Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

No One Loves Me That's Why I Became A Goddess In Another World Tagalog

🇵🇭CDLiNKPh
--
chs / week
--
NOT RATINGS
5.7k
Views
Synopsis
Dying at the hands of those people that she loves, that's the fate of the villainess that Katherine is reading from her world. Because of a whim, the writer of this novel (who is also a God by the way) ended the world and regretted it later on. Ang sabi ni Ymir, ang paraan lamang para makabalik sa mundo niya ay baguhin ang mga naisulat na nito sa nobela at baguhin ang nakatakdang paggunaw ng mundo. Pero paano kung kailangan niyang magpakasal dito para lamang manatiling buhay sa mundong nilikha nito? Ang damuhong lalaki na walang alam sa pag-ibig na ang sabi ay hahayaan pa raw siya na magkaroon ng maraming asawa sa oras na maging Diyosa na rin siya sa mundong iyon?! Magagawa ba niyang palakasin ang sarili para magkaroon ng kakayahan na talunin ang demon king? Makakabalik pa kaya siya sa mundo niya na bitbit ang kapangyarihan at kayamanan na pinangako ni Ymir na madadala niya kapag nagawa niya ang misyon na ibinigay nito? Pero paano kung mainlove na siya rito? Magagawa rin kaya siya nitong mahalin ng totoo kahit na para rito ay laro lamang ang lahat?
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1: Waking Up In Another World

Chapter 1: Waking Up In Another World

"TULONG! TULONG! May nalulunod!"

"Paano 'yan? Hindi ako marunong lumangoy?"

"Lady Cara? Lady Cara?" 

"Nakatulala siya? Shock ba siya makakita ng nalulunod sa harapan niya?"

"Tatawag kami ng tulong, Lady Cara! Diyan muna po kayo!"

Naroon sila sa isang lawa na bahagi ng palasyo ng mga Valentina. Ang nag-iisang grand duke ng malaking kaharian ng Lazika. 

Natataranta na ang tatlong katulong at hindi malaman kung ano ang gagawin at uunahing iligtas. Isang katulong ang kasalukuyang nalulunod sa lawa na sinasabing humihigop ng life force ng sinumang malaglag doon. Ang isa naman ay ang lady ng palasyo. Si Lady Cara na tila natutulala at wala sa sarili. 

Kung ikukumpara sa dalawa, higit na mas mahalaga ang buhay ng lady ng palasyo. Kaya naman mas pinili nilang tumawag ng doktor kaysa ang magligtas sa kasalukuyang nalulunod na si Claire.

Sa pag-alis ng mga katulong, doon naman tila natauhan ang lady ng palasyo. Si Cara na unti-unting nagkaroon ng paningin at kamalayan sa paligid.

"N-Nasaan ako?" sambit ng babae.

Tila may isang remote control na nagreplay sa utak ni Cara. 

Ang huli niyang naalala ay natulog lang siya ng masama ang loob at sobrang masakit ang ulo nang dahil sa maraming nainom na alak. Naalala din niya na sa kalagitnaan ng pagtulog ay tila sumikip ang dibdib niya at bigla na lang siyang hindi makahinga hanggang sa nagising na nga siya ngayon.

'Teka nga, nananaginip pa ba ako?'

Nalibot niya ang paningin sa paligid. Naroon siya sa isang lawa kung saan maraming puno sa paligid.

"Lady Cara, t-tulong..."

Biglang nanlaki ang mga mata niya nang makakita ng isang babaeng halos hindi na makahinga dahil kasalukuyan itong nalulunod. Nakataas ang kamay nito at nagsusumamo ang mga mata na tulungan niya.

Lumingon siya sa paligid pero walang ibang tao doon kung hindi silang dalawa lang.

Hanggang sa napansin niya na tuluyan nang nawalan ng malay ang babaeng nalulunod at lumubog paibaba, Sa sobrang pagkataranta, hindi na siya nagdalawang isip pa at tumalon siya at lumangoy para iligtas ang babae. Agad naman niya itong nakita na lumulubog na paibaba. Hinawakan niya ang kamay nito at inilangoy ito paitaas.

"Miss! Gumising ka, Miss!"

Niyugyog niya ang babae pero hindi ito nagigising. Napansin niya na hindi na ito humihinga kaya naman hindi na siya nagdalawang isip pa na i-mouth to mouth resuscitation ito.

Unti-unting nagdilat ang mga mata ng babae. Napangiti siya nang biglang nag-uubo na ito na ang ibig sabihin ay buhay na talaga ito. 

"Miss, ayos ka lang ba?" nakangiting tanong niya nang tila umayos na ang paghinga nito. Halata sa babae na tila nanlalabo pa ang paningin nito dahil nakatulala lang ito sa kanya. Pero maya-maya ay pinamulahan ng mukha at pinanlakihan ng mga mata. 

"Lady Cara?!" bumangon ito sabay hawak sa labi nito. 

"Sorry, I had to do it. Or else, you will die--" Hindi niya alam pero automatically ay nag-explain na siya dahil pakiramdam niya ay may nagawa siyang hindi maganda sa paningin nito. Mukhang walang konsepto ng mouth to mouth resuscitation sa mundong ito.

"Bitiwan mo siya!"

Halos mapaigtad siya sa gulat ng makarinig ng sobrang lakas na sigaw. Isang humahangos na lalaki ang lumapit at itinulak siya ng pabalya palayo sa babae. Halos mangudngod siya sa lupa!

"Hindi purke't alipin mo si Claire ay may karapatan ka nang gawin ang ganito sa kanya! Wala ka talagang awa!"

"What the fuck?! Ano'ng pinagsasasabi mo--"

Hindi na niya naituloy ang sasabihin pa sana niya dahil halos magimbal siya nang sampalin siya ng isang may edad pero gwapo pa rin na lalaki na may blonde na buhok. May kasama itong isa pang lalaki na medyo hawig nito na sa tingin niya ay anak nito. Katulad nito ay masama rin ang tingin sa kanya.

"Hindi ka ba talaga nag-iisip?! Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao sa pamilya natin kapag nalaman nila na ganito ang pagtrato mo sa ating mga alipin?! May utak ka pa ba, ha?!" pagsigaw ng lalaki.

"Daddy is right! I can't believe that you are a part of our family! How can you do something like that to Claire?! I don't want to be your brother anymore!" pagsigaw naman ng lalaking kahawig ng may edad na lalaki na blonde din ang buhok. 

Teka nga, bakit may kulay ang buhok ng mga ito? Nasa Pilipinas pa ba siya?

"I will never let you go near Claire again! And also, I want to break our engagement! I will no longer marry you!" sabi naman ng lalaking unang sumigaw sa kanya na may itim na buhok at pares ng mga mata na matatalim. 

Iyon lamang at binuhat na ng mga ito ang babaeng 'iniligtas' niya. Naiwan siyang mag-isa roon na natutulala pa rin sa mga nangyayari. 

"Lady Cara, ayos ka lang ba? Hindi ka dapat nila sinaktan ng gano'n. Basang-basa ka..." tanong sa kanya ng isang babae na naka-maid uniform. Halatang alalang-alala ito at naiiyak din nang dahil sa sinapit niya. 

"Cara? Who is Cara?" nagtatakang tanong niya. 

Come to think of it, everyone is calling her Cara and that old man who slapped her face is acting like her father na nagsesermon sa kanya. 

"Why the hell are you calling me Cara? My name is not Cara. It's Katherine!"

Natulala naman ang mga maid na nakapaligid sa kanya. Hindi makapaniwala sa mga narinig mula sa kanya. Tila ba sa paningin ng mga ito ay nababaliw na siya. 

Hanggang sa mapatingin siya sa lawa at nanlaki ang mga mata niya dahil ang babaeng naroon ay hindi siya kung hindi isang magandang babae na ngayon lang niya nakita sa buong buhay niya! 

Ang babaeng nasa repleksyon ng tubig ay may maputing balat na kasing puti rin ng buhok nito. Pula ang mga mata nito na kasing pula rin ng kanyang manipis na labi. May matangos siyang ilong, wavy long hair na tila parang sa isang prinsesa at higit sa lahat, may perpektong pangangatawan na may maliit na bewang, matambok na puwitan at may kalakihang dibdib. 

She can't believe what she's seeing in her own eyes. That beautiful girl is her own reflection and she definitely do not know this face!

Ano ang nangyayari sa kanya? Panaginip ba ang lahat ng ito?!

Sa kakaisip ay sumakit ng husto ang ulo niya na tila ba parang may ala-alang nagpipilit na pumasok doon. Hanggang sa hindi na niya kinaya pa ang sakit at tuluyan na siyang nawalan ng malay...