CHAPTER 1.1: A GIRL SLEEPING UNDER A LONELY TREE AND A TYPICAL GUY
"Senyuu kilala mo pa ba ako?" Kanyang wika sa papaiyak na tono, habang pumapatak ang kanyang luha sa nakabibighaning niyang mukha.
"Sino ka!!? Kilala ba kita paano mo nalaman ang pangalan ko?" Ang aking tanong ng papasigaw. Siya'y hindi umimik at dahan dahan lumakad papalayo sa sumasayaw na damohan.
"Wait!!!," wika ko habang siya'y nawala sa aking paningin.
Isang malakas na tunog ang aking narinig at ako'y nagkameron ng malay at hindi ko namamalayang may luha sa aking mga mata.
"Ilang ulit nalang tong panaginip ko kailangan ko na ata mag pa konsulta sa isang dream expert o kaya uminom ng sleeping pill." ang tanong saaking isipan.
Ako nga pala si senyu 17 taong gulang ang aking height ay 5'6 kulay berde ang aking buhok at kulay kayumanggi naman ang aking mga mata.
"Senyuu!! Anong oras na bumaba ka na dito at mag gayak ka na diba may pasok ka ngayon?" sabi ng aking ina sa nang sesermon na tono.
Si ma ay isang gaanong katangkarang babae maganda ang hugis ng katawan kulay berde ang buhok matangos at maganda.
"Oo ito na mababa na," ang aking tugon saakin ina. Nang ako'y matapos maglipit bumaba ako mula sa aking kwarto papuntang cr at ako ay nag simulang naghilamos gamit ang malamig na tubig na dumadaloy sa gripo, pinunasan ko ang aking mukhang basa gamit ang tuyong asul na tuwalya.
Ako ay nag lakad tungo sa living room at umupo ako sa malabot na sofa at aking pilit na inaabot ang remote sa may center table. Nang makuha kuha ko ang remote akin ito'y pinindot, at nag tungo sa channel 12 na kung saan ay nag babalita ng news sa kalagayan ng panahon. "Maulan nanaman sabi kagabi magiging maayos ang panahon ngayon," ang aking wika na naasar.
Pinindot ko uli ang remote at binago ang channel sa 23 kung saan nag babalita ng news sa aming bansa. Agad tumambad saakin ang balita tungkol sa isang babae na pinatay sa ilalim ng bridge ng mataoki.
"Haah malapit lang saatin yan yung bridge na malapit dalawang bahay lang sa convinience store diba?," Ang aking patanong na wika sa aking mga magulang.
Bumaba na si sue suot ang pantulog niyang kulay rosas at siya'y nag lakad patungo sa may sofa.
Si sue ay isang batang babae 10 taong gulang kulay asul ang kanyang buhok mapupula ang kanyang pisnge matangos ang ilong at singkit ang kanyang mata at maamo ang kanyang mukha.
"Kuya senyuu patulong daw sa homework ko mamaya at bilhan mo din ako ng icepops hehe," Sabi ng kapatid kong si sue na may laway pa sa labi.
"Kaumaumaga pero sige sino ba naman ako para tumanggi sa utos mo nanalo ka nanaman sa pustahan sa balita may namatay nanaman na babae pero paano mo nahuhulaan na babae lagi ang mamatay," Ang aking wika na lubos na nag tataka.
"Satingin ko ang pumapatay kuya senyuu ay isang babae din na nag seselos," Ang wika ni sue.
"Hmm... Buti nalang hindi ako babae," Ang aking pabirong wika.
Doon natapos ang pag uusap namin ng kapatid ko. Nag ako lakad sa hagdanang kahoy papunta saaking kwarto at ako ay nag lakad tungo sa drawer ko. ito'y aking binuksan at kinuha ang aking slacks na kulay madilim na asul at ito'y aking sinuot, sunod ko naman na sinuot ay ang puti kong t-shirt matapos kong masuot ang aking t-shirt kinuha ko naman ang aking belt sa may gilid ng drawer ito'y aking sinout.
Kinuha ko nalang ang nakasabit na uniform sa drawer ko at doon na natapos na ang aking pag gagayak. Lumabas ako sa aking kwarto at nag lakad tungo sa hapag kainan na kung saan sila sue at ang aking mga magulang ay magsisimula nang kumain ng umagahan.
Maamoy talaga ang bango ng pagkain na niluto ng aking ina pilit talaga akong inaakit na matikman ang pagkain na nakahanda sa lamesa. Ako ay umupo't at sila'y aking sinamahan sa pagkain. At kami'y nag simula nang kumain ng umagahan.
"Kamusta senyuu and school? May girlfriend ka na ata Hahaha." Pabirong wika ng aking ama.
Si Pa ay isang katangkarang maskuladong lalake na malaki ang katawan at kulay kayummangi ang buhok.
"Kung meron lang pa ipapakilala ko pa sa inyo."
"Senyuu paabot nga nung sauce hindi ko maabot eh," wika ng aking ina at aking iniabot ang sauce sa aking ina. "Salamat nak siya nga pala wag mo kalimutan yung pinapakuha ni mr.hum na halaman."
"Oo, buti malapit nalang bahay noon sa school dadaanan ko nalang pag uwi ko sa school."
"Paabot nga kuya nung rice."
"Meron kang kamay," Aking wika na nagsesermon.
Makalipas ang ilang minuto kami ay natapos nang kumain, si sue ay dumiresto na sa cr upang maligo, habang si ma naman ay nagliligpit ng pagkain sa lamesa at si pa naman ay nag tungo sa sofa at doon ay nanood ng tv.
Samantala ako naman ay nag tungo na sa may sapatosan at doon ay nag suot ako ng aking itim na sapatos.
"Pa, ma at sue mauuna na ako may pasok pa ako bye bye!" Aking pasigaw na pag sabi
At ako'y nag lakad tungo sa pintuan papalabas, hinawakan ko ang malamig na bakal na handle ng pintuan at itoy aking tinulak upang buksan.
Saaking paningin tumambad ang basang damohan sa gilid ng gate at maririnig din ang buhos ng ulan.
"Maulan pala sabi sa weather forecast mabutinang handa," at ako ay agad agarang bumalik sa loob at kinuha ang payong sa may gild ng estante ng sapatosan.
Aking binuksan ang aking itim na payong at ako ay simulang nag lakad sa basang aspaltong kalsada.
Ako ay nag lakad ng nag lakad hanggang makarating ako sa tawiran at aking nakita ang mga batang nakasuot ng dilaw na kapote kasama ang kani kaniyang mga magulang panpunta sa kindergarten kitang kita ang kanilang masasayang ngiti na hindi maatubili ang saya.
Ako ay patuloy na nag lakad bit bit ang aking payong nang biglang may umagaw ng aking atensyon ang isang puno na katulad sa aking panaginip ang dahon ay kulay rosas at hugis puso na patulis ang dulo maikukumpara ang hugis at kulay sa isang bulaklak ng sakura tree ( Sakura tree isang puno sa japan na kulay pink ang dahon. ) Mayabong ang bulaklak at matataba ang sanga ng kahoy. Dalidali lumapit at tumingin sa kakaibang punong ito.
Sa aking gulat isang babae na nakasuot ng facemask at naka uniform sa ilalim ng puno na kung saan siya ay mahimbing na tutulog maihahambing ko ang kulay ng kanyang buhok sa isang sakura petal at ang kaniyang matang kulay asul sadya talagang nakakabighani.
Nagulat ako sa kanyang kaliwang dibdib nanakadikit ang badge ng aming school at siya'y aking pilit na ginigising ngunit hindi siya bumabango at siya'y tumagilid lamang sakanyang pag kakahiga.
Napagdesisyonan ko nalamang mag sulat sa papel at isulat ang salita na 'may pasok ka pa susunod naman wag kana matulog.'
Pinagpatuloy ko na ang aking lakad at tuluyang iniwan ko na ang babaeng iyon. "Hindi mawari bat ko ito nadarama bakit gusto ko malaman ang mga bagay tungkol sa kanya at parang kilala ko siya," Wika ko sa aking isip.
At saaking tuloy tuloy na pag lalakad akin nang natanaw ang aking school at dalidali akong nag lakad, dahil naaninag ko ang isang teacher sa may harapan ng gate. "Malas naman oh si Sir.Goon pa nag babantay sermon nanaman tayo dito. Wika ko at ako'y napakamot ulo.
Nakarating na ako sa harapan ng gate at doon sumalubong saakin ang isang lalakeng teacher na maskuladong lalake at matangkad.
"Good morning sir," ang aking bati.
"Ang aga mo naman ayusin nyo naman agaagahan nyo, may pasok kayo!!!" Ang kanyang wika sa papagalit na tono.
"Yes sir hindi na mauulit," ang aking tugon.
"Hindi totoo yang excuses na yan kung gusto mo mag aral mag aga Mr. Senyuu," ani ni sir.
Binuksan ni sir ang malaking bakal na gate na humaharang sa school at tuluyang pinapasok na niya at ako'y naglakad ng mabilis sa gate ng school patungo sa aking classroom.
Rinig na rinig ang malalakas na boses sa loob ng room 46 na kung saan ito ang aming room kitang kita ang mga masisigasig na mga studyante sa loob.
Ako'y sumilip sa bintanang kahoy, aking naaninag ang isang hindi katangkarang teacher na lalake sa harapan ng aming room. Ako'y dahan dahang pumasok at nag lakad ng walang tunog at nagtungo sa classroom na kung saan doon nag lesson si sir jeuo.
"If x is equal to 2 what is the y?" Wika ni sir jeuo.
"Y is equal to 4? Wika ng isa kong kaklase.
Ako'y nag mamadaling naglakad ng tahimik upang hindi masermonan, ngunit tinawag ako ng isa kong kaklase.
"Oi senyuu musta ang pag lalakad natin jan?" Ani ng aking kaklase.
"Shh tumahimik ka makikita ako ni sir," aking pabulong na wika.
Biglang humarap si sir sa ingay sa likod at doon ako'y kaniyang nakita na papasok palang sa kaniyang subject, ako'y napansin ni sir at tinawag ang aking pangalan.
"Mr. Senyuu ang aga mo sige take your seat," wika ni sir habang tumatawa ang aking mga kaklase.
"Yes sir," ani ko habang nahihiya.
Ako'y nag lakad patungo sa aking upuan at umupo, aking isinabit ang aking school sling bag sa gilid ng table na kung saan meron doon bakal na sabitan.
Makalipas ang tatlong oras ang pangatlong subject ay natapos na, hudyat nito ay ang pag sisimula ng recess. ako'y umalis sa room namin at nagtungo sa labas upang bumili ng makakain, rinig na ring ang mga mga takbuhan at ingay ng mga estudyante sa hallway.
kitang kita ang mga studyante sa gilid na nag kwekwentuhan, ako'y patuloy na nag lakad pababa sa hagdanang may hawakan na bakal.
Sa aking tuloy na pag lalakad nakarating ako sa isang vending machine sa ilalim ng hagdanan, at aking naaninag ang babaeng natulog sa ilalim ng puno sa malayoan.
"Kamusta tulog sa ilalim ng puno?, O may laway ka pa kanina sa pisnge hindi ko alam sasabihin ko."
Akmang lalapit na sana ako sakanya nang biglang tinawag ako ng aking kababatang si jimi.
Si jimi ay isang magandang babae na energetic at full confidence sa kanyang sarili at maganda.
"Ikaw nanaman? Joke," aking pabirong wika sakaniya.
"Oo ako nga ang iyong magiging gf" pabirong wika niya.
"Alam ko na yan ano kailangan mo?" Wika ko na naasar.
"Palibre ako ng canned cola pls my bf," wika nya habang natatawa.
"Oo na," Sumangayon nalang ako.
Sa gilid ko ay nakatayo ang isang vending machine, at aking kinuha ang isang 150 coin sa aking pitaka at inilusot sa butas na bakal ng vending machine.
Nag simulang gumana ang vending machine at ako'y namili sa mga nakalagay maiinom, pinindot ko ang cola at juice sa vending machine at biglang nahulog ito sa may malaking kwadradong lusutan ng mga inumin sa baba.
Lumapit ako ka'y jimi at aking iniaabot ang cola nasa aking kaliwang kamay.
Ito'y kanyang binuksan at may fizz na tunog na lumabas sa can at ito'y kanyang sinimulang inumin.
"Oi senyuu musta balita ko may pinatay daw sa ilalim ng bridge." Wika niya habang hawak hawak ang cola sa kaliwang kamay.
"Meron nga malapit lang yun saatin kaya mag ingat ka babae pa naman pinapatay nung killer."
"As if naman maabutan nila ako hahahaha," Wika nya habang natatawa at nagyabang.
"Mas okay parin mag ingat,"Wika ko habang binubuksan ko ang juice saaking kanang kamay.
"Sige una na ako mabili pa ako sa canteen gutom na talaga ako,"aking wika habang hawak ko ang juice malapit saaking bibig.
"Sige," Tugon niya saakin at siya'y nag lakad na papalayo sa hallway.
Doon natapos ang usapan namin at ako'y nag lakad patungo sa canteen, maaninag sa canteen ang mga studyanteng nag tutulakan at mga nakaupo at nag kakain sa table.
Nakarating na ako sa canteen at maririnig ang ingay ng mga estudyante na nag tutulakan.
"Ate pabili nga ng isang sandwich" wika ng isang studyante habang nakikipag tulakan.
"Ako naman ate isang soba bread" wika naman ng isang estudyante na nasalikuran.
Ako'y nag lakad papunta sa isang table at doon ako'y umupo malapit sa may gilid ng mag studyanteng nag kakain at simulang nag hintay hanggang matapos ang tulakan ng mga estudyante.
Nang matapos na ang stampede ng mga estudyante, ako'y nag lakad tungo sa ate na nag bebenta.
"Pabili daw ate ng isa soba bread," wika ko.
"Wait lang," at iniabot ang soba bread saakin.
Ako'y bilis naglakad pabalik sa classroom dahil malapit na matapos ang recess.
Nakabalik na ako sa room at umupo saaking upuan, lumapit si jun at nag tanong.
"Tayo naka toka mag linis ngayon di'ba?" Wika niya.
"Yep, tayo." Aking ani sakaniya.
"Pwede ikaw nalang at si jim may club activities pa kasi kami sa baseball club, libre nalang kita bukas." Tugon niya.
"Sige busy nga ngayon yung club nyo nakapasok kayo sa national tama ba?" Aking wika.
"Oo paano mo man nalaman," wika nya sa gulat na reaksyon.
"May nag sabi kasi saakin." Tugon ko at ako'y nag simulang kumain.
Doon natapos ang amin ang pag uusap at aking tinuloy na ang aking kain ng soba bread at pag inom ng juice.
Makalipas ang 2 oras tuluyan nang natapos ang klase.
"That's all for today see you next day paalam." Wika ni ma'am nia.
Si ma'am nia ay isang magandang guro nakakabighani ang kanyang pananalita at ang kaniyang hubog ng katawan lalo na ang kaniyang mga mata na kulay dilaw.
"Maraming salamat po sainyong pag tuturo." Tugon naming lahat
Nang matapos na nga sila mag sambit ng kanilang paalam sinimulan na namin maglinis ni jim.
"Si jim ay isang lalakeng misteryoso bakit ko nasabi? noong meron kaming pe dapat lahat kami mag bibihis sa locker room ngunit siya lang ang isang lalake na hindi saamin sumasabay masasabi ko din na sobrang gwapo niya at ang kulay ng kanyang mata ay green at mapayat, manipis ang kanyang katawan tulad sa isang babae."
Sinimulang ko nang mag walis sa makalat na sahig ng room, samantala si jim naman ay nag pupunas ng mga natirang sulat sa board. Ako'y natapos na sa pag wawalis sa kada sulok at ilalim ng room kaya sinimulan ko ang ang pag pupunas nang table gamit ang tela.
"Jim pwede kana umuwi pag katapos mo mag punas ng board." Wika ko sa kaniya habang nag pupunas ng table.
"Sige." Tugon niya sa mala babae nyang boses.
"Kung babae lang talaga si jim baka niligawan ko siya as if naman na babae siya in the first place."
"Una na ako senyuu," Wika niya.
"Sige," tugon ko habang napupunas ng table.
Sinimulan na niyang igayak ang kanyang bag at pinasok na ang kaniyang gamit na nakalagay sa table niya at siya'y tuluyan nang umalis.
Ako nama'y natapos na mag punas ng table at nag simula nang isayos sa kaniya kaniyang pwesto ang mga upuan na naka kalat.
Natapos ko nang isaayos ang mga nakakalat na mga upuan at ako'y umalis sa room at nag lakad sa tahimik na hallway kitang kita ang sinag ng papalubog na araw sa parihabang bintana.
Ako'y patuloy na nag lakad sa tahimik na hallway at aking napansin ang nakabukas na pintuan sa school librar, ako'y aakma sanang isasarado ang pintuan ngunit may pumukaw ng aking atensyon isang babaeng studyante na nakaglasses at siya'y nag babasa sa gilid ng parihabang bintana at ako'y naglakad patungo sa kanya.
"Miss anong oras na masarado na ang school," Aking patanong na wika.
"Nakikita mo ako?," Kaniyang gulat na reaksyon.
"Haah bakit meron bang dahilan para hindi kita makita."
"Joke lang, magulang ko ay teacher dito hinihintay ko lang matapos sa faculty," wika niya habang pinipilit na hindi tumawa.
"Nagulat ako doon ha akala ko isa kang multo," Aking wika.
"Paano kung isa akong multo?," ani niya habang nakatingin saakin.
kitang kita ang kaniyang mata na malayo ang iniisip. "Ahmm alam mo umuwi ka na anong oras na at tapos na pati ang mga teacher sa faculty." Aking tugon sa kaniyang tanong na hindi ko maintindihan.
Natapos na ang aming pag uusap at tuluyan na siyang namaalam, siya'y naglakad patungo sa hallway samantala ako'y naman ay nag sarado ng pintuan sa tahimik na library.
At aking nang pinag patuloy ang aking pag lalakad at doon nakarating na nga ako sa pintuan sa school, lagi akong dumadaan dito upang masilayan ko ang mga bintuin na sobrang liliwanag lalona't walang mga ulap na natakip doon.
Sa aking patuloy na pag lalakad nakarating na nga ako sa pintuan sa likod ng school ako'y lumapit at aking hinawakan ang malamig na bakal na handle ng dalawang pintuan sa ito'y aking tinulak at isang napakagandang gabi ang bumungad saakin sa pag bukas ko ng pintuan sa likod ng school, makikita ang ilaw ng buwan nadilaw maririnig din ang mga kuliglig na kumakanta at mararamdaman at maamoy ang simoy ng hangin.
Nag simula akong mag lakad palabas sa likod ng school muntikan pa akong g madapa sa aking paglalakad habang nakatingala sa mga tala sa gabing nakakapukaw atensyon.
Ako'y patuloy na nag lakad hanggang sa nakita ko ang damohang sumasayaw sa hangin, at doon aking napag masdan isang babae nakauniform na tila'y gustong lumipad sa madilim na gabing iyon siya'y nakatingala at nakatingin sa bituin ngunit ako'y dilat na nakatitig lamang sakanya.
Lumakad ako sa damohan na kasing taas ng aking sapatos sumabay pa ang tunog ng mga insekto na kumakanta at hangin na humahaplos sa aking buhok. Sinimulan kong mag lakad tungo sa babaeng misteryoso.
"Excuse pwede ba magtanong?" Aking wika.
"Ano yon?" tugon niya saakin habang siya ay unti unting napatingin saakin. Pinag masdan ko ang kanyang mata na kulay asul na saakin lamang nakabaling.
"Napansin kasi kita na parang malayo ang iyong tingin meron ba na bumabagabag sa'yo?" Aking patanong na wika.
"Hahaha wala iyon, Akin lamang pinagmamasdan ang mga bituin at ang gumihit na bulalakaw sa kalangitan." Kanyang tugon saakin.
"Hindi mo ba alam pwede ka humiling sa bulalakaw yun ang sabi nila, as if naman na maniniwala ka dun di'ba?" Aking pabirong wika.
"Depende man kung maniniwala ka di'ba pwede kang maniwala pwede din hindi wala naman ma wawala." Kaniyang tugon saakin na nakangiti, aking naramdaman ang naka tagong hindi ko maipaliwanag na takot at pighati.
Siya'y tumingin sa taas at kaniyang tinuturo ang bituin na sobrang kumikinang.
"Alam mo ba yung storya ng isang prinsesa na napalayo sa kaniyang minamahal at kinulong siya sa buwan at ang kaniyang minamahal naman ay kinulong sa bituin?" Kanyang tanong saakin.
"Ahh alam ko yun si princess kaguya at kaniyang kasintahan, inilayo sila sa isat isa dahil hindi sila pwede mag sama dahil siya ay anak ng diyos samantala naman ang kasintahan niya ay isa lamang tao." Aking tugon sakanya.
"Nag kikita lamang sila sa pag guhit ng tatlong bulalakaw at yun ang nagiging tungtungan nila upang magsama." Sabi niya.
"Pwede ko ba malaman ang iyong pangalan?" Ang tanong ko
"Ako si Persephone," tugon niya.
"Ikaw ano pangalang mo?" Wika niya.
"Ako si Senyuu," aking tugon.