Long hair
Yeshua's POV
Nakatingin ang tingin ko kay Warren habang ito naman ay nakatingala saakin habang nakataas ang dalawa niyang kamay para maabot yung tankay ng puno. Pero kahit na anong pilit nito abutin ay hindi niya magawa. Naiinis niya ako na tinignan habang nakanguso at ako naman ay Pang asar siyang tinignan.
Kawawang bata. Ang Liit kasi kaya hindi niya maabot.
"Ate Yeshua!" tawag niya saakin. Halos magkadugtong na ang kilay nito.
"Bala ka jaan. Umakyan ka mag isa." pang-asar ko sa kanya with make face efect pa. Feel ko naman efective dahil pinapadyak niya yung paa niya dahilan para tumalbog talbog ang kanyang mala pansit kanton na buhok.
His hair looks like a bouncing ball.
"Pre, sama ka samin sugurin natin yung bida bida kanina, sabay tayo"
"Oo na Gago ka!" naiiling na sabi ng isang istudyante havang nakaakbay ito sa isa pa nitong kaklase .
Napatingin ako sa mga istudyante ng Luntian high na nakangiti at nakikipag usap sa kapwa nila istudyante minsan naman ay nag kukulitan habang palabas ng gate. Nakangiti pa sila habang papalabas ng gate, Pero siyempre hindi rin maiiwasan ang away, may nakikita pa nga ako na nag babatukan o kaya minsan nag susuntukan.
Kala mo naman malalaki katawan well. Ganun naman talaga ang buhay.
Halos mag i-isang bwan na rin simula noong mag simula ang araw ng pasukan kaya karamihan sa kanila ay close na.
Naol close, Naol buhay. Hangang sana all nalang ba ako?
Me, and Warren, Us, as a almost 3 or what years cuz i duno na multo sa Luntian High, ay masasabi ko ay minsan boring pero madalas exciting Lalo na ang daming guwapo mwhehe Charot lang. Pero masaya naman minsan. Imagine dalawang multong ligaw ay walang magawa kung hindi mag gala o manakot ng mga istudyante.
Ang saya naman talaga!
"Ate Yeshua! Tulungan mo naman ako hindi ko abot. Gusto ko umakyat jaan." nakasimangot parin ito sakin at nakapamaywang. "Kahit kahit umakyat ka dito di mo yan hindi ka makaka upo, tatagos ka lang jaan. Remember multo tayo?" naiiling na sambit ko.
Pak! Tagos sa bones.
"Ate Yeshua, are you tanga ba? remember multo ka rin" taas kikay niya na sabi.
Ouch! tagos sa soul.
"Sabi ko nga, eto na nga baba na ako Pasaway ka talaga!" pagkababa ko sa puno lumapit siya sakin sabay hampas. With matching pinky finger up.
"Bad mo talaga ate,"
Sabi ko na barbie eh.
"Pake ko, kwento mo kay Lord."
Hindi na siya nag salita kaya nanahimik na rin ako. Pinanood lang namin yung mga istudyante na lumabas ng gate para magsi-uwian habang nakangiti. Mga ilang minuto rin bago lumabas ang lahat kaya napag disisyon namin ni Warren na mag lakad-lakad muna.
Kungwari buhay ang peg, Bakit ba? You only live once nga diba, eh kami? Soul nalang natira. Nakakasad talag feeling ko may mga bagay ako na hindi ko pa nagagawa nung buhay pa ako.
Kaya hangang buhay ka pa gawin mo na yung mga bagay na ikakasaya mo. Kask once na namatay ka wala na finish na. Hindi mo na magagawa yung mga gusto mo at yung mga bagay na dapat mong gawin.
"Ate Yeshua, sa tingin mo... Matatahimik pa rin ba yung kaluluwa natin?" napatingin ako kay warren sa biglaan niyang pag tanong.
"Ibig kong sabihin, ilang beses na tayo nag paparamdam sa mga istudyante. Ilang beses na natin sinusubukan na humingi ng tulong mula sa kanila pero walang pumapansin saatin" tanong sakin ni Warren kaya napaisip ako.
"Hindi ko alam— pero for sure naman meron, malay mo mamaya, bukas, ngayon, meron yan! tiwala lang kay lord. Pero for sure hindi ka sa langit dederetso baka sa baba' pa!" Natatawa kong sabi ko tsaka ginulo ang kulot niyang buhok na siyang dahilan para mapasimangot siya.
"Nuba ate my curly hair!" pag mamaktol niya.
"Arte mo pansit kanton ka!"
Napaka arte.
Tumawa nalang siya kasi totoo naman kasi Pansit kanton naman daw siya.
Nag lakad lakad lang kami hangang sa mapadpad kami sa harap ng main building ng Luntian High. Dito kasi kami tumatambay tuwing mag gagabi na. Pero minsan sa school Soccer field or minsan pagala gala lang rin. Basta kung saan kami mapadpad.
Kumunot ang nuo ko ng makarinig ako ng kung ano sa gilid ng building.
Bakit ang ingay banda duon.
"Warren narinig mo ba yun?" tanong ko sa kanya kaya kumunot ang nuo niya at maya maya ay tumango siya sakin. "Oo ate doon banda sa pinaka gilid ng main building, teka— Parang may nag aaway!"
"Tara nga" yaya ko sa kanya tsaka kami pumuntang gilid ng building kung saan nandoon ang tatlong lalaki na may tali na kulay brown sa ulo. Mukang gangsta ang peg nila, at meron pang isa silang kasama pero nakahiga sa lapag habang nag hahabol ng hininga.
"Ate kawawa yung lalaki" sabi niya.
"Yan! Bida-bida ka kasi masyado kang bida-bida kung di ka nalang kasi sana nagsalita" sabi ni guy number 1 na tsaka sinipa ang lalaki na nakahiga aa lapag.
Marahan kong tinignan kung anong itsura noong lalaki and men! Like oh may! Ang gwapo kahit nabugbog na ang totoy!
Mahaba ang kanyang buhok na hangang balikat pero nakatali, na medjo nagulo na dahil nga sa nbugbug siya. Magandang muka lalo na yung labi and take note ang puti ni boy kahit na may mga dirty germs sa skin niya.
Pak! naol blessed ni Lord. May favoritism talaga.
"Tangina niyo tigilan niyo na nga ako!" sigaw ng lalaking mahaba ang buhok at pilit na tumatayo pero bumabagsak parin.
"Manahimik ka!" sabi ni guy number 2 tsaka naglabas ng kahoy.
Nanlaki ang mata ko ng malaman ko ang balak nila. Balak nila hampasin si Long hair gamit ang kahoy na yun! Wag sayang mababawasan yung mga gwapo duto sa earth.
"Ate Yeshua!" tawag sakin ni Warren ng babatuhin na nila si long hair ng kahoy.
Natataranta akong nag hanap ng kung anong pwede gawin para mapatigil ng mga toh. Pero mhukang hindi ko na kaylangan, dahil may nauna na.
Biglang may narinig na isang tunog ng nabasag na bote ang narinig namin kaya napatahimik at napatigil ang tatlong bad guys. Nagkatinginan sila sa isat isa na nanlalaki ang mata.
"Pre may tao ata" sabi ng isa habang tumitingin sa paligid.
"Gago alis na nga tayo!"
"Tara na!" sigaw nila sabay alis. Tumagos pa nga sila samin ni Warren noong tumakbo sila. Ok.
Di naman masakit eh huhu.
Makatagos kala mo naman may invisible wall eh noh? That reality hurts nga naman talaga.
"Ate.. Yung lalaki." turo niya kay long hair kaya tumingin ako sakanya. Nakangiti siyang tipid saamin at nakatingin saamin habang bugbog ang mhuka niya his lips with blood and his hair messy. Kahit ganoon ang itsura niya ang gwapo.
Pero ang ngiti niya ay biglang nawala at napalitan ng pagtataka, at kahit ako ay nag taka.
Parehas nanlaki ang mata namin ni Warren na nakatingin sa kanya. Bigla ko nalang naramdaman na parang bumilis ang tibok ng puso ko, may puso ba ako?
Nakikita niya ba kami? Or guni-guni lang namin yun.
Pilit niyang tumayo but he pass out.
Boom! Bagsak! 2joints!
-
Someone's POV
"Class?" tanong ni Sir na kakarating lang. Sir Amin na adviser namin habang nakatingin saamin. Walang sumagot sa kanya kaya napa buntong hininga siya at tumingin sa pintuan kung saan ang mga student officers ng school.
"Ok... listen Mag uusap muna tayo ng matino class. Seryoso muna tayo dito. Kahapon pa sana to pero ngayon ko lang ipapaalam sa inyo" sabi niya sabay ubo. Lahat naman sila ay napaayos ng upo maliban sakin na ganon pa rin ang pwesto na naka-cross legs at pinapaikot ang Ballpen sa daliri. Mhukang napaka seryoso ngayon ni Sir.
"Class, noong nakaraang linggo may nag report sa student council na may isang istudyante daw ang nakakita ng ipinagbabawal na gamot sa isang bag ng taga ibang section." sabi ni Sir tsaka tumingin sakin na sinuklian ko lang ng ngisi.
"Ehem!" Pag-paparinig ko. Kita ko naman na napatingin sakin ang tatlong gago na nasaharapan ko.
Tinignan ko lang sila 'What look' dahilan para bigyan nila akong ng nakaka matay na talim. Ang isa sa kanila ay binigyan ako ng sinumpang daliri at palihim na itinaas iyon paharap sakin.
Oh may! Mamamatay na ba dapat ako sa tingin na yan? Or mag co-collapse? Grabe nakakamatay.
"Anong sinasabi mo?" tanong sakin ni Star na isa sa mga kaklase ko na malapit lang dito sa upuan ko. Umiling nalang ang sagot ko sa kanya.
"Laken." suway sakin ni Sir kaya nanahimik nalang ako.
"So dahil doon sa nagyari ay lahat ng mga student School officers ay titignan ang lahat ng gamit niyo. Every section ay i-iinspect. So labas na muna ang lahat at iwan ang mga gamit. Pumila kayo para makap-kapan na kayo! Labas na roon" suway ni sir Amin ng pumila kami palabas ng classroom. Nag maktol pa ang iba pa naming kaklase bago lumabas ng classroom.
Kinap-kapan ang bawat isa sa amin habang isa-isa kaming lumabas ng Classroom, yung iba nakasimangot at yung iba nag mamaktol parin kasi daw vakit daw sila na damay. Para kaming nasa mall na kinakapa ng mga security papasok sa mall.
"Pre!" tawag sakin ni Sakaya kaya nilingon ko siya. Ang kanyang kulay abo na buhok ay magulo at ang muka niya ay mukang pinagbagsakan ng langit at lupa.
"Bakit?" tanong ko.
"Loko ka talaga! aabangan ka ng mga yun sa gate" sabi niya with a 'disappointment look'. Inirapan ko lang siya na kinagulat niya.
"Baliw ka talaga. Nahawa ka kay Jollibee. Bida bida ka talaga."
"Baliw ka rin wag kang mag alala" bulong ko sa kanya. Tumawa lang ang siya. Tsk! Loko loko talaga.
Matapos ang pag kakapa nila at ang pag suspect nila sa mga gamit namin ay meron daw nakita na isang tableta na kakaiba galing doon sa tatlo kaya ipapatawag yung magulang nila. I smirk.
Buti nga sa kanila.
Matapos ang ilang subject ay ayun uwian na. Kaso naalala ko may pa shift ako tsk!
Papunta na ako doon sa gate ng biglang may humila sakin at dinala ako sa gilid ng main building. Tinakpan niya ang bibig ko pero agad kong siniko kung sino man yun dahilan para mapabagsak siya sa sahig.
Pagtingin ko duon ay agad akong napataas ng isa kong kilay. "Wax?"
"Gago! Max ang pangalan ko" sigaw niya sakin kaya pangasar na tumango ako.
Edi Max pangalan niya, ano bang pakielam ko.
"Problema mo? 'Bat mo 'ko dinala dito?"
"Bida-bida ka kasi." rinig kong sabi noong nasa likod ko. Palingin pa lang ako ng maramdaman ko ang kamao niya na tumama sa muka ko.
Shit!
May pasok pa ako sa trabaho ko. Hindi ito maganda sa paningin ng mga costumers. Malilintikan ko talaga tong mga ito sakin.
Patayo pa lang ako ng makaramdam uli ako ng sapak sa muka sunod naman ay ang pag sabunot nila sa mahaba kong buhok tsaka nila ako pabagsak na binitawan sa lupa.
Mga walang magawa sa buhay.
Pag dilat ko ng mata ko nakita ko si Max na hindi pala nag iisa, tatlo sila. Yung mga kasama niya na si Prolite at si Gusso.
Dapat talag maaga akong lumabas kanina hayst. Tama nga si Sakaya dapat sana di ko nalang inasar tong mga to. Mapapahamak ako nito.
Sisipain ko sana tong si Max pero hindi ko nagawa dahil sunod-sunod nila ako sinipa. Sipa sa tiyan, likod, at ang malala sa hita.
Tangina ang sakit.
Nag hihina na ako. Hindi man lng ako nakaganti sa kanila dapat pala sinapak ko kanina si Max at yung dalawa niyang alalay.
"Yan! Bida-bida ka kasi masyado kang bida-bida kung di ka nalang kasi sana nagsalita." sabi niya at sinipa sipa ako.
Teka nag salita ba ako? Umubo lang naman ako ah.
"Tangina niyo tigilan niyo na ako! Wala naman akong ginagawa" pilit akong bumabangon pero hindi ako makatayo. Shit naman oh!
"Puta pre! Lumalaban pa. Tapusin na nga natin toh oh! Nakakaumay" sabi ni Prolite at naglabas ng kahoy na kinalaki ng mata ko.
Shit, nghihina na ako. I can't stand up. Masyado na nalamog ang aking katawan. Katapusan ko na ba?
No! Magagalit si Mama.
Kita kong ibabato na nila sakin ang kahoy pero natigil iyon ng makarinig ng pagbasag ng bote kung saan.
"Pre may tao ata"
"Gago alis na nga tayo!"
"Tara na!"
Isa-isa silang nagsialisan at iniwan ako. Mga duwag talaga eh noh?
Sunundan ko sila ng tingin habang paalis sila at napangiti ako ng makita ko ang taong tumulong sakin. I wanted to say thank you pero walang lumalabas na boses sa akin.
Thank god buhay pa ako dahil sa kanila.
Pero agad naglaho ang ngiti ko.
May mali. may hindi tama.
Something's wrong. hindi sila tao kung 'di ay Multo. This two souls save me and i'm verry thank full for that. Pero may pakiramdam ako na hindi maganda.
Narinig ko pa silang ng usap pero hindi malinaw dahil ata sa pagkalamog ng katawan ko. Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mata dahil sa pagod. I need to rest. Panaginip lang to... Sana.