Chereads / The Five Gems of Narra by: liezel / Chapter 3 - Si Athena at Si Stell

Chapter 3 - Si Athena at Si Stell

Magsisimula Ang kwento sa isang umagang Kay Ganda.

"Good morning sa Inyo " Isang masiglang kanta Ang bumungad sa bintana na siyang dahilan Ng pagkabigla Ng mga ibon kaya nagliparan Ang mga ito ngunit Hindi lumalayo sa lugar, nakakalipad man ay Hindi Naman umaalis sa Lugar. Nakikisabay pa Sila sa mala, Anghel na boses ni Athena

Meet Athena Narra, Maaga pa lang ay binubuksan na niya Ang bintana sa may kanang bahagi Ng kwarto niya, sa harap niyon ay may tatlong malalaking Puno Ng mangga kaya Hindi maipagkakaila na maraming ibon Ang naninirahan doon na siyang sumasalubong sa kanya tuwing umaga. Sa baba Ng Bahay nila ay naroon na ang nakangiting Mukha Ng kanyang Ina at ama naghahanda Ng almusal para sa kanya.

Sinasabayan niya Ng pagkanta Ang kanyang pagdidilig at kapag kumakanta na siya ay malalanghap mo Ang malamig na simoy ng hangin na siyang nagpapagalaw sa mga halaman kaya kita mo na tila ay sumasabay din Ang mga halaman sa kanyang pagkanta.

Napatingin sa kanya Ang mama niya at kasabay niyon ay Ang masayang Mukha na makikita mo sa kanya.napansin ito Ng Asawa niya Ang papa ni Athena, lumapit ito at niyakap Ang huli sabay nagtanung sa kanya.

" Naalala mo pa ba??" Nagulat Siya sa ginawa Ng Asawa pero ngumiti parin ito at yumakap din.

10 years ago...

Nataranta Ang kanyang Ina dahil tumawag ang eskwelahan at sinabing sinapian daw Ng masamang espirito si Athena. Agad namang tinawagan Ang Lola Tina nito dahil nga sa ito ay Isang Albularyo Ng kanilang bayan.

Pagkatapos gamutin si Athena ay Hindi na muli pang umimik at tahimik lamang itong naglakad pauwi Ng Bahay, pagdating Ng Bahay ay agad niyang niyakap Ang kanyang Lola at sinabing natatakot Siya sa lugar na iyon. Ang kanyang tinutukoy ay Ang lugar na napuntahan niya nong Siya ay sinapian Ng masamang espirito. Mula noon ay Hindi na ito nagsalita pa.

Lumipas Ang ilang mga Araw ay Hindi na muli pang nagsalita si Athena, lagi lang itong nakadikit sa Lola niya at kahit pa ay paluin Siya Ng kanyang ama ay Hindi Siya nagsasalita, tutulo lamang Ang mga luha nito ngunit walang hagulgul na maririnig.

Niyakap siyang muli Ng kanyang Lola at ibinulong Ang Isang orasyon. Doon lamang Siya sumagot at sinabing natatakot Siya sa kanyang nakikita. Tinanong Siya Kong Anu ba Ang kanyang nakikita at sumagot Naman Siya at Sinabi niya na nakakakita Siya Ng mga puting usok na korting tao, mga tao na walang Mukha at kamay tanging usok lamang na nabubuo. Hindi Naman iyon nananakot sa kanya pero ayaw lang talaga niyang Makita Ang mga iyon.

Napapansin din niya na tuwing kumakanta Ang kanyang Lola Tina ay tila nawawala rin Ang mga puting usok na iyon kaya lagi siyang nakadikit dito.

Sinabi Ng kanyang Lola Tina na para mawala Ang mga puting usok na kanyang nakikita ay kakanta Siya sa may bintana Ng kanyang kwarto tuwing Umaga bilang pagbigay pugay sa sikat Ng Araw Ng sa gayon ay babantayan Siya nito sa buong maghapon.

Doon nga ay sinunod niya Ang Sinabi Ng kanyang Lola at Mula noon ay unti unti Ng nawawala Ang mga puting usok na nakikita ni Athena.

Ang kanyang pagkanta ay napansin Ng kanyang guro kaya pinasali Siya sa Isang paligsahan sa pagkanta. Hindi man Siya nanalo sa paligsahan na iyon pero doon Naman nagsimula na mapansin Siya Ng Ibang mga bata at gawin siyang kaibigan Ng mga ito.

10 years later..... one month ago...

Pumunta si Athena sa hospital dahil sa isinugod doon Ang kanyang Lola.

97 years old na Ang kanyang Lola kaya kailangan na niyang magpaalam. May sakit ito na kailangang opirahan pero dahil sa matanda na ay Hindi na nito kakayanin Ang gagawing operasyon.

Nakakalungkot mang isipin pero kailangang tanggapin kaya Walang magawa Ang pamilya nito kundi Ang umiyak na lamang.

Sa loob Ng kwarto Kong saan naka- confined si Lola Tina ay naroon din Ang apat pang mga pasyente. Public hospital Kasi kaya marami Ang nakikihati Ng lugar o  espasyo sa iisang kwarto.

Bago mamatay Ang Lola ni Athena ay nag request pa ito na sana ay kumanta si Athena Ng Isang awitin Ng sa ganun ay marinig nito Ang boses ni Athena sa huling sandali Ng kanyang Buhay.

Pagkatapos na tapusin ni Athena Ang kanta ay doon na nga Nakatulog Ang kanyang Lola at kahit anung gawin nilang paggising ay Hindi na ito sumasagot o gumagalaw kaya mas Lalo pa silang umiyak.

Ang Akala Ng pamilya ni Athena ay Hindi na muli pang babalik Ang sigla sa Mukha nito. Ngayon ay masaya na silang gumigising sa Umaga at maririnig Ang masiglang boses ni Athena.

Sa eskwelahan...

Habang nagbabasa si Athena Ng kwento na Siya mismo Ang gumawa ay nabigla Siya Ng may biglang humablot sa libro niya.

"oy akin yan " Ang naisigaw na lamang ni Athena pero agad siyang pinigilan Ng dalawa pang babae.

Gropo Sila Ng beyond zero club Isang acting and Media workshop club, at Ang leader Ng gropo na iyon ay si Samantha.

"Limang lalaki na may pambihirang lakas sa pakikipaglalaban Ang napili at maging tagapagligtas Ng Mundo.??" Ang nasambit na lamang ni Sam,,, binasa pala nito ang kwento at masasabi niyang maganda ngunit ayaw niyang tanggapin na si Athena Ang gumawa, kaya kabaliktaran Ang kanyang sinabi.

~

"Ang pangit Ng gawa mo Ang Dapat diyan pinupunit"

Ang nasabi niya sabay pinunit Ang libro. Wala namang magawa si Athena, nagiisa lamang Siya at Hindi niya ugali Ang makipag,away.

Naiiyak lamang Siya dahil Ang librong iyon ay bigay pa Ng kanyang Lola sa kanya.

Bago ito mamatay ay nangako Siya na tatapusin niya Ang kwento na may magandang wakas ngunit Ngayon ay impossible Ng mangyari.

kinagabihan ay sinubukan pa niyang lagyan Ng pandikit Ang mga napunit Ng pahina subalit may mga salita Na Ang Hindi mo mababasa.

Dalawang lalaki Ang bigla na lamang lumabas Mula sa mga nagkapera pirasong pahina Ng kwento at nagpakilala sa kanya.

" hai Ako si watty "

"at Ako naman si web "

" kami Ang seeker at keeper Ng kwentong ginawa mo" Ang Sabi pa Ng dalawa

nakatulala namang nakatingin sa kanila si Athena. Hindi Naman Siya nakaramdam Ng takot dahil totoong tao Ang nakikita niya.

" Ang librong ginamit ay sagrado kailangang ingatan, Hindi pweding punitin, sirain, o hawakan Ng sinuman" sabay sabay pang Sabi Ng dalawa.

"nasira Ang aklat kaya dapat may parusang matatanggap" sabay ding Sabi Ng dalawa pero yong utak ni Athena nagloloading pa.

" Ang nais lang naming Sabihin ay nagkakagulo na sa narra kingdom at kasalanan mo Ang lahat lahat kaya kailangan mong ayusin ito." Ang Sabi ni watty

"True kaya sa ayaw at sa gusto mo ay kailangan mong sumama sa Amin" Ang Sabi din ni web

Doon lamang natauhan si Athena

"wait!! what!!???? papasok Ako sa libro na ginawa ko??" sa pagkakasabi niya sa katagang iyon ay hinigop na agad Siya at Ng mga Oras na iyon ay naroon na siya sa loob Ng libro.

paggising niya ay nasa Isang Bahay na siya at nakahiga pa.

"oh gising kana pala "

biglang pumasok Ang Isang lalaki Mula sa labas Ng pinto Ng Bahay, at habang kinikwento niya Ang nangyari Kong paanu ay Nakita Siya na walang Malay tao sa kagubatan ay tinititigan lamang Siya ni Athena. Hindi na batid pa Ng babae Kong naiintindihan ba niya Ang salita niyon o Hindi.

" stell ☺️☺️oh my God Stell, how I wish totoo ka talagang tunay" Ang nasambit na lamang ni Athena sa isip niya. Hindi nito namalayan Ang patuloy na pagtulo Ng mga luha sa Mukha.

" Hala!! bakit ka umiiyak?? may masakit ba Sayo?? Anu??" Ang tanung Ng lalaki pero habang umiiyak ay ngumiti lang ito at sumagot na okay lang Siya.

"grabi Lord sarap pala sa pakiramdam na Ang Isang malamig makitungo na lalaki ay Isa nang malambing at maaalahaning tao, Ang swerte ko Lord,sana Dito na Ako forever " Ang nasabi ni Athena sa isip niya pero biglang may biglang pumalo sa ulo niya at pagkatapos noon ay biglang huminto and lahat at Hindi na gumalaw ni kumilos o umalis sa lugar nila.

"umayos ka girl Kong ayaw mong mawalan Ng kaluluwa" biglang nagpakita si watty sa harapan niya na tila Isang kaluluwa na lumulutang sa ere.

" sorry hihi " Ang nasabi na lamang niya.

" naalala ko lang Kasi yong crush ko si stell..." Hindi paman siya tapos na magsalita ay sumagot na agad si watty.

" I don't care!! " midjo girly pa Ang pagkakasagot nito na bigla na Lang ding na Wala at sa kanyang pagkawala ay Siya namang pagbabalik at paggalaw Ng lahat Ng Bagay.

naalala ni Athena si stell Ang klasmeyt niya sa eskwelahan na sa sobrang lamig ng pakikitungo sa kanya ay mas Lalo lamang niyang pinagpantasyahan at ginawa pang karakter sa kwento.

speaking of kwento...

mahaba haba Ang paglalakbay na iyon ni Athena Kasama Sina watty at web at sa paglalakbay na iyon ay sinabi Ng dalawa Ang mga dapat at Hindi dapat gawin ni Athena sa kwento, Hindi niya pweding Sabihin Kong sino Siya at Kong Anu Siya at Hindi Rin niya pweding Sabihin na alam niya Ang mangyayari sa kwento. Ang misyon niya lang ay gawing tagapagligtas Ang Limang nakatakda. pero paanu niya gagawin ito???