CHAPTER 5
PRINCESS TIANA
NANG ARAW na iyon ay pinatawag si Lana ni Wayne para pagsilbihan ang dumating nitong mga barkada. Dalawang babae ang naroroon at dalawang lalaki. Ang isa sa mga lalaking iyon ay nakilala niya. Iyon ay 'yung doktor na nagpagaling sa kanya noong pinakaladkad siya ni Wayne sa kabayo. Si Raffy. Iyong isa namang lalaki ay hindi pa niya alam ang pangalan pero parang naiilang na siya agad. Pakiramdam kasi niya ay para siyang hinuhubaran nito kung makatitig ito sa kanya mula ulo hanggang paa. Hindi pa ito nakuntento at sinipulan pa siya.
"Kung gano'n ay siya pala ang bago mong laruan, Prince Wayne. Wala akong masabi. Napakaganda niya..." Punong-puno ng pagnanasa ang mga mata ng may kayabangang lalaki. May hitsura naman ito pero nagmumukha itong pangit sa paningin niya dahil sa kilos nito.
"Kailan ba ako pumili ng pangit na laruan?" pagyayabang pa ni Wayne.
Nilapitan siya ng dalawang babaeng naroon. Napaatras siya dahil unang tingin pa lang niya sa dalawa ay mukha nang hindi gagawa ng mabuti ang mga ito. Parehas na maganda at mukhang sopistikada ang dalawa.
Hindi man lang nag-abalang ipakilala sa kanya ni Wayne ang mga kaibigan nito. Sabagay, sino ba naman siya para ipakilala nito sa mga kaibigan nito? Pero isa lang ang nasisiguro niya. Mataas din ang antas sa lipunan ng mga bampirang bisita nila. Dahil kung hindi ay 'di naman ito magiging mga kaibigan ni Wayne. At dahil mga kaibigan ng prinsepe, nasisiguro niya na katulad ng master niya ay malulupit din ang mga ito sa mga taong katulad nila...
"Pwede rin ba namin siyang gawing laruan habang nagbabakasyon kami rito sa palasyo?" tanong ng isang babae.
"Oo nga. Nakakaboring naman kasi kung wala kaming magiging laruan pansamantala. Ang alipin kong tao ay napatay ko noong nakaraang buwan kaya matagal-tagal na rin simula ng huli akong nakapaglaro."
"Ganoon din ang nangyari sa alipin ko. Hindi ko sinasadya pero nasaid ko ang dugo niya no'ng minsang uhaw na uhaw ako, e. Nagkasakit siya dahil do'n. Nakakainggit ka, Prinsepe Wayne, maaari kang bumili kahit ilang tao o ilang beses pa sa Slavery District dahil isa kang maharlika. Hindi katulad namin na isang beses lang sa isang taon pwedeng bumili ng iisang tao," sabi ng isa pang babae.
"Tama sila. Maaari kang pumatay kahit ilang tao pa kung gugustuhin mo. Maaari mong ubusin ang dugo nila nang paulit-ulit," sabi naman ng isang lalaki na hindi si Raffy.
Nang dahil sa mga narinig ay kinilabutan siya. Sinasabi nga ba niya at tipikal na bampira rin ang mga kaibigan ni Master Wayne. Isang tipikal na bampira na walang pagpapahalaga sa buhay ng mga tao.
"Hindi ko siya na-enjoy no'ng dinala mo siya sa clinic ko pero sa totoo lang, simula nang makita ko siya ay hindi na ako mapakali. Wala akong ibang gustong gawin kundi ang tikman ang dugo niya. Maaari ba akong tumikim ng dugo niya kahit na kaunti lang?" sabi naman ni Raffy.
"Sige na, Prince Wayne. Pumayag ka nang paglaruan namin siya!" sabi ulit ng isang babae.
Lalo lamang lumakas ang tibok ng puso niya sa sobrang kaba. Kay Wayne pa lamang ay nanginginig na siya sa takot dahil sa mga posibleng pagpapahirap na maaaring gawin sa kanya nito, iyon pa kaya na apat na ang magtutulungan na pahirapan siya? Baka sa pagkakataong ito ay mamatay na talaga siya.
Binigyan niya ng nakikiusap na tingin si Prince Wayne na nakapangalumbaba lamang na nakatitig din sa kanya habang hindi mababakasan ng kahit anumang reaksyon ang mukha. Alam niyang imposible pero palihim siyang umaasa na sana ay hindi pumayag ang master niya. Sana ay hindi nito isalalay ang buhay niya sa mga kaibigan nito na alam niya na hindi siya gagawan ng maganda.
Maya-maya ay ngumisi ito. "Bahala kayo kung anuman ang gusto ninyo sa kanya. Kapag napatay ninyo siya, maaari naman akong bumili ng kapalit niya kung kailan ko man gustuhin," malamig na sabi nito.
Nawalan siya ng kaunting pag-asa at nanlumo siya dahil sa narinig. Inaasahan na niya ang magiging sagot nitong iyon pero kahit papaano ay umasa pa rin siya na baka kahit kaunti ay may makuha siyang awa mula sa master niya.
Maya-maya ay nakarinig sila ng katok mula sa pinto. Isang napakagandang babae ang iniluwa niyon. Ang babaeng iyon ay 'di hamak na mas triple ang ganda kung ikukumpara sa mga babaeng may hawak sa kanya ngayon.
Matangkad at balingkinitan ang katawan ng babae. Morena ang kulay ng balat nito at may pagkacurly ang buhok nito. Maganda rin ang mukha nito. Matangos ang ilong, manipis ang labi at napapalibutan ng mahahabang pilik ang mga mata na purong brown ang kulay. Maganda rin ang pagdadala nito ng damit. Sa mundo ng mga tao ay maihahantulad sa isang napakagandang modelo o artista ang physical appearance nito.
"Ikaw pala, Tiana. Mabuti at napadalaw ka." Biglang tumayo si Master Wayne at ngumiti pa ito nang makita ang babae. Natigilan pa siya ng bahagya dahil iyon ang unang pagkakataon na nakita niyang ngumiti ang prinsepe. Palagi kasi na 'ngisi' ang ibinibigay nito sa kanya.
"Kanina pa ako rito pero hindi kita makita kaya dinaanan ko si Stefan at siya ang nagsabi na nandito ka ra--" Hindi na naituloy ni Tiana ang sasabihin pa sana nito dahil hinalikan na ito ni Wayne sa labi!
Hindi niya alam kung imahinasyon lang ba niya pero parang nakita niya si Wayne na tumingin sa gawi niya habang hinahalikan nito si Tiana. Ano ang ibig sabihin niyon?
"Masyado mo naman yatang namiss ang fiancee mo," pagbibiro ng babae saka napatingin sa kanila. "Nandito rin pala kayo. Mabuti naman dahil gusto kong sabihin na inaanyayahan ko kayo sa birthday party ko sa susunod na buwan. Pumunta kayo, ha?" nakangiting paanyaya ng babae. "Wait, sino siya?" Nakuha niya ang atensyon nito.
"Isa lamang siyang hamak na alipin kaya wala ring kwenta kung malaman mo kung ano ang pangalan niya. Ang mga mabababang nilalang katulad niyan ay walang karapatan na kilalanin ninuman," pang-iinsulto sa kanya ni Prince Wayne.
"Ang mean mo naman, Wayne! Of course, may karapatan siyang kilalanin dahil katulad natin ay may buhay din siya!" pagdedepensa ng babae. Tumingin ito muli sa kanya. "Now, little girl. May I know your name?" nakangiting tanong nito sa kanya.
Sinuri niyang maigi ang sincerity ng babaeng nasa pinto. Mukha namang genuine ang ngiti na ibinibigay nito sa kanya. Isa rin ba itong bampira? Kung siya ang tatanungin, mukha rin itong anghel katulad ni Prince Stefan.
"L-Lana. Lana po ang p-pangalan ko," nakayukong sagot niya.
"Nice to meet you, Lana. Ako si Tiana! Isa akong prinsesa mula sa kabilang kaharian at fiancee ako ni Prince Wayne at kababata ko sila ni Prince Stefan. Kinagagalak kitang makilala!" sabi pa nito na nilapitan pa talaga siya para kamayan.
Kinuha naman niya ang kamay nito para makipagshake hands. Naramdaman niya na sobrang kinis at lambot ng kamay nito na parang isang prinsesa. Doon pa lang ay alam niya na talagang nasa magkaibang mundo sila nito.
Mukhang mabait ang babaeng nasa harapan niya ngayon. Kung kababata ito ni Stefan, hindi nakapagtataka na mabait ito. Pero kababata rin nito si Prince Wayne. Bakit kaya sa tatlo ay si Wayne lang ang may masamang ugali?
"Sana ay makapunta ka rin sa birthday party ko next month. Aasahan ko 'yan, ah?" mabait na paanyaya nito.
Medyo natagalan bago siya sumagot. Hindi pa rin talaga siya sanay na pinakikitaan siya ng mabuti.
"Gusto kong pumunta pero sorry, sa tingin ko ay hindi ako makakapagbigay ng regalo. Bilang isang alipin, kahit isang sentimo ay wala ako..." Naging matapat na siya.
"Hindi ko kailangan ng regalo, ang importante ay naroon ang presensya mo. You know what? I really like you! Kahit na ngayon lang tayo nagkakilala ay alam ko na magiging mabuting magkaibigan tayo," sabi pa nito.
Pinakatitigan niyang mabuti ang babae. Naooverwhelm siya dahil sa kagandahang loob nito. Ito at si Stefan ay halata na hindi tumitingin sa kung anumang estado mayroon sa lipunan ang isang nilalang. Para sa dalawa ay kapantay ng tao ang mga bampira. Gusto rin niyang maging kaibigan si Tiana pero alam niya na imposibleng mangyari iyon lalo na at bulgar sa lahat ang inaalok nitong pakikipagkaibigan. Hindi katulad kay Stefan na palihim lang kaya posible.
"Tiana, tama na 'yan. Mabuti pa siguro at mag-usap na lang tayo sa labas." Biglang sumeryoso ulit ang tinig sa mukha ni Wayne at nawala ang ngiti sa labi nito. Halata na ayaw nito na makipagkaibigan sa kanya ang fiancee nito.
Wala na ring nagawa si Tiana kundi ang sumunod dito. Nakaramdam siya ng panghihinayang. Siguro, kung si Stefan o Tiana ang naging mga master niya ay magiging masaya pa siya na paglingkuran ang mga ito. Pero ang katulad ng dalawa ay malabong kumuha ng mga aliping katulad niya dahil sa pantay na pagtingin ng mga ito sa bawat sinong tao o bampira.
Nabalik siya sa kasalukuyan nang maramdaman niya na binatukan na siya sa ulo ng isang babae.
"Tama na ang pag-iilusyon na magiging kaibigan mo pa ang prinsesa. Huwag kang ambisyosa dahil isa ka lang hamak na tao na nag-e-exist para maging laruan namin!" sabi ng babae na nakangisi.
"Tama 'yon! Ang tingin sa 'yo ni Prince Wayne ay maganda ka kaya ka niya kinuha, hindi ba? Puwes, dapat sa mukhang iyan ay sinisira!"
Isang malakas na pagsampal ang gumimbal sa kanya dahilan para bumagsak siya sa sahig. Dahil sa sampal na iyon ay nagdugo pa ang ngipin niya at mabuti na lang ay hindi natanggal ang kahit isa sa mga iyon. Sadyang malakas ang mga bampira kaysa sa kanilang mga tao kaya kaunting pagsampal lamang ng mga ito sa mga katulad nila ay sapat na para halos bawian ka na ng malay.
"Dapat sa mga katulad mo ay sinasaktan! Wala kang karapatang mabuhay sa mundo!" Tinadyakan pa siya ng isang babae ng malakas sa sikmura kaya naman halos mapaigtad siya sa sakit.
Nakisali na rin ang isa pang babae sa pagsuntok at tadyak sa kanya. Pinagsasabunutan din siya ng mga ito na para siyang isang hayop.
"Girls, chill lang kayo. Kung sa pananakit pa lang ninyo sa kanya ay mamamatay na siya, paano pa kaya natin masisipsip ang dugo niya? Mag-isip din kayo paminsan-minsan," nakangising pag-awat ni Raffy.
Tumigil naman ang dalawang babae at iyon na ang pagkakataon na sinamantala ni Raffy. Hinablot nito ang buhok niya palapit dito at doon ay inilapit nito ang bibig nito sa leeg niya. Kasunod niyon ay hindi matatawaran na sakit ang naramdaman niya.
"Aaaahhhh!!!" Hindi na niya napigilan ang mapasigaw dahil sa sobrang sakit. Lalo pa ngayon na hindi na lang si Raffy ang sumisipsip sa dugo niya. Maging ang dalawang babae ay lumapit na rin ng maamoy ang dugo niya. Ang isang babae ay pumunta sa kaliwang leeg niya at itinarak din ang pangil sa kanya habang ang isa pang babae ay ang braso naman niya ang kinagat.
Kung masakit na ang ginagawa ni Prince Wayne na halos linggo-linggong pagsipsip sa dugo niya ay mas lalong hindi matatawarang sakit ang nararamdaman niya ngayon. Iyon ay dahil tatlo ang sabay-sabay na kumakagat sa kanya ngayon at mukhang walang balak ang mga ito na tumigil sa pagsipsip sa dugo niya!
"MABUTI naman at ikaw na mismo ang nagpunta rito sa palasyo. Sa lalong madaling panahon ay kailangan na nating pagplanuhan ang ating kasal." Iyon agad ang sinabi ni Wayne matapos niyang hilahin paalis si Tiana sa lugar na kinaroroonan nina Lana.
Umupo sila sa sofa ng isang pribadong kwarto ng palasyo at doon ay pinagsalinan pa niya ng tsaa ang babae.
"Bakit naman yata masyado mong minamadali? Nakapagtataka. Noong unang sinabi sa 'yo ang balita ng pagpapakasal natin ay para bang asar na asar ka. How come ngayon ay parang ikaw pa ang atat na atat?" panunudyo nito.
"Makakabuti para sa ating mga pamilya ang pagpapakasal natin. Kapag nangyari iyon ay mas lalo lamang lalakas ang kapangyarihan natin dahil maghahalo ang assets na mayroon ang mga palasyo natin. Mas sisikat at babango pa ang pangalan natin sa komunidad ng mga bampira, hindi pa ba sapat na dahilan iyon para maexcite sa kasal?" nakangising tanong niya sa babae.
"Alam ko at alam mo na hindi iyan ang totoong dahilan ng pagmamadali mo," makahulugang sabi nito.
"Ano'ng ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong niya.
"Iyong alipin kanina-- No, si Lana. Iniibig mo siya, hindi ba?" nakangising tanong nito.
Nanlaki ang mga mata niya sa sobrang bigla dahil sa sinabi nito. "Ano'ng kalokohan 'yang pinagsasasabi mo? Paanong pumasok diyan sa isip mo na may mararamdaman ako para sa isang walang kwentang taong katulad no'n? Iniinsulto mo ba ako?!" Talagang nainsulto siya sa sinabi nito.
Tumawa lang ang babae. "Kung wala kang pagtingin sa kanya, bakit mo ako hinalikan sa harapan niya kanina? Ngayon mo lang ginawa iyon sa buong buhay mo. Nakita ko rin ang mga tingin mo sa kanya kanina. Marami ka nang naging alipin pero ngayon lamang kita nakita na nagbigay ng ganoong kalagkit na tingin sa isang alipin. Paano kong hindi maiisip na umiibig ka sa kanya? Hindi kita masisisi. Masyado siyang maganda para sa isang tao," sabi pa nito.
Naikuyom niya ang kamao. "Puwes nagkakamali ka! Kahit pa siya ang pinakamagandang tao na nakita ko sa buong buhay ko, para sa akin ay isa pa rin siyang alipin at walang kwentang tao! Ako na isang prinsepe ay mahuhulog ang loob sa isang hamak na tao lang? Nagpapatawa ka ba?! Kung nagpapatawa ka ay hindi ako natatawa dahil isa iyang malaking insulto!" Hindi na niya napigilang sigawan ang babae. Talagang umiinit ang ulo niya sa insultong binitawan nito.
"Kahit pa itanggi mo ang totoo ay kitang-kita sa buong mukha mo ang totoo lalo na ngayon, Prince Wayne. Hindi ka magagalit ng ganyan kung wala lang sa 'yo ang alipin na iyon. At mas lalong hindi mo mamadaliin ang kasal kung sa tingin mo ay nagsisinungaling lang ako. Kilala kita, Prince Wayne. Alam ko na kahit ikaw ay natatakot din sa nararamdaman mo para sa batang iyon kaya naman gusto mo na agad na makasal tayo, hindi ba? Gusto mong mapagtakpan ang nararamdaman mo sa pamamagitan ng pagpapanggap na gusto mo ako." Ni hindi man lang nawala ang pagiging kalmado sa mukha ni Tiana kahit na halos magwala na siya roon. Para bang siguradong-sigurado ito sa hinala nito tungkol sa kanya.
"Bahala ka kung anuman ang gusto mong isipin pero kung nagdududa ka na may nararamdaman ako para sa babaeng iyon ay patutunayan ko sa 'yo na wala." Pinilit na niyang magpakalma.
"At paano mo namang gagawin iyon?" naghahamong tanong nito.
"Ngayon din ay tatapusin ko na ang buhay niya..." Iyon lamang at tumayo na siya mula sa pagkakaupo at umalis ng kwarto para balikan si Lana at tapusin ang buhay nito sa harap ng mga kaibigan niya.
Patutunayan niya na mali ng iniisip si Tiana. Hindi siya magmamahal ng isang hamak na tao kahit na kailan!
______
SAMANTALA, tuluyan nang nawalan ng malay si Lana nang dahil sa pagsipsip ng dugo ng tatlong bampira sa kanya. Hinang-hina ang katawan na napahiga siya sa sahig habang tumutulo pa ang dugo sa sugat na ginawa ng mga bampira.
"Naku, napatay ba natin siya?" Biglang nakaramdam ng takot ang isang babae.
"Kayo kasi, bakit nakipag-agawan pa kayo sa akin? Ang akala ko ba ay gusto n'yo lang na saktan ang katawan niya? Bakit nakiinom na rin kayo ng dugo?" nagtatakang tanong ni Raffy.
"Masisisi mo ba kami? Masyadong mabango ang dugo ng babaeng ito. Matagal na kaming hindi nakakatikim ng dugo ng tao dahil namatay ang mga alipin namin kaya natakam talaga kami kanina!" sabi ng isang babae.
"Tama! Kahit naman mamatay siya ay madali lang naman siyang mapapalitan ng prinsepe, hindi ba? Madali lang siyang makakabili ng bagong alipin sa Slavery District kaya sigurado ako na hindi niya ikagagalit kung mamatay man ang isang 'to!" sabi naman ng isa pang babae.
"Ngayong tapos na ninyong gawin ang gusto ninyo sa kanya, pwede bang ako naman?" Bigla nang sumingit sa usapan ang isa pang lalaki.
"Wala ka nang masisipsip na dugo sa kanya, Victor. Halos naubos na nga namin 'di ba?" sabi naman ni Raffy sa isa pang lalaki na tinawag nitong 'Victor'.
"Wala akong pakialam sa dugo ng babaeng ito. Gusto ko lang na angkinin ang katawan niya. Alam ko na nanghihina lamang siya pero hindi pa siya tuluyang namamatay. Napakaganda niya para sa isang pangkaraniwang tao lang kaya hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ito para makatalik siya," nakangising sabi ni Victor.
Hindi na nagsalita ang tatlo at hinayaan na lamang si Victor sa gusto nitong gawin. Nilapitan ng lalaki si Lana at siniil ito ng halik. Gumapang ang halik na iyon sa lahat ng bahagi ng katawan ni Lana at tuluyan na rin nitong nahubaran ang babae.
Para sa isang bampirang katulad ni Victor ay mas higit siyang naaakit sa ganda ni Lana kaysa sa dugo nito. Hindi niya palalagpasin ang pagkakataon na maangkin ang pagkababae nito!
HABANG NAGLALAKAD si Wayne paakyat ng kwartong pinag-iwanan niya kay Lana ay pinag-iisipan niya kung paanong pagpatay ang gagawin niya rito. Marami na siyang napatay na alipin kaya marami na siyang idea kung paanong mapapatay ang isang tao sa karumal-dumal na pamamaraan pero naiiba si Lana para sa kanya. Aaminin niya na sa lahat ng mga naging alipin niyang tao ay ito ang pinakapaborito niya. Kaya siguro hindi nakapagtataka na ito rin ang pinakatumagal sa kanya ng buhay.
Ang ibang alipin niya ay karaniwan na tumatagal lamang ng isa o dalawang linggo bago siya magsawa kaya pinapatay na niya agad. Pero si Lana ay tumagal na ng tatlong buwan simula ng kinuha niya ito noon sa Slavery District.
Inaamin din niya na talagang hindi ito mawala sa isipan niya. Para itong isang nakakaadik na gamot na hindi niya mapigilang hindi maisip kahit ano pa ang gawin niya. Pero alam niya na hindi iyon dahil sa iniisip ni Tiana. Hindi siya umiibig sa babae. Marahil, kaya lamang halos nababaliw na siya kay Lana ay dahil sa sarap ng dugo nito. Bukod doon ay totoong napakaganda nga nito kaya naman nasasarapan siyang makatalik ito pero hanggang doon lamang iyon. Ang dugo at katawan lamang ni Lana ang nais niya rito.
Tama, papatunayan niya sa sarili at sa lahat na wala siyang nararamdaman para sa alipin na iyon. Iyon din ang dahilan kung bakit niya ito iniwan kanina kasama ng mga kaibigan niya na katulad niya ay isa lamang ding laruan ang tingin sa mga alipin. Gusto niyang patunayan sa sarili niya kanina na hindi niya panghihinayangan ang buhay ng isang katulad lamang nito na mababang uri ng nilalang. Gusto niyang patunayan sa sarili na kayang-kaya niyang palitan ng iba si Lana kung gugustuhin niya at balewala sa kanya kahit mamatay pa ito.
Nang sa wakas ay marating niya ang kwartong kinarorooonan ni Lana. Pagbukas niya ng pinto ay nagulantang siya sa nakita niya. Isang pagkagulat na hindi niya inaakala na magbibigay ng matinding shock sa kanya.
Si Lana ay halos wala ng buhay at walang malay na nakahiga habang patuloy na umaagos sa mga sugat nito ang matinding pagdaloy ng mga dugo. Nakahubad din si Lana at ang tanging saplot na lamang na natitira sa katawan nito ay ang panty nito na nahuli pa niya sa akto na hinuhubad na ni Victor!
Halatang nagulat ang lahat nang makita sila lalo na si Victor pero ngumiti rin ito nang makita siya. "Sinabi mo na pwede namin siyang gawing laruan, hindi ba? Hindi mo naman siguro ikagagalit kung makikipag s e x ako sa kan--" Hindi na naituloy pa ni Victor ang sasabihin pa sana nito dahil pinaulanan na niya ng sunod-sunod na suntok ang pagmumukha nito.
Natigilan ang lahat ng naroon sa ginawa niya. Masyadong mabilis ang mga pangyayari at tila walang makagalaw dahil sa sobrang shock.
Siya naman ay hindi na mapigilan ang matinding galit na nararamdaman ngayon. Wala siyang ibang gustong gawin kundi ang patayin si Victor. Sa sobrang galit niya ay halos mabura na ang mukha nito sa kakasuntok niya.
Hanggang sa wakas ay bumalik na sa reyalidad ang mga kaibigan niya at lumapit na ang mga ito sa kanila para umawat.
"Tama na, Prince Wayne! Ano bang nangyayari sa 'yo?!" Sa wakas ay nagawa na rin siyang mailayo ni Raffy mula kay Victor pero kahit ito ay nakaranas din ng matinding suntok sa mukha.
"Magsialis kayo ngayon din sa palasyo! Sa oras na makita ko pang muli ang mga pagmumukha ninyo rito ay papatayin ko kayo!!!" matinding pagsigaw niya.
Nakaramdam naman ng takot ang mga ito kaya naman agad nang umalis ang lahat doon kasama si Victor.
Natataranta na binuhat niya si Lana at inakyat sa kwarto niya para maiwasan na may makakitang ibang bampira sa gagawin niya.
Nang masiguro niya na nakalock na ang pinto ay pinakiramdaman niya kung humihinga pa ba si Lana. Naramdaman niya na may kaunti pang buhay mula rito pero kung wala siyang gagawin ay talagang mamamatay na talaga ito. Hindi niya alam kung bakit pero matinding takot ang nararamdaman niya ngayon. Pakiramdam niya ay kahit buhay niya ay handa niyang ibigay mabuhay lang si Lana. Patuloy din ang pagdaloy ng luha sa mga mata niya at nanginginig maging ang kalamnan na tinaas niya ang suot niyang polo at sinugatan ang sarili para may lumabas na dugo.
Pinainom niya ang dugong iyon sa walang malay na si Lana. Bilang maharlikang myembro ng mga bampira ay may kakayahan sila na pagalingin ang isang pangkaraniwang tao. Iyon nga lamang, magiging kapalit niyon ang ilang araw nilang panghihina kung masyadong maraming dugo ang ibibigay nila kaya naman hindi niya ginagamit ang kakayahan na iyon. Ipinagbabawal din sa kanila ni Prince Stefan na gawin iyon dahil insulto para sa maharlikang angkan na magpagaling sila ng isang hamak na tao lamang pero wala na siyang pakialam doon. Ang tanging mahalaga lamang sa kanya ngayon ay mailigtas niya ang buhay ni Lana...