Chereads / SERVER 139: PROMI GUILD / Chapter 2 - Aliens

Chapter 2 - Aliens

"The death toll from the earthquakes that hit China has surpassed 70,000 people." rinig niyang balita mula sa communication device ng taong nakaupo sa katapat na upuan niya sa shuttle bus.

Napailing si Kinraid. Another devastating news. Pero hindi na bago iyon. The past decades, naging mas madalas at mas malala ang mga sakuna sa buong mundo.

"Malapit na talaga mag End of the World." the boy from the back blurted, and then laughed.

"Those are over a century old conspiracy theories and promise of apocalypse made by our ancestors, hindi naman natutuloy." sagot naman ng kausap nito.

"Kaya nga. Sabi last year, sa April daw 'yong doomsday. Tapos ngayon, sa November 14 naman na raw. Next month na 'yon. Maghanda ka na, Juandro." banta nito sabay tawa ulit ni Dexter.

"Tsk, it sucks being poor. If only we're rich, e 'di we can be part of Nexus. Then, we can secure our survival in the outer space."

Napatingin si Kinraid sa kanyang Nexus watch, umilaw ito dahil may natanggap na notification. He glanced at it and saw a familiar name, his little sister's best friend. Ilang buwan na rin itong nagse-send ng messages sa kanya. Noong una, ini-entertain pa niya ito dahil nga kaibigan ito ng kapatid, pero eventually, he got tired of responding.

He crossed his arms on his chest and shifted a little on his seat, balak na naman niyang umidlip dahil may tatlong oras pa sa biyahe niya. He was riding on an old shuttle bus na common transport vehicle papuntang probinsiya. It's his first time riding it at wala naman siyang mapuna dito. Aside sa maingay nga dahil sa mga kasamang pasahero, but it's normal for a community transit. Sinandal niya ang ulo sa may headrest ng upuan at nag-unat ng konti. Doon niya nasiplatan ang maliit na babaeng katabi, nakatingin ito sa may labas ng bintana ng bus. Si Kinraid ang nasa may window side kaya hindi maiwasang magtama ang mga mata nila ng napatingin ito sa kanya. Mabilis na nag-iwas ng tingin ang babae at umayos ng upo, parang nagulat sa saglit na eye-contact na iyon.

"Do you want to exchange seats?" tanong ni Kinraid dito, dahil mukhang gusto nitong tumingin sa tanawin sa labas. Madadaanan na nila ang isang sikat na malaking lake sa lugar. Pababa na rin ang araw sa likod ng bulubundukin doon, kaya talagang kahit sino ay maeengganyong pagmasdan ito. He also loves to sight-see there, but he's not interested today.

"Hindi na po." iling ng babae, nahihiya."

"It's okay. Para naman maenjoy mo ang sceneries sa labas." because currently, he can't enjoy it. But at least this girl might.

It's Saturday and he's supposed to be resting at home, but he was forced to go for a getaway trip with his cousins. He tried to ditch it yesterday, that's why he wasn't able to fly there with them last night. But he was bombarded by unending, nagging messages from his cousins, guilt-tripping him about him not wanting to hang-out with them.

Linggo-linggo na lang ang hang-out. Reklamo niya sa isipan.

If only his second year in university is not that draining, he would have all the energy to do whatever they want. Pero matapos siyang maging Corps Commander ng ROTC sa university, mashado na siyang naging busy.

Sa huli, nakipagpalitan din ng puwesto ang babae at nagpasalamat ito sa kanya. He smiled and sat comfortably in his new seat.

Dahil hindi na makabalik sa pag-idlip, kinuha niya mula sa loob ng suot na blouson jacket ang phone. He's using the plainest Nexus phone, an outdated one. Kasing laki pa rin ito ng mga sinaunang smartphone, but has solar charger and it uses faster satellite internet.

He went to the real time news section because he wanted to read the details about the earthquake he heard earlier. Bumungad sa kanya ang mas marami pang disaster news. The on-going forest fire in Amazon, flash floods in Indonesia, a shooting-massacre in Australia, rising death-toll from last week's Severe Tropical Storm that hit South Africa, and Japan is currently being devasted by another Tropical Storm that is expected to arrive in the Philippines next weekend and will be called Yoyoy.

Great. It's only October and we're already at the Y named typhoon in the country. Naisip ni Kinraid pagkabasa ng huling headline. Hindi niya rin maiwasang mabahala, because all these disasters are happening at a very alarming rate. It seems like the end of the world is, indeed, fastly approaching.

"You know about 'The Big One' theory? It still didn't happen. It's also a century old theory."

"Ah, oo, nabasa ko 'yon."

"Right. We should settle in Palawan before it happens, Dex."

"Ngee, bakit?"

"Since, Palawan is the only safest place here in our country from earthquakes."

"Tapos mga Chinese naman makakalaban mo doon. Balak naman na ata nilang sakupin ang Pilipinas. Nasakop na nga nila ang dating Taiwan."

"I don't think so, since there's a rising conflict between them and Russia. Surely, doon muna sila magfo-focus."

"Oo nga pala. Pero kung lilipat lang din naman ako ng tirahan, doon na ako sa ibang bansa. Kapagod dito sa Pilipinas. Bakit ba dito pa ako pinanganak? Sana may choice akong mamili bago ako natripang i-assign ng kung sino dito."

"What if you were already given the honor to choose it yourself and you're the one who chose this life, pero you just forgot about it after you're given birth?" sabi ni Juandro.

Napaisip saglit si Dexter bago magsalita ulit.

"Gagi. Ang tanga ko naman kung ganoon."

Natawa ng konti si Seyanelle dahil sa naririnig na usapan ng dalawang kaedaran niya. Kanina pa niya sila naririnig. Gusto niya sanang sumabat lalo pa at parehas sa mga interest niya ang pinag-uusapan ng mga ito, pero ang weird lang kung bigla bigla na nga lang siyang eeksena.

Tanaw ang kumikinang na tubig ng malaking lawa, the girl can't help but admire the view outside the city. Walang naglalakihang holographic billboards. No busy streets. No tall concrete jungle. Just beauty. At ito ang pinakagusto niya sa bansa. No matter what other people say, Seyanelle can't hate her birth country. Pinanganak ata siya para mahalin ang Pilipinas.

She has the choice to migrate and to live with her relatives overseas, pero mas pinili niyang manatili sa Pilipinas.

She loves competing for her motherland. Bata pa lang ay laking shooting range na siya dahil sa trabaho ng mga magulang. Kaya it was only natural for her to be fond of shooting sports. She was trained and she is an active shooting sport athlete. Last year was her first international competition. She represented the Philippines at the Asian Youth Games and won a Gold Medal for Air Rifle Shooting Sport. The youngest to win at 14.

Ang sarap lang sa feeling habang sinusuotan ka ng gintong medalya at winawagayway mo ang bandila ng Pilipinas, she would always say.

Kaya puro training siya sa taong ito, dahil may tatlong international competitions siyang sasalihan next year, at plano niyang mag-uwi ulit ng maraming gintong medalya for her country's honor.

Pero sa araw na ito, pauwi siya sa kanilang hometown para bisitahin ang puntod ng mga magulang, who were both soldiers and who died during an encounter.

Habang tahimik na inaadmire ang magandang tanawin sa labas, narinig niyang nagring ang phone ng katabing pasahero. Napatingin siya saglit dito at binalik niya rin agad ang tingin sa labas nang magtagpo na naman ang mga mata nila dahil napatingin din ang lalaki sa kanya habang sinasagot ang phone.

Shet. Hindi niya sinasadya, okay? Talagang coincidence lang!

Sa sobrang kahihiyang nararamdaman, tinuon na lang niya ang sarili sa panonood sa labas at wala ng balak lumingon pa kung saan. Habang aliw siyang nakatingin sa kulay kahel na langit, unti-unting may pumormang kakaiba at malalaking pigura rito.

"Where the hell are you, Kid?" bulyaw agad ng nasa kabilang linya nang sagutin ni Kinraid ang tawag ng pinsan.

"On my way." bored na sagot nito.

"Saang lupalop ba 'yan ng Pilipinas? Kanina ka pa hinahanap ng mga tao dito. Don't tell me, hindi ka sumakay ng train?" tanong ni Thaddeus, halatang medyo iritado na ito.

Napangisi ang binata. Thaddeus is a very patient type of person, kaya kung iritado na ito, it's a sign na tama ang desisyon niyang hindi magmadaling pumunta sa kung saan man sila.

"No. Nagbus ako."

Nailayo agad ni Kinraid ang phone nang magsimulang magmura ang pinsan.

"Ako na tuloy sumalo lahat ng kamalasan mo. Alam mo bang naging gathering na ata 'to ng mga taga Alma Heights? Halos lahat ng mga spoiled brats ng subdivision natin andito. Akala ko ba tayong magpipinsan lang dapat sa trip na 'to?"

Natawa si Kinraid sa naririnig na frustration ng pinsan. Ah, sabi na nga ba it will turn out like this again, he thought.

Kagaya ng nangyari noong nakaraang buwan, maraming mga kaibigan ng ibang pinsan nila ang sumasama sa hangout nila, a bunch of high school kids, which he didn't like. Kasi karamihan sa kanila ay babae, at parati na lang siya ang target i-entertain ng mga ito.

"Isn't that good? It's your own people." Kinraid tried to piss off his cousin even more.

"Oh, shut up. I'm not spoiled like them." reklamo nito.

Kinraid scoffed. His cousin is also a rascal. Pero hindi na niya sinabi iyon.

"Where's Marcus? Just ask for his help." tukoy nito sa kapatid ni Thaddeus na mas easy-going at mahilig maki-socialize.

"Ayon, nag-iinuman sila ng mga dalang barkada ni Ate Charmaine. Ayaw ko namang uminom agad, ang aga pa. Kaya nastuck ako dito sa mga ewan. Just get your ass in here, kasi ikaw ang hinahanap."

"I think I should better go home, hearing that bad news." he responded, which earned another earful of curses from his cousin.

"Don't you dare! Andito na naman 'yong si Alia. Balak ka raw gawing mate kapag natuloy ang Nexus." wika nito sabay tawa ng malakas, like it's the most ridiculous thing he has heard today.

Kinraid cringed upon hearing the last sentence of his cousin. He imagined himself being trapped in a metal cage and getting pounced at by Alia... in space with no way out. Mas lalo siyang nangilabot.

Fucking hell. Mas gugustuhin niya na lang mag-antay ng doomsday kaysa makasama doon ang babae.

Kaya ayaw niyang tumuloy sa gala, e, masama talaga ang kutob niya sa pwedeng mangyari roon.

Alia's the brattiest kid in their neighborhood and she happens to be his sister's best friend. Hindi niya rin alam kung bakit, pero lately, napapansin na nga niya ang obvious na pagkakagusto nito sa kanya and he doesn't like it.

She's pretty, very pretty... and smart, too. Pero hindi niya talaga type dahil sa ugali nito. Kaya madalas niya itong iwasan.

He has never liked anyone before kaya he is not sure about what type of person he'd be attracted to. But surely, someone with a bad attitude turns him off.

"What the...? What's that?" rinig niya sa kabilang linya.

"Bakit? What's happening there?" tanong nito sa pinsan pero hindi ito sumagot.

Biglang nagkaroon ng kumusyon na maririnig sa background ng tawag at pati na rin sa loob ng bus.

"Tingnan mo 'yon, oh."

"Hala, ano 'yan?"

"Juandro, alien!"

Dahil sa pagtataka tumingin si Kinraid sa may labas kung saan may tinuturo ang mga pasahero. He leaned a bit closer towards the window because he can't see anything, nang bigla na lang pumreno ang bus at muntikan na siyang masubsob sa katabi, buti na lang ay mabilis niyang naitukod ang kamay sa unahang backseat. Napuno ng hiyawang puno ng nerbiyos ang bus galing sa mga pasaherong hindi inasahan ang biglang paghinto nito.

"Ah, sorry." paumanhin ni Kinraid sa babae nang makabawi siya ng balanse at umayos ng upo. Halos wala itong reaksyon, gulantang pa ito sa nangyari.

Humingi ng paumanhin ang driver. Kinailangan niya raw magbrake dahil sa mga naunang sasakyang nakahinto sa daan.

"Kid, are you seeing this?" narinig niyang sabi ni Thaddeus.

Isa isang bumaba ang mga pasahero para makita kung ano man ang tinitingnan ng mga taong nagsibabaan din sa kanilang mga sasakyan.

"Seeing what?" Kinraid asked, confused, as he stood up to also see what's exactly is happening outside.

"There are weird things in the sky." the perplexed Thaddeus said.

Pagkababa ng bus, nakita ni Kinraid ang nakahilerang mga sasakyan, nakalabas ang mga tao rito at nakatingala sa kalangitan, ang iba'y nagkakagulo.

Kinraid's eyes followed where the people are looking. Tumingala siya. There are weird figures in the clear sky. Big figures that seemed plastered near the stratosphere of Earth. Translucent grey figures. Malayo, pero klaro dahil malalaki ito.

"What the hell are those?" Kinraid whispered to himself when he saw the figures.

The figures glitched for a good second na akala niya ay imagination niya lang.

"Aliens!" biglang sigaw ng batang kasama niya sa bus kanina na naging dahilan upang magkagulo at magpanic ang mga tao.