WARNING ⚠️18⚠️⛔️
maria joy's POV
Inay, Itay, luto na po ang lugaw kakain na tayo?"
Malakas kong sigaw mula dito sa tumbang puno hanggang sa bukid.
"Oo, anak, andyan na kami ni Mamang mo"
Ngumiti ako dahil nadinig nila ang sigaw ko.
Masakit na ang sikat ng araw sa balat kaya kinuha ko na ang baterya ng radyo at binilad ito sa araw.
Medyo luma na kasi ang baterya kaya mahina na ang tunog nito.
"Anak, Kakain na ba tayo?"
Saad ni Inay, andito na pala sila.
"Opo, Inay. Maupo na po kayo at magsasandok na ako sa mangkok.
Ito itay nilagyan ko ng kamote ang lugaw alam kong paborito n'yo po ito" hagikhik kong turan.
"Aba'y Oo naman anak, lahat ng hinahain mo saamin ni Inay mo ay paborito namin. Hala, kumain na tayo 'di na ito masarap kung malamig na.
Ay teka anak, pagtimpla mo nga si tatay ng kape, at paabot na rin ng asin"
"Sige po, timpla ko kayu ni Inay"
Kumuha ako ng dalawang tasa at nilagyan na ng asukal at nilagyan ng kape.
Wala nang laman ang nescafe kaya kinuha ko ang takuri nakasalang pa at mainit na ito kaya binuhusan ko ng tubig mainit ang nescafe at inalog-alog ko ito saka ko inilagay sa tasa.
"Itay wala na pong kape ubos na. Ito na po ang huli" saad ko. "Ganoon ba anak, sige mamaya pagnatapos kaming mag-ani ng mga gulay ay bababa kami ng bundok para makabili tayo ng kailangan natin sa baryo, ilista mo anak para hindi namin makalimutan ni Inay mo."
"Sige po."
Pagkatapos namin kumain ay bumalik na sina itay para mag-ani ng mga pananim namin.
Nagbabalat ako ng langka at pagkatapos ay hinihimay ko na ito, dahil mag-gugulay ako para sa pananghalian namin.
Kinuha ko muna ang baterya mula sa pagkakabilad ko nito sa araw at pinasak na sa radyo.
Tamang-tama dahil kakasimula palang ng inaabangan kong drama sa DZRH. Habang nakikinig ako sa radyo ay nagkayod na ako ng niyog at isasalang ko na ito.
Kinikilig ako at tumatawang mag-isa habang kasama ang radyo dito sa papag at nakatanaw ako sa malalaking bundok sa malayo.
Ganito ang buhay ko simula ng magkaisip ako. Kahit minsan ay hindi pa ako nakakita ng ibang tao, kundi ang mga magulang ko lang.
Sa edad kong 19, ay hindi pa ako nagkakaroon ng Crush katulad ng naririnig ko sa drama sa radyo.
Minsan nang may napadpad na ibang tao dito sa bundok no'ng katorse anyos ako pero itinago ako ni Inay at hindi pinalabas.
Marunong akong magsulat, magbilang, magbasa at umintindi ng lenggwaheng english dahil ang titser ko ay walang iba kundi ang Nanay ko.
Gustong gusto kong bumaba ng baryo dahil 'di ko pa ito nasisilayan sa tanang buhay ko. Nahihiwagaan ako sa hitsura ng ibang tao.
Pero madalas na sinasabi ni Mamang hindi pa daw ito ang oras para ako bumaba.
Darating ang araw na bababa ako pag handa na ako at kinakailangan na ng panahon.
Noong tumuntong ako ng dese-otso ay pinagtapat nila saakin ang totoong dahilan kung bakit masyado nila ako pinoprotektahan mula sa mga tao.
Hindi ako tunay na anak ni Itay,
Anak ako ni Inay sa ibang lalaki,
no'ng dalaga pa ang Inay ko ay nagpasweldo daw ito sa ibang bansa sa Spain. Doon nagkagusto ang Inay ko sa amo nito, at nabuntis.
Gusto daw ako ipalaglag ng totoo kong tatay no'ng araw na iyon, pero ayaw ni Inay ko kaya umuwi nalang siya ng pilipinas at dito niya nakilala ang itay ko.
Pinili nilang sa bundok manirahan. Malayo sa tao, malayo sa gulo.
Ngayon naintindihan ko na kung bakit iba ang kulay ko sa kulay nila.
Maputi ako, matangkad, at matangos ang ilong at natural ang tuwid kong buhok.
Kahit pinagtapat nila sa akin ang totoo kong pagkatao ay wala pa rin nagbago sa pakikitungo ko sa kinikilala kong amain. Bagkus ay mas lalo pa ko pa itong minahal
°°°°
Sumama ako kay Itay namingwit sa ilog at pagkatapos namin makahuli ng isda ay diretso na ako naligo.
Pinagsawa ko ang sarili sa paglangoy at pagtampisaw sa tubig saka na kami umuwi ng kubo.
Naabutan namin si Inay na gumagawa ng walis tingting gawa sa dahon ng niyog habang nagpapatugtug ito ng
Magsayaw ta day.
Tumawa ako ng kinabit ni itay si inay at nag cha-cha ang dalawa sa harap ko.
Simula nang magkaisip ako kahit minsan hindi ko sila nakikitang nag-away o nagtampuhan.
Kahit kaming tatlo lang dito sa maliit na kubo ay masaya kami at kontento. Pumasok na ako sa banyo naming gawa sa pawid at nagbihis.
Niluto ko ang isdang huli namin, pinaksiw ko lang ito at ng maluto na ay sinabit ko muna sa lutuan at gumawa naman ako ng kapeng aros gawa sa bigas at nagsalang din ako ng kamoteng kahoy at ng maluto na ay nilagay ko sa plato at nilagyan ko din ng bagoong para sa saw-sawan.
Hawak-hawak ko ang plato at pitsel na may lamang kape palabas ng kubo, huminto muna ako sa gilid habang pinagmamasdan sina inay at itay na masayang masaya.
Si itay nagigitara habang si inay naman ang kumakanta. Mitulo na, Mitulo na.
Ang luha ning mga mata.
Pagkapait, pagkapait, ang kamingaw pag kasakit. Nagadugo, nagadugo.
Ang dughan ko sa kasubo, kaya nawala.
Ang gugma ko ug himaya.
Mag-unsa na.. Mag-unsa na,
Ning kinabuhing wala ka.
Pangga intawon pasaylu-a
balik intawon hain kana.
Pangga, pangga. Kaloy-anay
Balik ning mga bukton ko.
Gi-handom ka, gi-handom ka, gi-hidlaw na intawon ako. Sana ganito na lang kami habang buhay.
Sana hindi na matapos itong kasiyahan namin ngayon .
"Anak, andyan ka pala. Halika ka dito anak."
Tawag sa akin ni itay kaya lumapit na ako at nilagay sa lamesa ang mga dala ko at nagsimula kaming kumain.
Kinaumagahan ay tinawag ako ni itay at may kinuha ito sa baul nakatali pa sa punda ng unan..
"Anak, ito na ang tamang oras para sabihin ko saiyo ang mga ito."
Naguguluhan man ay hinayaan ko si itay na magsalita at isa-isang kinukuha ang laman ng baul..
At isa-isa nitong pinapaliwanag saakin.
"Anak, ngayon naman ay tuturuan kita ng mga Ethics at ang pagpapahalaga sa sarili lalo na't babae ka."
"Pasing, bukas na 'yan. Matulog na tayo, bukas maaga pa tayo ng mga gulay sa baryo."
"Ay hala! Ito naman si adam, tinuturuan ko pa nga itong anak natin eh."
"Okay lang po 'yon itay, bukas na lang. May bukas pa naman eh, magpahinga na po kayo."
"Ay ano pa nga ba, halika anak gusto kitang yakapin. Anak, alagaan mo ang sarili mo huh,?
Darating ang oras na tatayo ka sa sarili mong mga paa. Basta anak mahal na mahal ka namin ng itay mo."
Napakonot noo ako dahil parang namaalam itong si inay, Bakit ganito ito magsalita, Ang weird lang.
Hinayaan ko nalang ang mga bumabagabang ng katungan saakin isipan at pinikit na
rin ang mga mata ko.