LOVE IS BLIND, iyan ang motto ni Margaret Faye sa kanyang buhay pag-ibig. Why? Iyon ay dahil sa nahulog ang loob niya sa isang kaibigan na miyembro ng federasyon, si Kahlil. Wala namang pakialam doon ang dalaga dahil naniniwala siya na kaya pang magbago ng kanyang kaibigan.
Ngunit lumabo ang tsansa niya dahil na rin sa pag-amin na hindi nito kayang magpakalalaki para lang sa kanya. She will meet a friend na handang dumamay sa kanya sa kabila ng katotohanang in love pa rin siya sa kaibigan.
Magagawa nga ba niyang isuko na lang basta-basta ang nararamdaman niya para kay Kahlil? Paano kung mag-iba na naman ang ihip ng hangin? Hahayaan na lang ba niya iyon o gagawa siya ng paraan para mapigilan iyon?