Chereads / Will You Remember me? / Chapter 2 - Chapter 01

Chapter 2 - Chapter 01

"Gising na! Tinanghali kananamang bata ka!!" Rinig kong sigaw ni mama sa tapat ng kama ko.

Napadilat naman ako kahit inaantok pa, saka tinignan si mama. Dahan dahan akong bumangon at umupo sa gilid ng kama.

"Ano nag puyat ka nanaman ba?" Tanong ni mama saakin, kinusot ko muna yung mata ko bago sumagot.

"Opo ma, nag hahanda lang po ako pag oras na makita ko po sya" Sagot ko naman, saka tinanggal ang muta sa mata.

"Hays nako ganon kaba kaexcited na makita sya ha?" Tanong ni mama kaya tumango naman ako.

"Hay nako bat sa tuwing sya ang binabanggit nagkakaroon ka ng lakas?" Nakangiting sabi ni mama saka ako niyakap patagilid.

"Sige na bumaba kana kakain na tayo, tininanghali kana ng gising e" Sabi ni mama kaya tumango naman ako.

"Susunod na ma" Sagot ko, lumabas na sya ng kwarto ko at ako naman ay tumayo na saka nag unat.

Naglakad ako papunta sa desk ko at tinignan ang malaking frame na may laman ng ibat ibang picture nya. Napangiti naman ako, isipin ko nalang na makakaharap ko sya ano nalang kaya magiging reaction ko.

"See you in Wednesday my lady" Sambit ko bago iniwan ang desk.

[Fast Forward]

Pag baba ko ay nakita ko sila mama at papa na nakaupo sa upuan ng dining table, nakahanda nadin ang mga pagkain hinihintay nalang ako.

Agad akong umupo sa harap ni papa ng makababa ako.

"Kain na" Sabi naman ni papa kaso hahawak palang sa kutsara ay pinigilan na agad siya ni mama, napanguso naman si papa.

"Ang tigas talaga ng ulo mo e noh, sabing mag dadasal muna tayo bago kumain e!" Saway ni mama kay papa, mas lalo pang napanguso si papa, napatawa naman ako.

"Hilain koyang nguso mo e" Napanguso pa lalo si papa dahil sa sinabi ni mama at ako naman ay napatawa nalang.

"Isa kapa bat ka tumatawa? Pareho talaga kayong mag ama andaming kalokohan! Magdasal nangalang tayo" Sambit ni mama, nakinig nalang kami baka kung ano pa mangyari.

Mag sisign of the cross na sana kami ng may biglang nag salita sa gilid namin kung saan ang pinto, napatingin naman kami doon at nakita ang dalawa kong kaibigan na si Hannah at Kyle.

"Tita naman e bat hindi nyo nanamn kami hinintay e!" Pag tatampo ni Kyle at nakigaya naman si Hannah.

"Oo nga tita bat di nyo nanamn kami hinintay?" Pag uulit ni hannah sa sinabi ni kyle.

"Sabi ko nga kaya madami akong sinaing at nilutong ulam dahil alam kong darating kayo" Nakisama namn si mama sa sinabi ng dalawa.

"Pero ang tanong, wala ba kayong bahay ha?" Sabay na tanong namin nila papa at mama, kaya napanguso ang dalawa.

"Tita at Tito naman pag bigyan nyo na kami" Nakangusong sabi ni Kyle.

"Paanong hindi namin kayo pag bibigyan kong araw araw ay nandito kayong dalawa!" Sagot naman ni Mama.

"Tita naman e!" Mangiyak ngiyak na sabi ni Kyle at pati nadin si Hannah ay umaktong iiyak nadin.

Maya maya pa ay umayos na agad si Hannah ng marealize nya ang ginagawa nila, agad naman nyang sinapok ang Kuya nya kaya muntik nang mapasubsob sa sahig si Kyle.

"Pinag gagawa mo talaga Kuya!!" Sigaw nya, btw mag kapatid nga pala sila haha, parehong siraulo, at pareho kong kaibigan.

Pero mas bata saamin ng 2 taon si Hannah, pero dahil nga laging sinasama ng kuya ang kapatid dito ay naging mag kaibigan nadin kami. Pero sa totoo lang, hindi sa mahangin ah pero may gusto daw si Hannah saakin.

:)

"Sorry na, ikaw naman itong gumaya din e" Nakangusong sabi ni Kyle sa kapatid nya.

"E bat, lagi nalang yan yung nasabibig mo e?" Tukoy nya sa sinabi nila kanina ng pumasok sila sa bahay.

"Ginaya mo naman ako" Sabi ni Kyle

"Dahil nakabisado ko na yang sinasabi mo" Sagot naman nya.

"Okay tama nayan mga bata, ano ba kaseng ginagawa nyo dito?" Pigil at tanong ni mama sa dalawa.

"Ano po kase tita pinapabigay ni mama sainyo" Sagot naman ni Hannah at lumapit kay mama, si mama naman ay napatayo at kinuha ang plastic na may laman na galing sa mama ni Hannah.

"Pakisabi nag abala pa sila, may pagkain naman kami" Nakangiting sabi ni mama, ngumiti nalang si Hannah bilang Sagot.

Pumunta si mama sa kusina at inayos ata yung ibinigay nila Hannah.

"Btw bro, kelan kaba papasok?" Nagulat naman ako dahil sa biglaang litaw ni kyle sa gilid ko.

"Kase dika panga nag tatrabaho haggard kana" Pagbibiro nya, pero di ako natatawa.

"Pinagsasabi mo?" Tanong ko at hindi sya pinansin.

"Hindi kase tignan mo kaya yung muka mo may eye bags kana" Saka nya hinawakan ang muka ko at pinaharap sakanya, inis ko namang pinalo ang kamay nyang nakahawak sa muka ko.

"Paano ba naman nag papractice ng magdamag kung paano nya daw haharapin ang lady nya" Sumingit naman si mama kahit na nasa kusina at umakting na parang si Lady Jane.

[FAST-FORWARD]

"Ahh ang lady nya" Pang gagaya naman ni Kyle sa ginawa ni mama at nag si gayahan nadin yung dalawa pati si papa at Hannah gumaya nadin.

"Manahimik nga kayo, kumain nangalang tayo!" Inis kong sabi sakanila kaya napatahimik sila at nag si upo na sa upuan, pati sila Kyle umupo nadin sa upuan at si mama din.

"Lady nya" Pag bibiro pa ni Kyle habang umaaktong parang babae, at lahat nadin sila nag ganun na.

"Tumigil nanga kayo kumain nalang tayo!" Suway ko pero hindi paring tumigil.

"Lady nya~~" Pag bibiro uli nila.

"Isa kyle manahimik kana" Nagtitimping sabi ko at babatukan na sana ng tumigil na ito kaya nag si tigil nadin ang tatlo.

Sa una ay tahimik pero maya maya pa ay bigla silang tumawa, kaya naman nainis ulit ako saka siniko sa dibdib si Kyle kaya napaaray ito sa sakit at tumigil sa kakatawa.

"Pfft, nako anak tama nayan wag mo ng saktan ang kaibigan mo" Pigil na tawang sabi ni papa pero hindi nya matiis kaya ibinuga nya din at tuloy tuloy silang tumawa.

"Ahem" Pigil naman nila sa pag tawa at nag seryoso na.

"Tama na nga yan mag si kain na nga tayo" Sabi ni mama at nag dasal na muna kami bago kumain.

[Fast Forward]

"Tita ako napo dyan" Sambit ni Kyle kay mama na nag huhugas pero pinigilan nya ito.

"Hindi na ako na bahala dito" Sagot naman ni mama.

"Nakakahiya naman kase tita e, kumain nanga kami pababayaan ko pa kayo na mag hugas, kaya ako napo dyan" Sabi ni Kyle, tsk ni hindi nga nag huhugas yan sa bahay nila mag huhugas paba kaya dito.

"Nako wag na tita wag na wag mong hayaan sakanya yang mga hugasin baka mabasag pa" Napatawa naman ako sa sinabi ni Hannah at si Kyle naman ay napatigil sa pag huhugas.

"Huy hindi a--" Napatigil ito ng mahulog nya ang plato at nabasag, kaya naman mas lalo pakong natawa.

"Totoo naman pala e, HAHAHA" Tawa ko.

"Hay nako bata ka, ako nanga lang dyan baka mabasag mo pa lahat ng mga ginagamit namin" Sabi ni mama at kinuha ang sponge sa kamay ni Kyle at sya na nag hugas.

Habang si kyle ay nililinis ang nabasag nyang plato. Napangisi nalang ako dahil sa reaksyon nya habang nilalabas nya yung mga basag na plato.

"Yan nabasag mo pa tuloy yung plato nila tita!" Suway ni Hannah sa kapatid hindi naman sumagot si Kyle.

Umakyat nalang muna ako at nag bihis ng panlakad dahil aalis ako, at bibili ng mga kailangan ko, papel ballpen like that.

Pag baba ko ay nakatingin sila saakin, problema naman nila.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni papa.

"Aalis pa, may bibilhin kase ako" Sagot ko.

"Sama kami Ai!" Sabi ni Kyle at lumapit saakin pati din si Hannah ay lumapit din.

"Aalis ka anak? May ipapabili ako sayo" Nag taka naman ako dahil ano naman ipapabili nya saaki.

"Ano naman yun ma," Tanong ko, may kinuha pa sya sa kwarto nya, tas pag labas ay lumapit sya saakin.

"Ano, Ito bilhin mo para sa damit na susuotin mo pag pasok" Nag taka naman ako.

"Huh? Kala koba may ipapabili ka? E bakit sinasabi mo saakin na bumili ako ng damit na susuotin ko?" Sunod sunod kong tanong.

"Kaya ko ibinigay yan para pambili mo nga ng Damit, Saka wala naman talaga akong ipapabili" Nakangiting sabi ni mama.

"Hindi na kailangan ma" Agad kong ibinalik kay mama ang pera dahil hindi ko naman kailangan pa.

"Kase may susuotin naman ako e" Dagdag ko.

Sa huli, napilitan ko ding tanggapin yung pera na ibinigay saakin ni mama at ipang bibili ko nga ng damit. E sa totoo lang meron naman na akong damit na susuotin.

Kaya lang naman ako pumunta dito kase may bibilin lang ako, at mga gamit na gagamitin kolang sa trabaho ang ibibili ko at hindi damit.

"Bro! Ano tara punta na tayo sa tindahan ng mga Suit?" Sambit ni Kyle, oo nga pala kasama ko si kyle at si Hannah.

"Pero sa tingin ko hindi ko nalang gagastusin" Sagot ko naman, napakunot ang noo nila.

"Huh anong hindi mo gagastusin? E kaya nga ibinigay sayo yan ni tita para ipang bili mo ng damit mo e, hindi yung itatabi molang" Sumang ayon naman din si Hannah.

"Oo nga naman Kailangan mong ipang bili yan ng damit, kase binigay sayo yan ni tita" Sang ayon niya.

"Hoy, paanong nawalan ka na ng galang sa nakakatanda sayo?" Tanong ni Kyle kay Hannah at pinitik ang noo nito.

"Aray naman, muka namang okay si kuya Ai na hindi ko sya tawaging kuya e, diba Ai?" Tanong nya at nag puppy eyes, napatango nalang ako kaya napangisi si Hannah.

"Tignan mo, pwede naman e" Sambit nya at pinitik din nya ang noo ng kapatid.

"E bat saakin, bat dimo ako galangin?" Tanong nya.

"Hmph, ayaw ko nga" Sagot naman ni Hannah.

Napailing nalang ako at pinabayaan silang mag away sa daan. Nag lakad nako at nag hanap ng mabibilhang damit na pang office.

Nakakita naman ako ng may mga damit at may mga suit din, pero kailangan ko pabang mag Suit ni hindi nga bagay saakin yun. Bahala na.

Pumasok nalang ako at tinignan ang mga damit na nandoon. Polo nalang siguro yung suotin ko. Tinignan ko naman ang polo.

Madaming ibat ibang kulay ng polo ang nandito. Hmm ano kayang kulay white, yellow or gray? White nalang siguro ano.

"Ano po yun?" Muntik nakong mapatalon ng lumitaw si ate.

"Ano po ijo, anong gusto mong damit?" Nakangiting tanong nya, kaya napatingin naman ako sa mga damit.

"Yung pang office po" Sagot ko kaya naman napa ahh sya.

"Ahh pang office abay, ito nayun" Saka nya sinungkit yung Suit na black na may polo na kulay white.

Tinignan nya saakin kung bagay ko ba. Yata e yun naman ang nakikita ko e, ilalapit nya yung damit at titignan kong bagay ba o hindi.

"Ito ijo bagay sayo" Sambit naman nya at ibinigay saakin.

"Kung ayaw mong maniwala tignan mo sa salamin" Sambit nya kaya tinignan ko nalang.

Hmm, pwede na siguro toh ano. Di kase ako marunong mag bagay ng suot e.

"Pwede mo ding sukatin ijo para makita natin kung bagay ba talaga" Napatango nalang ako sa sinabi nya at pumunta sa suotan.

Sinuot ko ito at pag ka tapos ay lumabas, sakto namang pag labas ko ay biglang pumasok sila Hannah at Kyle sa loob ng store ni ate.

"Woah, wow naman Ai ang pogi natin ah" Panunukso naman ni Kyle ng makita ako.

"Tigilan mo nga ako, sinusukat kolang" Sambit ko napangisi naman sya.

"Bagay mo nga ang kulit mo e noh." Sambit nya, hindi ko nalang sya pinansin.

"Ate ok po ba?" Tanong ko kay ateng nag titinda.

"Oo naman ijo, ang gwapo mo nga e, ang puti puti makinis ang balat, nag mana ka siguro sa mga magulang mo?" Sambit ni ate, medyo napatigil naman ako dahil sa sinabi nya.

"Bat ijo may nasabi ba akong mali?" Tanong nya ng mapansing napatahimik ako.

"Ahh wala naman po" Sagot ko nalang.

[FAST-FORWARD]

Pag katapos naming bumili ay umuwi na kami at kakarating lang namin ay pinasukat agad iyon ni mama saakin. At ayun nag react sila sa itsura ko, gamitin ko daw para mainlove daw saakin si Lady Jane.

...

Nandito ako ngayon sa kwarto nakahiga iniisip kung ano mangyayari sa Wednesday, isang araw nalang natitira saakin para mag handa, bukas Tuesday, kaya 24 hours nalang ang natitira ko.

Napabangon ako at tumayo, dumaretso ako sa desk ko at binuksan ang laptop saka nag tingin tingin ng video tungkol sakanya. Pinindot ko naman yung mga interview nya.

["Ano ang gusto mong kulay?"] Tanong ng host kay lady Jane.

["Kulay dilaw, as in yellow"] Sagot naman ni Lady Jane.

"Yellow ang gusto nya? Pero mas bagay sakanya kulay black or gray, pero bagay din naman sakanya ang yellow, saka favorite color ko din Yellow e" Sambit ko

["Anong pinaka gusto mo sa animals, pusa o aso?"] Tanong naman ng Host.

["Aso"] Sagot naman ni Jane.

["Ay aso daw, gusto ko din yun"] Ani ng host, napangiti nalang si Jane.

"Aso ang gusto nya, aso din ang gusto ko, kaya nga hanggang ngayon inaalagaan ko parin sya" Nakangiti kong sabi, at nag patuloy sa panonood.

Natapos ko ang ilang interview nya ng mag aalas dose na ng gabi. Puyat nanamn ako hays, lagot ako nito kay mama e. Makatulog na nga.

Nahiga nako sa kama at natulog na.

[FAST FORWARD]

"Anak gising! Tanghali kananamn nagising bata ka!" Pag gising ni mama saakin at niyugyog pa ako, tanghali nanamn ako nagising.

Napadilat ako at bumangon ng dahan dahan. Kinusot ko muna ang aking mata bago tumayo.

"Bumaba kana ha para makakain na tayo" Bilin ni mama napa tango nalang ako at dumaretso na sa cr at nag hilamos, btw meron akong sariling cr dito kaya hindi ko na kailangang bumaba para doon mag cr.

Pag katapos kong mag hilamos ay nag punas nako ng muka at saka bumaba na. Pag baba ko ay nakahanda na ang mga pagkain, uupo na sana ako ng biglang dumating ang dalawa.

"Hello po tita tito at Ai nandito nanamn po kami!!!" Proud na sabi ni Kyle, napailing nalang kaming apat kasama si Hannah.

"Baliw ka talaga kuya e noh" Busit na sabi nito sa kuya nya at nag lakad patungo kila mama at papa saka sya nag mano.

"Grabe kana Hannah ah wala kanang galang sa kuya mo!" Parang batang suway ni Kyle sa kapatid, bago lumapit kay mama at papa at nag mano din.

Sabay silang umupo sa upuan, at ako din ay umupo na ng tuluyan. Habang nakaupo sila ay nag babangayan pa ang dalawa.

"Bukas na yung pasok mo noh?" Tanong ni Kyle kaya napatango ako.

"Kung ganun mag saya naman tayo ngayon, manood tayo cinema?" Sambit nya nag taka naman ako.

"Cinema e meron ba ngayon?" Tanong ko tumango naman sya.

"Nakabili nanga kami ng ticket ni Hannah e, binilhan ka narin namin" Sambit nya tumango naman si Hannah.

"Anong klaseng palabas ang papanoorin natin?" Tanong ko at agad naman nyang pinakita yung ticket na dala nya.

"Eh, Be my Boyfriend?" Takang ani ko, pero ngumiti lang ang dalawa.

"Teka anong oras bayan?" Tanong ni mama.

"Mga 7:30 pm po" Sagot naman ni Kyle.

"7, kaso maaga pang papasok si Ai" Ani ni mama.

"Wag kayo mag alala Tita, kaming bahala kay Ai" Ani ni Hannah at tumango naman si Kyle.

"Teka nga Hannah, wala ka nanamng galang, kuya mo yan!" Suway ni Kyle sa kapatid, napailing nalang kami at kumain.

[FAST-FORWARD]

Nandito na kami sa Cinema, nakapila, habang pumipila kami si Kyle ay bumibili ng pagkain namin at maiinom.

Nang malapit na kami ay may biglang sumingit kaya naman nagalit ang lahat pati nadin si Hannah at Kyle, pero pinigilan ko sila.

"Pabayaan nyo na, makakapasok naman tayo e" Pigil ko sa dalawa tumigil naman ito.

Pag katapos nung sumingit ay binigay nanamin yung ticket namin at pumasok na sa loob, hinanap ang sit. Ng mahanap namin ay umupo na kami.

Ako yung sa gitna sa kaliwa si Kyle sa kanan si Hannah. Mayamaya pa ay nag simula na ang palabas, para syang movie kaya mabilis matapos I mean mga 2h o 1h lang ata yan tapos na.

Ng magsimula ang movie ay biglang may Romance agad kaya kinilig ang lahat maliban saakin dahil hindi ko tipo ang mga ito. Pag katapos nun ay lumipat yung eksena sa school ata yun.

Oo school sa rooftop, nandun yung dalawang bida, yung bidang babae nakatalikod kay bidang lalaki habang ang bidang llakai ay nakaharap sa nakatalikod na bidang babae.

Sana gets nyo. Habang nanonood ay di mapigilang maglikot ni Kyle at Hannah dahil sa kilig, ano bang nakakakilig nag uusap lang naman yung bidang babae at lalaki, wala naman silang ginagawang masama e.

"Kinikilig ako!" Parang kitikiting ani ni Kyle habang galaw ng galaw sa inuupuan.

"Gulo mo Kyle" Suway ko pero hindi parin umaayos.

"Panoorin mo kaya tignan lang natin kung hindi ka kiligin" Ani nya napailing nalang ako at nanood nalang kahit na diko maintindihan.

Maya maya pa ay biglang nag halikan ang bidang lalaki at babae, kaya naman nag hiyawan lahat ng nanonood maliban saakin, ito namang dalawang katabi ko ay kinikilig, para ngang natatae na dahil galaw sila ng galaw, muntik pangang matapon yung kinakain namin e.

"Ahhh!!!" Sigaw ng mga nanonood kasama nadin yung dalawa kong katabi.

Dahil sa sobrang kilig ng dalawa ay di nila namalayan na hinahampas na pala nila ako, pero ako dito walang pakaelam. Pero masakit yung hampas nila ah.

"Ackk!! Para akong mababaliw dito!" Sigaw ni Kyle kaya naman agad kong tinakpan ang bibig nya dahil maingay.

"Umayos ka nga, nagiging bakla kana" Suway ko, para na syang bading.

"Ackk!!!" Sigaw naman din ni Hannah ng mag halikan nanamn ang mga bida.

Ako dapat ang sumisigaw hindi sila!!! Grabe yung mga kiligan nila, parang wala ng pakealam sa mundo.

[FAST-FORWARD]

Buti nalang tapos na, napagod ako kakabawal sa dalawa, hindi pa nga ako pumapasok sa trabaho pagod na agad ako sa dalawang ito.

"Aahhh!!!" Mas lalo akong nabusit ng may marinig akong sigaw, masama kong tinignan ang mga sumigaw.

Pero nag taka kami dahil madaming nag kukumpulan sa bandang iyon, madami ding sumisigaw kaya na curious kaming tatlo.

"Lapitan natin" Ani ni Kyle kaya napatango nalang kami at sabay kaming pimunta dun.

Pag punta namin doon ay madaming siksikan na tao, sumiksik naman kami, kaya napunta kami sa harapan. Nagulat kami ng makitang artista ang mga ito.

Sila yung bida sa pinanood namin kanina. Napatingin ako sa dalawa, parehas silang nakatingin sa mga ito at sabay na sumigaw, napatakip naman ako ng tenga.

"Okay! Guys! Bakit ba kami nandito!" Sabit nung babae na bida dun sa movie na pinanood namin.

"Dahil! May gift para sainyo!" Sabi namn ng Lalaki yung bida.

Nag sigawan ang lahat dahil sa narinig nila. Pati nadin yung dalawa kong kasama.

"Pero, may isang swerte ang makakakuha nun!" Kinabahan ang lahat dahil sa sinabi nila dahil isa lang ang pipiliin nila, daya e madami naman ata silang gift na ibibigay para sa lahat hindi sa isa lang.

"Simulan nanatin!" Sigaw nila kaya nag hiyawan ang lahat kahit na alam nila ay isa lang ang mapipili.

Nag lakad sila sa harap, lakad lang sila ng lakad, kung saan siguro titigil sila yung mapipili siguro.

Maya maya pa ay naramdaman ko silang tumigil sa harap ko, nag sigawan namn ang lahat kahit na hindi sila ang tinigilan. Napatingala ako at nakitang inabutan nya ako ng kamay.

Nag tataka man pero tinanggap ko din ang kamay nito, lalaki yung nag alok saakin kaya ok lang pero wag babae. Pag akyat ko ay bigla akong kinabahan dahil kaharap ko ang maraming tao.

"Wahh!! Ang gwapo mo naman kuya!" Sabi ng katabi ko, sino paba edi yung mga artista.

to be continue