Hindi naman nag-aksaya ng oras si Wong Ming nang mabilis itong sumugod sa kinaroroonan ng misteryosong nilalang na nakamaskara habang makikitang nagpapatugtog ito ng musika.
Mabilis nitong hinahawakan ang espadang bigay pa sa kaniya ng ama-amahan niyang si Wong Bengwin kaya kampante siyang sugurin ang pesteng kalaban niyang isang demonic tamer.
Alam niyang malakas itong makakalaban niya ngunit alam niyang mas delikado pa kung tatakasan niya ito. Malakas nga ang demonic tamer sa malapitan ngunit mas nakakapanghilakbot ang lakas nito mula sa malayo. Ganon ang katotohanan patungkol sa demonic tamer. Mas mabagsik ang kapangyarihan nito sa malayuan and they can track you down dahil kayang-kaya ka nitong markahan.
Hyaaahhhhh!
Malakas na sigaw ni Wong Ming habang mabilis na iwinasiwas ang kaniyang sariling espada patungo sa kinaroroonan ng nakamaskarang demonic tamer.
Zzzzzzz! Zzzzz! Zzzzz!
Tatlong napakapangit na tunog ang pinakawalan ng nasabing demonic tamer na siyang dahilan upang mapaatras si Wong Ming dahil tatlong malalakas na air waves ang nakita niyang patungo sa kaniya.
Bang!
Malakas na sumabog ang hangin ng magsalpukan ang atake ni Wong Ming at ilang hakbang din paatras ang nagawa niya kung saan ay hindi naman inaasahan ni Wong Ming na magiging ganito ang sitwasyong kinakaharap niya sa kasalukuyan.
Hindi man inaasahan ni Wong Ming ang kaganapang ito ay napangisi na rin siya sa sitwasyong kinakaharap niya dahil hindi siya magpapatalo sa isang hamak na demonic tamer dahil lamang sa taglay nitong propesyon.
"Ano'ng nginingisi-ngisi mo binata? Mukhang hindi mo alam ang iyong ginagawa dahil isa ka lamang hamak na ordinaryong taga-labas. Liban sa pambihira mong espada ay wala kang laban sa katulad ko!" Puno ng pangmamaliit na wika ng nasabing demonic tamer habang makikitang may inis ang tono ng pananalita nito. Halatang ayaw nito ang pinapakitang ekspresyon sa mukha ng nasabing binata.
"Ordinaryo ba kamo? Bakit hindi mo man lang ako madaplisan ng mga atake mo? Masyado naman atang mataas ang tingin mo sa iyong sarili mo hahaha!" Natatawang sambit ni Wong Ming habang kitang-kita sa mukha nitong nasisiyahan siya sa pangyayaring ito.
"Puro ka naman satsat binata, mamamatay ka rin naman!" Sambit ng nakamaskarang demonic tamer habang makikitang hindi na ito natutuwa ng tuluyan sa binatang nagmula sa labas ng malawak na kagubatang ito na siyang tahanan nila dahil ang tingin nila sa mga taga-labas ay mga salot at mahihinang mga nilalang.
♪♫♬ ♭♮♯♬ ♭♮♯ ♪♫♩ ♪♫♬ ♭
Mabilis na tumugtog ang nakakapangilabot na tunog na lumalabas sa plawtang ihip-ihip ng nasabing demonic tamer.
Agad na naramdaman ni Wong Ming na tila biglang dumilim ang kapaligiran at wala siyang makitang kahit anong klaseng bagay sa kapaligiran niya. Nakakawalang pag-asa ang walang hanggang kadiliman na bumabalot sa paningin ni Wong Ming.
Alam niyang hindi siya nabulag ngunit binubulag siya ng nakikita niyang kapaligiran sa loob ng Ashfall Forest.
Sa sitwasyong ito ay alam na alam ni Wong Ming na talo siya at disadvantage niya ang malawak na kagubatang ito lalo na ang kinaroroonan niya kung saan niya nakaharap ang misteryosong nilalang na isa palang demonic tamer. He cannot undo this kind of decision he make lalo na at kasalanan niya rin naman kung bakit nawalay siya sa amain niya.
Ang tanging nagawa ni Wong Ming ay iwinasiwas niua ang kaniyang sariling hawak na espada sa kapaligiran niya at mabilis na nagwika.
"Nasaan ka?! Lumaban ka ng patas!" Inis na wika ni Wong Ming habang nangangapa siya sa walang hanggang kadiliman na siyang kinaroroonan niya.
Hindi niya alam ngunit ramdam niyang ang kadiliman ang isa sa kinatatakutan niya. Simula noong nagising siya ngunit walang alaala ay tila ba isa sa mga bagay na ito ang kauna-unahang nakakaramdam siya ng ibayong takot.
Dilim. Isang salita lamang ngunit ramdam niyang may kinalaman ito sa nakaraan niyang nawaglit ng isipan niya ngunit alam niya sa kaniyang puso na isa ito sa dahilan ng kaniyang pagkawala ng memoryang ibinaon ng panahon.
"Nararapat lamang sa iyo iyan binata. Hindi mo kasi kinikilala ang kinakalaban mo kaya nangangapa ka ngayon sa dilim! Hinding-hindi mo ko mahahanap hahahaha!" Sambit ng nakamaskarang demonic tamer habang ikinukubli nito ang sarili nito sa walang hanggang kadiliman.
Slashhh!
Isang malakas na tunog ng plawta ang pinakawalan ng demonic tamer patungo sa direksyon ni Wong Ming dahilan upang mabilis na napaluhod sa sakit si Wong Ming matapos tamaan ang kaliwang binti ng kung anumang klaseng atake mula sa hangin.
"Ahhhhhh!" Napahiyaw sa sakit si Wong Ming nang agad siyang nakaramdam ng sobrang hapdi sa bandang kaliwang parte ng tuhod niyang natamaan ng atake ng nasabing demonic tamer.
♪♫♩ ♪♫♬ ♭
Ziiittthhhh!!!
Pagkabangon na pagkabangon pa lamang ni Wong Ming ay mabilis na napatalsik sa malayo nang isang malakas na pwersa ang tumulak rito dahilan upang tumilapon ito malakas sa malayo.
Aaaaaaahhhhh!
Hindi naman nakapagpigil si Wong Ming at lumabas ang tinig ng kaniyang pagpalahaw dahil na rin sa ramdam niya ang pagkahiwa ng parteng tiyan niya sa nasabing atake ng binatang si Wong Ming.
Tila walang kalaban-laban si Wong Ming sa nasabing demonic tamer lalo na at masasabing malakas ito dahil sa elemento ng kadilimang taglay nito. Hindi lamang iyon dahil nakakaya nitong panatilihing bulag ang mga mata ni Wong Ming sa paligid nito patunay na gamay na nito ang lugar na ito at nahasa nito ang kaniyang abilidad sa pagmamanipula ng mga bibiktimahin niya.
"Isuko mo na ang buhay mo sa akin binata nang mawala na ang sakit na nararamdaman mo. Walang makakaligtas sa isang katulad mo dahil ang lugar na ito ay akin. Huli na para ikaw'y umatras dahil napapasailalim ka sa aking domain!" Mayabang na wika ng nakamaskarang demonic tamer na umalingawngaw sa bawat sulok ng kadilimang bumabalot sa lugar na ito. Halatang alam na nitong walang laban ang isang katulad ni Wong Ming sa kaniyang sariling kakayahan.
Mabilis na tumayo si Wong Ming sa malayo. Wala man itong nakikita ngunit tila nabigla naman ang nasabing nakamaskarang demonic tamer na nakakubli sa walang hanggang kadiliman sa lugar na ito.
♪♫♬
Isang malakas na tunog ang pinakawalang muli ng plawtang gamit-gamit ng demonic tamer dahilan upang maalerto naman si Wong Ming. Litong-lito man siya ngunit ramdam niyang may malakas na atakeng tatama sa kaniya maya-maya lamang.
Mabilis na nag-isip si Wong Ming ng paraan upang matakasan ang panganib mula sa kalaban niyang demonic tamer dahil malaki ang tsansang mapaslang siya ng demonic tamer na ito o gawing tau-tauhan nito na hindi niya gugustuhing mangyari.