Anak...Kwangmin puntahan mo nga Kuya mo kakain na ika mo!
Opo!
Nang malapit na ito sa pinto ng kapatid...
Nakapagtatakang hindi ito nakalock! Lagi syang naglalock ng pinto nya ah!
Pagbukas ng pinto(bahagyaan pa lang)
Bakit madilim...walang ilaw? Mahinang sabi ni Kwangmin.
Biglang sumulpot si Kwangmoon.
Waaaah! Ginulat sya ni Kwangmoon...at sa pagkagulat nito ay drediretso nitong nabuksan ang pinto at nagkaroon ng bahagyang liwanag ang madilim nitong silid. Napasandal naman si Kwangmin sa pinto habang hawak pa rin ang hawakan. Sa paglingon nya sa kanan tumambad sa kanya ang mga paang nakalutang.
Hyung anong ginagawa mo?
...bilis tawagin mo sina mama!
Ha?
Basta, tawagin mo!
Bakit ka galit?
Wahhaaaaaaaaah! Tumakbo ito at habang tumatakbo ay sinasabing..."Mama, mama, mama si Hyung!"~habang papalayo...
Hyungggggiiiiiiiiiiii!~sigaw na nanginginig nitong sabi sabay hagulgol at bitaw sa pinto lakad ng bahagya para buksan ang ilaw sa silid.
Hyung! Hyung! Hyung! Hyung! Hyuuuuuuuuuung!
Walang anu-ano ay may nagpatak na papel sa kamay nito na syang gumulong kay Kwangmin. Kinuha naman nito! Akma sana nitong babasahin ngunit may narinig itong yabag papalapit, kaya pansamantala nitong nilagay sa bulsa ang papel.
Ho anaaaak anong meron!?.~tanong na natigilan ng ina...nang makita si Kwangwon na nakabitin.
...
Dumating na ang ama nina Kwangmin. Si Joon Kwanghoon 60 years old. Nagdiretso ito sa kusina....
Sa kusina...
Oho, Yeobeo anong kakainin natin?
Fried chicken, kimchi, fried rice, chicken soup! Pero hoy huwag na huwag kang susubo!
Oh anong masama tutal kakain na tayo naman ah?!
Hoy wala pa panganay mong anak!
Si Won-won?
Ala, yaan mo kung ayaw nya kumain oh mga anak ano pang iniintay nyo kain na tayo! Ngunit nakatingin lang sila sa kanya...
Ano, kilos!
biglang natahimik ang lahat, liban sa ama nilang lasing...ngunit nabasag ang katahimikan ng dumating si Kwangmoon...
(Pumunta si Kwangmoon sa kusina na umiiyak.)
Ho ano, Kwangmoon di ba sabi ko tawagin nyo Hyung Won nyo ano bakit wala pa sya at Hyung Min mo?
Mama, mama si Hyung...si Hyung!
Bakit?
Pinaiyak ako, sinindak ako! Tinatanong ko lang naman po kung bakit ka nya pinatatawag, tapos habang papalayo ako narinig ko humahagulgol sya ng iyak tapos nakita ko si Hyung Won hinawakan ako sa ulo at nagpaalam sa akin tapos, tapos pagpikit mulat ko kinain na sya ng liwanag sabay sabing paalam! Pumikit mulat uli ako tapos boom wala na! Nakakamangha akala ko sa drama lang yun, totoo pala!
Rinig ng lahat ang sinabi ni Kwangmoon. Ang ama nilang lasing ay nahulas ang kalasingan, sa gulat sa narinig. Dali-dali silang nagtungo silid nito at doon ay naabutan nila ang katawang nakalutang at si Kwangmin na tumatangis.
...
Omma, si Hyung...papapatay na! Nakatulala nitong sabi.
Napaluhod naman sa gulat ang magkakapatid na napayakap sa isa't isa.
Dali-daling tumawag si Kwangjoon sa 911 samantalang si Kwangson ay umalis at tinawag naman ang mga kapitbahay para tulungan silang alisin ang bangkay sa pagkakasabit.
...
Tulong! Tulong! Tulong!
Nakapansin agad naman siya ng atensyon...ayon ay ang atensyon ng mga tambay at ng vloger na si Steve Park...kapitbahay lang nila.
Tulong-tulong sila sa pagbababa ng bangkay.
...
Ano pong nangyari sa kanya ika, bakit nagpakamatay?
Kasi...sa totoo lang di ika rin namin alam, ang tangi lang naming naaalala ay ang pagtatalo nareng magkapatid ng mga bandang alas tres. Matapos ang pagtatalo nagpunta sya sa silid nya at kinagabihan nang kakain ika kami ng hapunan ay pinatawag ko sa anak kong pangalawa, ngunit...~naiyak na at di na nakaagsalita.
Ah, ganoon po ba miss at mister.
After 30 minutes dumating na ang 911 at para suriin ang bangkay.
Sa lakas ng tunog ng ambulansya ay naglabas ang mga nakarinig at natigilan ang mga nakakita.
Usap-usapan...
Bakit kaya may 911?
Baka mayroong may sakit!
Baka, emergency!
Bumaba ng sasakyan ang rescue team dala ang higaan pumasok sa loob ng bahay...
Sa loob yung mga nagalis ng bangkay sa pagkakabitin ay di na napigil ang sarili at lakas loob na nag tanong...
Sumagot naman sila na wala silang idea pero kinahapunan nagtalo ang magkapatid. Ngunit di naman iyon sapat para ito ay magpakamatay. Marahil mayroong ibang dahilan na higit na malalim na kanyang hindi sinasabi sa pamilya.
Walang anu-ano ay nakakita ang isa sa pumasok na rescuers ng isang envelope.
Ma'am...sabay abot dito.
Umiiyak lang ang lahat, walang humpay...hulas ang kalasingan ng padre de pamilya. At pilit na sinisisi ang sarili habang naaalala ang anak...
Appa, tama na sa paginom.
Appa, sabi nang!
Ngunit ang pinagtataka nya one time nagiinom ito magisa sa bahay ay imbis na awatin sya nito ay sinaluhan pa sa paginom ng soju. At sabay silang umuwing iniiwasan ng mga sasakyan...
Hehehe, Appa pansin mo tayo na yung iniiwasan ng mga driver ngayon.
Ahahahaha!
Appa, alam ko kaya ka naging lasenggo kasi di mo matanggap na niloko ka ng mga nangako sa iyong investor pero in the end wala naman palang investor na ganon...
Alam ko masakit! Pero Appa alam mo mas masakit mawalan ka ng trabaho, kasi piniframe ka nila porke baguhan ka, porke wala kang experience!
Hay nako buhay...oh tadhana gaano ka nga ba mapaglaro sa isang kislap ang kapalaran mo ay madaling mabago. Mabuti man o masama ang kahahatnan.
Anak, marahil...tapos nakatulog na ang ama!
Hoy, Appa...huwag naman rine!
Pati dito dayo ka ng pagtulog kung kailan malayo pa sa bahay.
...pinasan na nya ang ama pauwi...
...hulas ang kalasingan ni Kwangwon.
Back to reality...
Anak, napakasama kong ama! Di ko inisip ang nararamdaman ng aking mga anak. Binale wala ko ang sinabi mo sa akin!
Mahal anong sinabi sa iyo ni Kwangwon...?
Mahal...binale wala ko ang sinabi nyang piniframe sya ng kanyang mga kasamahan sa trabaho, porke baguhan sya at mukhang naive sa paningin nila.
Ano!?.
Sinampal ng ina nila ang asawa nito.
Tarantado ka, bakit di mo sinabi yan noon pa lamang at sana buhay pa sya at nagpapagamot ng sugatang puso.
Anyway ma, buksan na natin yang envelope nang makita anong laman nyan!~sabi ni Kwangmin.
Ummm...!
"Dear my family...
Ako si Joon Kwangwon ay naisipan nang wakasan ang paghihirap ko, bagamat ito ay higit na masakit sa inyo ang paglisan ko ay buong puso ko itong pinagdesisyonan.
Dahil sa dami ng problema ko, sa bahay at labas ng bahay na nais kong takasan ngunit hindi ko magawa kahit saang lugar ako magtungo gulo lang talaga ang dulot ko.
Naisipan kong gawin ang bagay na ito dahil wala naman kasing nais makinig sa akin. Lahat tingin sa akin ay masama at gayon din ang mga ginagawa ko.
Kailan pa ba ako naging tama sa paningin nyo. Si Kwangmin kung makaasta sya panganay palibhasa may pakinabang, si Kwangjoon...paling harap ayos mong kausap tapos pagikinuwento na ako sa iba ako na ang masama.
Si Kwangya malayo ang loob sa akin kasi walang mahuthot.
Si Kwangson, pala barkada palibhasa kabataan...si Kwangmoon sana lumaking mabuting tao.
Paalam na, di ko na kaya! Hanggang dito na lang ako siguro...kayo ma ni Appa wag na laging magbangayan, dagdag stress sa akin marinig kayo.
Nagngingitngit ako sa galit sa tuwing wala akong maitulong sa inyo.
Salamat sa pagmamahal nyo sa akin at paghubog sa akin bilang isang mabuting tao.
Salamat mga kapatid sa pagaalala nyo sa akin kung ayos lang ako, di ko man masambit lahat ng problema ko pero pinagagaan nyo loob ko!
Lalo na sa iyo Kwangmin ikaw ang nagmistulang panganay at nagpapabaon imbis na ako ang gumagawa para sa inyo.
Appa, Ma... huwag na naman kayong magtalo sa maliit na bagay.
Sa usaping pera naman msging masinop kayo at matutong magipon.
Sya nga pala sa ilalim ng kama ko ay may box bukssn nyo pera ko iyong naipon. Mayroon yang lamang 10 million won magagamit ni Min at Joon sa kanilang paggraduate.
Oh, sya sige paalam na.
Kapag ako ay marereincarnate pipiliin ko pa ring maging pamilya nyo.
Nagmamahal...Joon Kwangwon."
Lalong humagulgol ang ina nang marinig ito at nahimatay ito!