Nagiisa akong anak na lalaki at unexpected pa na bakla. Hindi ko alam bakit ako naging ganito, bata palang ako malandi na ako lalo na kapag may mga lalaking dadaan sa harapan ko at lalong mas lumalandi kung may mga dayo. Pero sa kabila ng lahat hindi rin ako masaya sa mga nangyayari sa buhay ko.
"Hi.. mga daddy! Pagod na pagod ba?". Pabirong tanong ko pa sa mga lalaking naglalakad.
"Uy! Baklaa.. HA HA". Sagot pa ng isang lalaking nakasuot ng jersey na damit sabay tawanan.
"Ay panget". Sigaw ko pa sa kanila.
Narinig nila ito at sa paglalakad nila sila ay napahinto. Lalapitan na sana ako ng isa nilang kasama pero bigla itong hinawakan sa balikat ng lalaking nakajersey.
"Ako na pre.. bakla talaga mga dumi". Banggit pa nito sa kanyang kasama.
Unti-unting lumapit sa akin ang lalaking nakajersey at sa oras na ito ay natatakot na ako. Hindi parin ako umalis sa aking pwesto kahit na kinakabahan. Mga ilang sandali pa ay bigla namang huminto yung lalaki sa kanyang lakad at marahan na inikot yung katawan pabalik sa kanyang mga kasama.
"Ay naduwag.. Duwag ka pala eh!..". Pasigaw-sigaw ko pa sa kanila.
May sumisit-sit na sa akin at napagtanto ko na hindi pa pala ako tapos make-up-an ng kaibigan kong bakla din. Liningon ko ang aking mata sa aking kaibigan at nakita ko na nasa likuran ko na pala ang aking tatay.
"Ayyyy.. bakla?". Gulat ko pang nabirit.
"Sinong bakla?". Sagot pa ng tatay ko.
Nataranta na ako sa aking gagawin at halos mabaliw ako kung paano ko ito malulusutan.
"Galit ako sa bakla! Sinong bakla dito? Ikaw?". Pagpapanggap ko pang tanong sabay turo sa aking kaibigan.
"Bakla ka ba ha!". Tanong ko ulit sa aking kaibigang bakla..
"Bakla.. nakalipstick ka at medjo makapal din ang blush on. Wag kana magpanggap". Banggit pa nito sa akin.
Hinagod ko naman ang aking palad sa aking labi at nagkaroon ng lipstick ang aking palad..
"Oo sis bakla ako at bakla ka din. kuya badong hindi na janmark ang pangalan nya isa na syang janna marie HA HA". Sabi pa nito sa kabila ng pamumutla ko.
"Janmark Devera.. Uwe!!". Galit na sigaw ng aking tatay.
"Ayyy.. ito na nga". Pasigaw kong sinabi ng kumakaripas sa pagtakbo.
Nasa bahay na ako at kasunod ko lang si papa na pumasok sa loob. Galit na galit si papa sa mga natunghayan nya.
"Mark". Sigaw ni papa sa pangalan ko. Wala na akong ibang ginawa kundi ang lumuhod sa asin na parati ko namang ginagawa sa tuwing may kasalanan akong nagagawa.
"Papa.. sorry na po!". Pagmamakaawa ko pa sa kanya ng nakaluhod.
Lumapit si papa sa akin at sa pagkakataong ito akala ko mapapatawad nya na ako. Bigla syang lumuhod at tumingin banda sa aking tuhod.
"Markk..". Sigaw nito ulet ng tikman nya ang akala nyay asin.
Halos magalit ng sobra si papa sa ginawa kong paglagay ng asukal sa aking niluhuran.
"Bakit ito asukal.. kailan pa ako nagpaluhod sayo ng asukal?" Banggit pa nito sa akin.
Nasa kwarto na ako habang umiiyak ng nakangiti at nakatingin sa salamin. Para akong baliw sa harap na minsan pang hiniling na sana naging babae nalang ako.
Nagwawalis si papa sa mga asin na nakakalat sa sahig.
"Kuya badong najan po ba si janna?" Sabi pa ng kaibigan ko.
Umalis rin agad ang kaibigan ko na si ashley matapos nitong makita ang asin na nasahig at ang nagbabagang tingin ni papa sa kanya.
Umabot na ng gabi at ako ay nakahiga ng wala pang kinakain. Nagpapatigasan kami ni papa kung sino ang unang magpapansinan kahit na gutom na gutom na ako.
"Matibay ka ha.. gutom na ako!" Banggit ko pa.
Nakatingin ako sa kisame at napaisip ng malalim na paano kung naging babae ako edi sana hindi ako nababastos ng mga lalaki, kung naging babae ako edi sana hindi ako nagtitiis sa parusa ni papa, kung naging babae ako edi sana nararanasan ko rin ang mahalin ng taong minsan ko nading minahal, kung naging babae ako edi sana lahat ng nagagawa ng babae ay nagagawa ko narin ng walang humahadlang at walang nanghuhusga.
"Lord.. bakit mo ba ako ginawang ganto, bakit lalaki? Bakit kailangan maghirap ako? Lord…". Banggit ko pa sa hangin.
Napaluha narin ako sabay pikit ng aking mga mata. Wala na akong ibang maramdaman kundi ang pagiging malaya sa kabila ng madilim na paligid.
Pagtapos ni papa kumain sa lamesa, kahit papaano ako ay hinandaan nya ng mga pagkain sa mesa at sariling plato. Tumayo si papa badong at naglakad papunta sa aking kwarto. Binuksan nya ng kaunti ang pinutuan ko at sumilip napansin nya na wala na ako sa loob.
"Mark!.. janmark?". Sabi pa nito.
Nakita ni papa na bukas ang bintana at ikinagalit nya pa ito.
Umaga narin at nagising na ako sa aking pagtulog. Pagkamulat ng aking mata mga tao agad ang napansin ko at maingay na kapaligiran. Nilibot ko ang mata ko at ikinagulat ko ng mapansin ko ang naglalakihang mga eroplano.
"Bakit nandito ako?". Pagtataka kong sinabi sa aking sarili.
Kabadong kabado ako lalo't ang lugar na ito ay hindi pamilyar sa akin. Marami ng tumitingin sa akin dahil sa wirdo kong kilos at galaw. Sabay din nito ang pakiramdam na ipit at paninikip ng dibdib.
"Miss.. okay ka lang ba?". Banggit pa ng babae sa akin.
Nagulat ako ng bigla akong tawagin sa salitang miss.
"Miss?.." pagtataka ko pa.
Umalis at lumayo na yung babae sa akin dahil sa pagtataka din nito. Napansin ko sa repleksyon ng salami ang kabuuan ng katawan ko at ito ay sobra kong ikinagulat kaya ako ay napatakbo habang hinahanap ang restroom. Sa pagtakbo ko napansin ko na may kakaiba sa aking hinaharap at ito ay tinignan ko sabay hawak ng bigla naman akong nabangga sa lalaki na nagpatumba sa akin.
"Sorry.. miss!". Sabi pa nito.
Tinulungan ako ng lalaki ng nakahawak sa kanyang kamay.
"Okay lang ako.. salamat!". Banggit ko pa sa kanya.
Sakto namang nakita ko ang signage ng restroom kaya ako ay nagpatuloy na.
Nang makarating ako agad naman akong pumasok sa loob ng restroom ng mga lalaki na nagpa agaw pansin sa lahat ng lalaki sa loob.
"Ano bang nangyayari sa akin? Bakit may ganto ako? Bakit?". Pagtataka ko.
"Ikaw lalake anong tingin mo sa akin?". Tanong ko pa sa lalaking gulat na gulat.
"Ahh.. babae na nakapormang panglalaki? Isa kang Tomboy!". Sagot pa nito.
"Tomboy..?". Tumingin ulit ako sa salamin.
Agad na nagtakbuhan lahat ng lalaki sa loob dahil narin siguro sa akala nila na babae ako.
Sa pagtakbuhan ng mga lalaki palabas nagulat naman yung lalaking nakabanggaan ko kanina na papasok din sana sa loob.
"Anong meron pre?". Tanong pa nito sa mga lalaking nagtakbuhan.
"Ah.. pre wag ka na munang pumasok kase may babae sa loob!". Balik pa nito sagot.
"Babae? Diba restroom ito para sa mga lalaki". Banggit pa nito sa kanyang sarili
Naghintay lang sya labas ng nakasandal sa pader.
"Tomboy.. ibig sabihin babae, katawan ng babae?". Paulit-ulit kong iniisip.
Sa kabila ng mga ginagawa ko sa loob, may malakas na pagkatok sa pintuan na sinara ko kanina.
"Teka..". Sigaw ko pa.
"Miss, mali ka kase ng pinasukan okay… restroom ito ng mga lalaki". Banggit pa nito.
Humarap ulit ako sa salamin at tinanggal ko ang aking facemask ng marahan upang tignan ang aking mukha. Bumungad sa akin ang makinis, maputi at magandang mukha na nagpangiti sa akin at dito nakita ko rin ang maayos na mga ngipin.
"Ang perpek ng babaeng ito! Bakit pa nya kailangang maging tomboy?". Tanong ko pa sa aking sarili.
Nilugay ko narin ang buhok na nakaipit pa sa mahigpit at sa pagbagsak ng aking buhok mas lalo pang lumabas ang napakagandang mukha sa katawang ng babaeng ito.
"Miss.. ano na? Pwede bang lumabas kana at pagamitin muna kami?". Galit na sinabi ng lalaki sa labas.
Pagbukas ko ng pinto nakita ko na maramirami na silang lalaki sa labas.
"Oh. Sorry!! Pasok na kayo". Pabiro ko pang sinabi sa kanila sabay marahan na lumabas.
Nakalabas na ako sa loob at sinubukan kong pumasok sa loob ng restroom ng mga babae nagtinginan silang lahat sa akin ng nakangiti.
"Uhh.. hi". Nakangiting sinabi ko pa sa kanila.
"Hala.. ang ganda!". Banggit pa ng unang babaeng nakakita sa akin
Ang ganda! Ganda…. Ganda… ang ganda mo naman… hirit pa ng mga babaeng nakatingin sa akin na lubos ko namang ikinahiya.
"Ano ba kayo ang gaganda nyo rin kaya". Shy type kong sinabi sa kanila.
Lumapit ako sa salamin at tumabi sa babaeng nag memake up.
"Pwede ba akong makihiram ng lipstick mo". Banggit ko pa sa kanya.
"Sure" Sabi pa nito.
Nakakaramdam na ako ng hindi maganda sa aking katawan.
"Uhh.. wait iihi lang ako". Sabi ko pa sa babae.
Pumasok ako sa loob kung nasan ang toilet. Unti-unti kong binaba ang aking suot na pantalon at nakatayong umihi.
"Ayy.. shit! Bakit ganto?". Nagulat ako sa aking napansin.
"Okay ka lang ba sis". Tanong pa ng babae sa labas.
Nakita ko na sabog ang pag-ihi ko kaya ako ay napaupo bigla sa bowl.
"Babaeng.. babae na nga ako!". Sabi ko sa aking sarili ng nakangiti.
"Ate.. meron ka bang lotion, pabango o kahit ano.. wipes? Pwede pahingi ako?". Tanong ko pa sa kanila.
"Meron ako lahat sis.. ito oh". Banggit pa nito.
"Yun thank you!". Sabi ko.
Nag ayos na ako ng aking sarili lalo na sa aking binti matapos umagas ang aking ihi. Lumabas na ako at binalik ko lahat ng mga hiniram ko.
Matapos ang lahat ng pangyayari sa loob ng CR agad narin akong umalis at naglibot. Nakakita ako ng mga tinitindang damit. Napansin ko na wala naman akong pera pero parang hindi ako nilalayuan ng shoulder bag na ngayon ko lang napansin na daladala ko. Binuksan ko ang maliit na bag at nakita ko na naglalaman ito ng kulay asul na pera at cellphone.
"Holy god.. iphone 13 with blue bils". Tuwang-tuwa ako sa nakita ko.
Agad kong nilabas ang pera at lumapit sa babaeng nagtitindi. Binili ko lahat ng gusto ko at halos 13,635 nalang ang natira sa pera ko na kanina ay nasa 16,500.
Humpay na ngiti akong lumabas ng Apallana Airport na suot-suot lahat ng binili ko. Naka croptop, naka trouser, naka shoulder bag,naka salamin at sabayan pa ng hills. Halos maging agaw pansin sa mga tao ang itsura ko.
Pinagtitinginan ako ng mga lalaki at napapatitig din ako ng bigla ko namang tinapik ang sarili ko at inisip na mag-ayos at lumugar sa pagiging babae.
Napansin ko sa zipper ng bag ko na parang may maliit na remote at nakikita ko lang ito sa mga taong may sasakyan kaya pumasok agad sa isip ko na baka ito ay may sasakyan. Agad akong pumunta sa parkingan ng mga sasakyan at pinipindot ang lahat ng button ng remote ng bigla namang may tumunog na sasakyan. Lumapit ako sa sasakyan ay sinubukang buksan ang pinto. Bumukas ito at tumingin ako sa paligid at agad na pumasok sa loob.
"Ang ganda.. for the first time!". Gulat na gulat kong sinabi.
Inumpisahan ko ng paandarin ang sasakyan at ang pinagtataka ko ay marunong narin akong magmaneho. Naisip ko agad si papa at ang mga kaibigan ko kaya sila agad ang pinuntahan ko.
"Ito naba yung lugar.. parang diko na kilala ito?". Pagtataka kong binanggit.
Sa patuloy na pag andar ng sasakyan napahinto na ako ng makita kong nakaupo ang bakla kong kaibigan sa tindahan na madalas naming tinatambayan.
"Ashley.. bakla!". Tawag ko pa sa kanya.
Lumapit sya sa akin ng nagtataka.
"Pasok ka bilisan mo". Sabi ko pa.
Nagtataka sya at parang kinakabahan.
"Hindi ko po kayo kilala sino nga po sila ?". Tanong pa nito sa akin.
"Ako.. to janna marie? Porda make-up and porda bugbog". Banggit ko pa ng nakangiti.
"Janna marie? Ikaw?… ikaw si janna as in". Pagtatakang pa nitong mga tanong.
"As in janmark devera!". Pagpatuloy ko sa sasabihin nya.
"Ohmygoshh! Janna..". Sigaw pa nito!
"Shhhh.. wag ka ng maingay pumasok kana". Pagpipigil ko sa kanya.
Pumasok na sya sa loob at agad na kaming umandar papalayo at habang bumabyahe ang aking sasakyan huminto na kami sa isang mall. Bumaba na kami at gulat na gulat sya ng madala ko sya sa isang sikat at pinaka malaking mall sa pilipinas ang MOA.
"Janna.. ang ganda dito!". Sabi pa ni ashley.
"Pangarap nating puntahan dati. ito nayun, lahat ng gusto mong bilhin piliin muna". Balik ko pang sinabi sa kanya.
Napatingin sya sa akin na halos ikaiyak nya sabay yakap pa sa akin.
"Na miss kaya kita, akala ko tatanda na akong diko nakikita ang matalik kong kaibigan". Banggit pa ni ashley ng nakayakap.
"Oa nato sis, syempre di kita makakalimutan". Sabi ko.
Na sa isang restaurant kami kumakain ni ashley at masaya kaming pinaguusapan ang mga nakaraan.
"Ito na nga, ibang-iba kana paano? I mean ganto? Na kumakain tayo sa mamahaling restaurant, pinamili mo ako ng mga kailangan ko at may sarili kang sasakyan?". Pagtataka ni ashley
"Mahabang kwento at tiyak na hindi ka maniniwala". Sabi ko pa.
"Ay sis kailan ba ako hindi naniwala sayo?". Banggit pa nya
Kinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari sa akin at hindi nga sya naniwala.
"Totoo ang sinasabi ko ashley! Sa tingin mo kaya ko bang mabili ito (Mamahaling bag) at ito (mga pills)". Banggit ko sa kanya ng may kaunting inis.
"Oh saglit lang.. nahihirapan akong paniwalaan eh! Nag pipills ka?". Tanong pa nya
"Hindi ako pwedeng magpills lalo't babae nga itong katawan ko". Sagot ko
"So, akin nalang yan!". Pabiro nya pa
"Sayo talaga yan..". Natawa kong sinabi.
Ubos na ang mga pagkaing nasa lamesa kaya naman ay tumayo na kami sa aming inuupuan.
"Wala ka na bang gustong bilhin pa?". Tanong ko.
"Okay nato sis, thank you sa lahat". Banggit pa nya
Nasa loob na kami ng sasakyan at inumpisahan ko na ang pag-andar ng sasakyan. Sa kalagitnaan ng madilim na kalsada napatanong ako kay ashley tungkol kay papa badong.
"Si papa? Kamusta pala si papa?". Tanong ko pa sa kanya ng nakangiti.
"Sinong papa? Si kuya badong?". Banggit nya pa
"Anong sino? Si papa badong? Oo! Dimo kilala". Sabi ko
"Ah si kuya badong! Ano kase? Matagal na akong walang balita sa kanya simula nung mawala ka?". Sabi nya pa
"Paanong wala?". Kinagulat ko pa
Sa mabilis naming takbo bigla akong napa preno at napahinto sa tabi ng kalsada.
"Anong nangyari? Ashley sabihin mo sakin?". Napapaluha na ako at kinakabahan.
"Hindi ko alam eh! Pero nung nawala ka inis na inis sya at halos araw-araw na syang nag iinom. Isang beses hinahanap ka nya sakin ng bitbit pa ang lagayan nyo ng asin at tapos non nung umalis na sya… ewan at wala narin akong maalala, para bang yung oras bumilis. Diba pangarap ko pang magtrabaho sa epsa ngayon na nagtatrabaho na ako sa epsa hindi ko na alam kung paano ako nakapasok sa isang company at hindi ko narin alam ang mga nakaraan ko basta ang natatandaan ko nalang ay yung nahuli ka ni kuya badong at pumunta ako sa inyo nakita ko sa sahig ang maraming asin. Hanggang dun nalang ang natatandaan ko!". Kwento pa sa akin ni ashley ng nagtataka.
"Di kaya!". Banggit ko pa
"Ay nako sis.. wala na akong matandaan basta masaya lang ako kase kahit papaano may trabaho na ako at nakita na kita!". Sabi nya.
Nagpatuloy na kami sa byahe para ihatid si ashley sa kanyang bahay at umalis narin ako agad. Naghanap ako ng mga bahay na paupahan para sa pansamantalang tirahan ko. Nakahanap ako ng bahay na pinapaupahan sa bawat pagtatanong ko.
"Tao po!". Sigaw ko pa.
Naririnig ko na may papalapit at nakita ko ang isang anino na magbubukas ng pinto nang mabuksan ay isang babae ang humarap sa akin at isang motor naman ang bumusina sa akin kaya ako ay napasigaw at napatabi sa gilid.
"Dylan.. anak!". Tawag ng babae sa lalaking nakasakay sa motor.
"Ma okay lang ako at ayokong nag-aalala ka pa sakin dahil malaki na ako". Banggit pa nito habang tinatanggal nya ang kanyang suot na helmet.
Isang mukhang may taglay na kagwapuhan, kakinisan, kaputian, at sabayan pa ng matangos na ilong, singkit na mata mapulang mga labi at ang kanyang buhok ay talagang nagpalabas ng kabaklaan kong kaluluwa.
"No.. anak hindi na ako nag aalala sayo! Sa motor diba nga bagong bili". Pabiro pa nitong sinabi sa kanyang anak.
Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa ng nakangiti.
"Ayyyy.. dylan! Ang ganda ng girlfriend mo. Anak ako si linda nanay ni dylan, pasok ka anak.. dylan asikasuhin mo tong girlfriend mo at maghahanda ako ng kakainin natin". Banggit pa ng kanyang ina.
"Pero ma! Hindi". Sabi nya pa
"Pumasok na kayo!". Sigaw pa ng kanyang ina.
Nagulat ako sa kilos ng kanyang ina at napatingin sa lalaking nakatingin din sa akin. Mamaya pa ay pumasok narin sya sa loob at iniwan ako sa labas.
"Ah wait". Banggit ko sa kanya
Pumasok narin ako sa loob at umupo sa sopa. Tinitignan ko ang kapaligiran at isang bahay na napakalinis ang nagpangiti sa akin.
"Iha.. kain muna tayo". Tawag sa akin ng kanyang ina.
"Okay lang po. Busog na po ako". Sabi ko.
"Ay ganun ba sayang naman itong hinanda ko". Banggit pa nya
Nasa likuran nya lang si dylan at sinesenyasan nya ako na parang bang pinapapilit na kumain. Nang makuha ko ang pinupunto ni dylan ay agad narin akong tumayo.
"Ah, joke lang po gutom pa talaga ako.. hindi pa ako nakakakain". Sabi ko pa ng nakangiti
Umupo na agad ako sa upuan para kumain.
"Grabe ang sarap po ng luto nyo". Pangiti-ngiti kong sinabi
"Tita.. gusto ko tita ang itawag mo sa akin". Banggit pa ni linda
Nabulunan ako sa sinabi ng kanyang ina at kumuha ako ng basong walang laman. Bigla namang tumayo si dylan at kinuha ang pitsel na may tubig at sya ang naglagay ng tubig sa basong hawak ko.
"Ay ang sweet naman nila! Nako! Dylan wag na wag mo na itong pakakawalan. Ano nga ulit pangalan mo iha?" Biglang tanong nya sa akin.
Nang ako ay makainom na ng tubig ay agad ko rin namang sinagot ang kanyang tanong.
"Janna po". Sagot ko pa
"Bagay na bagay sa kagandahan mo nak". Banggit nya pa
"Ang totoo po nyan tita, ako po yung kumatok sa inyo paraaa.." seryosong banggit ko kay linda.
Hindi natuloy ang sinabi ko dahil sa may kumatok sa pintuan.
"Ah sige ako na dylan jan muna kayo para makapag-usap.." sabi pa ng kanyang nanay.
Tumayo na ang kanyang ina para puntahan ang taong kumakatok sa labas. Nakatingin lang ako kay tita linda at ng malingon ko ang mata ko, nakita ko si dylan na nakatingin sa akin.
"Anong pakay mo? Bakit ka nandito? Siguro may masama kang binabalak? Magnanakaw kaba?". Mga tanungan sa akin ni dylan na nagpagulat sa akin.
Nakahawak ng mahigpit sa akin si dylan na parang pinagbabantaan pa ako. Pumasok na si tita linda sa loob at nahuling si dylan na nakahawak sa kamay ko ng nakatayo sa kanyang inuupuan.
"Dylan.. nag-aaway ba kayo?". Sigaw pa ng kanyang ina
"Away? Sinong nag-aaway ma! Kailan man hindi kami nag-away ni janna ma". Napalingon sya sa akin at binantaan ako ng kanyang mga mata.
"Ay opo tita.. ang totoo nyan nagmamahalan po kami ng lubos". Pagpapanggap na ngiti na sinabi ko sa kanyang ina.
Lumapit sa amin si tita linda kasama ang isang babae.
"Ito pala si sonya.. sya na ang titira sa kabilang bahay na pinauupahan natin dylan.. kaya sana pakisamahan nyo sila". Sabi nya sa amin.
Nakangiti si dylan habang ako ay nagulat.
"Teka po tita.. pero ako po sana ang mangungupahan sa inyo.. yun po talaga yung pakay ko kanina pa, kaya nauna po ako". Matining na boses kong sinabi
Napatayo ako sa upuan sa sobrang pagkadismaya ko at dahil narin sa pagod kakahanap ng mapapaupahan.
"Eh kung ganon.. bakit ka pa mangungupahan pwede ka naman dito tumira kasama ni dylan diba!". Nakakainis na ngiti ni tita habang nagsasalita.
"Hindi pwede." Sabay naming nabanggit ni dylan.
"Anak dylan, malaki ang bahay na ito at ako ang magdedesisyon kaya ikaw janna dito kana tumira para mas masaya". Banggit pa ng kanyang ina
Umalis na si tita linda para ipakita kay sonya ang bahay na kanilang pangungupahan. Kaming dalawa lang ni dylan sa loob at halos hindi sya mapakali.
"Anong gagawin natin?" Tanong pa ni dylan sa akin.
Wala akong imik ng nakaupo sa sopa habang iniimagine ang lahat ng mga nangyayari na hindi ko pa naranasan sa tanang buhay ko.
"Hoy.. anong gagawin natin?". Ulit na tanong nya sa akin.
"Sorry.. hindi ko alam!". Banggit ko pa
"Anong hindi alam? Edi umalis ka yun lang yon". Sabi nya pa
"Paano ako aalis eh ang kulit-kulit ng nanay mo!". Sabi ko
Tumayo ako sa sopa at lumabas ng bahay.
"Huy.. san ka pupunta?". Banggit pa ni dylan.
"Dito lang sa labas". Pabalik kong sagot
"Wag ka ng babalik". Sigaw pa nito.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at pumasok sa loob ng sasakyan ko. Pagod na pagod akong sumandal at binuksan ang () at habang bumababa nakita ko sa kabilang bahay ang lalaking nakatalikod. Agad ko naring iniwas ang tingin ko sa kanya at sa pagcecellphone ko napaidlip ko sa sobrang antok.
7:00 na ng Umaga
Mahimbing parin ang tulog ko at diko alam na may kumakatok at tumatawag na ng pangalan ko.
"Janna.. anak!". Tawag pa ni tita linda
Unti-unti kong minulat ang mata ko ng nasisilaw pa. Napansin ko na iba na ang nasa paligid ko. Wala na ako sa sasakyan kaya agad akong napabangon sa higaan na ipinagtataka ko naman.
Binuksan na ni tita linda ang pinto.
"Sorry binuksan ko na. Wala si dylan kaya ito kumain ka muna". Sabi pa nito
Ang sarap lang sa pakiramdam na maramdaman ulit ito matapos mamatay ang aking nanay na si rosalinda.
"Naku po! Nag abala pa po kayo. Salamat po". Malumanay kong banggit
"Ay nako! Alam mo ba na sa iyo ko lang ito ginawa lalo't first girlfriend ka nya at first girl na dinala dito sa bahay". Nakangiti pa nitong sinabi.
"Nasan po pala si dylan?". Tanong ko pa sa kanya.
"Hindi ba nag paalam sayo? Talaga tong batang to". Sagot pa nya
"Ay hindi okay lang po". Banggit ko pa
Mga ilang sandali pa ay lumabas narin ako at nag-ayos sa sarili. Tinawag ako ni tita linda.
"Janna.. pwede bang ikaw muna ang magdala ng nga prutas na ito sa kabila?". Tanong nya pa sakin para utusan.
"Ah sige po tita ako na pong bahala". Sagot ko pa
Lumakad na ako dala-dala ang mga prutas at ng makarating ako sa kabilang bahay agad din akong kumatok sa bahay nila.
"Ate sonya? Tao po!". Banggit ko pa
May bumubukas na ng pinto at sa pagbukas nito isang lalaking pamilyar ang humarap sa akin. Nakatitig sya sa akin.
"Anjan po ba si ate sonya?". Tanong ko pa
"Ah si mama, wala pa eh.. pasok ka muna!". Banggit pa nito
"Hindi na! Ito lang naman yung ibibigay ko. Ibinibigay pala ni tita linda!". Sabi ko
"Ah ganon ba! sorry kung wala pa akong damit.. mag bibihis kase ako para sa liga mamaya". Seryoso pa nitong sinabi
"Liga? Saan ang liga dito?". Tanong ko pa
"Nood ka". Sagot nya pa
"Saan ba? Baka manood din ako". Sabi ko pa.
"Gusto mo sabay ka nalang sakin pumunta doon". Alok nya pa sa akin
Naglalakad na kami at sa paglalakad namin napatanong syang bigla.
"Boyfriend mo ba si dylan? Kaya ba doon ka nakatira?". Tanong pa nito sa akin ng seryoso.
"Ah yun ba! Actually wala kaming ugnayan, hindi ko sya kilala maging ang buong pamilya nya. Ewan napagisipan lang kami ng kanyang nanay na mag jowa kahit". Kwento ko pang hindi natuloy.
"Kahit hindi kayo mag jowa? So ibig sabihin ba single ka?". Nakangiti pa nyang sinabi.
"ehehe' ganun na nga!". Natatawa kong sinasabi.
Natapos ang usapan namin ng masaya na para bang matagal na kaming magkakilala. Nakarating na nga kami sa court kung saan doon ginaganap ang liga. Sobrang daming tao ang nagtitinginan sa aming dalawa at may sumisigaw pa na kung mag jowa daw kami. Nakangiti lang ako na nahihiya at nang makapasok ako sa loob ng hawak-hawak ang kamay ko nakita ko si dylan na kasali din sa liga at parang magkalaban pa. Nakita ako ni dylan habang hawak-hawak ang aking kamay.
"Ah yung kamay ko!". Sabi ko pa
"Ay oo nga sorry! Okay kana ba dito?". Tanong nya pa sa akin
"Okay na ako dito salamat". Sagot ko pa
Maguumpisa na ang labanan ng mga muse at lubos akong natutuwa dahil sa magagandang babae na palaban. Lumapit sa akin ang anak ni sonya.
"Nag backout kase yung muse namin, kung pwede ikaw nalang?". Banggit nya pa
"Hah! Ako?". Gulat ko pang sagot
"Oo ikaw nalang ang mag muse janna". Sagot nya pa
Hindi pa ako sumasangayon at nagsisigawan ang ibang tao sa pangalan ko ng banggitin nya
Janna… Janna… Janna…
"Pls.. ikaw nalang!". Sabi nya
Wala akong ibang nagawa kundi pumayag nalang at agad nya naman akong hinila. Wala pa akong masyadong kaayos-ayos sa sarili. Nakapila na ako sa mga muse at halos pagtinginan ako ng mga babaeng katabi ko lang.
Kakatapos lang rumampa ng babaeng pambato naman nila dylan at ako naman ang susunod. Rumampa ako sa aking paglalakad ay umikot ako ng marahan na nagpaagaw pansin naman sa lahat. At sa hindi inaasahan ay ako ang nanalo habang second runner up naman ang babaeng pambato nila dylan. Lubos akong nagulat at halos mag twerk-twerk pa ako sa harapan na kilos bakla.
"Umayos ka nga! Para kang bakla' kababaeng tao". Banggit pa ng babaeng muse nila dylan.
Napatingin ako sa kanya ng nakatuwad at napangiti. Tumayo ako ng straight at agad namang umalis.
"Nakakahiya..". Banggit ko pa sa aking sarili
Naguumpisa na ang labanan nila dylan at
"Ang galing mo nikkooo". Sigaw ng mga babae sa tabi ko
"Nikko? Nikko pala ang pangalan nya". Sabi ko pa.
Sa pagtakbo ni niko at sa bawat pag shoot nya ng bola ay hindi ko napapansin na napapasigaw narin ako sa pangalan nya. Sinusundan ko ang bawat takbo nya ng pumapalakpak at napapatalon pa sa tuwa. Matapos ang oras ay saglit namang nagpahinga ang mga player at lumapit sa akin si nikko.
"Pakuwa naman ng panyo ko sa bag!". Utos pa nya sa akin
Kukuwanin ko na sana ang panyong sinasabi nya.
"Joke.. ako na". Makulit nyang binanggit
Kinuha nya na ang kanyang panyo at sa pagtayo nya ay inabot nya ito sa akin.
"Para saan?". Sabi ko pa
"Walang biro. Papunas naman ng pawis ko". Seryosonh sabi nya
Nakatingin sa akin ng masama si dylan at lumapit sya sa akin.
"Anong ginagawa mo dito? Alam ba ni mama na nandito ka?". Mga tanong sa akin ni dylan
Hinawakan nya ang aking kamay at hinila palabas sa maraming tao.
"Wait lang! Nanonood pa ako". Banggit ko pa
"Umuwi kana!". Sabi nya habang naglalakad pabalik sa court.
Nagsimula na ulit ang laban at nagsimula narin ang sigawan. Hindi ko na ito pinansin sa kabila ng kagustuhan kong manood. Naglalakad na ako pauwi at nang makarating na sa bahay ay dumiretso ako sa aking sasakyan. Mga ilang minuto pa ay naririnig ko na ang mga boses nila dylan at ng iba pang mga tao kaya napalabas ako sa sasakyan.
"Dylan.. sinong nanalo? Pusta ako sila nikko!". Sabi ko pa ng natatawa.
Sa aking pagtatanong ay narinig ko ang boses ni nikko sa di kalayuan.
"Tropa nila dylan ang nanalo". Banggit pa ni nikko.
"Pre! Libre ko na kayong lahat, mag-iinom tayo". Banggit pa ni dylan sa kanyang mga tropa.
Lumapit ako kay nikko na nasa labas lang ng kanilang gate kasama ang dalawang lalaki na nagpapaalam narin sa kanya.
"Ah.. congrats!". Sabi ko
"Nakakahiya". Banggit nya pa
"Anong nakakahiya? Okay lang yan". Pangiti-ngiti ko sa kanya
"Umalis ka kase". Mahinang tono nyang sinabi
"Hah? Ay ito nga pala yung panyo mo". Banggit ko pa
Kinuha nya na ang kanyang panyo at umalis narin ako. Pumasok na ako sa loob at nagpaalam narin kay tita linda para matulog.
"Janna, pwede bang bantayan mo muna si dylan. Ngayon lang kase nag-inom yan". Banggit pa ni tita linda
"Ngayon po! As in first time". Pagtataka ko
"Oo! Anak". Sagot pa nya
Nasa sopa lang ako at wala akong magawa kakahintay na matapos syang mag-inom. Inaantok narin ako at hindi ko alam ay nakatulog na ako sa sopa.
Nagkakatuwaan parin sila dylan sa labas habang pinaguusapan ang mga nangyari sa liga.
"Pasok muna ako pre!". Sabi ni dylan sa kanyang tropa
Pagpasok ni dylan sa loob nakita nya na nakatulog na ako sa sopa. Bubuhatin dapat ako ni dylan para ilipat sa kwarto.
"Ooh.. hindi ako tulog at hindi ako inaantok". Mabilis kong binanggit sa kanya kahit halata na bumabagsak na ang aking mga mata na parang lasing.
"Mas lasing ka pa sa akin". Sabi pa ni dylan ng natatawa.
"Tapos kana ba mag-inom?". Tanong ko pa sa kanya.
Nakatingin lang sya sa akin at ako ay nakaupo sa sopa na nakapikit na nakatingala sa kanya. Maya-maya pa ay biglang may dumampi sa aking labi.
"Hindi ako uminom at hindi ako lasing". Banggit nya pa sa akin ng magkalapit ang aming mukha.
Minulat ko ang aking mukha at nabigla ko namang nasampal si dylan. Napatayo ako sa inuupuan ko at halos magising ang diwa ko.
"Sorry.. ahm pagtapos mo pala mag-inom, matulog ka narin sabi ni tita". Nauutal kong binanggit.
Mabilis akong pumasok sa loob ng kwarto at kabadong iniisip ang paghalik nya sa akin. Tumalon ako sa higaan at gumulong gulong hindi dahil sa nararamdaman kong kilig kundi sa kahihiyan lalo't ang lahat naman ng ito ay hindi totoo at pagpapanggap lamang.
Muli akong napatingin sa itaas ng kisame at biglang napaisip na ang lahat ay hindi totoo at lahat ay pwedeng mabawi sa oras na walang kasiguraduhan kung kailan ito babawiin ng panahon.
May kumakatok sa pintuan kaya sa malalim kong pag-iisip ay napabangon ako at binuksan ang pintuan.
"Matutulog na ako". Sabi pa ni dylan
Dire-diretso syang pumasok sa loob na nagpalaki ng dalawa kong mata.
"Teka, teka bakit dito ka matutulog?". Banggit ko pa sa kanya.
"Kwarto ko ito!". Sabi nya pa
Nakahiga na sya sa higaan habang ako ay kuda ng kuda.
"Pero! Dito na ako natutulog". Sabi ko
"Dito ka nga natutulog at magkatabi tayo hindi mo ba natatandaan". Seryoso nyang binanggit
"Anong magkatabi? Wala akong natatandaan". Sirang plaka kong sinasabi.
"Ito ang kwarto ko at nung nakatulog ka sa kotse mo ako ang nagbuhat sayo at dinala kita dito. Wag kang mag-alala wala naman nangyari sa atin. Yun eh! Kung gusto mo?". Halong pabiro nyang sinabi
"Kadiri ka! Mas gugustuhin ko nalang matulog sa sopa kesa makatabi ka. MANYAK". Malakas na boses kong nasigaw.
"Hoy.. madumi ka lang mag-isip". Tawang-tawa nyang sinabi
Lumabas na ako ng kwarto at walang dala kahit ano. Humiga na ako sa sopa at natulog sa kabila ng malamig na hangin. Mga ilang oras pa sa pagbaluktot ng katawan ko ay naramdaman ko naman ang telang bumabalot sa katawan ko na nagpainit sa aking pakiramdam.