Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

My Piece

Mixedsignals
--
chs / week
--
NOT RATINGS
1.6k
Views
VIEW MORE

Chapter 1 - My Poem

Patangis Buwaya

Sa madilim na mundo

Hindi na ako makahinga sa mga nakikita ko

Kung maaari

Kung maaari lang talaga

Mas gugustuhing ko pang ipikit na lang ang aking mga mata

Kaysa ipagpatuloy pa ang pagmulat

Na ang tangi ko lang makikita

Na ang tangi ko lang masisilayan ay ang kahindik-hindik na sinapit ng bawat isa

Hindi ko kayang lahat ng ito'y makita.

Hindi ko alam kung kailan nagsimula

Nagsimulang magbago ang lahat

Ang mga tao

Ang mga tao'y unti-unti nang naglalaho

At may isang bagong nilalang ang bigla biglang nabubuo

Ang nilalang na nasa anyong tao pero ugali'y tila tinatago

Tulad ng isang buwaya napakatuso.

Bakit nga ba nagkaganito?

Dati nama'y maayos pa tayo

Sapat na yung mabuhay, makakain ng tatlong beses sa isang araw

Kahit kaning kakainin pa nati'y bahaw

Pero masaya naman ang ating galaw.

Gaya Tayo noon ng mga mananayaw

Sumasabay sa musika ang kumpas

Habang hangin sa atin ay lumampas

Patungo sa buhay na para bang walang wakas

Pero paano ko nga ba ito malulutas?

Kung sa puso natin pagiging buwaya ay pinipigilan lang pala nating lumabas.

Ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan

Kung bakit kabutihan ay napalitan ng kabuwayahan

Kotong dito at doon, salatan ng yaman, kamkaman at pagiging gahaman, maging pag-aagawan

Subalit isa lang aking alam

Na sa likod ng bawat isa

Na sa likod ng bawat isang buwaya

Ay may mga taong puno ng mga sugat at parusa

Nangangamba tumatangis, humihingi ng tulong, ng pang-unawa, ng pagpapahalaga, at tunay na kalinga.

Filipino Version