Chereads / Scream Anthologies / Chapter 1 - Ataul

Scream Anthologies

🇵🇭EKhalidUy
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 15.5k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Ataul

Magpinsan sina Drake at JP at malapit ang dalawang ito sa isa't-isa kaya noong bata pa lamang sila ay napagkasunduan nila na mag-aral sa iisang paaralan lamang at hanggang ngayong high school na sila ay hindi pa rin sila mapaghihiwalay. Kaya lang, kung minsan si Drake ay may kapilyuhan...

"Pahiram nga ako ng phone mo Drake. Magse-selfie lang ako para sa bagong profile pic ko sa facebook."

"O heto, ingatan mo JP ha. Ibalik mo na lang mamaya sa recess."

"Ok ah. You're the best!"

Makalipas ang dalawang oras ay muling nagkita ang dalawang magpinsan subalit ngayon ay inis na sinalubong ni JP si Drake.

"O JP, ok na ba?"

"Anong ok?! Bakit may picture ka nito sa phone mo? Kinuhaan mo pala ng litrato yung nakalamay sa funeral home nang araw na iyon?" nabubwuisit na tanong ni JP kay Drake patungkol sa dinaluhan nilang lamay noong isang linggo.

"Haha! Bakit pala JP?"

"Ungas! Eh kung may kaluluwa na sumunod sa bahay ninyo?"

"Huh? Totoo ba yan?"

May isang lumang kasabihan na bawal kunan ng litrato ang mga ataul ng namatay dahil may posebilidad na ang mga kaluluwang ito ay magising at di na tuluyang tumawid sa kabilang buhay, sa halip ay maaari itong sumama sa kumuha ng litrato habam-buhay dahil hindi ito matahimik.

Makalipas ang ilang araw ay nakaramdam na si Drake ng kakaibang takot, tila mayroong nagmamatyag sa kanya, sa kanyang pagtulog, sa kanyang panonood ng tv o sa kanyang pagligo.

Nang minsan ay nadatnan niya ang kanyang nakababatang pinsan na si Dennis sa kanyang kwarto na nagsusulat sa papel. Madalas itong gawin ni Dennis kaya nang makita ito ni Drake ay binati na lamang niya ito.

"O, maaga yata ang uwian niyo ah. Wala ba kayong pasok ngayong hapon?"

Ipinagtaka ni Drake ang tahimik na pagsusulat ng pinsan niya sa papel ngunit alam din niyang ugali na ni Dennis ang hindi pagsagot sa mga tanong kung mayroon itong ginagawa kaya isinaisang-tabina lamang niya ito.

"Sandali. Kanina pa ako naiihi eh. Dito ka muna Den, pupunta muna ako sa CR."

Nagpatuloy ang bata sa pagsusulat at nanahimik lamang ito. Tumungo si Drake sa CR na nasa kabilang bahagi ng palapag ng kanilang bahay. Habang nasa pasilyo ay narinig niya ang agos ng tubig sa gripo ng CR.

Naisip niya agad na maaaring naiwang bukas ni Dennis ang gripo kaya mula sa madilim na pasilyo ay humarap siya sa kinaroroonan ng kanyang kwarto at sinigawan niya ang pinsan.

"Anak naman ng puto at dinuguan Dennis o!"

Ikinagulat niya nang marinig ang maliit na tinig mula sa loob CR. Ang maliit subalit pamilyar na tinig ng kanyang pinsang si Dennis.

"Bakit kuya Drake?" Kinabahan si Drake nang marinig ang tinig na iyon dahil iyon nga ang tinig ni Dennis. Kung narito ang kanyang pinsan sa loob ng CR, sino ang nakita at binati niya sa loob ng kanyang kwarto? Kumakabog ang kanyang dib-dib subalit nais niyang makasiguro kaya...

"Dennis?"

"Kuya?"

"Dennis, tinatakot mo ba ako? Paano ka napunta dyan, samantalang kanina lamang ay naroon ka sa kwarto?"

Huminto na ang pag-agos ng tubig sa gripo. Biglang sinakluban ng katahimikan ang buong pasilyo patungo sa CR. Katahimikan ang naramdaman ni Drake na dahan-dahang lumalapit sa kanyang likuran, katahimikan na nagmumula sa kwarto.

Sa sobrang katahimikan ng pasilyo ay naririnig niya ang pagyapak ng mga paa na unti-unting lumalakad sa likuran niya hanggang sa basagin ng isang pamilyar na tinig ang katahimikang iyon.

"Sino ang kausap mo dyan kuya Drake?"

Dumoble ang bilis ng pintig-puso ni Drake dahil alam niyang kung sinuman ang nilalang na nagtanong noon at ngayon ay tiyak na nakatayo sa kanyang likod ay hindi si Dennis.

Ginawa niya ang lahat upang pigilan ang sarili na lumingon at nang tila nagtagumpay siya sa di paglingon ay nanlamig ang kanyang buong katawan sapagka't may maliliit na daliring gumapang sa kanyang kanang braso.

Tuluyang napalingon si Drake sa kanyang likuran at nakita niya si Dennis na may buong pagtatakang tanong sa kanyang mukha.

"Kuya, sino ang kausap mo dyan?"

Parang aatakihin sa puso si Drake ngunit nang makatiyak na ang kausap niya ngayon ay ang tunay na Dennis ay lunok-laway siyang tumugon.

"Ikaw. Saan ka galing?"

"Sa kwarto. Halika, bumalik na tayo doon, tatapusin ko pa ang ginuguhit ko."

Subalit bago pa man sila magsimulang humakbang pabalik sa kwarto ay narinig nila ang pagpingkian ng kahoy na pintuan sa CR. Dahan-dahan itong bumubukas at isang nakapangingilabot na ungol ang kanilang narinig mula sa loob.

"Kuya Drake ano 'yun?"

Sa sobrang kaba at takot ay tinulak na lamang ni Drake ang pinsan sa pasilyo pabalik sa kwarto.

"'Wag ka na magtanong Dennis tumakbo ka na lang!"

Nang makarating sa pintuan ng kwarto ay dali-dali niyang dinagilin ang pinsan papasok sa loob. Bukas ang ilaw sa loob ng kwarto at maliwanag dito di gaya ng pasilyo.

Kung anuman ang naroon sa CR ay tiyak niya na hindi makakapasok sa kwarto. Agad isinara at kinandado ni Drake ang kwarto. Hinanap niya ang kanyang cellphone na siyang nakita niyang nakapatong sa mesa na pinagsusulatan ni Dennis kanina.

"Dito lang tayo Dennis. Hindi tayo lalabas. Tatawagan ko si mama."

Tinungo niya ang mesa na nasa tabi ng bintana, dinampot ang cellphone at nagsimulang idayal ang numero ng kanyang ina nang mapansin niya ang bond paper na nakapatong sa lamesa.

Ito ang papel na sinusulatan ng kanyang pinsan kanina. Natulala siya rito, napako sa kanyang kinatatayuan, may panginginig na tumatakbo sa kanyang gulugod, dahil sa papel na iyon ay makikita ang larawang-guhit ng isang ataul at ang mga kataga na isinulat sa pulang tinta.

"Narito ako!"

Hindi ito inasahan ni Drake, nang lingunin niya ang pintuan ay nakita niya si Dennis na nakatayo rito, tila nakaharang at inosenteng nakatitig sa kanya hanggang sa ngumiti ito na may buong malisya.

Lumabas ang matatalas na ngipin nito at bago makagawa ng hakbang si Drake ay biglang namatay ang ilaw sa kwarto. Dakong alas-siyete na ng gabi nang maganap iyon.

Tuluyan nang dumilim ang buong bahay. Ang mga ilaw sa ibaba ay umandap-andap hanggang sa ang natitirang liwanag ay humigpa ng tuluyan. Isang malalim na angil ang narinig ni Drake sa kadiliman ng kwarto hanggang sa umaninag ang isang pares ng makikinang at mapupulang mga mata.

Mga mata na puno ng sumisiklab na galit at ang tanging nagawa ni Drake sa mga sandaling iyon ay ang sumigaw, sumigaw hanggang sa masakal siya sa sarili niyang mga hiyaw at mapiga ang buhay mula sa kanyang katawan.

Makalipas ang ilang araw...

"Tita, hindi ko pa rin matanggap na wala na si kuya Drake." sambit ni Dennis.

"Tahan na Dennis. Tanggapin na lang natin ang mga nangyari." umiiyak na wika ni Elise habang pinagmamasdan ang katawan ng anak sa loob ng ataul nito.

Lamay ni Drake ngayong araw at marami rin ang dumalo dahil sa totoo lang ay mabait naman talaga si Drake. Kung minsan nga lang ay pilyo at hindi naniniwala sa mga lumang kasabihan.

Di kalayuan sa labas ng funeral home kung saan ginaganap ang serbisyo para kay Drake ay napansin ni JP ang ilan sa kanilang mga kaklase nanagkukumpulan. Nang medyo makalapit na siya sa mga ito at mapansin ang pagkisap ng mga ilaw sa mga iPhone ng mga ito ay dali-dali niya na itong nilapitan at pinagsanihan.

"Huwag kayong maglilitrato rito sa lamay ni Drake."

"Bakit naman?" inis na napailing ang isa sa kanila.

"Baka magaya kayo sa kanya. Baka kayo ang sumunod."

"Ang KJ mo naman JP. We're just taking our last memories of Drake." wika ni Natasha.

"Yun na nga ang problema Natasha." buntong hininga ni JP. "Respetuhin niyo na lang ang namatay at ang pamilya namin."

Nang gabing iyon agad pumasok si Natasha sa kanyang kwarto upang magbihis. Naamoy niya ang nilulutong ulam mula sa kusina. Tamang-tama at gutom na siya mula sa lamay kaya pasigaw niyang tinanong sa kanyang mommy kung ano ang hapunan.

"Adobong manok, anak!" tugon ng kanyang mommy mula sa kusina. "Halika na at kakain na tayo."

"OK mommy naryan na."

Subalit nang masuot na ni Natasha ang kanyang T-shirt ay naalala niyang mayroong shift ngayong gabi ang kanyang mommy sa ospital at baka abutin pa ito ng ala una ng madaling araw bago makauwi.

Kung ganoon ay sino ang nasa kusina at nagluluto ng Adobong manok? Sa mesa ay nailapag niya ang kanyang selpon at bigla siyang nagulat nang mabuksan ang skrin nito.

Napansin niya at naalala ang litrato na kinunan nilang magkagrupo sa lamay. Napagkasunduan nila na gawin itong wallpaper sa phone ng bawat isa bilang huling alaala ni Drake. Dinapot niya ang phone at agad nagulat sa nakita.

Apat lamang silang magbabarkada na nag-groufie kanina pero ang nasa larawan ngayon ay lima. Kinurap-kurap niya ang kaniyang mga mata dahil hindi siya makapaniwala sa nakikitang ikalimang miyembro ng grofie.

"Si Drake!"

Biglang namatay ang lahat ng ilaw sa buong bahay nila Natasha at ang huling bagay na kanyang narinig ay ang boses ng kanyang ina sa gitna ng dilim na nagwiwika ng, "Narito ako."

- WAKAS