Chereads / MISS LIEUTENANT / Chapter 2 - CHAPTER 2

Chapter 2 - CHAPTER 2

"A job well done Second Lieutenant Dela Vega!" malakas at masigasig na palakpakan mula sa President of Force at pati nadin sa mga ka Taks force ko ang sumalubong sa 'kin pagpasok ko palang sa opisina.

I compose myself in front of them and smile at them.

"Thank you Mr Press and especially sainyong lahat!" I said.

"We should be the one who thanks you, kung wala ka tiyak na hindi magagampanan ng maayos ng Task Force ang trabaho na 'to..." ani Mr Press.

"And you also Capt. Dela Vega" nakangiting sambit ni Mr Press. Tumango at tipid na ngiti lang ang binigay ni Cole kay Mr. Press.

"Hindi lang po ako ang tumulong Mr President, nandiyan din sina Capt. Dela Vega at si Sergeant Luke at ang kanilang mga  Task Force na handang tumulong kahit kelan.." ani ko.

Well, that's true, hindi ko yata magagawa ng ganon-ganon lang ang trabaho ko without the alliance of other Agency tungkulin ko bilang Second Lieutenant ng Task Force ang panatilihin ang kaayosan at kapayapaan ng bansa at lalo nadin ang panatilihing maayos ang samahan naming lahat.

He just shook his head unbelievably and tried to hide his smile.

"I can sense that all of you are doing great in every mission I assigned," Mr President said.

"So for the victory we attained! I'm planning to treat you all to dinner..."

Masaya namang nagsigawan at nagpalakpakan ang lahat sa sinabi ni Mr President.

"Yan ang gusto namin Mr. President!" natatawang sambit ng isang Agent.

"Oo nga po Mr. President" pagsasang-ayon ng isang kasamahan namin.

"So right now, go back to your place and finish what you want to finish. Para mamaya ay sabay-sabay na tayong pumunta sa Restaurant" nakangiting saad ni Mr Press. Nagsialisan naman ang lahat at kanya-kanyang bumalik sa kanilang lamesa para tapusin ang mga paper works na kailangan para sa data analysis namin for reporting.

"Lieutenant Dela Vega!" tawag ni Mr President sakin.

"Mr Press?"

"Come with me, I want to discuss something with you"

Agad naman akong sumunod kay Mr. President papunta sa kanyang opisina. I sighed, ano na naman kaya ang bagong mission na ibibigay sakin ng kataas-taasan.

"I would like to discuss something with you" panimula niya. He place his cap above the table and sit with his swivel chair.

I remained silent in front of him and trying to figure out what would he like to discuss with me. Ngayon lang kami ulit nag-usap ni Mr. Press mula ng maassigned ako sa Europe dahil sa isang mission kung saan kailangan kung bantayan ang anak ng Presidenti dahil sa mga nagdadatingang threats sa buhay nila. I almost took 6 months before I accomplished my mission in Europe.

"Feel free to sit Lieutenant..." he gestured the chair infront of me indicating to sit.

"Pinapunta kita dito para sa isang mahalagang mission na binigay ng kataas-taasan" panimula niya, I just nod and still remain silent. Waiting for his point.

"Nangangailangan ng tulong ang Mafia Lord.." I raised my eyebrows, Mafia Lord? The hell! Hindi ba't napakasama ng mga organisasyong 'yan?

Taka ko namang tiningnan si Mr. Press, at mukhang nakuha naman niya ang aking nais na ipahiwatig.

"N-no... it's not what you think Lieutenant"

"Ang organisation na kanilang pinapalakad ay ang organisation kung saan mabuti ang kanilang hangarin, tumutugis sa mga masasamang sindikato, tumutulong sa mga iba't ibang panig ng bansa, para din silang katulad natin na Organization" paliwanag niya, kung ganon naman pala? bakit kailangan nila ang tulong namin? para saan pa?

"Bakit naman nila kailangan ang ating tulong?" tanong ko. Ang mga Mafia's organization ay ang mga organization kung saan may sariling pamamalakad at hangarin din, ang pinagtataka ko lang ay kung maimpluwensyang tao ang isang Mafia Lord siguro may sapat din siyang mga tauhan na nagbabantay sa kanila araw-araw para sa kanilang kaligtasan. So? para saan pa at kailangan niya ang isang kagaya ko?.

"Ang kanilang tagapagmana na si Salvy Deib Cruz ay matagal ng nawawala, kinidnap ng isang sindikato, ang sindikatong 'to ay isa sa may malaking galit sa pamilya nila dahil na nga sa isang engkwentrong nangyari, pinagbagsak nina Mr. Cruz ang kanilang groupo at hindi lang ang kanilang organisasyon kundi pati na ang kanilang mga properties"

"So? you're saying that?" I hope mali ang hinala ko. Ayaw na ayaw ko pa naman na masangkot sa ano mang gulo ng mga Mafia's.

"I'm going to assign you this mission" ani niya, makikitaan mo talaga sa boses ang pagiging seryoso at desidido niya. I sighed, crap! no choice. It's a better opportunity also for me to accept this mission, masisimulan ko na ang mga plano ko at hanapin ang hustisya.

"Kailangan mo siyang mahanap at bantayan 'yan ang utos ng nakakataas sa' yo"  he said with full of authority.

"Tomorrow morning you can start your plan, I'll send to your email the Profile background of Salvy Deib Cruz" ani niya, tango lang ang ginawa ko tiyaka tumayo.

"Lieutenant Dela Vega...." he paused a little bit.

"You should accomplish this mission, I'm rotting for you and also the higher levels. Don't make us disappoint.." I nod. Kahit hindi niya sabihin gagawin at gagawin ko ang tungkulin ko bilang alagad ng batas, iligtas ang kailangang iligtas para sa kapakapanan ng nakakarami.

"Rest assured Sir!" I said. And immediately bid my goodbye.

Nandito ako ngayon sa office iniisip kung pano ko sisimulan ang mission na binigay sa'kin. Unang-una sa lahat wala akong kaalam-alam kung sino ang anak ni Mr. Cruz, I need to do some background check first.

Napatingin naman ako sa monitor ng bigla 'tong tumunog, email came from Mr. Press I guess this is what I'm looking for.

Salvy Deib Cruz, 24 years old the only son of Mr. and Mrs. Danielle Cruz. the heirs of Pharmaceutical Company and so on. May isang file pa na hindi ko nabubuksan at mukhang mga litrato ang laman nito. Pagbukas ko ay tumambad sa'kin ang pamilyar na mukha ng lalaki.

"Damn!" napamura nalang ako ng wala sa oras, the hell! ito 'yong lalaking nakabanggaan ko.

"The hell with you Mister!" bulag ba ang taong ' to? for pete's sake ang laki-laki ng daan. Tagaktak ang mga pawis at hinhingal na napahinto sa pagtakbo ang lalaking kabanggaan ko. What's wrong with him?

"Miss, okey I'm so sorry about what happened, but I've no time to explain" Aalis na sana siya ngunit pinigilan ko.

"Ayusin mo!" I want him to say sorry in a nice way, I don't like someone like that.

"What?" takang tanong niya, I look at him weirdly, don't tell me? hindi siya nakakaintindi ng tagalog?

"I want you to say sorry" ani ko, nakita ko kung paano tumaas ang dalawang kilay niya. Damn, ang gwapo naman pala ng lalaking 'to ngayon ko lang nakita ng maayos ang mukha niya, maybe because I was too occupied kanina.

" Hey, look Miss. I already said sorry to you and please hands off." agad ko namang binitawan ang kanyang kamay at baka makasuhan pa ako ng wala sa oras ng mokong na'to.

"And also I don't like someone touching me it's so dirty..." matalim ko naman siyang tiningnan, wow just great! just fucking great.

"Wow..!" kapal ng mukha mo no.

"Ikaw na nga 'tong may atraso sa' kin, aba kung sana nag sorry ka nalang ng diretso sa'kin tapos na!" just great Flame pwede na 'tong pang Guinness World Record. Kung nandito lang si Cole tiyak na pagtatawanan ako non dahil sa nangyari, makikita niya kung paano ako mainis sa isang tao. Ang isang Mystique Flame Dela Vega na kilala bilang cold at tipid magsalita nawala ng parang bula dahil sa isang tao.

"I already said sorry to you...." naiinip na ani niya. Gwapo ka sana pero ubod naman ng kasungitan.

"A-ang gusto..." hindi ko na natuloy ang aking sasabihin ng may biglang tumawag sa kaniya.

"Hoy ikaw!" malakas na sigaw ng isang groupo.

" Ayon siya, hulihin niyo kundi tayo ang malilintikan.."

"Fuck! it's your fault." agad naman siyang tumakbo ng mabilis. At hindi na lumingon pang muli.

Mabilis na nagsitakbuhan ang mga lalaking naka itim at hinabol siya, isa lang ang masasabi ko napaka weird niya. Sino kaya ang lalaking 'yon? Tsk nevermind! napaka antipatikong nilalang.

"Damn, no way!" hindi pa din ako makapaniwala sa nangyari, sa mismong  araw na 'yon siya nawala. Napakatanga mo talaga Flame, nasa harapan muna siya bakit hindi mo niligtas?

I sighed, kelangan kung maka-isip ng plano sa madaling panahon at para magampanan ko na ang tungkulin ko.