Hindi na bago kay Laurine Cavia ang kalakaran ng kanilang pamilya tungkol sa pag-aasawa. Sa kanilang siyam na magkakapatid, halos ang lima na sa kanila ay pamilyado na dahil ipinagkakasundo sila ng kanilang mga magulang sa mga anak ng kanilang kakilala o ka-negosyanteng mayaman at makapangyarihan.
Bilang pang-anim na anak, hindi nakaligtas si Laurine dito. Bagama't ayaw niya pang mag-asawa ay hindi 'yon maaari dahil ayaw niyang masira ang tradisyon ng kanilang angkan.