Chereads / BUHAY NG MGA GUMIHO [BOOK 1] / Chapter 33 - chapter 31

Chapter 33 - chapter 31

False Information To The True Suspect

- Chapter 31-

Yuri POV

Tinawagan ko si Lyka para sabihin na saknya yung false information ayaw ko sanang gawin to Pero...

" Ayoko talaga Rang hindi ko kayang si Lee Yeon yung ididiin natin..."- I said

" Ano ba yan Yuri hanggang ngayon ba talaga duwag ka parin!! Kelangan masira ko si Lee Yeon ky Lyka!! Si Lee Yeon ang ipapain natin you like it or not!! "- Rang exclaimed , bumuntong hininga nalang ako..

" Sige na papunta na si Lyka " - He continued

Meanwhile..

" Ate Yuri may sasabihin daw po kayo about dun sa Gumihong hinahanap ko?"- Lyka , nagtinginan kami ni Rang saka ako bumuntong hininga... Lumapit ako sakniya saka hinawakan yung kamay nya

" *Sighed* Lyka, wag kang mabibigla sa sasabihin ko ah pero kilala mo yung nag utos dun sa aksidente ng kaibigan mong tao.. "- I said , naguluhan sya bigla sa sinabi ko

" Wait. *Umatras bigla* Paano ko naman makikilala yun? " - Lyka , lumapit saknya si Rang

" Si Lee Yeon.. Sya ang nag utos sa ibang mga gumiho noon para patayin ang mga kasamahan at mismong kaibigan ni Stell. Si Lee Yeon ang may kasalanan "- Rang , gulat na gulat si Lyka sa nalaman nya umatras sya sa nalaman nya hindi maexplain yung facial expression nya..

" Hindi... *Shocking* Hindi Totoo yan.. Kuya Rang bawiin mo yung sinabi mo!! Bawiin mo! Hindi Totoo yan! Hindi magagawa ni Kuya Yeon yang sinasabi mo !! *Pigil Iyak* " Lyka, lumapit si Rang

" Lyka , hindi mo na kasama si Lee Yeon kaya hindi mo sya totoong kilala.. Kaya maniwala ka sakin , saamin ni Yuri , Lee Yeon is the true suspect of Stell's accident..."- Rang , umiyak syang napaupo nalang sa sofa..

" *Crying* Hindi totoo yan ,hindi totoo! "- Lyka , nagtinginan kami ni Rang dahil naaawa ako ky Lyka... Pero tinaasan nya ako ng kilay saka sya lumapit sa kapatid..

" See? Totoong masama si Lee Yeon.. Anong balak mo?"- Rang , pero walang reaksyon si Lyka , tumayo sya saka umalis pagkaalis niya.. Lumapit ako ky Rang

" Rang hindi kaba naaawa sa kapatid mo? Nag sinungaling tayo sa knya!!"- I exclaimed

" Eh anong gusto mong mangyare ha Yuri? Ilalaglag ko yung sarili ko sa kapatid ko ganon ba yun? Mas maaatempt ko pa na makitang galit at iniiwasan ni Lyka si Lee Yeon kesa na ako ang iniiwasan nya at si Lee Yeon ang magiging close nya!!! Naiintindihan mo?? *Angry*"- Rang , then umalis narin sya dto..

Rang POV

Pagkarating ko dto sa condo nakita ko si Lyka na Iyak ng Iyak sa balconahe..

FLASHBACK

" Rang hindi kaba naaawa sa kapatid mo? Nag sinungaling tayo sa knya!!"

FLASHBACK ENDS

Bumuntong hininga ako

" Alam ko masakit pero wala kang magawa si Lee Yeon talaga yung may kasalanan.. Balak mo bang Sabihin ky Stell?" - I Asked

" Hindi ko pa alam kung sasabihin ko ba baka kasi pati sakin magalit sya e "- Lyka

" Sabihin mo ng mas maaga para alam nya gagawin sa totoong suspect"- I said

" What do you mean kuya? Gusto mo bang saktan ni Stell si Kuya Yeon?" - Lyka

" Lyka.. Wala akong sinasabing ganyan.. Okay.. Sabihin mo ky Stell.." - I said

" hindi ko alam. *Crying* Gulong gulo ako ngayon Kuya Rang! Shocking parin Paano nya nagawa yun? Nung tinanong ko sya ang sabi nya walang alam tapos ngayon sya pala yung may kasalanan? aaaaaar! *Ginulo buhok while my luha*"- Lyka , niyakap ko nalang sya

" Mind: Pasensya na Lyka, aking kapatid pero kailangan kong magsinungaling dahil hindi ko kayang makita na iiwasan mo, ayokong iwasan moko ayokong kamumuhian moko. Mahal na mahal kita kapatid ko at hindi ko kakayanin kaya dapat lang na si Lee Yeon ang dapat sisihin kahit wala naman talaga syang kasalanan pero kailangan kitang siraan saknya para umiwas ka lang.. You are only mine my sister , you are mine.."- I said to my mind

Time Skip..

Kinabukasan , kumain kami dto ng kapatid ko ng biglang dumating si Lee Yeon

" I'm here good morning saaking pinakamamahal na kapatid .. Ready kana sa day 2 training mo? "- Lee Yeon , pero hindi sya pinansin ni Lyka

" Ahm Kuya Rang after ng training ko derecho muna ako ky Anika "- Lyka

" Sure hatid na kita later"- I said , nagtaka naman si Lee Yeon sa inaasta ni Lyka

" Lyka? My problema ba? "- Lee Yeon but She still ignoring Lee Yeon, hmm mukang umepekto yung plan ko ah. Wahahaha!

Tumayo si Lyka saka pumunta ng balconahe sinundan sya ni Lee Yeon.

" Lyka sandali lang.. *Hinawakan kamay* Galit kaba sakin?"- Lee Yeon , nilingon nya si Lee Yeon na may masamang tingin..

" Bakit ka nag sinungaling sakin Kuya? "- Lyka , nagulat si Lee Yeon sa sinabi nito...

" What? Lyka hindi kita maintindihan ano ba kasi yang pinagsasasabi mo?"- Lee Yeon

" Tinanong kita kung may kinalaman ka sa aksidente ni Stell ang sabi mo sakin wala kang alam tapos ngayon malalaman kong ikaw ang nag utos sa mga gumiho para guluhin sina Stell noon? *Crying*" - Lyka

" *Shocking* At saan mo naman narinig yan? Hindi Totoo yan! "- Lee Yeon

" *Natigilan* Nagpatulong ako kila Ate Yuri At nalaman nilang ikaw ang may kasalanan! Ansama nyo! *Crying*" - Lyka

" Lyka, hindi Totoo yan! Wala akong kinalaman dyan! "- Lee Yeon

"So sinasabi mo bang nagsisinungaling si Kuya Rang? *crying*"- Lyka

" What?? Wait akala ko ba si Yuri tumulong sayo bat napunta nato ky Rang? "- Lee Yeon

" Silang dalawa yung nagsabi sakin Kuya kasalanan mo!! *crying while hampas sa dibdib* Ang sama sama mo kuyaaa! " - Lyka Exclaimed

"Lyka wait... Look wag kang maniwala dun! Lalo na ky Rang! sinisirian nya ko sayo Lyka! Alam mo namang may galit yun sakin diba?? Please naman oh! Lyka please wag ka namang maniwala *Crying*"- Lee Yeon

" Tama na kuyaaa! Titigilan mo nato! *crying* Ayoko nang makita yang pagmumukha mo! *Walk out* "- Lyka ,

" Lyka ! *Crying*"- Lee Yeon, pinagmamasdan ko lang silang dalawa.. Napaupo nalang siya dahil sa Iyak.