Chereads / One Time Girl / Chapter 2 - CHAPTER 2: Confessions in the Night

Chapter 2 - CHAPTER 2: Confessions in the Night

Sa pagbalot ng makapal na kumot sa aking katawan ang naggising sa akin para ako ay mapaupong bigla.

"Hoyy.. ano to?". Banggit ko pa sa kanya na ikinagulat nya.

"Bakit ayaw mo ba? Ikaw na nga itong kinumutan ang arte mo pa! Bakit? Kinilig kaba?". Sabi nya pa.

"Kinilig? Ako kikiligin sayo patawa ka!". Busangot na mukha kong sinabi sa kanya kahit halatang kinikilig.

"Ganto para totoo! Mas kikiligin ako kung sasabihin mo sa akin na ikaw dito sa sopa at ako sa kwarto". Seryoso kong sinabi.

"Eh! Kung magtabi nalang tayo?". Mas seryosong mukha nyang sinabi

Magkalapit ang mukha namin sa isat-isa at magkatitigan ang dalawang mata. Nangangatog ang tuhod ko, nanginginig ng marahan ang kamay ko at diko alam kung kinikilig ba ako o isa lamang itong kabaliwan.

"Gusto mo ba ako?". Tanong pa ni dylan sa akin.

Lumabas si tita linda sa kanyang kwarto na malapit lang sa sopa. Malayo palang ay may naririnig na ako na parang may naglalakad kaya napatingin ako sa gilid. Hinawakan ni dylan ang mukha ko pabalik sa harapan nya ng sakto namang nakatayo sa di kalayuan si tita linda at gulat na gulat kaya sya ay napasigaw.

"Dylannn.. kung gagawin nyo yan doon kayo sa tago! Gabing gabi na". Banggit nya pa

Napalingon kaming dalawa ni dylan sa kanya at dahil sa gulat ko ay natulak ko si dylan kaya tumalsik sya malapit sa mesa.

"Ugh..". Sabi nya ng nakahawak sa braso na kung titignan sa kanyang mukha ay sobrang sakit.

"Ah.. tita! Mali po kayo ng iniisip". Pagpapaliwanag ko sa kanya.

Tumayo na si dylan at pumasok sa kanyang kwarto.

"Dy.. saan ka pupunta?". Papilit na binanggit ko.

Sumunod ako sa kanya sa loob ng kanyang kwarto at sa madalian ko pang pagpasok ay nakasabayan ko naman ang pintuang pasara kaya muntik ko na itong ikauntog.

Nang makapasok na ako sa loob ay agad ko namang sinara ang pinto at ito ay nilock. Humarap ako ng galit na galit kay dylan

"Dylan.. walang hiya ka, impakto ka! Bakit moko iniwan don sa labas? Imbis na ikaw ang magpaliwanag kay tita' bigla mo kong nilayasan"

"Anong paliwanag pinagsasabi mo? Natatandaan mo ba yung pagtulak mo sakin? Palibhasa gusto mo din yung nangyari kaya ganon nalang kalakas yung pagtulak mo" Pabiro nya pang sinabi na halos wala lang sa kanya ang lahat.

"Anong gusto?". Nakasimangot ko pagsigaw sa kanya.

Nakahiga na si dylan ay nakabalot narin ng kumot at dahil sa sobrang inis ko ay kinuha ko ang remote controll ng tv na malakas ko namang hinagis sa kanya.

"Ay shit..!". Gulat na sigaw nya ng matamaan sya sakto sa ulo.

Biglang bumangon sa higaan si dylan at nakita nya na wala na ako sa aking kinatatayuan. Inis na inis syang tumayo at binuksan ang pinto ng makita nya ako sa kusina kasama si tita lynda na kumakain. Nakangiting napasulyap ako sa kanya at sabay kindat. Halos hindi maipinta ang mukha ni dylan sa sobrang inis nya kaya sya ay lumabas ng kwarto at palapit sa akin na parang may balak gawin.

"Tita si dylan oh". Sabay turo sa kanya

"Mahal! Gabi na bakit kumakain ka pa baka di ka naman matunawan nyan. Ikaw din Mama tama nayan". Pakunwari nya pang lambing saming dalawa.

"Anong mahal? kain pa tayo grabe ang sarap pala nito matutunaw agad tong kinakain natin Tita". Natutuwa kong sinasabi.

Sa pagsasalita ko agad akong hinawakan ni dylan sa braso. Nanalaki ang mata ko ng patingin tingin sa kanya.

"Mama! Tama nayan gabi na at gusto na naming matulog ni janna". Pilit nyang inuutos ito para lang makuha nya ako.

"Sige.. tapos narin ako. Ikaw na bahal janna". Sabi nya

"Tita.. masarap to oh! Tikman natin..please". Nagpupumilit kong binanggit

Pumasok na sa kanyang kwarto si Tita at ako nalang ang mag isa sa kusina habang nakatayo sa aking gilid si dylan.

"Okay lang.. kaya ko namang kumain mag isa". Nakatungo kong sinabi. Pipitas na sana ako ng ubas pero pinigilan na ako ng dylan gamit ang kanyang kamay na nakawak sa aking braso.

Humihigpit na ang hawak sakin ni dylan sa braso at ako ay pasulyap sulyap sa kanya.

"Medyo masakit na dylan susuntukin kita jan". Nakangiti na palingon lingon kong sinabi.

"Ikaw pa matapang.. halos hindi mo na nga ako patulugin". Malapit na mukha nya sa aking sinabi.

"Ahm.. sorry!?". Alinlangang pagbanggit ko sa kanya.

Tumayo sya muli ng tuwid at ako ay kanyang hinila mula sa aking inuupuan pero ako ay nagpupumiglas.

"Ano baa? Bitawan mo nga ako! Kung gusto mong makatulog ng ayos iwanan mo na ako!". Seryoso ko ng sinabi sa kanya.

Nakatingin lang sya sa akin at binitawan nya na ako. Nang ako ay tumalikod muli hindi ko naiisip na muli syang babalik sa aking tabi at ako buhatin nya.

"Dylan ibaba moko! Hoy.." Halo halong pakiramdam na dumaloy sa buo kong katawan.

Napasok nya na ako sa kwarto at hinagis sa kama. Sa sobrang gulat ay napatulala ako sa kanya. Papalapit na sya sa akin at nagsalita sa harap mismo ng aking mukha.

"Ayokong iwanan ka!". Napakaseryoso nyang sinabi. Nang marinig ko ang salitang ito na nagmula sa kanyang bibig ay nakaramdam ako ng bigat sa aking dibdib. Kitang kita sa mukha ni dylan na parang pagod.

Humiga na sa tabi ko dylan at ipinagpatuloy ang pagtulog habang ako ay nakatulala parin na iniisip ang lahat.

Nakaramdam ako ng bigat at ibat-ibang emosyon sa kalagitnaan ng gabi' pattern ba ito sa pagitan ko at ni dylan? Manhid ba ako? Oh kalokohan lang ang lahat ng ito!