Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

ENEMIES

zeinnnnnnn
--
chs / week
--
NOT RATINGS
2.1k
Views

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - CHAPTER ONE

Deib lohr's pov 

"HELLO?" kararating ko ang sa parking lot ng magring ang cellphone ko 

"where are you? you're late" anang bestfriend kong si tob 

"are you that excited to see me? pasalubong ko" 

"get your fat ass over here now pre" then he hung up

palibhasay sikat, mabilis kong naagaw ang atensyon ng mga studyante nang maglakad ako papasok. Ang karamihan sa mga babae ay nagsitakbuhan pa papalapit sa gawi ng daraanan ko. nakasanayan ko na ang mga bulungan at impit nilang kilig sa tuwing makikita akong daraan, kaya naman ganon nalang kadali para saking baliwalain sila, 

"Grabe mas gwapo siya ngayon" sinig ko pang sabi ng isa 

"sinabi mo pa, bagay na bagay talaga sa kanya ang uniform natin" 

"lahat naman ay bumabagay sa kanila"

hindi ba nila naiisip na dumadaan ako at naririnig ko ang sinasabi nila? 

napabuntong hininga nalang ako tyaka nagpatuloy na maglakad. ngunit nahinto ako ng may naglakas loob na humarang sa dinaraanan ko

"h-hi d-deib" nakatungong bati niya. napangiti ako. sanay na ako sa pagiging utal niya sa twing kaharap o kakausapin ako. Hinawakan at ginulo ko ang buhok niya na siyang naging dahilan para umalma ang mga babaeng nakakita 

"oh my god, did you see that girls? pinansin niya si...." hindi ko na hinintay pang matapos ang bulungan nila. nagutuloy na ako sa pag akyat.

"naks, new haircut" mukha ng bestfriend kung si tob ang bumungad sakin pagkarating ko sa floor. "yan ba ang uso sa japan?" 

hinawakan niya naman ako sa balikat at sinuri ang kabuuan ko "psh, wala man lang bago sayo?" 

"mahrap baguhin ang pagiging gwapo tob" nakangising sabi ko "where's lee?" 

"as usual, nasa washroom" natatawang sabi niya 

Napailing nalang ako, Nangunot ang noo ko ng malingunan ang mga kaklase kong nakapila sa labas ng classroom "first day of class tapos late ang key holder?" reklamo ko 

"hi deib?" walang alinlangang lumapit at bumati sa akin si leil

nainis ako matapos niya akong hawakan sa braso ko "oh?" pasinghal na sagot ko 

"ang gwapo mo lalo" malanding sabi niya 

"so?"

"wala naman" 

"ang landi mo lalo tch, alis!" sinensyasan ko pa siya 

tatawa tawang lumapit sakin si tob "ang aga aga nagsusungit ka" biro niya 

nginisihan ko lang siya tyaka ko nilingonang field. Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Sa sobrang lakas niyon ay umaampyas ang tubig ulan sa hallway. Kaya naman agad kaming humilera sa mga nakapila para hindi mabasa. 

Nasa ganon naman kaming sitwasyon nang may mag akyatang mga estudyante. Ang karamihan ay nakauniform, old students. Ang ilan nama ay mga nakacivilian,transferries. 

"Dre chicks" inginuso ni tob ang isang babae 

pinagkrus ko ang mga braso ko at sumanda sa pader. "I dont care. im taken" tinapunan ko ng nanunuyang tingin ang mga dumating "sus, aam kong si michiko ang tinitignan mo kunyare ka pa" biro ko. 

"shut up" binatukan niyako 

Isa sa mga campus chic si michicko. She's also rich and famous. First year high school palang ay pinapangarap na siya ni tob. Maganda, maputi at sexy. Maraming studyante ang nagkakagusto sa kanya. But not me.

Ngunit sa hindi inaasahan ay may nakatawag sa pansin ko. Siya ang huling daraan. Matangkad, chubby, katamtaman ang kulay ng balat, nakatali ang buhok, at....hindi maganda. 

oo hindi siya panget at hindi rin siya maganda. 

Natawa ako sa sarili kong naisip.

kunot-noo ko siyang pinagmasdan at ganoon nalang ang gulat ko nang magtama ang paningin namin. Lalong nagsalubong ang kilay ko nang makita kung gaano siya kasamang tumingin. 

what are you looking at? 

Humakbang ako papalapit tyaka siya pinatid. 

Agad na nangibabaw ang malakas na tawanan ng mga nakakita. Nangunguna si tob na siya ring may pinakalamalakas na tawa. Maging ako ay natawa dahil sa lakas ng kalabog na idinulot ng pagkabagsag niya sa sahig. Halos mapahalakhak ako ng makita kung gaano kasama ang mukha niya dahil sa sakit. 

"loko ka talaga deib" Bigla ay sumulpot ang bestfriend naming si lee. Nagugulat kong pinanood si lee na lumapit son sa babae "are you okay miss?" nag aalalang tanong niya. He offered a han. "Let me help you" 

superman, tch 

Inis kong tinapunan ng tingin yung babaeng pinatid ko. Matagal bago siya nakatayo pero hindi niya tinanggap ang kamay ni lee. Pinanood ko siyang tumayo at pinagpagan ang sarili. Ngisi-ngisi akong nag iwas ng tingin. 

Ngunit ganon nalang ako nagulat sa biglaang paglapit niya sa akin! Hindi ko yun inaasahan at namalayan ko nalang na hawak niya na ako sa kwelyo. "Gago ka ah" maangas ang malumanay niyang tinig 

Nangunot ang noo ko. Amoy chewing gum! Double mint! Cheap! Nagtiim ang bagang ko. "Bibitawan moko o papatulan kita?" hamon ko. 

Panibagong gulat ang naramdaman ko ng dahan dahan niya akong inangat sa pader gamit lang ang isang braso. Nararamdaman ko ang panginginig ng kamay niya. "Bakit moko pinatid?" malumanay pa rin ang maangas na tinig niya 

"Nangyari na eh ano pang magagawa mo" Sarkastikong tugon ko, dahilan para magtawanan ang mga kaklase ko. 

"Eto" Sinapak niya ako

"oh my god" bulong ng isa sa mga nanonood. "She must be crazy. Now this is war." 

Bakas pa rin ang gulat sa mata ko ng dahan dahan niya akong ibaba. Nakamaang akong nakatingin sa galit na mga mata niya habang nakahawak sa pisnge ko.

Nang maramdaman ko ang galit ko ay tyaka lang ako bumalik sa huwisyo. Pinahiran ko ang labi ko at nagulat nang may makitang dugo. 

damn it!

"Miss tama na" malumanay na pakiusap ni lee. Mukhang ang lahat ay nagulat sa nangyari at noon ang din ako nakapagreact.

"Are you okay deib?" baling sa akin ni tob. Hindi ko siya sinagot dahil nanatili ang aking mata sa babaeng kaharap ko. Maging siya ay hindi inalis ang paningin sa akin. Hindi ko alam kung anong nakakainis sa mukha at hitsura niya.

Tinabig ko si tob tyaka hinawakan ang babaeng yun sa magkabilang braso. Pabagsak ko siyang itinulak sa pader tyaka kinorner sa pagitan ng dalawang braso ko 

"Bakit moko sinapak?" halos mamaos ako sa sobrang diin ng pagkakatanong ko.

"Nangyari na eh ano pang magagawa mo?" pag uulit niya sa kaninang sinabi ko 

Napamaang ako. "What?" inis kong tanong. 

Hindi ko maipaliwanag ang inis na nararamdaman ko dahil sa pagtingin niya sa mukha ko. Walang ekspresyon, emosyon, o kung ano mang reaksyon ang mukha niya. Nanatili itong blangko na animong nakatingin sa walang kwentang bagay nakatingin. Mukha pa siyang tanga na itinatabingi niyang bahagya ang ulo niya na animong pinag aaralan ang mukha ko. 

Abnormal! Damn it! 

Idiniin ko lalo ang mga palad ko sa pader at lumapit sa mukha niya "Sumagot ka bakit mo ako sinapak? Ano ang akala mo sa mukha ko ha?" galit nang tanong ko.

Tinignan niya ang kabuuan ng mukha ko "iyang mukha mo...." Binitin niya pa ang sasabihin habang nakatingin sa akin "Mukhang siopao" Patuloy niya.

Kunot-noo akong natigilan saka ako inis na ngumisi. 

What the hell? Siopao? 

"What did you say?" seryoso nang tanong ko

"Iyang mukha mo.....mukhang siopao" 

Napamaang ako sa sagot niya

Inulit pa, tibay!

Wala pa rin siyang reaksyon. Malakas ang loob niyang nakipagtitigan sa akin. At kataka-takang hindi ko man lang maramdaman na takot siya. Nararamdaman ko sarili kong galit. Ngunit alam kong mas matino ako kaya ang pader ang sinuntok ko. 

"Oh my, deib lohr's really mad now! who is thar girl?" tinig ng kaklase kong babae 

"Who knows? she looks new" tugon ni leil

"Enough deib lohr" Humawak sa braso ko si ee at pilit na sumiksik sa gitna namin nung babae. Hindi ko siya hinayaan. Hindi ko rin maalis ang galit kong tingin sa babae. "Tama na dre, babae yan eh" bulong niya

"Miss umalis ka naang please?" nahihiyang ani tob. Hindi na siya makatawa. At mukhang naramdaman niya na ang tensyon sa pagitan namin ng babaeng to. 

Bigla ay ngumisi itong babaeng kaharap ko, lalo akong iniinis. Noon lang nagbago ang reaksyon niya at yung nakakaloko pa. Nanatili naman akong seryoso habang nakatitig sa kanya. Ngunit ang ngisi niya ay napalitan ng masaang tingin bago niya ako tinalikuran.Walang kahirap hirap niyang inalis ang braso kong nakaharang. 

Sandaing napako ang paningin ko sa pader bago ko siya nilingon. "You messed with the wrong bully miss" pahabol ko pang sabi pero hindi na siya lumingon pa. 

"Napakaaga mo naman yatang gumawa ng eksena mister enrile?" Nangibabaw ang tinig ni migz, ang baklang president ng student's council.

"Oh eh ano naman sayo?" nabaling sa kanya ang init ng ulo ko

"Wala naman" nakangiwi niyang sagot habang binubuksan ang pinto ng classroom. "Graduating student ka lang naman, at alam mo yan" Binigyan niya ako ng plastik na ngiti. 

"tch" inis kong hinarap si lee "Bitiwan mo ngako lee, nabakla ka na naman eh" angil ko. Ngumiwi naman siya ng magtawanan ang mga kaklase ko. "Hoy bakla" baling ko kay migz. "Para may pakinabang ka ay dalhin mo yong babaeng yun sa akin. paluhorin mo sakin at pahingiin mo ng sorry. I need a public apology" 

"Ugh manners please?" mataray na sagot niya tyaka kekembot kembot na naglakad papalayo.

Nagsimula na ang klase pero parang wala akong interes makinig. Hindi mawala sa isip ko ang nangyari. Marami na akong pinagtripan at inaway dito sa brent international school. Marami na ring nagreklamo sa panget na ugali ko pero ket isa ay wala namang nanalo. Hindi ako makapaniwaa sa isang to dahil ngayon lang may umalma. At lalong ngayon lang ako nasapak! Bukod doon n=ay napadugo niya ang labi ko. Nangyari pa yun sa harap ng madaming studyante.

Tch, you mess with me, you mess with everyone. Pagsisisihan mong nag aral ka pa dito.

Nagmadali akong lumabas ng classroom nang agring ang bell para sa lunch break. "Hey dalian niyo nga" sigaw ko sa bestfriends ko. "Hahanapin ko yung ugok na yun" bulong ko.

"Gutom ka ba deib?" banat ni lee habang pababa kami.

Lalo akong nainis, "Pwede ba lee, anong gutom?" 

"Nagmamadali ka kasi kaya tinatanong ko kung gutom ka"

"Tch, hind! hahanapin ko si taguro kaya dalian niyo!" 

"Taguro? sinong taguro?" takang tanong ni tob.

"yung babae kanina! tsk ang daming tanong, tara na!" 

Agad kong iginala ang paningin ko nang makarating kami sa canteen. Malaki siyang babae kaya sigurado akong makikita ko siya agad. Pero ilang beses kong inisa isa ang mukhang nakikita ko, wala talaga doon si taguro.

"Talagang hinahanap mo ah?" Nakangising banat ni lee. Nakaorder na sila ni tob habang ako ay abaa pa din sa paghahanap.

"Lintek lang ang walng ganti dre" sagot ko

"Wooh pero kapag nandyan si kim , tamo dala-dalawa pa ang halo sa ulo" banat ni tob dahilan para matawa ako

kapag nababanggit ang pangalan ng babaeng maha ko ay gumaganda ang mood ko. Pero hindi iyon nagtagal. Kailangan kong makaganti. Kailangang makita ko siya dahil hindi ako mapakali sa gantong klase ng inis.