may be different from her, but somehow I can feel that you are her" Here again, his voice that full of hope.

"It explain the skills, your movement, the way you hold the katana. It all resemble to her" He added using the same tone.

Nawala ang ngisi sa aking labi, tila natahimik ako.

"You really love her? You mistaken me to someone else, you think I am her reincarnation" Mahinang sambit ko, napangiwi ako ng palihim ng maramdamang mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa aking balikat.

"B-But.." His voice full of hope suddenly broke down.

Nakita kung napayuko siya at naririnig ko rin ang mahihigpit niyang paghinga. Naramdaman kung unti unting lumuluwag ang pagkapit niya sa aking balikat kaya marahan ko iyong inalis.

Humakbang ako papalapit siya kanya at tinapik ko ang kanyang balikat saka nagsalita.

"You can't just said that, it doesn't mean I have a similarity to the Supreme Princess I am already her-" Nahinto ako sa pagsasalita ng marinig na tumawa siya ng mahina at pag-angat niya ng tingin ay nakita kung tumatawa ito at ang mukha na parang na satisfied.

Naramdaman ko ang pagkapit niya sa aking braso at pinaikot ako sabay corner sa aking leeg.

Ang isa niyang kamay ay may hawak na dagger at nakatutok iyon sa kanang mata ko.

"You want me to tell you that? Aren't you? There is no such word reincarnation!" Natatawang saad pa niya.

Ang kaninang lungkot na nararamdaman ko ay kaagad na napawi na parang bula.

"W-What?" Kaagad na saad ko ng makitang naka corner na ako sa kanya.

"Cat got your tongue, Miss. Why? What makes you think that I will believe in things such reincarnation? It's a fiction that made by people's imagination" Saad nito sa akin.

Lumakas ang tibok ng puso ko at nanlaki ang mata ko dahil sa narinig mula sa kanya.

"I haven't even mention the word Supreme Princess" Saad niya pa na sa isang natatawang boses.

Hindi ako kumibo, isang maling galaw tiyak na mabubulag ako, sobrang lapit pa naman ng dulong talim ng maliit na kutsilyo sa aking mata.

"Ano bang ginagawa mo? Bakit nang-aatake ka nalang agad?!" Pagalit na saad ko sa kanya.

Narinig ko naman ang tawa niya sa likuran ko at bumulong siya, "Tell me, are you an spy from the Fox Academy?" Now his voice is threatening.

"What are you talking about? I'm not a spy! Fox Academy? He-ll, Ni hindi ko pa nga yan napapasok eh!" Pasigaw pang sambit ko sa kanya.

"Earlier in North Field, Kyle use a not so dan-gerous poi-son and applied it in any wea-pon he ever had. I wonder, Kyle give you a wound yet in your condition earlier and now, it seems like you're not poisoned" Saad nito.

"It was the same to her, right?" Kalmadong tanong ko rito.

He chuckled, "Not only to her but also to those Fox Academy's Rankers. Umain ka na lang habang maaga-"

"At bakit mo naman nasabi na isa ako sa kanila!" Putol ko sa sinasabi nito.

Nagsalubong ang kilay ko at gamit ang kanang kamay ay kinapitan ko ang braso niya para hindi niya magalaw ang patalim.

Nagpumilit akong makawala mula sa kanya na ikinatagumpay ko naman. Humakbang ako papaatras para bigyan ng distansya ang pagitan namin.

Sinamaan ko siya ng tingin, "Kaya ba sinundo mo na ako ng maaga dahil dito?" Nakangising tanong ko rito, "You're accusing me without any proof, Laxxus" Ngising dagdag ko pa.

Hindi siya nagpatalo, naging mapaglaro ang emosyon ng kaniyang pagmumukha.

Pinaglaruan niya ang maliit na kutsilyo sa kamay at walang pasabi sabing ibinato iyon sa aking gawi na mabilis at walang kahirap hirap kung naiwasan ng hindi nasusugatan pero naputulan lamang ng ilang hibla ng aking buhok, tulad sa ginawa niya kanina pinutulan nanaman niya ang buhok ko.

Mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin, "What makes you think that I am a spy from the Fox Academy?"

"Miora, Wala na siyang ibang kadugo maliban sa kanyang nag-iisang Ina. Ano ang gusto mong ipalabas?" Hamong tanong nito.

"May sinabi ba akong may iba pa siyang kadugo?" Kalmadong tanong ko sa kanya.

He showed me his flippant smirk.

"You can't be her sister too, she have a different features at magkalayo kayong dalawa sa physical appearance" Saad nito sa akin at nagsimulang maglakad sa aking pwesto.

Inihanda ko ang sarili sa magiging atake nanaman nito pero nilagpasan lamang niya ako, "Remember this Faith, I will put my eyes on you. I won't let any trai-tor to be part of rankers beside, i'm not even sure that you're a trai-tor, prove it to me with no ha-rms. This is for the sake of Rankers, I don't want to witness dea-th again" Seryusong usal niya bago naglakad papalabas.

Sake for rankers, to not witness dea-th again.