Chapter 4 - Chapter 04: The Changes

Nakarating na si Alliah sa napakalaki at napakagandang mansyon ng Hespero, kaagad naman sumalubong ang dalawang libong maids at ang nag-iisang butler na si Miguel, naroroon din ang matandang babae na sa tingin niya ay ito ang pinaka head ng mga maids.

"Ikinagagalak ka naming makita muli Lady Letizia" bati ng mga ito.

Tinignan lamang niya ang mga ito at saka dumeretso sa loob ng mansiyon, lahat sila ay napuno ng pagtataka.

~

Nasa loob na ng kwarto si Alliah at siniguro niya na naka-lock ang malaking pinto.

"Putang-ina! Para akong maiihi kanina dahil sa kaba!" Singhal nito.

Nagpagulung-gulong ito sa malambot at mabangong higaan at saka ipinikit ang mata.

"Ano na ang next na gagawin ko?"

Tumayo ito mula sa higaan at pinagmasdan ang kwarto nito. May nakita rin siyang isang malaking aparador at pagbukas niya ay may maliit na kahon na nakalagay sa gilid nito.

"Diary?"

Binuksan niya ang Diary at doon ay may nalaman siya tungkol kay Letizia.

Dear Alliah,

Sa iyong pagdating dito sa mundo ay alam ko na binabasa mo na ang liham. Noong ika-25th ng gabi ay binalaan ako ng soul keeper na dapat maibalik sa maayos ang nararapat nating buhay dahil naipagpalit niya ang mga kaluluwa natin, kung hindi ito maaayos ay tiyak na pareho tayong mamamatay. Hindi ko nais nakawin ang naging buhay mo diyan, ngunit ito na ang gabi na nakatakda para sa atin.

Ang pagkamatay mo sa iyong mundo ay hindi iyon isang aksidente, kundi kagagawan ng soul keeper, ginamit niya ang pulang buwan upang maging daan sa ating pagbabalik sa nararapat nating buhay.

Hanggang sa muli Alliah

Letizia

Tunayo ito mula sa sahig, at sinabutan ang kaniyang sarili.

"I can't believe this!, anong mundo ba kasi itong tinutukoy niya? Mundo ng immortal? Mundo ng nobela? Mundo ng mga bampira? Mundo ng mga mananakop?"

"So meaning, kapag namatay ako dito, patay na talaga ako as in? No third chances?"

Knock ! Knock ! "Lady Letizia, maaari ba akong pumasok sa iyong silid?"

Pinagbuksan niya ito ng pinto at bumungad sa kaniya ang personal maid na si Anna. Bigla may naalala si Alliah na si Anna ang isa sa mga pinagkakatiwalaan nito.

"Sabihin mo sa akin ang totoo Anna, ano nangyari sa akin noong panahon na nawala ako?"

Yumuko si Anna at bakas sa mukha nito ang kalungkutan.

"Ikaw ay nilason lady Letizia, ngunit hindi namin alam kung sino ang may sala"

"Dinala ka sa bayan ng Majika upang maipagamot ngunit ang sabi ay dineklara ka ng patay"

"Kaya pala ganoon na lang ang mga reaksiyon nila nang makita ako" - Alliah

"Sa lahat ng mga tao dito ay ikaw lang ang nagpa-iyak sa akin ng ganito Lady Letizia huhu, salamat sa maykapal at ikaw ay buhay!"

"Sa anong lugar ako nilason?"

"D-dito po sa iyong kwarto"

"So, ang salarin ay nandito lang sa mansiyon" - Alliah

"Anong klaseng babae ba ako Anna?"

Sumagot agad si Anna ng walang paligoy-ligoy

"Ikaw ay isang elegante, mabait, mapagkumbaba, mayaman at higit sa lahat maganda. Mahusay kayo sa pagtatahi, pagpipinta, at sa pagsasayaw!"

Lahat ng katangian na ito ay sisiw lang kay Alliah.

"Salamat Anna, kahit papaano ay may naaalala na ako"

"Nagagalak akong malaman yan Lady Letizia, samahan ko na kayo sa silid paliguan dahil maya maya pa lamang ay magsisimula na ang hapunan kasama ang inyong pamilya.

Nagtungo na sila sa silid paliguan at kasabay nun, ang pagbago ng expression ng mukha ni Alliah.

"Kung sino man ang magtatangkang pumatay sa akin ay humanda sila dahil ibang Letizia ang makikilala nila" - Alliah