Chapter 2 - EPISODE 2

Sa Manila, sa Street...

Unti-unting minulat ang mata at iniikot sa paligid...

"Nasaan ako!? (Rinig ang ingay ng paligid...) Napakaliwanag at napakaingay gayong gabi na ngay-on.

Tila nagbago bigla ang lahat sa isang iglap...ang tanging alam ko ay nahulog ako sa bangin tapos pagmulat ng aking mga mata ay napunta na ako dito...ang mga sasakyan ay de gulong at isa pa mayroon ang mga itong mga makina at tambutso na tulad ng tren... nakamamangha mayroong may tatlo ang gulong, mayroong dalawa at mayroong apatan din. Kamangha-manghang pangyayari, ngayon lamang ako nakakitang ganitong mga bagay. Isa pa ang mga bagay na umiilaw pagkulay pula ay di maaaring tumawid at ang larawan doon ay isang taong nakatayo, samantalang kapag ang guhit ay napaltan ng naglalakad na kulay berde.

Kung mayroong ganitong bagay sa aming lugar ay marahil miske gabihin ako ng uwi ay di magagalit si ama at si ina."

Nang panahong yaon nasa gitna ito ng kalsada... palinga-linga sa kanan at kaliwa. Mayroong driver na di nakapansin sa kanya ngunit maige nakita sya.

Hoy babae magpapakamatay ka ba ga?

Nang marinig ito ay tinanong nito ang driver...nasaan po ako sabay himatay nito.

Kaya dinala ito sa Hospital nang nakabangga rito...

Sa ER...

Ah...sir ano pong nangyari kay Ma'am?

Aba'y tinatanong ko kung magpapakamatay ika gawa nang ikaw ba gang nasakatinuat ang tatayo sa gitna ng kalsada. Tapos alam nyo ika ang sagot nya

Nacurious sila kaya napatanong ng "Ano?"

Nasaan ako tapos biglang nahimatay...Sabi ko sa sarili ko ano po bagang kaganapan diyos ko sa buhay kong are. Maproblema na nga ika sa buhay dumagdag pa ere ay!

Ganon po ba...

Oh, are 500 ito lang extra kong pera wala na budgeted na kasi... pambayad ko sa kanya. Pasensya na miss...

Sige, sige iwan mo na sya dine.

Sige, salamat kailangan ko nang magmadali...

Bakit po?

Basta may lakad ako...

Sa Domingo Mansion...

Ipinaltok ng isang babaeng nakawheel chair ang isang mamahaling vase worth $1,000,000.

Lumayo kayo! Gusto kong makasama apo ko!

Lola ako to apo nyo si Martha Cielo...

Hindi ikaw, yung paborito ko, si Maria Cielo

Nang marinig ito ay nagalit ito...

Inihagis sa sahig ang tray na hawak, sanay pagkain ng matanda, natakot naman ang matanda ng ito ay masaksihan.

Lola, ako ang laging nasa tabi, ako ang syang nagaalaga sa iyo, nang mga panahong nagkasakit ka nasaan ang iyong paboritong apo! Nasaan?

Nakatinging takot na takot kay Martha ang matanda...

Naiiyak habang nagsasalita ang matanda...takot na takot pa rin ito. Aaaapo, papapatawad nananamimiss lalalang nininini Lola aaaaang kakakakapattttid mo! Noon kasi malayo ang loob mo sa akin, wala kang pakialam. Lahat ng gusto mo nasusunod to the point na makalimutan na nila si Maria, kaya inampon ko sya ngunit nabago ang lahat ng maging artista sya...tapos nang mamatay magulang nyo... tanggap lang sya ng tanggap ng project hanggang sa nakakarinig ako na sya ay nagkakasakit na. Nang mamatay magulang nyo napansin kong inaalagaan mo ako; dahil nais mong maging tagapagmana ng lahat, ngunit gayon man nakita ko ring sincere ang pagaalaga mo sa akin at pagmamahal. Patawad kung di ko iyon napapahalagahan, sorry kung laging pangalan nya tinatawag ko at di iyo. Tumatanda na ako...apo! At isa pa sabi ng doctor mayroong o nagkakaroon na daw ako ng Dementia.

Po...Lola?

Niyakap ni Martha ang Lola, sabay "sorry po Lola!"

...

Sa Hospital...(AJA HOSPITAL)

Nakapikit pa rin si Maria Cielo Arcanghel y Filibustero na nasakatawan ni Maria Cielo Domingo.

Habang unconscious...

Hi girl, uy your look like me, you know I'm look like a mirror!

Ah, binibini, maaari mo bang ipaliwanag sa akin yaong iyong mga tinuran, di kita maunawaan.

Ako ikaw mula sa magkaibang panahon ngunit iisa ang katawan.

Ha, binibini ikaw ba ay nahihibang porke magkamukha tayo?!. Kaawaan ka ng pong may kapal sus mariosep!

Hawakan mo pisngi ko, kurut-kurutin mo!

Aww! Bakit ako'y nasaktan rin?

Sapagkat ikaw ay nasakatawan ko!

Ako nga pala si Maria Cielo Domingo isang artista, kareresign ko lang.

Teka saglit ano ang resign?

Ang resign ay paghingi ng pahintulot upang di na magtrabaho sa isang lugar o establishmento dahil sa kung ano man maaaring kadahilanan.

Ah...sya nga pala bakit ka nagresign?

Sa kadahilang nais akong pagsamantalahan ng isa sa mga Sponsor ng show.

Ah...! Ganon na lamang ang kanyang itinugon kahit na di nito nauunawaan ang salitang Sponsor at show, sabay tango.

Tapos may narinig syang nagsasalita...Unti-unting lumalakas ang boses...

She looks fine.

But doc why she became unconscious?

Maybe she is tired or shocked...!

Kaanu-ano mo ang pasyente?

Wala...(ikinuwento ang pangyayari...)

After ilang minuto...

Ganon ba, sige aalis na ako.

Sa labas ng ER...sabay lumabas ang doktor at nurse. Kaagad na umalis ang doktor at di napansin ang balita samantalang ang nurse ay napatingin sa TV screen.

AJA NEWS QUICK REPORT

May babaeng nagbabalita...

Para sa Luzon Visayas Mindanaw Balitang totoo, Ako si Angel Hiyas. Ayon sa NOW ENTERTAINMENT nawawala ang actress na si Maria Cielo. Kilala sya sa ganap na Sisa sa palabas na SISA: ANG HINAGPIS NG ISANG INA, SEXY ASSASSINS, MARIA ANG PINABAYAANG TUNAY, ROBINSON, at marami pang iba...ayon sa ilang nakasaksi sumakay daw ito ng isang Van na itim at di na bumalik pa kahapon.

Marga G. Syete...

Ehem! Ehem! Marga G. Syete nakatutok! Ah...Angel kasalukuyan pang iniinterview ng team ang ilan sa mga naturang saksi, ngunit ayon sa nakausap namin kanina, nagpaalam raw kahapon itong si Maria Cielo na maytatagpuin lamang sa Qiapo Church. Tapos biglang may tumawag sa kanya. Sinagot naman nito ang naturang tawag ngunit nawala rin ito sa Office matapos sagutin ang tawag at sa daan na nakipagusap. Isa pa ayon rin sa CCTV ang naturang inulat ko, balik sa iyo Angel!

Kung may nakakita po sa kanya ay wag magatubiling contactin ang nasascreen. Marami pong salamat!

Globe: 09123456789

Smart: 09987654321

Tnt: 09864213579

TM: 09135798642

Sun: 09789456123

Dito: 09321654987

AKO SI ANGEL HIYAS AT AKO NAMAN SI MARGA G. SYETE nakatutok AJA NEWS QUICK REPORT (Laging di natutulog ang balita, nagdadala ng maiinit at bagong balita, trending issues at nagbibigay kaalaman kung may nais kayong malaman.)~voice over lalaki...

...

Zyree Mandayo ang pangalan ng lalaki. Kilala ito sa galing sa pagsasadula sa radio, nagsimula sa edad na 26 at ngayon siya ay 37 na...10 years na sya sa ganoong industry.

...

Nang makita ito ng nurse ay dali-dali itong pumasok sa loob ng ER at pinagmasdan ang babaeng dinala ng isang lalaki. Nang makita ito ang babae ay nakakunot ang noo at napasabi itong..."kamukha ito ng babae sa screen, ang nawawalang artista!

Ay tinawagan nya ang isa sa naturang numiro sa screen...Habang nagkakagulo sa Now Entertainment, panay pagtawag ng media, may kung anu-anong tinatanong about sa rumors, sa nangyari at sa kung anu-ano...

Gabi...sa masalimuot na industria sa loob ng Now Entertainment...walang iba kundi sa Research and Technology Team.

Firs station...

Tililing! Tililing!

Hello, I'm Jack from Now Entertainment anong maipaglilingkod po?

Totoo po ba ang rumors between Maria Cielo and Hyder Ferixon?

Miss di po totoo sabay patay ng Telephone!

Second station...

Tililing! Tililing!

Hello, I'm Kevinz from Now Entertainment. How can I help you?

Totoo po ba ang rumor na si Director Choi ay gustong makipagXXX kay Maria Cielo, kapalit noon ay ang role sa palabas na Tomorrow Is More Precious Than Past; But Past Is Stepping Stone For Present And Future na ngayon ay shinushoot ni Catherine Joy Lacsamana at Vienn Aldrich Santiago?

Ah, sir Wala po yang katotohanan sabay baba ng Telephone.

Pumasok ang CEO sa loob...

Marivic Gesmundo Escarves 42 years old.

Kumusta guys?

May sumagot...

Boss di pa rin maganda eh...

Ha?

Kasi po habang kami ay nagtatrabaho panay pa rin ang tawag ng media ng mga fan ni Maria Cielo at meron ding hatters.~habang naguusap makikita sa likuran nila ang mga abalang trabahador, mayroong sumasagot ng Telephone habang naglaloptop, may nakikipagusap habang nagbabasa ng mga comments...may nagreresearch, may nagpiprint, may nagtitimpla ng kape...at iba pa!

Biglang may tumawag sa cellphone ng CEO kaya sandaling naputol ang usapan nila at di na natuloy dahil sinagot ng CEO ang phone call...

Hello, this is Marivic Gesmundo Escarves from Now Entertainment, ano pong maipaglilingkod?

Ako po si Geneva from AJA HOSPITAL nais ko lang pong ipaconfirm kung ang dinalang pasyente kanina ay ang hinahanap nyo. Maraming salamat, sabay baba ng phone.

Sige papunta na! Marami ring salamat!

After phone call...

Nurse Geneva...gising na po ang pasyente

Eh? Tawagin mo si Doc Antonio para masuri sya!

Oo!

Pagkamulat ng mata ay iginala na agad nito ang mga mata sabay sabing "Maraming ilaw sa mahinang boses at nanghihina pa."

Ang daming ilaw! Nakamamangha! Ang higaan ko ay mayroong pamigil para di mahulog. At...Aaaah ang sakit Aano to nakapasak sa aking kamay? Mahinang tinig animo'y nanghihina. Yung tipong kada imik ay nahinga.

Nagpula...umakayat ang dugo!

Samantalang si Geneva ay nakatulala kay Maria Cielong pagbuka ng bibig.

Tulong, natatakot ako...nananamumula ang kung anong nakapasak sa kamay ko. Binibini, tulong! Yung tipong kada imik ay nahinga.

Nabalik sa ulirat si Geneva...

Ah, opo Ma'am.

Inayos ang dextrose at binigyan ng pagkain.

Nang makakain at uminom ito ay tinanong niya ang babae...

Ikaw ba si Maria Cielo ang artista?

Natulala si Maria Cielo Arcanghel y Filibustero at habang ito ay nakatulala mode ay biglang lumabas si Maria Cielo Domingo...

Maria Cielo Arcanghel y Filibustero...sabihin mo oo! Hayaan mo tutulungan kita sabihin mo ang babanggitin ko sa iyo!

Nauunawaan ko!

Maria Cielo! Maria Cielo?

Ah, huy katukayo...parang tinatawag ako nung babaeng tumulong sa akin kanina, anong gagawin ko?

Basta sabihin mo sasabihin ko!

Oo! Oo!

Pumikit mulat si Maria Cielo Arcanghel y Filibustero sabay sabing "Opo! Ako nga po, ano pong maipaglilingkod ko?"

Wala naman...

Pupunta dito ang management na nahawak sa iyo.

Teka ano ang managemen?.

Namamahala sa iyo as an actress!

Ahh!

Sya nga pala binibini lubos ang pasasalamat ko sa pagkaing iyong ipinagkaloob, tunay na sa mundong ito ay mayroong taong tumutulong; gayong ang mundo ay nagbabago.

Salamat binibini.

Ako ay hihiga sapagkat ako'y nakakadama ng antok.

Ah, binibini ah...icoconfined ka sa room 123 dadalhin ikaw mya-mya lamang.

Maraming salamat.