Chereads / Sinaunang Ngayon / Chapter 3 - I.

Chapter 3 - I.

Eira's POV:

Monday. that is my favorite day of the week.

Ewan ko, siguro kase madaming tamad na tao dahil papasok na ulit sila sa trabaho o paaralan at mga off ang vibes nang karamihan.

Yung tipong may mga bumabyahe sa pampasadang jeep na tulala, meron din iilang ke lunes lunes ay badtrip. Sabagay di ko sila masisisi. Nakakabadtrip naman talaga ang trapik sa Pilipinas.

Nakapagpahinga naman ako ng maayos last night. Nakatulong talaga yung prescribe saking sleep aid. Bagsak ang lola mo. Nagprepare na ako dahil meron akong pupuntahang event. Isa nga pala akong photographer, part-time I mean. Di sasapat ang sahod ko bilang barista sa pang araw araw na gastos. Weekly bill ko at nang pusa kong si Lila ay nasa 5,000. Huwag mo na tanungin, mahal ang cat food.

Sinuot ko na paborito kong over-sized shirt na kulay mauve, at white na tight short paired with my old chuck taylor converse shoes. Sa Lipa City ang shoot nang venue, 8am pa naman so I still have time.

From Santa Rosa Laguna to Lipa City inabot din ako nang 3hrs sa byahe, saktuhan lang dahil 2pm ang bridal shoot namin.Dyahe lang talaga ang byahe. Traffic at mainit. Buti nalang maganda ang place, mukha kang nasa ibang bansa. Kuhang kuha nang Old Grove Farmstead ang mga barn sa Netherlands. Ang cozy at relaxing nang paligid kahit medyo mainit pa ang tama ng araw. May mga tupa at baka sa farm na talagang pakiramdam mo nasa ibang bansa ka.

Sa may hanging bridge ang shoot namin kaya nag ayos na ang team naming para sa shoot.

"Mukhang may fresh dito sa tabi ko ah!" napatingin ako sa nagsabi. Si Celine, ang hair and make up artist ng team.

"Ah oo, nakatulog ako ng medyo mahaba last night" sabi ko.

"Asus! Nadiligan ka kamo! Charisz!" ani Celine habang tumatawa. Ngumiti nalang ako nang pilit at nagkibit balikat.

Di ko siya masyadong kaclose. I mean lahat sila. Ilang ako sa kanila. Lagi kasi silang hyper at full of energy. Salungat ko. Introvert ako, alam naman nila. Nakakapagtaka at di sila naooff everytime may jokes sila at wala ako gaanong reaksyon. Minsan mas pinipili ko na lang din sumama sa sirkulasyon nilang puro kulitan para madala nalang din ako at matuto narin makihalubilo. Kailangan ko yun dahil sa pinagdadaanan ko. Mas pinipili ko na ngayon makisama sa ibang tao para some part magkaroon ako nang nilulook forward too sa aking everyday life.

"Okay guys! Start na tayo! Pakiguide na si Mam and Sir nang kanilang posing!" si Kaito. Ang aming head producer.

Tumayo na ako sa gitna to start the shoot. Konting adjustments lang contrast and lighting ang ginawa ko dahil naset up ko narin naman ang camerang ginagamit ko.

"Okay Mam Ayesha, tingin po dito." sabi ko sa Bride. Maganda ang bride, matangkad at maputi. Mahaba ang itim na itim na buhok at magaganda ang kanyang mga nangungusap na mata. Bagay na bagay sila ni Sir Clyde, ang groom. Matangkad at moreno si groom. May kapayatan ito pero sakto lang sa build nang katawan, matangos ito at may pagchinito. Mukhang di sila nagkakalayo nang age. Kinuhanan ko na sila nang pictures. Mga sweet shots, kissing shots and yung mga shots na animo'y pang korean drama. Ilang shots mula sa isa pang set ay matatapos narin kame.

Second outfit na nang soon to be married. Nagpahinga muna ako sa bench malapit sa farm, ang mga kasama ko ay busy naman magset up nang pangalawang scene, 5pm na pala, di ko namalayan. May iilang alitaptap na na dumadapo sa halaman at pananim. Mga nakayupyop narin ang ilang baka at tupa para magpahinga.

Tumayo na ulit ang couple sa mga bakod. Ang scene ay para silang nag pipicnic sa ilalim nang puno. May nakalatag narin na checkered blanket na pula and basket of fruits, may iilan din na sandwiches and tupperware sa lapag pang dagdag sa picnic scene. Sinipat ko na sila sa camera, napangiti ako nang mapait. How I wish I saw my mom and dad like this. Yung tipong ang lalagkit nang tinginan nila at may mga ngiti sa mga labi na di maalis. Hindi ko manlang silang nakitang ganito. Kung hindi sigawan, mauubos ang oras sa patagalan nilang hindi nagsasalita sa isa't isa. Yumakap na si groom sa likod nang bride, at sa likod nang groom ay may lalaking nakabahag.

"Lalaking nakabahag?!"

Inalis ko ang aking mata sa camera at muli silang pinagmasdan. Masaya parin silang naghahagikhikan habang magkayapos parin. Wala ang lalaking nakabahag na nakita ko sa camera. Hindi ko nalang pinahalata ang aking pagkagulat sa mga kasama ko at nagkunwaring inaayos ko lang ang camera.

Muli akong sumipat sa camera nandoon parin ang lalaking nakabahag! nanlilisik ang mga mata habang nakatingin sa akin! Pinagmasdan ko siyang mabuti. Maitim ang lalaki, mga 5ft ang height, nakasuot ito nang parang sombrerong makaluma at nakabahag. Meron din siyang hawak na sibat at puro dugo ang kanyang kamay!

Huminga ako nang malalim. Dapat sanay na ako makakita ng mga ganitong senaryo sa panaginip ko pero hindi ko parin maiwasang hindi pagtayuan nang balahibo. Alam ko na isang aparisyon lamang siya mula sa aking isipan pero parang totoo na nakatayo siya sa likuran nang couple. Pinagpatuloy ko ang pagkuha nang litrato sa dalawa kahit malinaw at kitang kita ko parin siya sa background, masama parin ang tingin niya sakin.

"Miss! Okay lang ba na picturan mo kame na parang nag hahide and seek? Sa likod ako nang puno si Clyde naman nasa harap hinahanap niya ako kunwari hehe." sabi ni Miss Ayesha.

"Sure mam. Pwesto na po kayo doon." nakangiti kong balik. Pumunta na nga si bride sa likuran nang puno at ang asawa niya sa harap. Sinimulan ko na silang kuhanan. Ang lalaking nakabahag ay nakatingin parin sakin, hindi ko nalang pinansin dahil alam ko na maya maya ay mawawala narin siya sa akin paningin. Nakita ko siya na dahan dahang umalis sa pagkakatayo at pumunta sa likuran ng puno! Medyo naalerto ako sa pagsunod niya sa bride. Although alam kong imbento lamang siya nang aking mata, di ko parin maiwasan kabahan sa pagsunod niya sa babae.

"Waaahh!" gulat ni bride sa kanyang groom. Kinuhanan ko na ulit sila. Nakahinga ako nang maayos nung nakita kong ayos naman si Miss Ayesha. Pinagpatuloy ko ang pagtake ang shots para matapos na kame, naging kampante narin ang aking pakiramdam nang tuluyan nang hindi na siya muling nagpakita sa akin.

---

Pasado alas siyete na kame tuluyan natapos sa set. Tumulong nalang din ako mag ayos nang ilang ringlights at equipments.

"Okay ka lang ba?" tanong sakin ni Sir Kaito.

"Opo sir, ayos lang. Medyo di lang ako sanay nang mahabang byahe kanina pero ayos lang po." sabi ko. Totoo naman. Mahabang byahe papunta dito, swerte ko pa nga at wala gaanong traffic pa yun unlike sa tunay na traffic sa Maynila. Problema ko pa may pasok pa ko mamayang 9pm.

"Oo nga, pasensya kana. Next time na may shoot at malayo si Jarren nalang kukunin kong photographer. Wala kase aking tiwala sa shots nun eh, unlike sa mga kuha mo." ani Kaito.

"Hehe okay lang po. Sulit naman at maganda ang scenery. May pang igs pa po ako hehe." biro ko.

"Oh eto." Sabay abot niya nang 3,500. "Ayan yung shares mo for today, yung sa kanila next week ko na ibibigay. Mas kailangan mo iyan alam ko eh."

Inabot ko ang pera at inipit sa phone ko, hindi ako paladala ng wallet eh. Nalilimutan ko kung saan ko nailalagay. "Salamat sir, una na po ako may work pa ako later eh."

"Okay sige Eira, mag iingat ka, next time pag meron na ko sasakyan sabay nalang kita para di na kabawasan sayo ang pamasahe hehe." habol na biro ni Sir Kaito.

Tumango nalang ako at umalis na. Nagpaalam narin ako sa mga kasamahan ko dahil mauuna na ako. Bukas ko na siguro ieedit ito pag uwi ko nang madaling araw mamaya. For sure kaaayawan ko na naman ang pagtulog.

Sa harapan nang Old Grove Farmstead ay highway na, may mga pampasaherong tricycle na ang dumadaan. Hindi na ako mahihirapan maghanap nang masasakyan papuntang terminal. Kailangan ko magmadali. May shift pa ako mamaya.

May dumaang isang tricycle na kulay orange, "maliit na naman" bulong ko sa sarili ko. Ewan ko ba naman, di ko maalala kung kailan ang huling sakay ko sa tricycle na sumakto ako. Sa height kong 5'8 lagi nalang ako nakarolyo sa loob neto.

"Pasaan ka ga miss?" tanong sa akin ni kuyang driver.

"Terminal po kuya, sakayan pa Santa rosa." ani ko. Naalala ko hindi pa nga pala ako naghahapunan. Huling kain ko kanina sa shooting ay meryendang dala pa ni Celine. Makakain nalang mamaya sa shop pagdating ko. Sana hindi ako malate. Muli kong pinagmasdan ang lugar na pinagganapan namin, talaga naman maaamaze ka sa ganda nang kapaligiran. Kahit madilim na ay talaga di mawawala ang kanyang ganda sa dami nang pailaw sa farm. Muli ko ng sinipat ang pinagshooting-an naming kanina.. At sa may puno nang mangga, lumitaw muli ang lalaking nakabahag! Nakangiti sa akin habang nanlilisik ang mga mata! Puro dugo ang kanyang mga mukha! At ang mas nagpagimbal sa akin, ay ang kanyang kamay, wala na ang hawak niyang sibat. Kundi ang hawak na niya ay ang ulo ni Miss Ayesha!

---

12:09am

Nalate nang 30 minutes sa work kanina. Maigi at maagang pumasok si Gab. Nag early in daw siya at may oovertime dahil kailangan niya nang pera. Kaya ang pagkalate ko ay hindi nagdulot sa akin nang pagkasabon mula sa aming boss.

Hindi parin mawala sa isip ko ang mga pakitain kanina. Alam kong hindi tunay ang aking mga nakita kanina. Lahat iyon ay pawang aparisyon lamang. Tinawagan ko na rin si Miss Ayesha, nagpanggap akong nagtatanong lang kung ilang hard copy ang kailangan nilang pictures para sa wedding. Pero ang totoo, tinitignan ko lang kung walang katotohanan ang aparisyon ko kanina, na kung buhay pa siya. Nakakagimbal ang nakita ko kanina, halos mahulog na mula sa mukha ni Miss Ayesha ang kanyang utak. Hindi ko mawari kung ano at para saan ang nakita kong iyon, at ayoko nang alamin. Huwag naman sana..

Nakapaglinis na ako nang katawan at pumunta na sa higaan, napakain ko na rin si Lila. Binuksan ko na ang aking laptop at sinimulan nang itransfer ang mga photos sa camera ko. Wala sa plano ko ang matulog ngayon gabi. Mamayang umaga nalang, magpapakapuyat ako sa pag eedit. Next week pa naman ang deadline neto pero gagawin ko nalang ito para may rason ako magpuyat. Nagbukas narin ako nang cadburry at ilang crackers para ngatain habang nag eedit. Kailangan ko ito para malibang at hindi hatakin nang antok.

Hindi ko napansin na low battery pala ang laptop ko. Nasa kalagitnaan na ako nang pag eedit nung bigla etong namatay. "shit!" pag minamalas ka nga naman. Hinanap ko ang charger sa ilalim na kama ko. Napakadaming kalat. Hinubad na mga medyas, mga balat nang sitserya, pinagpalitan na mga bags at mga kung anu anong abubot. Ewan ko ba naman. Napakarami kong time para maglinis pero di ko magawa. Nakita ko ang charger sa pinakasulok. Dahil malayo, kailangan ko pang bumaba nang higaan para gapangin ito sa pinagkakasulukan. Literal na nasa loob na ako nang kama pagkuha lang sa lintik na charger na to. Palabas na ako nang makita kong may mga paa sa labas nang pintuan ko! Bukas ang ilaw sa kusina ko para kahit papaano ay may liwanag paring pumapasok sa kwarto ko at kitang kita ko may nasa tatlo o apat silang nakatayo sa pintuan! Madudumi ang mga paa at puno ito ng dugo! Sa sobrang gulat ko ay nauntog ako sa ilalim nang kama at naging dahilan para mawalan ako nang malay.

Sa nag aagaw kong diwa ay naririnig ko pa silang bumubulong nang paulit ulit.. Parang spanish chant. Mahina at palakas nang palakas..

"Cabeza de novia.."

"Cabeza de novia.."

"Cabeza de novia!!"