Chapter 2 - Chapter 02: Looking for you

"Ate.. Ate.. Gising" naalimpungatan si Alliah ng may narinig siyang bata na nagsasalita.

"Ate.. Huwag po kayo dyan matulog sa kulungan ng baboy madaming tae po nagkalat" Napabalikwas ito ng higa at totoo nga nasa kulungan siya ng baboy.

Tinignan niya ang isang batang babae na parang nasa anim na taong gulang.

"Hindi pa ako patay?" Tanong nito.

"Haha ano ka ba naman ate, buhay na buhay ka po kita niyong nasa kulungan kayo" tumawa ang batang babae at umalis na si Alliah sa kulungan.

"Mayroon ba kayong CR dito?"

"CR? Ano po iyon?"

"Ahh... Ano palikuran" pagkakamot nito sa ulo dahil hindi siya naunawaan agad ng batang babae.

"Syempre meron naman po, halika!" Sinundan niya ang batang babae at nakita niya ang maliit na bahay.

"Inay, ito si ate siya yung nakita ko kanina na natutulog sa kulungan ng baboy"

Lumapit agad ang ginang at kitang-kita dito ang pagkagulat at nangingislap na mga mata.

"Bakit po?" Tanong nito.

"Gina, pakihanda agad ang paliguan at masusuot niya"

"Opo inay"

"Iha, natatandaan mo ba ako?" Tanong ng ginang

"Wala po akong maalala, at saka hindi ako taga-rito."

Natawa bigla ang matanda

"Shempre iha, hindi ka talaga tiga-rito, hayaan mo tutulungan kitang mahanap ang pamilya mo" ngumiti ito at sinamahan siya papunta sa paliguan.

Pagkatapos niyang maligo ay isinuot niya ang simpleng dress na aabot sa kaniyang tuhod.

"Nakakamangha, napakaganda niyo pala talaga!" Saad ni Gina ang batang babae.

"Maraming salamat po sa pagtanggap sa akin, ano po ang pangalan mo?"

"Ako si Lolit"

Bakas sa mukha ni Alliah ang gulat at saya ng malaman niyang siya si Lolita.

"Ate lolit? Kayo po iyong janitres sa ABC's company na pinagtatrabahuan ko? Hindi ko po kayo namukhaan"

"Paumanhin ngunit hindi ako ang iyong Lolit na sinasabi mo"

"Pe-pero magkamukha kayo?"

"Nagkakamali ka iha, isa lamang akong matanda na nag-aalaga ng aking apo na si Gina"

"Pasensiya na po, nasaang lugar po pala tayo?"

"Nandito tayo sa Hespero"

"Hespero?" Pag-uulit ni Alliah

"Itong lupa na tinitirikan ng ating bahay ay mula sa kaharian ng Hespero." - Lolit

"Kaharian? Hespero? T--teka

Earth pa din naman ito diba hehe ?"

"Earth? Anong earth inay?" Tanong ni Gina

"Mundo ang ibig sabihin apo"

"Nababaliw na yata ako" - Alliah

"Hindi ka baliw ate" - Gina

"Oh siya, kumain na tayo at nang makatulog na," - Lolit

Binigyan ng sariling kwarto si Alliah, pakiramdam niya ay parang napaghandaan nila ito. Ayaw naman niyang mag-assume ngunit iyon ang kaniyang kutob.

Sa kaniyang pagpikit ay naalala niya ang mga nangyari tungkol sa kaniyang ex-boyfriend.

Napaiyak na lamang ito ng unti-unting bumabalik ang mga sakit na naranasan niya sa pagibig.

"Ayoko ng masaktan pang muli" - Alliah

----

Kinabukasan nagising ng tanghali si Alliah kaya naman hindi niya na naabutan pa ang mag-Lola.

Nakita niya sa lamesa ang isang liham galing kay Manag Lolita

Iha, ikaw muna ang bahala sa bahay may aasikasuhin akong importante. Maraming salamat

Nagsimula ng maglinis ng bahay si Alliah mula loob hanggang labas. Pinakain niya rin ang mga baboy, manok at baka. Mabuti na lamang ay may kaalaman siya sa pag aalaga ng mga hayop dahil lumaki ito sa piling ng kaniyang mga lola at lolo.

Pagkatapos, ay nagtungo na ito sa palikuran upang makaligo at makapagpahinga.

Nakapagpalit na ng damit si Alliah, ang isinuot niya muna ay maong short at itim na sando dahil hindi pa tuyo ang dress na ipinahiram sa kaniya.

Lumabas ito ng bahay at nagpunta sa bakuran, kitang-kita niya ang magagandang tanawin kagaya ng bundok, dagat at palasyo.

"I can't believe na nag transmigrate ako dito!" - Alliah

"May tao ba riyan?!" Naagaw ang atensiyon ni Alliah ng may kumakatok sa labas

"Nandyan na, sandali lang ho"

Pagbukas niya ng pintuan ay bumubgad sa kaniya ang dalawang kawal

"Sino po hinahanap nila?"

Tinignan siya ng mga ito from head to toe atsaka lumingon sa kabilang dako.

"Kailangan ka namin dalhin sa mansyon"

"Bakit? Wala akong ginawang kasalanan kaya pwede ba, makakaalis na kayo" isinara niya ang pintuan ngunit iniharang ng kawal ang kaniyang kamay.

"sumama na po kayo sa amin, matagal na po kayong hinahanap ng Duke"

"Aba't matigas ka ah" - Alliah

Tumakbo si Alliah at tumalon ito sa malaking binatana, nagulat ang dalawang kawal sa kanilang nakita.

"Habulin siya!"

Hindi inaakala ni Alliah Cordovez na siya ay mapupunta sa ibang mundo matapos mabangga ito ng rumaragasang truck.

Hindi rin niya lubos maisip na kung bakit hinahabol siya ngayon ng mga kawal, dahil ba sa suot niyang short at sando lang?

"Tigilan niyo na ako! Parang awa niyo na!"

Naramdaman ni Alliah na hindi na siya hinahabol ng mga kawal kaya naman huminto ito sa malaking puno at kitang-kita ang paghihingal nito.

"Lady Letizia, hindi kana makakatakas sa amin. Tayo na at umuwi na tayo sa atin"

Huminto ang paghingal ni Alliah ng nagsalita ang isang lalaki, iniangat niya ang kaniyang ulo at nakita niya ang napakagwapong mukha nito at may suot ng golden armor na may tatak ng phoenix.

Tatakbo na sana si Alliah ngunit nahablot agad ng lalaki ang kamay nito.

"Bitawan mo ako! Hindi ako si Lady Letizia na tinutukoy mo!"

Bigla na lamang siya binuhat na parang sako at isinikay sa kalesa papuntang mansyon.

"HINDI NGA KASI AKO YUNG HINAHANAP NIYO PUNYEMAS!"